Share

5. Don't hurt Ethan.

"Ally," pabulong na tawag ni Ethan sa dalaga.

Nasa library sila. Nag-aayos ng mga libro si Allison sa isang shelf. Nasa likuran naman noon si Ethan at kanina pa kinukuha ang atensyon niya mula sa mga siwang ng libro.

"Ally!" ulit nitong bahagyang napalakas.

"Ssshhhh," saway ng Chief Librarian na si Ms Alonzo.

Hindi niya pinapansin si Ethan kahit kanina pa ito sunod nang sunod at sinasadyang hulihin ang tingin niya. Wala siyang pakialam kahit napakaganda ng mga mata nito.

Wala siyang pakialam kahit na sa loob loob niya, gusto na niyang batiin ang g'wapong binata.

"Ally," malapit na sila sa dulo ng shelf. Pagliko niya, hinarang na siya ni Ethan. "Bakit ba hindi mo ako pinapansin?" yamot na ito.

"Nagtatrabaho ako," umiwas siya pero humarang ulit ito.

"Bakit ang sungit mo? Meron ka---?"

"Ano bang kailangan mo?" she hissed, earning a wide grin from Ethan. Nagpa-cute pa ito.

"Lunch? Mamaya?"

"Busy ako," nilampasan niya uli ang binata.

"Sa free time mo," nakasunod na naman ito sa kanya.

"Wala akong free time."

"Come on, Allison. May kopya ako ng schedule mo. At three pm ang last subject mo."

"Ethan-" bigla siyang tumigil at pumihit paharap sa binata.

Mali. Kaunti lang pala ang distansya nila ni Ethan kaya literal siyang bumangga sa dibdib nito. Nawalan pa siya ng balanse dahil sa pagkabigla. Mabuti at mabilis siya nitong nahapit sa baywang niya. Hindi siya iyong sumisigaw 'pag nabibigla pero nasagi niya ang isang upuan na siya namang gumawa ng ingay.

"Allison," nakangising ani Ethan and it sent her blushing again.

Sinadya pa nitong ilapit ang mukha sa kanya dahilan para wala sa loob na napalunok siya. Bakit gano'n? Siya lang ang apektado sa panunukso nito.

Napuno naman ng pagbubulungan ang library dahil sa nagawa nilang eksena. Lahat ng estudyante roon ay nakatingin sa kanila. Idagdag pa si Ms Alonzo na sinaway ang lahat.

Mabilis na umayos siya ng tayo.

"Ano ba talagang kailangan mo?" naiinis na tanong niya kay Ethan sa napakababang tinig. Lumayo siya sa karamihan habang nakasunod na naman ito.

"I'm asking you to have lunch with me."

"What do you get for doing this?" masama na ang loob na tanong niya. Pumunta siya sa gawing walang masyadong tao. "Anong laro ba 'to? Nakapusta ka ba?"

"What?" hindi makapaniwalang balik tanong ni Ethan.

"Sikat ka, Ethan. Ako walang nakakapansin sa akin. So, ano 'tong ginagawa mo na bigla na lang ang kulit kulit mo? Hindi ko maintindihan," hindi na nagpaawat ang bibig niya. "Unless may mapapala ka sa ginagawa mong ito."

Saglit itong natahimik. Gumuhit ang mga gatla nito sa noo na wari'y nag-iisip. Pagkatapos ay mabagal itong ngumiti. Itinaas nito ang mukha niya gamit ang daliri na inilagay nito sa ilalim ng baba niya. Tapos tumingin ito nang diretso sa mga mata niya.

"Are you thinking that I'm on a bet for befriending you?" marahang tanong nito.

"Hindi ba? Kaya bigla na lang na ginugulo mo ako?" looking into his eyes, para siyang natutunaw. Bumibilis ang tibok ng puso niya at nahihirapan siyang huminga. Gusto niyang umatras at lumayo rito. Pero may hipnotismo atang ginawa si Ethan para kabaliktaran ang gusto niyang gawin.

"Of course not. Hindi ako kasing babaw ng iniisip mo," ngumiti rin ang mga mata ni Ethan.

"Then why? I just- I don't get it at all," umiwas na siya ng tingin.

"Kelangan ba talaga may rason?" binitawan siya ni Ethan. "Allison, I just want us to be friends," sincere na dagdag nito. "You know, for a change. Gusto kong makipagkaibigan sa totoong tao. 'Yong hindi dahil sa kung ano mayro'n ako."

"Sigurado ka bang walang pustahan na nagaganap?" paniniguro niya bagamat naantig ang puso niya sa sinabi nito.

'Stop it Allison. Sino ka ba para pagkaabalahan sa isang pustahan?'

"I swear."

"'Andito ulit ako sa library mamayang three to five ng hapon," sabi niya at pinigil niyang ngumiti nang sumimangot ito. "But, I have two hours bago ang shift ko sa fastfood."

