Kabanata 13Mali“Auntie Sam!”Halos mapatalon ako at sakto ang pagtawag ni Auntie sa amin ngayon.“Oh, bakit? Namiss mo ako ano?” tanong ni Auntie Sam sa kabilang linya na bahagya pang tumawa.Taliwas ang nararamdaman niya sa nararamdaman ko ngayon. Mukhang masaya ang Auntie pero ako dito nakikipagdiskusyon huwag lang siyang hayaang masaktan. Handa na sana akong sabihin kay Auntie Sam ang mga nalalaman ko tungkol kay Xander tutal nandito na rin naman pero may biglang humablot ng telepono mula sa pagkakahawak ko. Nang tignan ko kung sino iyon ay natagpuan ko ang seryosong mga mata ni Manang Jasmin na nakatingin sa akin. Hawak na niya ngayon ang wireless telephone namin at nakatapat na iyon sa isang tenga niya.“Hello, Sam? Kamusta ka diyan?” biglang sabi ni Manang sa telepono.“Ayos naman kami dito--- Oo ayos lang siya. Naaalagaan din naman si Xander dito---- Kailan ka ba uuwi?”Hindi ko makuhang makagalaw man lang dahil kahit kausap ni manang ang auntie ko, sa akin nakatutok ang mga
Simula“I need money…”“How much?”Nagtaas ako ng noo at nakipaglaban nang titigan sa kanya. Nandito na ’ko. Sagad-sagarin ko na lang din kailangan ko sa kanya.“At least two or a hundred thousand.”Tumaas ang isa niyang kilay habang hindi nilulubayan ang titig niya sa akin. Nanatili akong kalmado at tumuwid ng upo mula dito sa visitor’s chair ng opisina niya.“Big huh?” nanunuyang tanong niya.I slightly raise an eye brow and stared at him. “Bakit? Hindi mo ba kaya?” hamon ko.Biglang nawala ang sinusupil niyang ngiti kanina at matalim akong tinitigan.Umatras at napasandal ako sa kinauupuan dahil sa nakita kong apoy sa kanyang mga mata. Pagkaraan ay bigla siyang tumawa na parang nanunuya. D
Kabanata 1 Fiance “Aira, I want you to meet my fiance once we get there.” “Fiance? What? May fiance ka? Auntie! Fiance mo na kaagad?! Ni hindi mo pa nga sinasabi sa amin na may boyfriend ka tapos fiance mo na pala kaagad?” Kausap ko ngayon si Auntie Sam sa kabilang telepono. Marami siyang hinahabilin dahil darating na raw siya sa makalawa kaya nagbibilin na. Tapos may bitbit pala siyang excess baggage? Ito kaya ang dahilan kung bakit bigla-bigla siyang nagpalinis ng mansyon? “Kaya nga pauwi na ako riyan ‘di ba? At isasama ko siya para makilala mo.” I sight at that thought my Auntie Sam will get married soon. Kalahating taon lang siyang nawala sa San Guillermo para manirahan sa Maynila tapos bigla-bigla na lang siyang babalik dito na may kasamang lalaki? At fiance pa niya kaagad? Argh! Goodness!
