Share

CHAPTER 4

"Shit, that dream again," napabalikwas ako ng bangon habang hinahabol ang aking hininga.

Ever since I was a teen, I started to have anxiety attacks and bad dreams. I always dreamt of someone who doesn't have a face. His face was blank. And that someone would chase me, of course I'll run because I am scared of what he could do if ever he catch me. At kapag nahabol na n'ya ako at akmang sasaksakin na gamit ang dala n'yang kutsilyo, bigla nalang bumubukas ang mga mata ko. I would always wake up in the morning, panting because of that nightmare.

My family doesn't know that I am having this kind of situation. Even my friends. Hindi naman kasi nila ako tinatanong. Ugali ko na talagang kapag hindi nila tinatanong, hindi ako nagsasabi. I don't want to burden them just because I'm a mess inside. I know I always saying that 'I hate liars' but, I think I didn't lie tho. They didn't ask me such thing. If they ask me, I would answer them honestly.

Huminga ako ng malalim at tiningnan kung anong oras na. Alas sais na pala ng umaga. I prayed before getting off of the bed. Nag yoga ako sandali para ma- relax ako. Dahil doon, medyo pinagpawisan ako. Nagpasya na akong maligo at magbihis para makababa na ako at makapag almusal na kami ni El.

Pagkatapos kong maligo, naupo na ako sa harap ng vanity table ko. I blow dried my hair. After that, I started to fix my face. I could see bags under my eyes. Naglagay ako ng concealer para hindi makita ang eyebags ko. I put pressed powder at lip and cheek tint and I'm done. I am not really a make up kind of girl. Ayokong nilalagyan ng maraming kolorete ang mukha ko. Ang bigat at nakakaurat. 

Napatingin ako sa salamin sa harap ko. Napatitig ako sa aking mukha. I have a nut brown eye color, bow-shaped lips and natural long eye lashes. My hair jet black hair is just above my shoulder. Hhmm, maybe I should dye it into blonde? or maybe chocolate brown? I'll think about it.

After kong ayusin ang mukha ko, namili na ako ng susuotin. Nang makapili ako, pumasok na ako sa walk in closet ko at nagbihis. I looked at my full length mirror. I wore white halter top and high waist ripped jeans and white rubber shoes.

Nang na satisfy na ako sa itsura ko ay lumabas na ako ng walk in closet ko. I checked my bag para masiguradong wala akong nakalimutan. Mamaya siguro mag uuwi nalang ako ng mga ipo- proof read kong manuscripts para bawas trabaho.

Muntik ko pang makalimutang suotin yung kwintas ko na iniregalo sa akin ni El noong unang birthday ko na kasama namin siya. It was an Autumn leaf. Kinuha ko iyon mula sa drawer ko sa may vanity table at isinuot. Saka ako dali daling lumabas ng aking kwarto. 

Bumaba ako ng masigla at parang hindi binangungot. Nakita ko naman si El na nasa kusina, naghahanda ng agahan. Papasok palang ako amoy ko na ang niluto n'yang nuggets, bacon at fried rice. Pagpasok ko ay nilingon n'ya ako at pinasadahan ng tingin ang suot ko. He arched a brow.

"What? you got any problem?" nakataas rin ang isang kilay na tanong ko sa kanya.

He shook his head "Wala naman akong sinabi," tila may nais pang sabihin pero pinigilan nalang.

Tumulong na ako sa paghahain. Naglapag ako ng plato, baso at kutsara. Inilapag n'ya naman ang niluto n'ya sa lamesa. Hhmm amoy palang masarap na. 

Nagsimula na kaming kumain. Napatingin naman ako sa suot n'ya habang ngumunguya. Nakasuot s'ya ng black button down polo na naka tuck-in sa black pants n'ya. Medyo messy ang hair n'ya.

Napatingin s'ya sa akin ng magsalita ako "ako na maghuhugas ng plato..." I volunteered.

"Dapat lang..." He smirked at me. I rolled my eyes at him. Bwiset hindi manlang ako pinigilan. Sabagay, nakakahiya nakikibahay lang ako rito. 

Pagkatapos kong maghugas ng plato ay kinuha na n'ya ang black backpack n'ya. Isinukbit ko naman sa aking balikat ang blue tote bag ko. At lumabas na kami ng condo n'ya. Tahimik lang kami sa elevator. Gamit n'ya nanaman akong phone n'ya at bahagyang nakakunot ang noo. Nang mapansin na nakatingin ako, itinago n'ya ito. I smell something fishy. 

