Dali daling pumasok si Mj sa silid dahil ilang minuto na itong late, nag sisimula na ang klase. "Bakit ba naman kase ganito kahirap sumakay sa Maynila ang aga aga kong pumasok tapos na late pa rin ako dahil sa traffic" pagsisisi ni Mj sa traffic dahil nahuli ito ng limang minuto. Hindi nya tuloy naumpisahan ang klase. Ilang buwan na ring ganito ang problema ni Mj sa pag pasok. Kahit maaga na siyang umalis mula sa opisina nahuhuli pa rin siya dumating sa eskwela. "Oy Mj bukas kailangan natin gawin ang thesis makakapunta ka ba?" tanong ni Bryan ang bading nitong kaibigan sa eskwela "Pwede bang sabado na lang, may pasok kase ako Monday hanggang Friday, kahit ako na lang ang gagawa ng kailangan gawin" pag dadahilan ni Mj na parang nagmamakaawa ang mata nito. "Ay yon naman pala eh" sabay napa palakpak ang kaibigan sa narinig na ito mula kay Mj Tuwang tuwa sila dahil hindi na sila mahihirapan mag isip pa, si Mj na ang bahala gumawa ng lahat. Gaya ng dati siya din ang gumagawa ng home w
Maaga gumayak si Mj para mag linis sa kuwarto ni Scott. Ngunit late na sila naka tulog kagabi kaya nagdadalawang isip ito na baka tulog pa ang binata. Pag katok nito sa pintuan. Tok! Tok! Tok! Walang sumasagot. Dinikit nito ang tenga sa pinto at pinakinggan kung may maririning na ingay mula sa loob. Ngunit wala siyang madinig. Pag labas naman ni Madame Maia ng kuwarto nakita niya si Mj sa pinto. "Anong ginagawa mo diyan?" anito "A-ah eh, iniisip ko po kasi baka tulog pa si Sir Scott sa loob kaya nahihiya ako pumasok bigla. Wala kase sumagot sa pag knock ko" pag dadahilan ni Mj "Wala na siya diyan maaga siya lumalabas pag walang pasok para mag jogging" ani Madame na may halong pag susungit Tumango lang naman si Mj kay Madame bilang pag galang dito saka tumalikod ito ng makitang lumakad na papalayo ang amo sa kinaroroonan niya. Binuksan na niya ang kuwarto saka siya pumasok hila-hila ang vacuum cleaner at dalang pamunas. Wala nga ang kanyang boss dito. Hinawi niya ang kurtina upa
Sa pangyayaring ito ay badshot na si Mj kay Mica. Pag-alis ni Mica sa silid ni Scott dumiretso ito sa hardin kung saan laging naroon sina Madame Maia at Don Rodrigo. Lagi nandito ang mag-asawa upang mag pahangin. Pag tungo ni Mica doon ay natagpuan nga niya ang mag-asawa. Nag-i spray ng halaman niyang Variagate Monstera Deliciosa si Madame habang si Don Rodrigo naman ay nagbabasa ng magazine. "Tita can we talk?" anito sa matanda Ngumiti lang naman ang matanda at lumapit ang dalaga sa kanya. Isinalaysay nito ang nakita nadatnan nito sa kuwarto ni Scott. Anito nagkaka mabutihan na ang dalawa dahil kay Mj. Si Mj ang pilit lumalapit sa binata. Hindi naman maiwasan sa mukha ng matanda ang mainis kay Mj. Ngunit si Don Rodrigo naman ay walang pakialam sa dalawang nag-uusap. Matapos mag-usap ang dalawa ay umalis na ang dalaga. "Wag ka nang mag-alala Hija ako na ang bahala" ani Madame sa papaalis na dalaga. Ngumiti naman ang dalaga habang ito ay humahakbang papalayo sa kinaroroonan
Nasa 3rd Year College noon si Mj sa kursong Business Management ng mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Mag kasabay na nawala ang magulang, kaya naman hirap siya itaguyod ang pamilya. Isang taon na lang at makakatapos na siya. Meron siyang dalawang kapatid na kasalukuyang nag-aaral sa elementarya at Highschool. Siya na ang tumatayong bread winner ng pamilya. Nag-aaral siya habang nag ta-trabaho sa isang karinderya sa malapit lang sa Baranggay nila. Hirap man sa buhay ay sinisikap niya dahil siya na lang ang inaasahan ng kanyang mga kapatid. Si Nicole ang sumunod sa kanya na matatapos na sa high school. At si Jepoy naman malapit na rin tumungtong ng high school. Kaya doble kayod ito para mapag tapos lang ang mga kapatid niya. Dahil nga sa hirap ng buhay at liit ng sweldo na natatanggap niya sa pag titinda. Nag pasya si Mj pumunta ng Siyudad para duon mag trabaho, bakasyon noon at walang pasok. Sinabi kase ng kaibigan niyang si Janna nag hahanap ng kasambahay ang amo ng
