Share

7. You like her, don't you?

"Allison, ang g'wapo naman ng tatlong 'yan," bahagyang kinikilig na siniko siya ni Kara. Kasamahan niya itong service crew na tumatao sa counter.

"Mga papansin ka 'mo," saad niyang nagpipigil naman ng ngiti.

Nagkukulitan sa mesa sa gilid sina Ethan, Zion at Leio. Hinatid siya ng mga ito kanina at nangako na hihintayin din siya hanggang sa matapos ang shift niya. Kanina pa paulit-ulit at salitan sa pag-order ng kung anu-ano ang tatlo.

"Grabe ka, sino r'yan ang boyfriend mo?" patuloy ni Kara.

"Wala," muntik na niyang malasahan ang pait ng sinabi niya.

"Ang bitter naman. Oh sige, kung ayaw mo umamin, huhulaan ko na lang kung sino."

Iniikot niya ang mga mata.

"Yung naka-itim"

"Huh?" pinilit niyang 'wag mamula, si Ethan ang tinutukoy nito.

"Kanina pa kasi siya tingin nang tingin sa 'yo."

Wala na. Namula na siya. Totoo nga ba? Tinitingnan siya ni Ethan? Pero tuwing titingin siya sa gawi ng mga ito, hindi naman ito nakatingin.

"Tama ako, noh?" Kara teased. "Bagay kayo. Napaka-prince charming ng dating niya girl!"

"Andrea, mga kaibigan ko lang ang mga iyan."

"Sabi mo eh," kibit-balikat nito at bahagyang naabala ng may mga dumating na customer.

Lumapit naman si Zion sa counter niya at um-order ulit.

"Hindi pa ba kayo busog?"

"Ally, para sa kaibigan mo, kahit maimpatso ka pa, sasamahan mo siya," Zion answered with a teasing smile.

"It's not healthy then," tumalikod siya para itago ang pamumula.

"Two hours pa," sinipat nito ng tingin ang suot nitong mamahaling wristwatch.

"Sinabi ko naman na sa inyo, 'wag n'yo na akong hintayin."

"We're fine, Ally."

Tipid siyang ngumiti. Ang totoo, nata-touch naman siya na nagpupuyat ang mga ito para sa kanya.

"Your choice."

Tumango ito bago bumalik sa mga kaibigan. Kung anu-ano ginagawa ng mga ito para hindi mabagot.

Napapangiti na lang si Ally. Maybe she should consider herself lucky. Kung hindi man siya ligawan ni Ethan, at least malapit na kaibigan na siya nito. May excuse na siya na lagi itong makasama.

"Palagay ko lang, may gusto rin sa 'yo ang isang iyon," bulong ni Kara nang makaalis si Zion.

"Si Zion? Hindi, mabait lang talaga 'yon."

"Bakit kapag si Zion kinukontra mo? 'Pag si Ethan hindi?" tukso nito.

"Ewan ko sa 'yo!" kinontra naman niya ito kanina ah? Malamang hinuhuli lang siya ni Kara.

"Oo na. Siya nga pala, ngayong gabi ang draw no'ng raffle. Sana manalo ako. Instant bahay at lupa. Napakalaking bagay no'n."

Ngumiti lang siya. Sa loob niya ay umaasa siya na makukuha niya rin iyon. Kahit hindi yung fully furnished.

Tiyak na matutuwa ang nanay niya at si Kyla. Alam niya na hirap na

hirap na ang mga ito sa maliit na espasyo ng bahay nila. Mainit iyon, hindi secured at takaw sunog. Mabuti na lang at hindi pa nagkakaroon ng sunog sa lugar nila.

-----

"Sigurado ka bang ngayon sasabihin kay Ally na nanalo siya ng bahay at lupa?" pabulong na tanong ulit ni Leio kay Ethan.

"Oo nga sabi eh," nayayamot na sagot ng binata. Paano kasi pang-sampung beses na atang nagtatanong si Leio. Halatang bagot na ito.

"Ang tagal kasi. May date pa kami ni Cindy."

"Cindy?" ulit ni Zion. "I thought yung sister niya na si Caren ang dine-date mo?"

"Sisters? Tinalo mo?" Ethan asked in disgust.

"'Course not!" kaila ni Leio. "Hindi tayo gano'n bro. Si Cindy talaga ang dine-date ko. Ewan ko ba rito kay Zion kung saan niya nakuha ang ideya na 'yon."

