"WELCOME to Paradise Island, Calley!" magkasabay na bati ni Maggy at Tristan sa kaniya.
Iyon ang first day niya bilang receptionist sa Paradise Island, at ang dalawang iyon ang makakasama niya sa morning shift. Si Tristan ay isang handsome gay, samantalang si Maggy naman ay maganda na may jolly attitude. Mabilis niyang nakasundo ang dalawa dahil mababait ang mga iyon.
"Thank you guys," kimi niyang tugon sa dalawa.
"Ay o? Anak mo 'to, sis? Ang cute-cute!" si Tristan habang nakatingin kay Callyx.
Nasa isang sulok ang musmos habang nagkukulay ng drawing book nito sa maliit na mesa. Thankful din siyang napaka-behave ng kanyang anak kaya hindi niya ito kailangang intindihin habang nagtatrabaho. Nagbaon na lang siya ng toys at food nito in case na magutom ang anak.
Ipinagpapasalamat din niyang napaka-considerate ng management nang payagan siyang isama si Callyx habang nagtatrabaho, lalo pa noong nalaman ng mga iyon na tanging sila na lang ng kanyang anak ang magkasama sa buhay.
"Oo, si Callyx," sagot niya saka binalingan ang anak, "Baby, mag-bless ka kay Tito Tristan at Tita Maggy," aniya sa paslit.
Kaagad naman tumalima ang anak. Tumayo ito saka lumapit at nagmano kay Maggy at Tristan. "Hello po, Tita Maggy," anang Callyx 'tapos ay bumaling naman kay Tristan, "Hello po, Tito Tristan."
"Oh my god!" exaggerated na sabi ni Tristan sabay hawak pa sa ulo ni Callyx, "Just call me Tita Tristan not Tito. Okay, baby?" maarteng dagdag pa nito sabay flip ng maiksing buhok.
"Loka ka talaga, Tristan!" mahinang singhal naman ni Maggy. Mabuti na lang at alas-otso pa lang 'yon ng umaga kaya wala pang masyadong guests ang nasa lobby ng hotel. "Kino-corrupt mo na agad ang isip ng bata. Malay ba niyang beki ka? Itigil mo 'yang imagination mo. Wala kang matres, Bhe!"
Hindi mapigilang matawa ni Calley sa dalawa, habang si Callyx naman ay walang kamuwang-muwang na nakatingin lang sa mga ito. Inirapan lang ni Tristan ang sinabi ni Maggy. Halatang close na close na ang mga ito.
"Hello, baby! I'm your gorgeous Tita Maggy," dagdag pa ni Maggy sa musmos.
Hindi pa ito nakuntento, hinalikan pa nito sa pisngi si Callyx. Napangiti naman ng kimi ang paslit, halatang nahihiya sa dalawang sa babae. Pero matapos niyon, bumalik na rin ito sa mesa at itinuloy ng tahimik na pagkukulay.
"So, ano girl? Super gwapo ni Sir Zayne 'no? Grabe! No'ong first time kong makita si Sir, nag-wet 'yong pempem ko, shocks!" si Maggy na halatang kinikilig bagaman hindi pinahalata. Nag-umpisa na rin kasing dumami ang mga guest na nasa lobby ng hotel at kasalukuyang nasa café.
Napakalaki at talagang napakaganda ng Paradise Island Hotel. Limang palapag ang paikot na gusali na pawang yari sa makapal na salamin ang wall. Kaya naman mula sa silid ng mga guests, kitang-kita ang napakagandang dagat ng naturang isla.
Sa gitna naman kung saan nakapaikot ang hotel, naroon ang mga swimming pool. Pati na rin ang malaki at makulay na water slides na talagang pinakasentro ng atraksyon, na humigit kumulang 50 feet ang taas.
Ngunit ang higit na nakapagpaganda sa naturang resort ay ang mangasul-ngasul na dagat nito na nasa north side ng hotel. Hindi lang iyon, makatawag-pansin din ang napakaputing buhangin ng isla. Mayroon ding mga cottages na yari sa kawayan ang nasa paligid niyon. Para kay Calley, literal na paraiso ang Paradise Island. Napakaganda niyon at talagang walang katulad.
