Share

6. House & Lot.

"Ethan, I swear. Hindi ito magugustuhan ni Allison," sabi ni Zion na sinusubukan siyang pigilin na sundan pa si Ally.

"She will not find out," itinabi niya ang magarang sasakyan at nag-alis ng seatbelt.

It was almost midnight. Galing sa fastfood si Ally at kanina pa nila ito sinusundan. Sumakay ito ng jeep at medyo nakampante naman siya dahil marami pa palang commuters kapag ganoong oras ng gabi.

Pero nagsimula siyang magpanic ng bumaba ito sa isang squatter's area.

"Bro, baka tayo pa ang mapagdiskitahan d'yan eh," sabi naman ni Leio na nakatingin sa grupo ng mga nag-iinuman at sunog-baga sa bukana ng maliit na iskinita.

"Natatakot ka ba? Maiwan ka na lang dito at isauli mo ang black belt mo sa karate."

Napapailing na lang ang mga kaibigan niya. He couldn't blame them. Maging siya ay kinakabahan. Never in his life na nakapunta siya sa ganitong lugar.

Pero mas natatakot siya para kay Ally. She was a girl, a d*mn beautiful one. Madali itong makaka-attract ng masasamang loob. May alam ba ito sa self-defense? Malabo iyon. Mas tumindi ang pagnanasa niya na protektahan ang dalaga.

"Ethan," Zion called bago siya makababa ng sasakyan.

"What?" Impatient na tanong niya. Kung hindi siya magmamadali, mawawala na sa paningin niya si Ally.

"I'm coming with you," Zion continued.

"What?!" bulalas ni Leio. "Have you lost your mind, too?" Marahas nitong naihilamos ang palad sa mukha bago napipilitang ipinahayag ang pagsama. "Alright, count me in."

"Guess you lost yours as well," Zion grinned and Leio just rolled his eyes at nagpatiuna na sa pagbaba.

"That's great. Let's go," napangiti siya.

"Hey, sasama lang ako para may bodyguard kayo," sabi ni Leio.

Ethan and Zion both rolled their eyes.

S'yempre hindi lang ito ang marunong sa self-defense. Mga bata pa lang sila ni Zion ay nag-aral na sila ng mixed martial arts. Marunong din silang humawak ng baril.

In their social status, kailangan daw na marunong silang ipagtanggol ang mga sarili nila. Kapalit iyon ng hindi pagkakaroon ng bodyguards. Kaya buong puso nilang pinag-aralan ang self-defense. Sino ba naman ang matutuwa na may bodyguard kang sunod nang sunod sa'yo? Worse, ay 'yong may magrereport sa mga aktibidad niya sa mga magulang niya.

Nakadaan nang ligtas at maayos si Allison sa mga nag-iinuman. For a while, he had to hold his breathe nang alukin pa ng mga ito ang dalaga. Allison politely refused at kinawayan ang mga ito bago tuluyang nakalampas.

"Mukhang safe naman si Ally," Zion said.

"Hindi natin alam kung saan ang bahay niya. Baka malayo pa," Ethan recalled how Ally refused his offer na ihatid ito pauwi. At alam na niya kung bakit hindi niya ito mapilit.

For someone na nag-aaral sa pangmayamang eskwelahan, squatter's area is the last na icoconsider mong tinitirhan ng estudyante. She must be really intelligent and hardworking para makakuha ng full scholarship.

"Mga bata, anong atin?" he was snapped out of his thoughts nang batiin sila ng mga nag-iinuman pagkatapat nila.

"Makikiraan lang po mga boss," sagot ni Zion. Well, expect the low tempered friend to fix matters like this.

"Hindi kayo tagarito," tumayo ang naka-topless na lalaki na halatadong lasing na.

"May dadalawin po kaming kaibigan."

Tumalikod na si Ethan. Zion and Leio will take care of the drunken guys. Narinig niyang tinawag ni Leio ang pangalan niya. Nang lingunin niya sila, Zion was pulling some bills out of his wallet tapos sumunod na ang dalawa sa kanya.

"Ilista mo na lang," sabi niya kay Zion nang abutan na siya ng mga ito.

Tinapik lang siya nito sa balikat bilang tugon.

Sinusundan nila si Ally na may reasonable distance. Nang lumiko ito, nagmadali sila at baka mawala ito.

True enough, pagkanan ni Ally hindi na nila ito nakita. Mawawalan na sana sila ng pag-asa at nag-uumpisa na silang magsisihan when they heard a door unlocked from a short distance. Pumasok pala ito sa isang two door gated apartment.

