Hello po, sobrang salamat sa mga nagbabasa at nagvi-view po nito. Kapag nakaluwag-luwag na ako ay mas dadalasan ko ang pag-uupdate dito kaya huwag po kayong magsawang basahin ang update ko at i-add ang story ko sa library ninyo. God bless po!
SABRINA’S POV Maaga akong nagising kinabukasan dahil may meeting pa ako mamaya sa Wilson Hope Corporation and may interview pa ako para sa isang TV network. Tiningnan ko muna si Hope na mahimbing pa din ang tulog sa tabi ko saka ako nagdesisyong bumangon na. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin sa loob ng banyo. Limang taon na ang nakakalipas at marami na rin ang nagbago sa akin. Sa estado ko ngayon, hindi na makikita sa akin ang bahid ng isang Sabrina Cruz. Napatitig pa ako sa sarili ko ng ilang sandali bago ako nagdesisyong gawin ang morning routine ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina upang magluto ng agahan namin ni Hope. Dito kami tumuloy sa condo na binili ko two years ago since pinapaayos ko pa ang mansion namin. “Good morning, mommy.” Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi ng maramdaman ko ang pagyakap ni Hope sa baywang ko kasabay ang pagbati niya sa akin sa malambing na boses. Iniikot ko ang aking sarili upang harapin siya. “Good morning, sweetie,” bati
SABRINA'S POV“For my competitors, I don’t feel threatened at all. As I’ve said, I work hard for this, so I’ll never back down. So, to you, prepare yourself because I will win this game with flying colors…” tugon ko saka ngumiti sa kanila.Sunod-sunod na flash naman mula sa camera ang tumapos ng interview ko. Nagpasalamat lamang ako sa mga miyembro ng press na pumunta pati na rin sa mga crew at spectators pagkatapos ay napagdesisyunan ko na bumalik na rin sa office ko upang balikan si Hope. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin si Sheryl.“You really did well, girl,” namamanghang komento niya habang mabagal niya akong pinapalakpakan.Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya saka ko sinara ang pintuan, “great job ba?” natatawang tanong ko sa kaniya.“Mas great pa sa great,” mabilis niyang sagot saka kami sabay na natawa.“Where is hope pala?” tanong ko sa kaniya ng mapansin kong wala ang anak ko dito sa loob.“Nasa labas kasama ang secretary mo. Gusto daw mag-tour, eh,” sagot nam
SABRINA'S POV“Sorry…”Hindi ko na pinansin yung nagsalita saka nagmamadaling dinampot ang laman ng purse ko na nalaglag dahil sa pagbangga niya sa akin. Ghad, bakit sa ganitong paraan pa kami magkikitang muli? I played different scenario kung paano ko siya makikita pero bakit naman ganito.“Here, let me help you,” wika niya saka ako tinulungang damputin ang mga gamit ko.“No thanks, I can handle,” mabilis kong sabi saka nagmamadaling kinuha sa mga kamay niya ang gamit ko.“Okay?” hindi siguradong wika niya at hinayaan na lamang niya akong gawin ang ginagawa ko.Nakita ko rin sa peripheral vision ko na tumayo na siya. Jusko, bakit ayaw niya pang umalis? Can he just leave me alone?! Natapos ko na ang pagdampot ng mga gamit ko pero nandiyan pa rin siya.“Come on,” rinig kong wika niya saka ko nakita ang kamay niya na nakalahad.“I can handle myself,” pagtanggi ko saka tumingala at sinubukang tumayo.Ngunit sa kasamaang palad ay nawalan ako ng balanse kaya napapikit na lamang ako ng mata
SABRINA'S POV“Hmm…” mahina kong ungol nung maramdaman ko na may pumipindot ng pisngi ko.Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at ang malawak na ngiti ni Hope ang bumungad sa akin.“Good morning, Mommy!” masiglang bati nito sa akin na sinundan ng halik sa aking pisngi.“Good morning, baby,” bati ko pabalik dito habang bumabangon ako mula sa pagkakahiga. Agad ko siyang ikinulong sa aking mga braso at niyakap ng mahigpit.“Mommy, did you go home too late last night?” tanong nito sa akin habang yakap-yakap ko siya.Bahagya muna akong humikab bago sumagot sa kaniya, “almost 1am na baby ko. You’re auntie Sheryl kasi,” paliwanag ko.“That’s too late. Maybe you should get some sleep pa po,” suhestiyon ni Hope sa akin.“I have work pa, baby eh,” tugon ko sa kaniya after kong tiningnan yung oras sa orasan na nasa side table. “Just take the day off, Mommy,” suhestiyon nito sa akin saka nagpa-cute.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at marahang pinisil ang kaniyang pisngi. “I’m sorry young
