Share

Chapter 5

The lunch went well. Naunang umuwi ang pamilyang Coper dahil hindi maayos ang pakiramdam ni Celine. I am sad dahil hindi ko alam kung kailan ko siya muling makikita o magkikita pa ba kami. Francine nababading ka na dahil kay Celine!

Sa bahay ni Liam uuwi ang kaniyang pamilya kaya sabay-sabay kaming lumabas ng restaurant. Sumakay ako sa sasakyan ni Liam at sumakay naman sa puting SUV ang pamilya niya.

"Ang ganda ni Celine." Sabi ko pagkatapos kong isuot ang seat belt. "She's an ideal girl." I added. Successful ang career niya. She has a successful business, too. She's intelligent, gorgeous, rich, educated, and an entrepreneur. Wala akong ibang masabi sa kaniya.

"Stop talking about her. I'm not interested." He said coldly. Tinignan ko siya. Seryoso ang mukha niya. Galit pa rin ba siya dahil pinakain ko siya ng spaghetti? Parang bata naman ang isang 'to.

"Ligawan mo kaya si Celine. Total after 1 week matatapos na ang contract na 'to. We'll break up and will be back from being strangers. Makukuha ko na rin ang sahod ko!" Masayang sabi ko sa kaniya. He suddenly stopped the car. "What the heck! Mamamatay ako ng maaga dahil sa 'yo!" sigaw ko sabay hawak sa aking dibdib.

Muntik na kaming mabundol sa naunang taxi sa amin buti na lang at nakapag-brake si Liam kahit parang lilipad ang kaluluwa ko sa sobrang kaba at takot.

"Will you please shut your mouth? You're so annoying. I can't focus on driving. Stop mentioning her name because I am not interested! And I will never be interested to Celine!" He shouted at me that made me shocked. Galit na galit ang mukha niya.

Binuhay niya muli ang makina ng sasakyan at nagmaneho pabalik sa kanilang bahay. He sighed heavily. I looked at him. Puno ng galit ang kaniyang mga mata. Halos paliparin niya na ang sasakyan.

Pagkatapos niyang ilagay sa garahe ang sasakyan ay mabilis siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Lumabas ako ng hindi siya pinapansin. Kumakabog pa rin ang aking puso sa sobrang takot. Nanatili pa rin akong tahimik hanggang sa pumasok kami sa loob ng kaniyang bahay. Lumapit sa amin ang kaniyang pamilya. Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala.

"Are you two alright?" his grandmother asked us. Ngumiti ako at tumango. Hindi rin makatingin si Liam sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Bahala siya sa buhay niya. Bigla akong niyakap ng kaniyang lola na siyang aking ikinagulat. Mabilis din siyang kumalas sa pagkayakap sa akin. "Ano ba ang nangyari?" Nag-aalalang tanong ng kaniyang lola sa akin.

Sinabi ko sa kanila ang nangyari. Nakaupo kami ngayon sa malapad nilang sofa. Tahimik si Liam at parang walang balak magsalita. Lumapit ang kaniyang daddy sa kaniya. Sinubukan siyang kausapin nito ngunit mabilis siyang nag-iwas at naglakad paakyat ng hagdan. Iniiwasan niya ba ang magulang niya?

Lumapit ako sa kaniyang daddy. He sighed heavily while looking at his son walking upstairs. Bumagsak ang kaniyang mga balikat.

"I'll talk to him po." I said and smiled at him. Wala akong balak kausapin si Liam san dahil natatakot ako sa kaniya ngayon. Muntik ng lumabas ang kaluluwa ko sa sobrang bilis niyang magmaneho ng sasakyan.

"I don't know how to please my son anymore. He totally changed." Liam's dad said. Tumingin siya sa akin. "Call me Tito William, hija." He said and tapped my shoulder. "I hope you'll keep understanding him, Francine." He added and walked away.

Nagpaalam ako sa pamilya ni Liam na pupuntahan ko siya sa kaniyang kwarto para kausapin. Kahit labag sa loob ko ang kausapin siya, gagawin ko na lang dahil ayokong magkagulo ang pamilya niya. Parang may malaking pader ang namamagitan sa mag-ama. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila. Ayoko rin makisali sa gulo na mayroon sila.

Kumatok ako sa pintuan ng kaniyang kwarto pero hindi niya ito binuksan. Hinawakan ko ang door knob at nalaman na hindi niya nilock ang pintuan. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay wala siya roon.

Naglakad ako patungo sa banyo. Kumatok ako sa pintuan bago nagsalita.