Kabanata 2 InvestigateKinabukasan ng umaga ay maaga akong nagising at dumiretso papuntang kusina. Pagpunta ko roon ay gulat ako nang makita si Auntie Sam na naghahanda na kaagad ng mga lulutuin para sa breakfast. Ngumiti siya nang makita ako."Good morning! Maupo ka muna riyan, magluluto pa lang ako, e," sabi ni Tita sabay salubong sa ‘kin ng yakap. I hugged her back and kissed her cheeks."Tulungan na lang kaya kita?" suhesyon ko."Sure! Sure! Baka hindi ko na nga rin alam ang mga kinakain mo ngayon. Para makapagkuwentuhan rin tayo."Tumango ako at kumuha ng apron. Tinignan ko ang mga kinuha ni Auntie para lutuin. Bacon, egg, ham, hotdog, at sausage, nakita ko pang nagsasaing siya sa rice cooker. Napataas ang isang kilay ko sa dami no’n."May gusto ka pa bang idagdag?" tanong ni Auntie na nagp
Kabanata 3BondingMga ilang araw na rin na nandito si Xander. At sa bawat araw na pagsubaybay ko sa kanya ay parang wala naman masyadong kakaiba. Lagi kasi silang dikit ni Auntie, e. Hindi ko tuloy malaman kung may kahina-hinala ba sa kanya. Kainis!Kagaya na lang ngayon! Para silang wala sa sala kung maglampungan! At talagang naglatag pa sila ng kama sa lapag para doon sila! Nag-set sila ng papanoorin sa sala pero sarili lang naman nila ang pinanood nila! Natigil lang ang hagikgikan nila ng tumunog ang cellphone ni Tita. Tumayo siya at sinagot 'yon at bahagyang lumayo sa ‘min.Tumayo naman si Xander mula sa pagkakahiga pagkatapos umupo sa tabi ko sa sofa. Kumuha siya ng orange juice na nasa mesa sa tabi ko pagkatapos ay ininuman 'yon. Naubos niya 'yon ng isang lagok lang. Pagod na pagod, ah?"Ang sama yata ng tingin mo?" kuryosong tanong niy
Kabanata 4Tito"Oh, hija? Anong ginagawa mo riyan?" tanong ni Manang nang makita ako sa basement namin."Ah, wala po. Gusto ko lang maglinis dito ng kaunti. Maalikabok na rin po kasi.""Iutos mo na lang sa iba ‘yan," suhesyon ni Manang.Ngumiti ako at umiling. "Huwag na po. Kaya ko na.""O, siya sige. Lalabas na ‘ko."Tumango ako at sinimulan ng maglinis. Sobrang alikabok na rito sa ibaba kaya napapatakip ako ng ilong sa tuwing pinapagpag ko ang mga lumang gamit namin. Nakarinig ako ng yabag sa hagdan, senyales na may papunta rito. I turn around only to find out it was Xander holding a tray. May laman 'yon na iced tea at sandwich."Merienda ka muna raw sabi ni Manang," tumango ako at lumapit sa kanya.Uminom ako ng iced tea na dala niya. Pagkatapos ay &l
Kabanata 5Age"At bakit naman sa tingin mo pinapahirapan kita aber?" taas kilay kong tanong at pinag krus na ang kamay ko sa dibdib ko ngayon.Madilim ang mukha niyang nakatitig sa akin sa harap ng pinto. Sakto lang na nakaawang ang pinto ko sa katawan ko kaya hindi siya pumapasok. At hindi ko naman talaga siya papapasukin!"Kung ganoon, bakit hindi mo sa akin sinabi na may tubig na pala?! At kanina pa!" Tinaasan ko siya ng kilay, "Hindi ko alam na may tubig na!""Liar!"Bahagya akong napaatras dahil sa lakas at diin ng pagkakasigaw niya sa akin pero hindi ako nagpatinag. Pinanatili kong nakataas ang isang kilay ko sa kanya."What did you just say? You call me a liar?" "Bakit hindi ba?"Hindi ako nagsalita at napalunok na lamang."H-Hindi." I saw him smirked, "Really? Kahit nakita ni Manang na nakapaghugas kapa sa lababo? Hindi mo talaga alam? Tsk!""B-Bakit ka ba kasi nambibintang? Hindi ko nga alam na may tubig na!" tanggi ko pa rin."Alam mo pero sadya mo lang hindi ipinaalam s
Kabanata 6DistractedBaby Ali? Sinong Baby Ali? Si Auntie ba 'to? Ayoko na namang mag-isip ng masama pero wala sa sariling biglang kumabog ang dibdib ko. Parang may nag-uudyok sa akin ng kung ano. Parang masama ang kutob ko. Hindi kaya...No! Ipiniling ko ang ulo ko para mawala ang nasa isipan ko ngayon. Ayokong mag-akusa ng gano'n gano'n nalang. Baka naman si Auntie 'to, hindi ba? Baka iniba lang niya ng pangalan o may ibinigay siyang "couple nickname" nila.Sasagutin ko na sana ang tawag nang biglang may humablot no'n mula sa kamay ko. Lumingon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Xander na masama ang tingin sa akin!"Anong ginagawa mo sa cellphone ko?"I composed myself and stand straight. Lumunok ako pagkatapos ay tumingin sa ibang direksiyon."Wala. Tinitignan ko lang kung sinong tumatawag. Naririnig ko kasi na kanina pa may cellphone na ring ng ring kaya hinanap ko kung nasaan."Tumigil ang pagtunog ng cellphone niya kaya napatingin siya saglit doon bago bumaling ulit