"I'm kidding," bahagyang umaalog ang balikat sa pagtawang sagot ni Zion.

"You better be," panay ang tingin nito sa relo.

"Nag-aalala ka ba na naiinip na si Cindy?" tukso pa ni Zion. "May nakabihag na ba sa puso ni Leio Rivera?"

"Shut up. That girl is just amazing in b-- --!" his words were cut nang biglang magkaroon nang maliit na kumusyon.

"Really?!" napalingon sila sa excited at 'di makapaniwalang napabulalas na si Allison. "I won? I won?"

"Yes, Ally. Sabi ko naman sa'yo. Wag ka munang nega eh," si Ms Pam iyon. "And guess what? 'Yong fully furnished ang napanalunan mo!"

Ethan couldn't explain the happiness he felt when a crying Allison hugged her store manager. It was no doubt a very huge thing to her.

"You made her cry, bro," tapik ni Leio sa balikat niya.

"This calls for a celebration," si Zion "Hey Ethan, don't get too emotional there or Ally will figure out you're behind this."

Saka lang niya binawi ang tingin sa dalaga. Zion was right. Nagiging emosyonal siya. But it wasn't like he's crying. He just felt like his heart was about to burst. Masaya siya na mapasaya si Allison kahit hindi nito alam na siya ang may bigay ng napanalunan nito. At wala siyang planong ipaalam iyon sa dalaga. Unless she becomes a part of his life where honesty would matter so much.

"Do you ever plan to tell her?" untag ni Zion.

Natigilan siya, sa tanong nito at sa naisip niya kanina.

"You like her, don't you?" sabi naman ni Leio.

Lalo na siyang 'di nakasagot.

No. He only wanted to help Allison and make her happy. 'Yon lang. She was his friend.

Ngumiti lang ang dalawang kaibigan niya nang 'di siya sumagot. Tumayo ang mga ito at inusisa si Allison kung ano ang iniiyakan nito. Ally happily told them how she won a house and lot.

Pinagmasdan muna niya ang mga ito bago siya lumapit.

The last time he cared so much for a girl was three years ago, kay Felicity.

"Ethan!" Leio called his attention. "Ally won a house & lot!"

Napilitan na siyang makisali sa kasiyahan at magpanggap na walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Ally, kailangan imbitahan mo kami sa bago mong bahay ha?" Leio told the still teary-eyed Allison.

"Oo naman," she agreed happily "Kayong tatlo," nagawi ang tingin nito sa kanya and Ethan wanted to envelope her in a hug. "I'm starting to believe na kayo ang swerte ko," biro nito.

"Ngayon mo lang ba na-realize?" tanong niya. "Come here," hindi na niya napigilan ang sarili niya at niyakap niya ito.

"Ethan--" she gasped.

'Say my name again, Ally... I love it when you say my name...'

"Congratulations," he said at binitawan ito.

"Thanks," she looked away to hide her pink cheeks.

She's really cute kapag nagba-blush ito. At gustong-gusto niya ang ideya na siya ang dahilan ng pamumula ng dalaga.

If he could, he would do more than just hug her, kiss her perhaps? The thought made him look at her lips.

Parang saglit pa siyang napatulala when he realized kung paanong parang kay sarap halikan ng mga labi nito. Agad niyang itinaas ang tingin sa mga mata nito bago kung ano pa ang maisip niya. He found her looking at him with questioning eyes.

Ngumiti siya and he wanted to laugh how his smile sent her blushing again.

"So, kelan ka p'wedeng lumipat sa bago mong bahay?" tanong ni Zion na na-sense yata ang bahagyang hindi pagiging komportable ni Allison.

"Next month pa sabi ni Ms. Pam," sagot nito.

"Kung gano'n sasamahan ka na namin," he said. "At bago ka tumanggi, 'wag mo ng subukan. Hindi ako papayag na hindi ka namin tutulungan."

"Okay," hindi na nga ito kumontra.

Naghintay pa sila ng isang oras bago nag-out si Allison. And as Ethan suspected, she tried to give the same wrong address again.

"Ally," he sighed. "I followed you the other night. Sumakay ka ulit ng jeep."

Torn between telling them the truth or keep lying, Allison chose the former.

