Share

An Affair With My Stepbrother
An Affair With My Stepbrother
Author: LUZVIMINDA

Sypnosis

Kailanman ay hindi malilimutan ni Elyse Devri ang gabing pinagsaluhan nila ng estrangherong si Zach Perez. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ibinigay niya ang kaniyang sarili sa isang lalaki. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon maging mapusok siya dahilan para mawala ang matagal na nitong iniingatang pagka-birhen. Nagising na lamang siyang hubo't hubad sa piling ni Zach matapos itong mangyari.

Sa kabila ng pagkakamaling kaniyang nagawa ay pinilit niya pa rin na ibaon sa limot ang lahat. Mas minabuti ni Elyse na kalimutan na lamang ang kapusukang pinairal niya ng mga panahong iyon. Maging ang estrangherong nagbigay ng kakaibang sarap sa kaniyang pakiramdam ay unti-unti na nitong inaalis sa kaniyang isipan. Mabuti na nga lamang at hindi naman niya naibigay ang buong detalye ng kaniyang pagkatao. Kapag nagka-ganoon ay siguradong may posibilidad na hanapin pa siya nito.

Ngunit, siguro ay nakatadhana na talaga silang pagtagpuin ulit nang makita niya ito sa hindi inaasahang lugar. Sa pagkakataong iyon ay kapwa namilog ang kanilang mga mata nang ipakilala siya nitong "Stepbrother" ni Elyse.

Hindi malaman ng dalawa ang magiging reaksiyon nila. Tanging pagkagulat ang makukumpirma sa mga mata nila pareho. Lalung-lalo na kay Elyse sapagkat hindi pa nito natatanggap ang mga nakakagulat na pangyayari sa buhay niya. Una na rito ay ang biglaang paghihiwalay ng kaniyang mga magulang. Lingid sa kaalaman niya ay matagal na palang may lamat ang relasyon ng mga ito dahil sa pagiging unfaithful nila sa isa't isa. Ikalawa ay ang pagkakaroon ng mga bagong kasintahan nila pareho. Ngayon naman ay ang pagpapakilala sa kaniyang "Stepbrother" na walang iba kundi ang lalaking naka-devirginize naman sa kaniya.

Para bang pinaglalaruan siya ng tadhana. Ngunit, paano kung mali siya? Paano kung hindi naman pala ito ang estrangherong naka-galaw sa kaniya? Paano kung kamukha niya lamang pala ito? Ikakasaya kaya niya o ikahihinayang niya? Ito rin ang rason kung bakit mas pinili ni Elyse na ma-involve sa kanila. Para masagot ang napakaraming katanungan na nanggugulo sa kaniyang isip.

Ang lahat ay umaayon sana sa plano kung hindi lamang namatay ang kanilang mga magulang sa isang plane crash. Nang dahil dito ay napilitan siyang manirahan sa iisang bubong kasama si Zach. Hindi naman niya pwedeng iwanan ang sariling tahanan nito dahil wala siyang malaking perang naitago. Hindi rin puwede sa kaniyang Ama dahil tuluyan na siyang inabanduna nito. Gustuhin din naman niyang maging independent na lamang ay napaka-delekado. May posibilidad kasi na hindi isang simpleng aksidente lamang ang nangyari sa kanilang mga magulang kundi isang planadong pagpatay. Kaya't kahit ayaw na ayaw niya ay pinilit niya na lamang ang sariling pakisamahan ito.

Alam ni Elyse na darating ang araw na muling magkakaroon ng mainit na tagpo sa kanila ni Zach. Lalo't parati niyang napapansin ang madalas nitong pagtitig ng may malisya sa kaniya. Natatakot din si Elyse na baka muling bumigay ang kaniyang katawan sa parehong lalaki na unang umangkin dito. Ngunit mali, maling-mali na sa pagkakataong ito dahil kaniya na itong kapamilya.

Pagbibigyan niya kaya ang udyok ng mga katawan nila? O mas paiiralin niya ang dikta ng kaniyang isip na gawin ang moral?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status