Umaga ng Lunes, maagang nagising ang mga kasambahay sa Mansion. "Mj, Mj" pag gising ni Aling Loring kay Mj "Bumangon ka na diyan at maaga gumagayak si Sir Scott papuntang oposina niya" "Opo, Opo hindi ko namalayan tanghali na pala" sagot ni Mj sa pag mamadali sa pagbangon. Pagka gayak ay lumabas na din agad ito papunta sa kusina dahil nandoon ang pamilya kumakain. Nakatayo sila sa likod ng mesa, naghihintay matapos sa pagkain ang mga amo. "Ito na kaya si Sir Scott?" tanong sa isip ni Mj "Ang gwapo naman pala niya, napakalinis sa katawan, mukhang ang bango bango" kilig na naramdaman nito Habang may mga tanong sa isip ni Mj, hindi niya namalayan na tinatawag siya ni Scott. Siniko siya ni Aling Loring na kinagulat naman nito. "Anong pangalan ba niya?", tanong ni Scott na tinutukoy si Mj nakatingin sa kanya. "Mj po sir" sagot naman ni Aling Loring sabay siko kay Mj "Yes po sir? Mj po ang pangalan ko" sagot nito"Bakit naman parang ang lalim ng iniisip kase ni Mj" tanong ni D
Si Scott ay isang Ceo sa kanilang kumpanya sa Maynila. Isa sila sa mayaman sa bansa, may mga negosyo sa iba't ibang lugar. Kilala ang kanilang pamilya "Pamilya Hernandez", maging sa karatig bansa ng Pilipinas ay kilala sila dahil sa mga karangalan na binigay ni Scott sa pamilya nito at maging sa mga naging eskwelahan niya. Sa kanila ang Samsung Philippines kaya naman kilalang kilala siya ng mga artista, maging ng mga endorsers at mga sikat na model. Abala ang araw ni Scott, pagod ito sa trabaho matapos siyang umattend ng limang meeting sa isang araw. Nakipag meet din siya sa magiging model ng bagong unit na i-launch nila ngayon taon. Mapili siya sa mga nagiging modelo ng kanilang produkto. Ayaw ng basta bastang modelo lang. Pihikan sa gamit pihikan din sa tao. Tok! Tok! "Sir, mauuna na po ako" sabi ng secretary ni Scott"Oh, yes go ahead. I will finish this work, then will go home na din" sagot ni ScottWalang sinasayang na araw, walang sinasayang na oras. Matapos nga ang trabaho
Pangalawang araw ng trabaho ni Mj sa mansion. Gusto niya maging maayos ang pag tingin ng mga amo niya sa kanya. Kaya pag bubutihin niya ang trabaho. Pababa ng kwarto si Scott halos nagka sabay sila papunta ng kusina para mag-agahan ang pamilya. "Good Morning Sir" pag bati ni Mj Scott smiled. Biglang may kilig na naramdaman si Mj dahil first time niya nakita ang Boss niya na ngumiti. Unang araw niya kase masungit ang pag salubong sa kanya. Dumiretso na nga sila sa dining, nandoon na rin ang mag-asawang Maia at Rodrigo."Good Morning Sir" bati ng mga kasambahaySamantala habang kumakaen ng agahan pamilya ay nabanggit ni Madame Maia na parating ang kapatid ni Scott na Sunny bukas ng gabi. Galing ito sa ibang bansa umattend ng business meeting. Pinaalam niya sa mga kasambahay para makapag linis sa kwarto nito. "Scott how was the meeting with the models?" tanong ni Maia kay Scott"It went well Ma! Medyo tiring ang araw ko kahapon but everything is ok. We just need to finalize the dat
Panibagong araw, panibagong buhay, pag-asa at hinaharap para kay Mj. Ilang lingo na nga rin simula ng makapasok siya sa mansion ng mga Miller. Subalit nalalapit na rin ang araw ng pasukan nila sa probinsya. Naiisp niya tuloy kung itutuloy niya ba ang pag-aaral doon or hihinto na lang siya para mag-trabaho. Subalit ano ba ang mangyayari sa kanila ng mga kapatid niya kung hindi siya mag tatapos ng pag-aaral. Hindi rin gugustuhin ng mga magulang niya na huminto siya ng pag-aaral kung nabubuhay pa ang mga ito. Matinding pag-iisip at desisyon ang gagawin ni Mj para dito. Nakasalalay ang pangarap ng mga kapatid niya sa kanya at syempre nasa kamay niya din kung magiging maganda ang buhay dahil siya ay nakapag tapos. Samantala pinag-iisipan niya na rin kung maaari bang siya lumipat ng school na lang habang nagta trabaho kasabay ng pag pasok sa school para hindi na siya lumayo at maghanap na naman ng panibagong trabaho sa probinsya. Umaga noon, nag-aagahan ang pamilya. Kumpleto sila ngayon dah