"Liam, nandiyan ka ba sa loob? Let's talk? I know you're mad. I'm so sorry kanina kung pinakain kita ng spaghetti. I know naman that you hate eating spaghetti. I'm just teasing you. Sorry na." I bit my lower lip after saying it. Bumukas bigla ang pintuan ng banyo at tumambad sa akin ang naka-top less na si Liam. Mabilis kong tinakpan ang aking mata at tumalikod sa kaniya. "Magdamit ka nga!" asik ko sabay lakad ng mabilis habang nakatalikod sa kaniya.

"Apologize accepted honey." He said huskily. Naging kalmado na rin ang boses niya. "I'm sorry about earlier." He added and sighed heavily. Suminghap ako at nagsimulang naglakad para lumabas ng kwarto. "Francine, wait!" I stopped walking. I heard his footsteps behind my back. Kinalabit niya ang aking balikat at pinaharap sa kaniya. Hindi ko pa rin inaalis ang dalawang kamay na nakatakip sa aking mata.

"Magdamit ka muna, please!" sabi ko. He chuckled and held my hands.

Isa-isa niyang inalis ang dalawa kong kamay na nakatakip sa aking mata. He hugged me tightly that made me confused and shocked. I opened my eyes. He's still top less. Basa ang katawan at tumutulo pa ang tubig sa kaniyang buhok. Hindi ako makagalaw. I'm still on shocked.

"Let's stay like this for awhile. I'm drowning again and I don't know how to deal with it." He softly said. Hindi rin ako gumalaw.

Nanatili akong lutang at walang naiintindihan sa sinabi niya. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. Mabigat ang bawat paghinga niya. May problema ba siya? Lahat ng galit at takot na naramdaman ko kanina para sa kaniya ay biglang nawala. Napalitan ito ng awa at pag-aalala. I bit my lower lip before I decided to hugged him back. Maybe this is one of his comfort. Hug is enough to calm his emotions knowing that there's a person who stayed and understand him. I want to know him more and help him.

"It's okay. Everything will be alright." I said calmly while tapping his back. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap sa akin. I can't breathe! Then, I heard him crying. What's wrong? He knows how to cry. I did not expect it. "My baby is crying right now." I chuckled while saying it.

"I'm not crying," he said kahit na naririnig ko ang mahinang hikbi niya. Kumalas ako sa pagyakap kasi hindi na ako makakahinga ng maayos sa sobrang higpit. Iniwas niya ang kaniyang paningin sa akin.

"Look at me," I said while reaching his face. His eyes is full of sadness. Kung kanina puno iyon ng galit. Ngayon naman ay kalungkotan. I don't know what happened why he's acting so weird. "Feel free to open your problem with me. I want to heard it. I'm your contract girlfriend. I have five remaining days to fulfill my duty." Dagdag kong sabi. He looked at me. He's biting his lower lip. He looks so good kahit na bagong ligo at magulo ang buhok.

"I want to kiss you." He said before he grabbed my waist and reach my lip. It was a soft and short kiss. "A kiss is a medicine," he said and kissed me again.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na sabayan ang bawat galaw ng kaniyang labi. Napapasunod niya ako agad. If this would be one of the medicine that he's looking for, then I want to let him kiss me until he's alright. I want to comfort him through our kisses.

Tumigil siya sa paghalik at muli akong niyakap. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Napapikit ako at ibinaon sa kaniyang likod ang aking mukha. Nakakahiyang makita na ganito ang posisyon namin sa isa't-isa.

"Baka nakakadisturbo ako sa inyo," I heard his mom's voice. Damn! Si Mrs. Smith pa talaga ang nakakita sa amin na nagyayakapan sa isa't-isa.

Kumalas ako sa pagyakap kay Liam at dahan-dahang tumingin kay Mrs. Smith. Hiyang-hiya ako sa mommy niya. Hindi pa rin siya nakapagbihis. Nakasuot siya ng floral dress na hanggang tuhod. Fit na fit iyon sa kaniyang katawan at makikita ang perpektong kurba ng katawan niya.

"No, mom. You can come in. I'm gonna dress up muna." Liam said before he kissed my cheek. "Doon ka muna sa bed ko. Magbibihis lang ako." Pagpapaalam niya sa akin bago kumuha ng damit sa kaniyang walk in closet.

This man is making me crazy! He's so calm and sweet in front of his mom. While kanina para siyang binagsakan ng langit at lupa. Mrs. Smith entered his room while smiling. I smiled at her. Hiyang-hiya pa rin ako sa mommy niya.

"How is he?" she asked when Liam entered the bathroom para magbihis. Nakaupo si Mrs. Smith ngayon sa swivel chair ni Liam habang sa kama naman ako nakaupo.