"Okay. See you then," pinisil nito ang pisngi niya bago nakangiting nilubayan siya.

____

"Ally!"

Hinanap ng dalaga ang tumatawag sa kanya at napagtantong si Leio iyon na patakbong papalapit sa kanya.

"Hey," mula ng maging magkaibigan sila ni Ethan, parang naging package deal na ito at sina Zion at Leio. Naging kaibigan niya rin ang dalawa bagamat hindi niya mawari kung maiinis siya o matutuwa dahil pansinin na siya ngayon sa school.

Sino namang hindi kung tatlong heartthrob ang nasa tabi mo lagi? But unlike in movies and books, may breeding naman ang mga nasa school nila kasi hindi siya binubully dahil malapit siya sa mga idols ng school. Wala ring sumusugod na kontrabida para sabihang pangit siya.

Ang naging pagbabago lang ay kilala na siya sa buong school.

"I'm wondering if you know where Zion and Ethan are," sabi nito nang lubusang makalapit.

Ginawaran siya nito ng nakakasanayan nitong halik sa pisngi niya. Bagay na labis tinututulan ni Ethan. Pero lubos na makulit si Leio at lagi nitong inaasar ang kaibigan nito by still doing it.

Allison couldn't help a slight blush. Pero hindi iyon dahil kinilig siya or whatever sa ginawa ni Leio. Kilala niya ang binata at alam niyang walang damdamin ang halik nito. It's just how he greets a friend.

Pero namula siya dahil hinalikan siya nito sa harapan ng mga ibang estudyante.

"Leio," gigil na sambit niya at tinawanan lang siya nito.

"Wala ang bantay eh," he grinned.

"Well, di ko alam kung nasaan sila. Ikaw ang best friend, bakit sa akin ka nagtatanong?" nagtuloy na siya sa paglalakad habang nakaagapay naman ito.

"Yan din ang paniniwala ko eh. Bago ka dumating," ngumisi pa ito.

"Excuse me?"

"Bago ka dumating, it was just the three of us. Pero ngayon, lagi ka ng kasama," walang bahid ng sama ng loob na sabi nito, he was just teasing her. "Kasalanan 'to ni Ethan eh."

"Eh, 'di sa kanya ka magreklamo," ingos niya.

"Hey, I might just do that. Thanks for the suggestion."

"Okay. Since hindi ko alam kung nasaan sila, pwede mo na akong iwan. Nagmamadali ako, Leio."

"Ito naman. Magpanggap ka naman minsan na natutuwa ka sa presensya ko," lalo itong dumikit sa kanya.

Napipilitan na huminto siya at hinarap ang binata.

"Kailangan na ako sa canteen. Wala akong oras makipag-asaran ngayon. Okay?"

"Eh, doon din naman punta ko. Halika na, sabay na tayo," he smiled and grabbed her arm at literal na hinila siya nito.

Magpoprotesta pa sana siya pero gagawa lang siya ng eksena kaya nagpakaladkad na lang siya nang matiwasay.

"Look who's here," huminto si Leio at hinila siya sa tabi nito bago siya inakbayan. Nakangisi ito at nagtatakang sinundan niya ang tingin nito sa dalawang lalaking papalapit sa kanila.

"You're harrassing Allison again," walang kangiti-ngiting puna ni Ethan na matalim ang tingin sa braso ng kaibigan na nasa balikat niya.

"Bro, a best friend's girl is off limits," natatawang nagvolunteer si Zion na alisin ang pagkakaakbay ni Leio sa kanya.

Doon siya nagblush nang todo sa sinabi ni Zion. Hindi siya makatingin ng diretso kay Ethan. Oo at kinukulit-kulit siya ni Ethan para makipagkaibigan siya rito. Pero hanggang doon lang. Kaibigan lang. Hindi siya nito nililigawan.

"Tropa na natin si Ally, 'di ba? At inaakbayan ang tropa," painosenteng akmang aakbay ito ulit sa dalaga bago bumubungisngis na nagtatawa ito nang pigilan ni Ethan ang braso nito.

"She's a girl, man" pumagitna si Ethan "Saka bakit ngayon ka lang? May usapan tayo dito sa canteen ah."

"Hinanap ko pa si Allison," katwiran nito.

"Bakit?" kunot-noong tanong ni Ally, nawala ata siya ro'n. Hindi ba't hinahanap ni Leio ang dalawang kaibigan nito sa kanya kanina?

"Anyway, let's go," Ethan entwined his fingers with hers at awtomatikong lumipad ang shocked niyang tingin sa mga kamay nila.

"H-huh?" she stayed rooted on her spot kaya muntik siyang matumba nang hilahin siya ni Ethan. "Teka!" protesta niya nang makabawi siya.