"There she is," pabulong na sabi ni Zion, pointing at Allison who was still oblivious to their presence.

Ethan's heart sanked when he saw where Allison lives. Ilang beses na mas mainam ang tirahan ng mga katulong nila.

Walang pintura ang kinakalawang ng gate na mukhang wala na ring silbi. Madilim ang wala ring pintura na unit na halata na ang mga sira.

"My, my," iling ni Leio. "This is not a safe place to live."

"I agree," si Zion.

Speechless siya. There was an urge inside him of wanting to take Allison away from that place.

"May ilaw ba sila? I didn't see a light switched on," sabi ulit ni Leio.

"Ethan-" untag ni Zion.

Humigit siya nang malalim na hininga. No, he'd find a way para maialis si Allison sa lugar na iyon.

"Leio, your family is on Real Estate Development right?"

"Yeah?" arko ang kilay na sagot ng kaibigan niya.

"I'm buying a house for Ally."

"What?!" Leio exclaimed. Zion on the other hand, just smiled, knowingly.

-----

"First time yatang sa hulihan mauupo si Ethan mo," pabulong na sabi ni Kattie sa kanya.

Mula ng magkakilala sila ni Ethan, lagi itong maagang pumapasok. Lagi silang magkatabi dahil kahit mas maaga ito, hinihintay nitong dumating siya. Kapag mas maaga naman siya, sinusuhulan nito ang katabi niya at kung babae naman, charm lang ang katapat.

It was hard not to like Ethan. Habang nakikilala niya ito, napapatunayan niya kung gaano ito kabuting tao. Na ang pagiging man-whore nito ay hindi nagdedefine ng pagkatao nito. In fact, medyo nagslow down ito sa pambababae. Hindi iilang beses na may naninisi sa kanya kung bakit hindi na available si Ethan.

The whole school thinks na silang dalawa ng g'wapong binata.

But no, hindi siya nililigawan ni Ethan.

"Papasok pa kaya 'yon?" tanong ulit ni Kattie.

"Malamang hindi na. Wala rin sina Leio at Zion," singit ni Michael.

"Baka tinamad sila o may pinagkaabalahan kagabi," sagot ni Ally. Nakaramdam siya ng sakit sa tinuran niya. May pinagkaabalahan nga kaya si Ethan kagabi? Lihim niyang nahiling na sana hindi babae.

Inaamin naman ni Allison sa sarili na in love na siya sa binata. But she couldn't help but guard her heart kasi kung di naman interesado si Ethan sa kanya, problemang malaki iyon.

"Baka nga," Kattie dismissed.

Natapos ang subject na hindi nagpapakita ang tatlo.

Buong araw na hindi nagpakita si Ethan. Si Zion nakita niya noong hapon na pero hindi niya nakausap dahil mukhang nagmamadali ito. Hindi tuloy niya maiwasang mag-alala. Okay lang ba si Ethan?

Halos tulalang nakatitig siya sa cellphone niya habang lulan ng jeep papunta sa fastfood restaurant. Hindi tumatawag o nagmemessage si Ethan. Dati naman ang kulit-kulit nito.

Itetext ba kita o hindi? Masyado ba akong magiging assuming kung tatanungin ko kung nasaan ka?

Sa huli, she decided not to.

"Ally, nariyan ka na pala. Tamang-tama ang dating mo," anang manager nila na si Ms. Pam. "I-fill out mo ito. Pa-raffle ng management," inabutan siya nito ng form.

"Ms. Pam naman. Alam nyo naman na wala akong s'werte sa ganito eh," sabi niya remembering how she had hoped na siya ang makakuha ng brand new laptop noong christmas party nila last year. Ayon, she ended up getting a coffee mug instead.

"'Wag ka munang nega. House and lot 'to," excited na pahayag ni Ms. Pam. "Saka dalawa ang mananalo. 'Yong isa sa mga bahay, fully furnished pa. Malay mo, this time, swertehin ka na."

"House and Lot?" ulit niya.

"Yes, dear. Kaya sige na, fill out mo na 'yan," tumingin ito sa suot na relo. "May ten minutes ka," she added bago siya iniwanan.

Na-excite siya bigla. Matagal na niyang pangarap na makabili ng bahay at lupa. 'Yong maayos. 'Yong hindi mahihirapan ang kanyang ina at kapatid. Pero tanggap niya na pangarap lang 'yon sa ngayon. Balang araw gagawin niya iyong katotohanan.