"At saka super bait pa!" segunda naman ni Tristan sa kaniya.
Napatango naman si Calley sa mga ito. Totoo naman kasi ang sinabi ng dalawa. Ang kanilang CEO na yata ang pinakaperpektong lahi ni Adan. Bukod doon, nalaman din niyang napakabait pa nito sa lahat ng empleyado. Patunay lang niyon ang mga tauhan ng hotel na nakausap at nakasalamuha niya.
"Pero mas gwapo pa rin si Sir Zack. Kaya lang, kinulang sa bait," mayamaya'y sabi ni Tristan.
"Good morning Sir, Ma'am. How's your stay on Paradise Island?"
Mula sa pagbati sa mga hotel guests ay ibinaling ni Calley ang tingin dito. Hindi kasi pamilyar sa kaniya ang pangalan na binanggit ni Tristan. "Sinong Sir Zack?" curious niyang tanong.
"Si Sir Zeus Zachery Sancho, siya 'yong owner ng Sancho Group of Companies. Elder brother ni Sir Zayne," singit naman ni Maggy habang nagsusulat ng kung ano sa maliit na papel, "at tama si Tristan, mas gwapo si Sir Zack ng 'di hamak. Hindi lang basta gwapo, as in gwapo talaga! Kaya lang napakasuplado. Palibasa, 'di maka-move on sa pang-iiwan ng jowa."
Biglang nabuhay ang kuryosidad ni Calley dahil sa narinig. Kung ganoon, may nakatatandang kapatid pa pala ang kanilang CEO. At base sa narinig niya sa dalawa, hindi kagandahan ang ugali nito. Kaya ba wala siyang narinig na kahit ano tungkol dito mula sa mga empleyado?
"Talaga ba? Ganoon kasama ang ugali niya?" usisa niya na kay Tristan nakatingin. May guest kasi na nagpa-check in kay Maggy.
"Yes, Ateng! Pinaglihi yata sa sama ng loob ang Lolo mo," maarteng sagot ni Tristan. "Ang sabi pa sa chismis, kaya raw hindi magkasundo ang magkapatid dahil nagkaroon daw ng affair si Sir Zayne sa jowa ni Sir Zack kaya naghiwalay ang dalawa."
"Kaya 'ayun ang Sir Zack, 'di pa yata nakaka-move on kaya parating akala mo, pinagsakluban ng langit at lupa. Always pang naka-all black. Emo-emohan ang peg," muling singit ni Maggy sa kanila.
Napatango-tango na lang si Calley sa narinig tungkol sa hindi pa nakikilalang may-ari ng Sancho Group of Companies. Nadagdagan din ang pagnanais niyang makilala ang lalaki dahil talagang nabuhay ang kuryosidad niya para rito.
MATAPOS ang nakakapagod ngunit masayang araw para sa first day ni Calley sa Paradise Island ay hayun siya, nakabihis ng one-piece swimsuit na kulay itim na labas ang likod at dinoblehan ng maikling shorts bilang pang-ibaba.
Alas-nueve na iyon ng gabi pero balak niyang maligo sa dagat. Hindi naman ipinagbabawal sa kanilang mga empleyado ang maligo sa dagat at magliwaliw sa resort, as long as hindi sa oras ng trabaho.
Niyaya nga niyang maligo sina Maggy at Tristan pero tumanggi ang mga ito. Sawa na raw ang mga ito sa paliligo sa dagat. Napag-alaman niyang may tatlong taon na palang nagtatrabaho ang dalawa sa naturang resort.
Hindi naman niya maaaring isama si Callyx, natulog na kasi ang anak matapos nitong makapaghapunan. Marahil ay napagod ito kanina kalalaro. Kaya ipinasuyo na lang niya sa dalawa na bantayan ang kanyang anak.
