Share

Chapter 30

Kahit magsalubong pa ang mga kilay ni Gabriella ay hindi nagpapigil si Rey Jhon na gawin ang gusto niya. Kahit ano pang sabihin nito, buo na ang kaniyang pasya na gagawa siya ng paraan para mabalik sila sa dati at magkaroon ng 'sila'. Kung 'label' na lang ang kulang sa kanilang dalawa, gagawa siya ng paraan.

Nagpalabas siya ng matamis na ngiti at nagpakawala ng hininga pagkatapos. Kaharap niya ang saradong pinto at handa na siyang hawakan ang door knob. Kanina pa nakalabas ang lahat ng mga estudyante sa computer laboratory kaya mag-isa na lang siya sa apat na sulok ng silid na ito.

Agad na yumakap ang malamig na door knob sa kaniyang palad. Tila naging musika sa kaniyang pandinig ang ingay na nalikha ng door knob nang nabuksan niya ang pinto. Pero mas naging musika ang mga ingay nang pumalit ang mga tawa ng mga estudyante sa labas. May nagtatakbuhan at may mga nag-uusap na hinahaluan pa ng tawa. Pero nang makita siya ng mga bata, ang ilan ay tumahimik at yumuko. Pero ang iba ay kinaya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status