Sumisipol namang sumunod sina Leio at Zion.

"Ethan!" patakbo siyang nakasunod dahil malalaki ang hakbang nito. "Ethan, stop! May trabaho ako!"

"Ally," bigla itong huminto, muntik na naman niya itong mabangga.

"It's already eleven o'clock. Dapat nasa canteen na ako," hahalukipkip sana siya kaso hawak pa pala ni Ethan ang kanang kamay niya.

She blushed nang bumaba ang tingin ng binata sa mga kamay nila. Nang mag-angat ito ng paningin, nakahalf-smile ito.

"Ipinagpaalam na kita roon. Kaya nga kami 'andoon ni Zion."

"Ethan, that's not how it works. Kapag nagalit sila, mawawala ang scholarship ko," nag-aalalang sabi niya.

"Allison, nakakalimutan mo yata kung sino si Ethan Montenegro?" ani Leio na naabutan na sila.

"Pagmamay-ari ng pamilya niya ang 70% shares sa school na ito" dugtong ni Zion.

"That means, he's got influence. Hindi na nga niya kailangan na ipagpa-alam ka," sabi uli ni Leio. "It's just for courtesy's sake."

"Stop. Ally doesn't need to know," agaw ni Ethan.

"But for what?" hindi siya makapaniwala. Alam naman niyang mayaman si Ethan pero hindi niya alam na majority shareholder ang pamilya nito sa school nila.

"May pupuntahan tayo," hinila na siya ulit ng binata.

"Ethan," pangalan lang ng binata ang nasambit niya.

Sa school gymnasium sila nagpunta kung saan may naka-setup na free eye consultation. But not just an ordinary eye check up base sa mga state of the art na equipment na dala ng mga doktor.

"I figured that I cannot persuade you to go to your Ophthalmologist. Parati kang busy at maraming dahilan. So, I decided to bring them here," he smiled warmly at her at totoong na-touch siya.

"You do not have to do this. I'm perfectly fine with my---- Ethan!" nagulat siya nang tanggalin nito ang salamin niya at apakan iyon. Napasimangot na lang siya nang lumabo ang g'wapo nitong mukha sa paningin niya. "Why did you do that?"

"Dahil hindi mo na 'to kailangan," sinipa pa nito iyon na sakto naman sa gawi nina Zion at Leio. Ayon, pinaglaruan ng dalawa ang pobre niyang salamin hanggang sa madurog iyon. 'Di man lang nag-alala ang mga ito sa bubog.

Tumatawang iginiya siya ni Ethan sa doktor na naghihintay na sa kanila.

"Allison, this is Dr Jamie Bernardo, the best eye doctor in the country. So, wala kang dapat ipag-alala, you're in good hands."

"Lovely to meet you, Ms Allison," bati ng medyo may edad ng doktor.

"Nice to meet you too, Doc."

Napagtanto niya na siya ang unang ichecheck up at gagawan ng salamin bago i-oopen iyon sa lahat. And true enough, it was free. Salamat sa generosity ni Ethan.

Maging sina Kattie at Michael ay nagkaroon din ng free eyeglasses at ang mga iba pang estudyante maging faculty.

"I couldn't thank you enough," she told Ethan. "Magpapalit naman ako ng salamin pero after graduation pa sana."

"Well, how is it? Luminaw na ba ang mga mata mo?" nakangiting pumunta ito sa harapan niya. "Can you see me clearly now?"

"Oo naman," napangiti rin siya. "Salamat."

"Alam mo ba kung bakit naisipang magkawang-gawa ni Ethan?" singit ni Leio. Binigyan naman ito ni Ethan ng warning look pero Leio being Leio, hindi ito nagpapigil. "Nagtataka kasi siya kung nakikita mo ba nang malinaw ang kag'wapuhan niya o hindi-" tumakbo ito nang habulin ito ni Ethan.

"Pasensya ka na sa mga bata, Allison," iiling-iling pero natatawang sabi ni Zion habang pinapanood nilang mag-fake ng away ang dalawa nilang kasama .

"They're having fun," she chuckled.

Inipit ni Ethan sa kilikili nito ang ulo ni Leio at binibigyan nito nang mahinang suntok ang mukha ng kaibigan.

"Ally."

"Hmn?" seryoso si Zion nang lingunin niya ito.

"Don't hurt Ethan."

"Huh?" hindi pa niya napa-process ang sinabi nito ay iniwanan na siya nito at nakisali sa dalawang kaibigan.

Through her new eyeglasses, she saw the genuine happiness in Ethan's eyes. Nang tumingin ito sa kanya, she didn't miss the look in his eyes. But it was something she couldn't figure out yet.

Tumakbo palayo ang mga ito na animo mga bata tapos hindi na siya binalikan.

Maybe she'll find a way how to thank Ethan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status