"He's good. Everything is fine, Ma'am." I answered without hesitation. May kinuha siya sa drawer ni Liam. It was an album. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Is it your first time seeing him like that?" Mrs. Smith asked me again. Napalunok ako at nag-isip ng maisasagot. Palagi bang ganito si Liam? Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ganun. "Well, I can sense that it's your first time. How did you handle it then?" Sunod niyang tanong. Nanunuyo ang lalamunan ko sa mg tanong niya. Hindi ko inaakalang may following questions and answers palang magaganap pagkatapos akong gisahin sa pagtatanong nila kanina.

"Yes, Ma'am. I did not expect this po na makita si Liam ng ganun. I'm still on shocked sa pangyayari." I answered while thinking what happened kanina pauwi sa bahay ni Liam. "Muntik na kaming maaksidente. Pero ayos na po ngayon. We talked about it and he apologized, too. As her partner, I'm gonna understand and accept him with all his flaws." Dugtong ko. Nakita ko siyang may kinuhang litrato sa album.

"It's been five years since that accident made him like that," she said while looking at the picture. Napatingin ako kay Mrs. Smith. Nanatili ang kaniyang paningin sa litrato.

"What do you mean, Ma'am?" I asked her. I'm curious about what happened to Liam five years ago.

Bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas si Liam. Nakaputing damit na v-neck at maong na pantalon ang kaniyang suot. Pinupunasan niya ang kaniyang buhok. Lumapit siya sa akin at tumabi.

"Are you hungry?" Liam asked me. He looked at his mother. He suddenly stood up and grabbed the photo album on his mom's hand. I'm shocked and stood up. "Don't ever touch it again, mom!" He said and put back the photo album inside the drawer. Tumingin ako sa mommy niya. Nakatayo na rin ito at humarap sa kaniyang anak.

"I'm just looking at these photos, son." She explained and looked at me. "Right, Francine?" She asked me to confirm it. Tumingin si Liam sa akin. Tumango ako bilang pagsagot kay Mrs. Smith.

Nagugulohan ako sa mag-inang 'to. Hindi ko alam kung ano ang meron sa album na 'yon. Bakit biglang nag-iba ang awra ni Liam ng makita niyang hawak at tinitignan ito ng mommy niya. Mas lalo ako naging curious sa buhay niya. Ano ba ang meron sa album na 'yon at bakit pati mommy niya pinagbabawalan niyang hawakan 'yon?

"I think you two need to talk," I uttered and started walking para lumabas ng kwarto. Ayokong madamay sa problema nilang mag-ina. They should talk to each other para mabawasan ang tensiyon sa tuwing magkaharap silang dalawa. Kanina ko pa napapansin na hindi maayos ang pakikitungo nila sa isa't-isa.

"We're fine, Francine. Liam hates when anybody touch his things without his permission." Mrs. Smith said when I tried to touch the door knob. Lumingon ako sa kanilang dalawa. I know they are not both okay. There's a problem between them and they are just hiding it. Naglakad siya patungo sa akin. Binuksan ko ang pintuan

"Anyway, your Lolo and Lola want to see you, Liam. You should talk to them instead of making excuses." She said before leaving.

I heard Liam breathe heavily. Napahilamos siya ng mukha bago tumingin sa akin.

"Let's go to your room," Liam said and locked the drawer.

"Anong gagawin mo sa kwarto ko?" I asked him when he closed the door of his room.

"You need to change, Francine." He answered directly and then pulled my waist kaya napatingin ako sa kaniya. "May iba ka bang naiisip na gagawin natin sa room mo?" Nakangising tanong niya sa akin. Mabilis ko siyang hinampas ng kamay. Tumawa lang siya sa aking ginawa. Inakbayan niya ako. Hinayaan ko na lang siya dahil nandito kami sa loob ng bahay niya kasama ang kaniyang pamilya. Ayokong malaman nila kung ano talaga kami.

"Magbibihis ako ng damit bakit ka pa sasama?" tanong ko ng malapit na kami sa guest room. "You can wait outside." I said when I opened the door of my room. Ngunit mabilis siyang pumasok sa aking kwarto. Nakangiti siyang tumingin sa akin.

"I like your room." He said bago umupo sa aking kama.

"This is not my room. You own this house, remember?" Sabi ko sa kaniya. Kinuha niya ang aking kumot at dahan-dahan siyang humiga sa kama.

"Yeah, but this is your room now. You are my girlfriend, remember?"

"A fake girlfriend." I corrected.

"Francine, come here." Tawag niya sa akin. Lumingon ako sa kaniya. Nakita ko siyang bumangon siya at nag-indian sit. "I want to sleep beside you." He said while pouting. Ano na naman ba ang nakain ng taong 'to at gusto akong makatabi sa pagtulog? Is this the other side of him? A childish Liam is so damn cute. Kahit cute siya ayoko pa rin tumabi sa kaniya.