Tutal ay magkakatabi lang naman ang kanilang mga kwarto na nasa employees quarters na matatagpuan east side ng hotel. Mayroon din silang employees lounge kaya talagang enjoy ang mga empleyado sa pagtatrabaho sa Paradise Island. Kung iisipin, para lang silang nagbabakasyon habang kumikita.
Gamit ang itim at manipis na shawl na ibinalabal niya sa kanyang balikat at puting towel na pamunas, tinungo ni Calley ang tabing-dagat. Namangha pa siya nang makitang napakaganda ng ilaw sa mga cottages na nasa paligid ng resort. Nagmistulan iyong Christmas lights dahil sa iba't-ibang kulay at disenyo niyon.
May nakasindi ring bonfire sa gitna ng buhanginan na nakadagdag sa liwanag ng paligid, kung saan may mga kabataan na kasalukuyang nagkakasiyahan.
Kaagad naghanap si Calley ng bahagi ng beach na wala masyadong tao. Gusto kasi niya iyong tahimik para ma-enjoy niya ang ambiance ng naturang lugar. Isa pa'y hindi siya sanay sa crowd. Mas gusto niyang mag-isa dahil mas feel niya ang peacefulness kapag ganoon.
Habang naglalakad sa tabing-dagat, pinagmamasdan ni Calley ang malaki at bilog buwan ng gabing iyon. Dahil din sa buwan kaya kitang-kita niya ang tahimik na dagat. Napakarami ring bituwin na talagang kay gandang pagmasdan sa madilim ngunit maaliwalas na kalangitan.
Malamig at sariwa ang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat pero hindi iyon naging hadlang para mapigilan siyang maligo na dagat. Sa halip, mas lalo siyang na-enganyo na magtampisaw sa tubig.
Nang makarating sa bahagi ng beach na bahagyang madilim at malayo sa karamihan, ipinasya ni Calley na doon pumuwesto. Inilapag niya ang tuwalya at shawl sa wooden bench saka hinubad ang flipflop at patakbong tinungo ang dagat.
Pinagsamang lamig at init ang temperatura ng tubig-dagat ng oras na iyon kaya pakiramdam niya ay naginhawan ang kanyang katawan. Hindi niya alintana ang lamig na dulot ng simoy ng hangin at patuloy lang siya sa paglangoy.
Minabuti rin niyang 'wag nang magpakalayo-layo sa paglangoy. Delikado na rin kasi kung pupunta pa siya sa bahaging malalim lalo pa't madilim na. Kaya naman nagkasya na lang siya sa hanggang dibdib na taas ng tubig.
May ilang minuto rin siyang lumangoy at sumisid nang magpasya siyang umahon muna at magpahinga. Lakad-takbo niyang tinungo ang bench pero napatda siya nang mapansing may pigura ng tao ang nakaupo sa buhanginan malapit sa kaniya.
May ilang sandali ring pinagmasdan ni Calley ang tao para sana aninagin ang mukha nito, pero bigo siyang makita. Palibhasa'y tanging liwanag lang ng buwan ang tumatanglaw sa paligid kaya ang maputi nitong balat lang ang litaw ng mga sandaling iyon. Ayon din sa pustura ng katawan nito, isa itong lalaki na marahil ay nakausot ng purong itim.
Kanina pa kaya siya d'yan? Pero bakit hindi ko napansin? Ang creepy naman... wala sa sariling saad ni Calley sa kanyang isipan habang nakapako ang paningin sa lalaki.
"It's rude to stare, woman..."
Napakislot si Calley nang marinig iyong magsalita. Bumilis ang tibok ng kanyang puso na para bang gusto nitong lumabas sa kanyang rib cage. Pakiramdam din niya ay nanigas ang kanyang katawan at hindi makakilos.
Bakit ganoon ang reaksyon ng kanyang katawan? Bakit kinakabahan siya?
"I-I'm sorry... nagulat kasi ako. A-Akala ko, ako lang ang tao rito kanina," hinging-paumanhin ni Calley nang makahuma sa pagkabigla.