"Is there any problem?" tanong ko.

Umiling naman s'ya sa akin. "Wala naman, ano namang magiging problema ko?"

Nagkibit balikat ako "Ewan ko, nafi-feel ko lang." Mukha naman kasi talaga s'yang problemado. He looked so cold outside but he's really soft and warm inside. Idagdag mo pa ang pagiging mapang asar niya sa aming magkakaibigan.

Sumakay na kami sa itim na Sedan n'ya. Habang nasa biyahe kami, nagtanong ako para hindi naman sobrang tahimik.

"El, na-inlove ka na ba?" I asked to feed my curiousity. I just want to know. He's too private. Well, me also but still, I just want to know.

Nilingon n'ya ako ng bahagya at muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Oo naman..." He swallowed hard. Parang nag iingat sa mga sasabihin n'ya. He seems cautious. "I mean, who doesn't? I am certain that most people have already fell inlove."

Napatango tango naman ako. So, na inlove na pala s'ya. Sana all. Ako kasi pa crush crush lang ng marami. Medyo nakaramdam ako ng kung ano sa puso ko siguro dahil hindi ko alam na na inlove na pala sya pero binalewala ko iyon. 

"Talaga? maganda ba s'ya? anong pangalan n'ya?" sunod sunod na tanong ko. Iho- hot seat kita ngayon!

Nag isip pa s'ya ng mabuti bago sumagot. "Uh, yeah maganda s'ya, kulay black ang buhok n'ya. And you know that feeling like, she's so close to me but it seems she's so far away..." tumingin s'ya sa akin. Tila tinitimbang kung ano ang magiging ekspresyon ko. 

Napabuntong hininga s'ya, "And honestly, I couldn't confess because of her damn principles. I don't have any fucking choice but to wait for the right opportunity to tell her..." I saw him slightly gritting his teeth.

"So.. natotorpe ka sakan'ya?.."

"You could say that. But, well yeah, let's stick to that."

I was speechless. Whoever that woman is, she's so lucky to Elouise. This man beside me, he's too good for any woman. He's a husband and bestfriend material at the same time. You can lean on him. He can comfort you in his own little way. Tumango nalang ako sakanya at ngumiti. 

May mga empleyado na sa opisina. May mga may dalang papel at kung ano ano pa. May mga nakilala na rin akong bagong hired na empleyado.

Pagkaupo ko sa table ko ay nilapitan naman ako nina Rio at Jomarie. Kasabayan rin namin sa noong na hired kami. Sa ilang araw ay naging close kaming tatlo. They tried to approach Elouise pero medyo distant kasi s'ya kaya pangiti ngiti lang s'ya sakanilang dalawa. Nang makalapit ay binati nila ako. 

"Good morning!" sabay nilang bati sa akin. Ngumiti naman ako sakanila.

"Morning.." balik bati ko.

"Kumusta? tapos n'yo na ba yung ipo- proof read n'yo na manuscript?" tanong ko dahil mukhang pa chill chill lang sila.

Sabay silang umiling. "Natatakot akong magkamali nanaman, lagot nanaman ako kay Ma'am Janica. Alam mo naman, sobrang strikta no'n.." sagot ni Rio sa akin. Si Ma'am Janica Del Rosario, ang senior namin na sobrang strikta. Strict s'ya sa amin. Pero medyo lang kay Elouise. May favoritism talaga rito ah.

Sabay sabay kaming tatlo na bumaling sa elevator ng bumukas iyon at iniluwa no'n si Ms. Janica. Strict sya, pero approachable naman s'ya after work. She's just professional when it comes to work. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin. Matanda lang s'ya ng dalawang taon. Matanda lang ng onti si Elouise. Alam ko, late lang nag aral si El, kaya gano'n or nag stop s'ya ng I don't know how many years kaya sabay kaming grumaduate. 

Nang makita nila na si Ms. Janica nga iyon ay bumalik silang dalawa ng mabilis sa mga lamesa nila. Madalas kasi silang dalawang mapagalitan. 