"We can't sleep together, Liam. I mean Scoth." I said at naglakad patungo sa aking cabinet, naghahanap ng pwedeng susuotin.

"Just for tonight," he said while pouting again. He looks so good kahit na magulo ang kaniyang buhok.

"It's a no for me, Scoth!" Asik ko sabay kuha ng damit na pambahay. Tumingin ako sa kaniya. "Doon ka na sa kwarto mo matulog. Nandiyan ang pamilya mo baka mag-isip sila ng masama. Ayokong magkaroon ng bad record sa pamilya mo Mr. Smith." Dugtong ko at naglakad papasok ng banyo para magbihis.

Isang itim na plain dress ang sinuot ko. Isa ito sa mga binili ni Liam. Maganda at sobrang soft niya sa katawan. Sa ngayon, paninindigan ko ang pagiging girlfriend ni Liam lalo na't kasama namin sa loob ng bahay ang kaniyang pamilya. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap makipag-plastikan at pakisamahan ang mga taong mayayaman. Sa pagsusuot ng damit at pag-aayos sa sarili ay dapat naaayon sa kanilang kagustohan. Nasanay ako sa amin na kahit anong suotin ko ay ayos lang kahit may maliit itong punit o mantsa. Ibang-iba rito sa pamilya ni Liam, nagmumukha akong tao sa harap ng pamilya niya.

Mahimbing na natutulog si Liam ng masilayan ko siya sa aking kama. Lumapit ako at sinubokan siyang gisingon pero hindi siya gumigising. Ang bilis niyang nakatulog. Inayos ko ang nalukot na kumot at ang unan sa kaniyang ulo. Basa pa rin ang kaniyang buhok. Umupo ako sa kilid ng kama. Pinagmasdan ko siya at pinag-aralan ang kaniyang perpektong mukha. Ang kapal ng kilay niya, mataas ang pilik mata, matangos ang ilong, makinis ang mukha, at pula ang labi. I bit my lower lip ng maalala ko ang nangyari kanina. Napahawak ako sa aking labi. His lip is so soft. It was a short kiss. He's a good kisser. Ilang babae na kaya ang n*******n niya at nagkakandarapa para mapansin niya.

Gumalaw siya at tumagilid. Mabibigat ang bawat paghinga niya. I want to know him and help him as well kung ano man ang problemang hinaharap niya ngayon. I feel sorry to his mom. The way he act in front of his mom is such a disrespectful. Pero wala ako sa posisyon para makisali at sawayin siya. Wala akong alam kung ano ang problema nilang dalawa. Baka kapag nakialam ako ay hindi ko na makukuha ang fifty-thousands.

Napalingon ako sa pintuan ng may kumakatok. Bumukas ito at pumasok ang lola ni Liam. Inalalayan siya ni Manang Elsa. Dumiretso ang kaniyang paningin sa natutulog na si Liam sa aking kama. Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Nagmano ako sabay halik ng kaniyang pisngi.

Isinarado ni Manang Elsa ang pintuan bago lumabas ng kwarto. Ngumiti ang lola ni Liam sa akin.

"Gusto sana kitang kausapin pero mukhang abala ka sa pagbabantay kay Liam." She said while looking at his grandson. "I did not know na nandito rin siya sa kwarto mo." She added.

"Hindi ko rin po alam na nakatulog siya agad sa kwarto ko. I tried to wake him up dahil kakausapin niyo pa raw siya ngunit ayaw niyang gumising." Pagpapaliwanag ko.

"It's alright, darling. We can talk the next day. Let him sleep and rest. He needs it," she said at dahan-dahang naglakad papalapit sa amin. "My poor grandson," she uttered and sit beside him. "Thank you for letting him sleep in your bed. Ngayon ko lang ulit siya nakitang mahimbing na natutulog."

Napatingin ako sa lola ni Liam.

"What do you mean, Ma'am?" I asked her directly. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"He could not sleep. He has been taking medicine for awhile dahil 'yon ang advised ng doctor niya. Wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ng doctor dahil para naman iyon sa ikakabuti niya." She answered while looking at her grandson. "Ang sakit makita na nasasaktan at naghihirap siya. I always pray that he can move on and move forward." She paused and smiled. "After a long years, he's now happy again. I hope you will give him the loved that he deserve, hija." Lumingon siya sa akin habang ngumingiti.

Napalunok ako sa huli niya sinabi. This relationship is fake and we will part ways after seven days. We will become strangers. That's how this relationship works. He hired me as his girlfriend for one week. He will provide everything I need para successful ang plano. To let his family believe that he is in a relationship. It is a win-win situation. I will receive fifty-thousands and his parent will stop the fix marriage. I know he is not ready to get married and build a family because it is a big responsibility.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Thriexia
Highly recommend ...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status