Ngunit sa halip na sumagot, pinanood lang niya ito ng tumayo mula sa buhanginan at isa-isang dinampot ang basyo ng lata na sa hinuha niya ay beer. Matapos niyon ay tumalikod na ang lalaki at iniwan siya. Nagulat pa siya nang mapansing may cottage pala sa likuran niya. Pumasok ito doon at binuhay ang ilaw sa loob niyon.
Kaya pala hindi ko napansin kanina, madilim kasi ang loob ng cottage, aniya sa isipan habang nakatingin pa rin sa direksyon nito. Guest kaya ng hotel ang lalaking 'yon? Bakit ang weird niya?
Pero ang higit na naagaw sa kuryosidad ni Calley ng mga sandaling iyon ay nang mapagtantong tila narinig na niya ang boses ng lalaki noon. Hindi nga lang niya matandaan kung saan.
Saan nga kaya?
UMAGA pa lang ngunit napakarami ng guests ng Paradise Island ang nagtse-check in. Ang karamihan ay mga dayuhan na nais makita ang natatanging ganda ng Pilipinas, partikular sa Coron, Palawan.Halos hindi na nga magkanda-ugaga si Calley, Maggy, at Tristan sa pageestima sa mga hotel guest. At kahit iyon pa lang ang pangatlong araw ni Calley bilang receptionist, gamay na niya ang trabaho. Kayang-kaya na niyang sumabay sa dalawang kasamahan.“Good morning, Ma’am, Sir! Welcome to Paradise Island Hotel and Resort,” masiglang bati ni Calley sa dalawang foreigner na sa hula niya ay mag-asawa.Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya pagkatapos ay sinabing nais nitong mag-check in ng one week. Wedding anniversary kasi ng mag-asawa at doon nito gustong i-celebrate ang nasabing okasyon.Matapos i-assist ni Cal
ISANG linggo na si Calley sa Paradise Island Hotel and Resort at nagawa na niyang makapag-adjust sa kanyang trabaho pati na rin sa working place. Natutuwa rin siyang makita kay Callyx na nag-e-enjoy ito sa lugar. Paano’y bukod sa napakaganda ng nasabing resort, talaga namang sariwa ang hangin na nalalanghap. Hindi ‘gaya sa Metro Manila na polluted na ang hangin.Bukod doon, masaya rin siya sa pagtatrabaho dahil kina Maggy at Tristan na itinuring na rin niyang mga kaibigan. Isa pa'y mabait din ang iba pa niyang colleagues, maging ang kanilang hotel manager na si Ms. Debby.Iyon nga lang, hindi rin maiwasang mainis ni Calley sa t‘wing naiisip niyang mayroon na siyang memo dahil lang sa hindi niya sinasadyang maistorbo ang ‘pamamahinga’ ng kanilang big boss. As if naman alam niyang restricted area pala ‘yon. Wala naman kasing nakapags
SIMULA noong makatanggap si Calley ng sulat at bulaklak sa hindi nakikilalang lalaki, naging regular na ang pagpapadala nito ng kung anu-ano sa kaniya. Nagsimula na tuloy siyang ma-curious sa kanyang secret admirer.Naging malaking palaisipan sa kaniya kung sino ang lalaking nasa likod niyon. Bukod pa roon, hindi rin niya maiwasang mag-asam na baka galing iyon sa ama ni Callyx. Sapagkat ang inisyal na “Z” na nakalagay sa mga sulat ay kapareho ng pangalan na ipinakilala ng ama ni Callyx nang gabing ipinagkaloob niya ang kanyang sarili rito.Ngunit posible nga kaya? Iyon nga kaya ang ama ni Callyx? Pero bakit kailangan pa nitong idaan sa ganoon ang lahat? Bakit hindi na lang ito magpakita sa kaniya at magpakilala? Alam kaya nito na nagkaroon sila ng anak?Nahulog sa malalim na pag-iisip si Calley