May apat kaming Senior Editor dito; Si Ma'am Amelia, Sir Anton, Ma'am Corinne, at Ma'am Janica. Silang apat pa lang ang nakikilala ko at hindi pa ang Editor in Chief. Ang alam ko, si Ma'am Corinne ang Associate Editor. Siguro sa mga susunod makikilala ko rin ang Editor in Chief namin. Ang balita'y naka leave daw ito.

Napalingon naman ako sa table ni El. Napakunot ang noo ko nang hindi ko s'ya nakita roon. Nasa'n naman kaya iyon? Napailing nalang ako at nagsimula na sa trabaho. Dalawang manuscript itong ie-edit at pagkatapos ay ipo-proof read ko. 

Isinuot ko ang reading glasses ko na bilog ang lenses, parang salamin lang ni Harry Potter. Naka dalawang oras na akong nag-e-edit ng manuscript, hindi pa rin bumabalik si El. Saan naman kaya nagpunta iyon? Wala rin ang mga Senior Editors namin dahil may executive meeting sila. Nasaan naman kaya iyon.

Bago mag lunch natapos ang meeting ng mga seniors namin. Nang pumatak naman ng lunch ay saka ko lang nakita si Elouise na umupo ulit sa swivel chair n'ya. He looks so stressed. Lumingon s'ya sa gawi ko. Tinaasan n'ya ako ng kilay.

"Saan ka nanggaling? Tagal mo bumalik ah." Tinaasan ko rin s'ya ng kilay. 

"Nag ikot lang ako. Tapos nagkape, bakit? may naghanap ba sa akin?" diretsong sagot niya. Umiling ako.

"Let's eat?" aya niya.

"Sige, tara na sa canteen." I said at tumayo na para makakain na kami dahil medyo sumakit ang mata ko at nagugutom na rin talaga ako.

After eating, bumalik na kami agad sa trabaho. Tumigil lang ako nang nag uuwian na ang ibang employees. Aayain ko na sana s'yang umuwi pero napansin kong nakayupyop s'ya sa kanyang lamesa , nakapikit ang mga mata. Nakabaling ang kan'yang ulo sa akin.

He looks so at peace while sleeping. Sana ako rin. Bumaba ang mga mata ko sa ilong n'ya. Matangos rin naman ang ilong ko pero mas matangos ang sakanya. Mukhang pagod nga s'ya. Hindi ba s'ya nakatulog ng maayos kagabi? Ang gwapo n'ya kahit tulog. Kung hindi ko lang s'ya bestfriend, hahayaan ko talagang mahulog ang loob ko sakanya.

Matagal pa akong nakatitig sakanya. Hinihintay s'yang magising. Yumupyop na rin ako habang nakabaling pa rin ang ulo ko sakanya. Pinagmamasdan s'ya.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang mga mata n'ya at nagtama ang mga mata namin. Our eyes locked for a minute. Nararamdaman ko ang mabilis na pintig ng aking puso habang nakatitig sa asul n'yang mga mata.

Ilang sandali pa ay napakurap kurap ako at biglang tumayo para ayusin na ang mga gamit ko. Inilagay ko rin ang tinatrabaho kong manuscript sa tote bag ko. Medyo matagal kasing mag edit at mag proof read nito. Minsan ay 4 to 7 weeks bago matapos ang isang buong novel. 

I cleared my throat.

"Tara na, uwian na. Hindi na kita ginising, mukhang pagod ka e..." tumango naman s'ya at tumayo na rin. Inayos n'ya ng bahagya ang buhok n'ya at kinuha na ang backpack n'ya.

Sabay kaming sumakay ng elevator. Habang nasa loob ay tinanong ko s'ya. "Pagod ka ba? kaya mo pa ba? mag-go-grocery ako mamaya magpapalit lang ako ng damit sa condo tapos bababa rin agad. Matulog ka na muna pag uwi natin... You look so worn out."

He immediately shook his head. Declaring of his disapproval. "Sasamahan na kita..."

Kumunot ang noo ko. Bakit ayaw n'ya pang magpahinga e mukhang puyat at pagod naman s'ya.

Friday naman ngayon at walang pasok bukas. Tumango nalang ako dahil desidido talaga s'yang samahan ako.