"Una sa lahat, hindi ko ikinakahiya kung saan ako nakatira. I just know you guys, pipilitin n'yong tulungan ako," sabi niya pagkatapos sabihin ang totoong address. "Pangalawa, hindi kayo kasya roon," she gently chuckled at the thought of the three tall men entering her house.

"Whatever, Allison," Ethan shook his head.

"It's true."

Habang nasa byahe sila ay pinag-usapan nila kung paano siya tutulungang maglipat next month.

"Ako na bahala sa truck," ani Leio.

"Truck?" ulit niya.

"Yeah? Duh, the lipat bahay trucks- I think I can ask somebody to find one," Leio rolled his eyes.

"I know," tumatawang aniya. "Ang ibig kong sabihin, there is no need for that. Wala naman kaming masyadong gamit."

"Seriously? What about the sofa, tv, bed, cabinet-"

"Perhaps my car will do?" ani Ethan patukoy sa dala nitong pick up.

"Yeah but, look, you really don't have to bother yourselves guys-"

"It's settled then," Ethan said as if he did not hear her.

Allison braced herself for violent reactions nang makarating sila sa lugar na tinitir'han niya. Surprisingly though, walang nagkomento ng masama sa mga kaibigan niya.

Even when they reached her house, tahimik pa rin ang tatlo.

"Hey guys, look. This is where I live," sabi niya habang binubuksan ang gate.

"Allison, you should really leave this place," Ethan put a hand over her right shoulder, puno ng concern ang tinig nito na nakatingin sa alambre na ginamit para gawing lock ng gate.

"Well, I can't till next month," nakangiti niyang sabi, somehow she felt the need to assure him that she's okay.

"Hey Ally, who do you live here with?" tanong ni Zion.

"Mama ko saka kapatid ko," lumapit siya sa pinto ng apartment na inuukopa nilang mag-iina. "Tulog na sila kapag mga ganitong oras kaya hindi ko na kayo maiimbitang pumasok."

"Can we just take a look? I'm curious about what your home looks like," pangungulit ni Leio.

"Leio, Ally needs to rest now," saway ni Ethan bago siya binalingan. "Good night, Ally."

"'Night, Ally," napipilitang saad ni Leio.

"Good night, Allison," si Zion.

"Good night too. Salamat sa paghatid. Ingat kayo," she smiled at them.

"Pumasok ka na," sabi ni Ethan na hindi umalis hanggang masiguro nitong safe na siyang nakapasok.

Nakangiti pa rin siya hanggang sa makapasok na siya ng bahay.

"Sino sila ate?"

Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Gising si Kyla at mukhang hinihintay ang pagdating niya.

"Mga kaibigan ko," sagot niya. "Bakit gising ka pa?"

"Wala na kasing gamot si mama ate."

"P'wede mo naman sabihin sa akin bukas nang maaga Ky, bakit nagpuyat ka pa?" niyakap niya ang kapatid.

Narealize niya na matagal na niyang hindi ito nayayakap. Lagi kasi siyang nagmamadali, sa eskwela, sa trabaho. Hindi na nga pala niya ito nakakakwentuhan maliban sa mabilis na kumustahan nila bago siya papasok sa umaga.

"Magtataas din ng renta dito sa bahay," dagdag nito na tiningala siya ng may simpatya. "Ate, kaya naman ni mama mag-isa. Tutulungan na lang kitang magtrabaho."

"'Wag mo ng aalalahanin 'yon," ngumiti siya nang maalalang lilipat na sila ng bahay. "Si ate na ang bahala. Bantayan mo na lang nang maigi si mama at may mga 'di pa siya kayang gawin mag-isa."

"Pero nahihirapan ka na."

"Ky, ilang buwan na lang graduate na ako. Ngayon pa ba tayo susuko?"

"Gusto ko lang naman na matulungan ka, ate."

"Maniwala ka sa akin, itong pag-aalaga mo kay mama ay napakalaking tulong mo na sa akin. Hindi ko kayang gawin 'yon habang nasa trabaho at school ako. Kaya 'wag mong isipin na hindi ka nakakatulong, okay?"

Tumango na lang ang kapatid niya at bumalik na sa pagtulog. She stayed up a little longer. She just received her salary kaya kailangan niyang magk'wenta para mabudget niya iyon.

"Kunti na lang, Allison," she encouraged herself.

Balang araw makakaahon din sila.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nelsie Miranda Francisco
ganda Ng story😍😍😍
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status