IT WAS already ten o'clock in the evening, but Zack was still on the beach. Nakasandal ang likod sa wooden bench at tahimik na tinatanaw ang payapa at madilim na dagat. May mangilan-ngilang bituwin sa kalangitan pero hindi niya makita ang buwan. Siguro ay nagtatago sa likod ng makakapal na ulap.He loves darkness. He also loves to be alone. Ayaw niya ng destructions kaya sa Palawan niya napiling manirahan five years ago, kahit nasa Manila ang main office niya. Well, that was okay. Consistent naman ang pagre-report ni Zayne sa kaniya about the company status, etcetera.Aside from that, kaya niya napiling manirahan sa Coron ay dahil gusto niya ng payapa at simpleng buhay—malayo sa kanyang Daddy—malayo sa frustrations niya sa buhay. Iyon nga lang, sa kamalas-malasan, doon din mismo ipinadala ng kanyang magaling na ama ang stepbrother niya.Alam niya
MASAKIT ang ulo ni Calley kinabukasan at mabigat ang kanyang pakiramdam. Pero kahit ganoon, pinilit pa rin niyang bumangon sa kama at mag-asikaso na sa pagpasok.Kailangan niyang pumasok kahit araw iyon ng kanyang day-off. Nagtext kasi sa kaniya ang kanilang manager na si Ms. Debby na kailangan niyang pumasok dahil kulang ang tauhan ng hotel para sa araw na iyon.Alas-cinco pa lang ng umaga-iyon ang karaniwang oras niya ng gising kahit alas-otso pa ang kanyang pasok. Maaga kasi siyang naghahanda ng agahan nilang mag-ina. Matapos niyon, mga bandang ala-sais ay maliligo na siya, at pagdating ng ala-siyete impunto saka niya gigisingin ang anak para maligo at mag-almusal.Ganoon ang everyday routine nilang mag-ina at aaminin niyang doble ang kanyang pagod araw-araw. Totoong napakahirap pagsab
“A-ANO kasi...”Hindi maipaliwanag ni Calley kung bakit ganoon na lang ka-weird ang pakiramdam niya habang malapit sila sa isa’t isa ng lalaki. Kinakabahan siya nang husto pero alam niyang hindi dahil sa takot. Pero para saan naman kaya?“What?” Inis na talaga ang tinig ni Zack nang sabihin iyon. Napaatras tuloy siya ng mga isang metro mula rito. At kahit hindi niya masyadong nabibistahan ang mukha ng gwapong boss, alam niyang nakakunot-noo ito habang nakatunghay sa kaniya.“I-Ibibigay ko lang po sana ito, Sir Zack,” utal-utal niyang sabi sabay lahad ng kahon ng kanyang freshly baked cookies. “What
MATAPOS matanggap ni Calley ang sulat na iyon, kung anu-anong katanungan na ang naglalaro sa kanyang isipan.Sino kaya ang nagpadala niyon? Ang big boss ba ng Sancho Group of Companies na si Zack? Ang lalaki lang naman kasi ang kanyang nakaalitan noong nakaraang gabi.Pero bakit inisyal na “Z” ang nakasulat na pangalan ng sender niyon, kapareho ng inisyal ng kanyang misteryosong secret admirer? Maaari kayang iisa lang ang mga ito?Ayaw niyang mag-assume na maaaring kay Zack nga nanggaling iyon. Dahil unang-una, mainit ang dugo ng lalaki sa kaniya. Patunay niyon ay ang ilang beses na nitong pag-aakusa sa kaniya bilang iresponsableng ina.Pangalawa, for her, hindi ang ‘tulad nito ang gagawa ang ganoong bagay. Si Zack ay ang tipo ng lalaki na pinapangarap ng lahat— gwapo, mayaman,
Dear My Dearest Calley, I hope I have a chance to dance with you tonight. Love,ZMATAPOS mabasa ni Calley ang nilalaman ng sulat na iyon mula sa misteryosong admirer niya, kaagad niyang naisip si Sir Zack. Bagaman may agam-agam siya kung ito nga ba ang lalaking nagpapadala ng mga iyon sa kan’ya, hindi niya maikakailang magkahalong kaba at saya ang kanyang nararamdaman. Posible nga kayang ikaw ang Z na&n