Pagdating namin sa condo ay umakyat agad kami at pumasok sa kanya kanyang kuwarto para makapagpalit sandali ng damit. Nagsuot nalang ako ng oversized black t-shirt na may nakasulat sa gitna na 'Back-off' at isang color black na dolphin shorts dahil d'yan lang naman sa labas nitong building ang grocery store at sandali lang naman kami. Pagbaba ko ay nakita ko s'yang nakasuot na ng color dark blue na v-neck at itim na sweatpants.

S'ya ang nagtutulak ng grocery cart habang nakasakay ako roon. Kasya naman ako dahil skinny ako pero may shape pa rin naman ang katawan ko. Inaabot n'ya sa akin lahat ng kailangan naming bilihin. Nang nangalay na ako sa kakasakay sa grocery cart ay bumaba na rin naman ako habang inaalalayan ni El. 

Magkatabi kaming pumila sa counter. Nang kami na ang nasa harapan ay ngumiti sa amin si Ate na nasa counter.

"Ang cute n'yo naman po, Ma'am.. bagay po kayo si Sir..." the woman in the counter smiled.

Napakurap kurap naman ako sa sinabi ni ate. Umiling naman agad ako sakanya. "Uh, hindi ko po s'ya boyfriend ate... Bestfriend ko po s'ya..."

"Ay gano'n po ba ma'am, sayang naman at bagay na bagay kayo ni sir..." humalakhak s'ya. Tahimik naman si El sa tabi ko nang tiningnan ko s'ya, he's scowling at me. What did I do?

Bumalik kami agad sa condo. Inilagay ko sa cupboard ang mga pinamili namin. S'ya naman ang naglagay sa ref noong iba. Pagkatapos no'n ay nagluto na ako ng hapunan.

Nagluto ako ng pork cutlet. Para hindi masyadong hassle dahil parehas kaming pagod sa trabaho. Naghanda naman s'ya ng mga kubyertos sa lamesa. Inilapag ko ang niluto ko sa lamesa at kumuha ako ng pineapple juice sa ref saka naupo na. 

Kumuha ako ng kanin at noong ulam. Ganoon din s'ya. "Masarap ba?" tanong ko para may mapag usapan naman kami.

"Oo.. pwede nang pagtiyagaan.." Nginisihan n'ya ako. Napasimangot tuloy ako. 

Sinamaan ko s'ya ng tingin. Isinubo ko ng buo iyong cutlet na tinusok ko ng tinidor habang masama pa rin ang tingin sakanya. Inilayo ko 'yong niluto ko sakanya. Pwede nang pagtiyagaan?! masarap kaya luto ko! Habang masama ang tingin ko sakanya ay tuloy pa rin ang pagtawa n'ya.

Pinisil n'ya naman ang pisngi ko. "Just kidding.. masarap nga sobrang sarap.. kailan ba hindi?.." bawi n'ya sa sinabi n'ya kanina at pilit na kinuha sa akin ang platong may lamang ulam.

"Bwiset ka, sinasaktan mo ako," ngumuso ako na parang bata.

Natawa naman s'ya sa sinabi ko "I"m sorry, okay? you cook well." pag-aalo n'ya sa akin.

Hinawi ko 'yong kamay n'yang nakapisil sa pisngi ko. "Ayoko nga... 'pag dinalhan mo ako ng donuts na bavarian flavor, bati na tayo.." itinaas baba ko ang dalawa kong kilay at ngumiti ng matamis sakanya.

"Ayoko, I'm broke..." he crossed his arms.

Sumimangot ulit ako sakanya "Edi hindi pa rin tayo bati.. kala mo ha.." inirapan ko s'ya.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako agad at hinayaan s'yang maghugas ng pinggan doon. Pinanindigan ko kunwari ang pagtatampo ko, kahit ang totoo'y bukas bati na ulit kami.

Nag-phone lang ako. Binuksan ko rin ang iba kong social media accounts. At nireplyan ko rin kung may nag message or email sa akin.

Medyo nagulat pa ako ng may kumatok sa kwarto ko. 10 na ng gabi ah. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at inilabas ko ang ulo ko. Nang nakita kong si El iyon ay nagtataka akong tumingin sakanya.

"Hey, what's up.." sabi ko sa mahinang boses habang nakatingin sa mga mata n'ya.

Ngumiti s'ya sa akin saka itinaas ang isang box na dala n'ya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang donuts iyon.

His lips stretched for a smile. 

Beat.

"Donuts.. for you..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status