SABRINA’S POV Hingal na hingal akong sumakay sa elevator ng kompanyang pinapasukan ko. Nahuli kasi ako ng paggising kaninang umaga dahil napuyat ako kagabi. Gosh, mapapagalitan na naman ako ni Sir Anderson nito. Pagkabukas na pagkabukas pa lamang ng elevator ay tumakbo na agad ako papunta sa desk ko at tumingin sa orasan. Shoot, 3 minutes late ako.“ Oh girl, hingal na hingal ka diyan. “ pagpansin sa akin ng isa sa kasamahan ko.“ Oo nga, tinanghali kasi ako ng gising. “ paliwanag ko naman sa kaniya.“ Bakit? Lumabas ba kayo ng boyfriend mo kagabi? “ tanong niya muli sa akin.“ Oo, pero hindi naman dahil doon. Napagod lang ako sa mga pinuntahan namin ni Sir Anderson kahapon. “ paliwanag kong muli sa kaniya.“ Mahirap talaga maging sekretarya ng mga CEO. Tingnan mo sarili mo, ang haggard mo na. “ natatawang tugon niya sa akin“ Di na kailangan magpaganda kasi may nabighani na. “ nakakatawang banat ko naman sa kaniya na ikinatuwa din naman niya.“ Ewan ko sa iyo girl. Ayusin mo
SABRINA’S POV Pasado alas nuebe na ng umaga kaya naman busy na ang lahat sa kanilang ginagawa. Dahil nga sa aalis si Aiden papuntang Singapore ay naging tight ang schedule of deadlines ng different department. Ayaw kasi ni Aiden na umalis na may mapepending na projects dahil mapepending din ang benefits ng mga employers.“ Ms. Cruz?! “ Napapitlag ako sa aking kinauupuan dahil sa medyo malakas na boses na narinig ko. Nag – angat ako ng mukha upang tingnan kung sino ang walanghong nanggulat sa akin. Ngunit napalunok ako ng makita kung sino ang tumatawag sa akin. Ang madilim niyang aura at mga mata niyang parang mangangain na ang lalong nagpakaba sa akin.“ Sir Anderson. “ sambit ko sa apelyido niya ng makatayo ako.“ Daydreaming in the workplace is not allowed, Ms. Cruz. “ seryosong turan niya sa akin ngunit ng magtama ang aming mga mata ay bakas na ayaw niya ako pagalitan.“ Sorry, sir. “ paghingi ko ng paumanhin sa kaniya at pasimpleng ngumiti sa kaniya para ipak
SABRINA’S POV“ Because she is your secretary! It is a disgrace, Aiden. Isang CEO na pumatol sa secretary niya. “ bulyaw sa akin ng aking ina. Ang mga salita ng kaniyang ina ang paulit – ulit na tumutusok sa puso ko. Alam ko na masama ang makinig sa usapan ng may usapan ngunit di ko mapigilan. Naglagay lang ako ng konting puwang upang marinig ko ang usapan nila. Ngunit, pinagsisihan ko din ito sapagkat para akong sinasaksak ng paulit – ulit sa mga katagang sinasabi ng kaniyang mga magulang patungkol sa akin. Bago kami magtapos sa kolehiyo ay suportado kami ng magulang ni Aiden. Dahil na rin siguro napatino ko ang kanilang anak at maganda ang standing ko sa paaralan dahil running for summa cum laude ako. Ngunit, nagbago ang lahat ng magsimula akong magtrabaho sa kanilang kompanya bilang sekretarya ni Aiden. Dati ay naguguluhan pa ako kung bakit nagbago ang trato nila sa akin, ngunit alam ko na kung bakit.“ Go ahead! Sabrina is my everything. “ Muli kon
SABRINA’S POV Kinabukasan ay maaga akong nagising sapagkat maglilinis pa ako ng apartment ko. Hindi ko kasi ito nagawa ng ilang araw na sapagkat sobrang busy nga sa kompanya. Wala naman akong pasok ngayon sapagkat si Aiden ay may sunod - sunod na meeting sa mga ka-business partner niya. Ito ay dahil na rin sa pag-alis ni Aiden papuntang business summit kinabukasan. Hindi na niya ako pinasama sapagkat marami daw silang gagawin at baka mapagod lang daw ako. Hindi na ako tumanggi pa sapagkat magkakaroon ako ng oras upang maglinis ng apartment ko at makapagpahinga. Naghahanda ako ng almusal ng tumunog ang cellphone ko. Pinatay ko muna ang kalan dahil tapos ko na ding lutuin ang aking kakainin. Inilagay ko lang muna sa mesa ang aking kakainin saka kinuha ang cellphone ko.“ Hello? Sir Aiden? “( Anong sir ka diyan. Wala ka sa office. )“ Sorry na, nasanay kasi ako na kapag tumatawag ka ay tungkol sa opisina madalas ang pag uusapan natin. “( Well, di ka naman nagkakam