Share

Chapter 127

Gabi na at hindi pa rin kami nakapag-usap ni Liam ng maayos ngayong araw. Buong araw rin kasama ng pamilya niya ang anak namin.

“Ma’am Francine, ipatawag niyo lang po ako kung may kailangan pa po kayo rito sa kwarto niyo,” sabi ni Analyn pagkatapos niyang ayosin ang aming mga gamit ni Max. Pamangkin siya ni Manang Julie.

Tumango ako at ngumiti. Umupo ako sa ibabaw ng kama. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Walang nagbago. Ganun pa rin ang itsura ng kwarto nang umalis ako. Nandito pa ang dati kong mga gamit. Nagtataka nga ako kung bakit hindi nila itinapon.

Napalingon ako sa pinto nang biglang may kumakatok. Naglakad ako patungo roon upang buksan ang pinto. Napalunok ako nang nakita ko si Liam. Nakatayo siya sa gilid ng pinto.

“Pwede ba akong pumasok?” pormal niyang tanong.

Agad akong tumango at nilakihan ang pagbukas ng pinto. “Bahay mo naman ‘to,” bulong ko.

“May sinasabi ka ba?” tanong niya nang harapin niya ako.

Isinara ko ang pinto at hinarap din siya. “Wala naman,”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status