For the meantime, hindi naman siguro masamang mangarap na mapanalunan niya ang house and lot. Baka ito na ang swerte niya.

Hinalik-halikan pa niya ang papel bago pinunit ang stub no'n.

"Ms Pam! Ito na po!"

Ganado siya for the rest of her shift.

Naghihintay na siya ng jeep pauwi nang may tumigil na gwapong-gwapong black Mercedes-Benz sa harapan niya. Nang umibis ang gwapong-gwapo ring driver, pakiramdam ni Ally tumigil sa pagtibok ang puso niya.

"Ethan," she said his name, her voice almost just a little above whisper.

"Hi, Ally!" ngumiti ito at feeling niya tatalon na palabas ang puso niya.

"Hey!" aniya nang makabawi. "Anong ginagawa mo rito?" sinikap niyang itago ang excitement sa boses niya.

Kung kanina inaantok na siya, ngayon naman dinaig pa niya ang nakainom ng isang drum na kape.

"Sinusundo ka?" binuksan nito ang passenger seat para sa kanya.

"T-teka, bakit mo ako susunduin? Gabing-gabi na. Nasa labas ka pa?"

"Wala lang. 'Di kasi kita nakita buong maghapon," pinilit siya nitong pumasok kaya wala na siyang nagawa.

"Ethan, hindi mo naman ako kailangang sunduin," sabi niya nang makaikot na ito sa driver's seat.

"Ihahatid na kita Ally."

"H-ha?" nagpanic siya bigla.

"Ihahatid na kita," ulit nito. Bahagyang nakangiti, he moved closer para ikabit ang seatbelt niya. Hindi siya nakakilos agad. Ang bango ni Ethan. "There."

"H-hindi na kailangan," akma siyang bababa pero pinaharurot na nito ang sasakyan. "Seryoso, Ethan! Bababa na ako."

"Ally, all you have to do is relax and tell me where I should drop you off."

Hindi niya maiwasang magpanic. Hindi siya p'wedeng magpahatid kay Ethan. Hindi naman sa gusto niyang itago kung saan siya nakatira. Hindi niya ikinakahiya iyon.

Ayaw niya lang na malaman pa ng binata. Kilala na niya si Ethan. He would insist on helping her dahil maaawa ito sa kanya. She already had enough of his pity.

Allison decided to give him the wrong address.

----

Ethan couldn't believe na binigyan siya ni Ally ng maling address. Imbes na sa totoo nitong tinitir'han, nagpahatid ito sa ibang lugar. At mas napalayo pa ito.

Gusto tuloy niyang pagsisihan ang ginawang pagsundo sa dalaga. Ngayon wala siyang choice kundi maingat itong sundan nang sumakay ulit ito ng jeep pauwi sa totoo nitong tirahan.

Mabuti na lang at hindi na traffic. Nakauwi pa rin ito bago mag alas dose ng hating gabi.

Hindi siya nakapasok dahil inayos nila ni Leio ang pagbili niya ng dalawang bahay sa isang regular na subdivision. 'Yong tipong kapani-paniwala lang na papremyo pero maayos at higit sa lahat secured.

He spent the rest of last night thinking about how to give the house to Ally na hindi nito malalaman na bigay niya iyon. Kilala na niya kasi ang dalaga. Tatanggi ito o 'di naman kaya, babawi.

He remembered how she tried to give him something in return sa ginawa niyang pagtulong dito na makapagpasalamin nang bago. She said she hadn't got much kaya ipinagbake na lang siya nito ng cookies na ginawa umano nito sa bahay nila Kattie.

The memory created a smile on his face. He didn't eat the cookies. Hindi dahil gusto niyang i-preserve iyon. Hindi lang talaga edible. His smile turned into a chuckle. S'yempre hindi niya sinabi iyon kay Ally but did preserve the cookies. Naappreciate niya iyon. Sa katunayan na-touch siya.

Ethan figured that the best way to give the house to Ally was to guise it through a raffle. At dalawa para hindi halata na sinadya iyong ibigay sa kanya. Kumuha siya ng tao na kakausap sa management ng pinagtatrabahuan ni Ally para gawin ang kunwaring raffle.

Syempre hindi naman 'yon gano'n gano'n lang at papayag na ang mga ito. He had to pay them.

In the end, Ethan decided that it was worth it kung ang kapalit naman ay peace of mind niya na ligtas ang titir'han ni Allison.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status