Nanatili lamang siyang nakadungaw sa madilim na labas ng D.G Empire building. Tanaw niya ang mga mumunting ilaw na galing sa mga nagliliitang sasakiyan na paroo't parito, mula sa ibaba ng building. Pagmamay-ari nila ang naturang establishment, isa ito sa successful business na hinahawakan niya sa kasalukuyan.
Nag-e-export sila sa iba't ibang panig ng Bansa ng mga mamahaling kalidad ng alahas, katulad ng emerald, gold, silver and diamond sa bangsang: France, Switzerland, London at Germany.
High class jewerly store ang mga pinapatayo nila. kung saan, mga kilalang mayayaman na personalidad sa buong mundo ang tumatangkilik sa kanilang negosyo.
Sa ngayon ay kagagaling lamang niya sa isang close meeting sa Paris. Halos wala pa siyang pahinga, magmula ng umuwi siya.
Tuluyan niyang ibinaba ang hawak na baso nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatakok sa nakasaradong pinto. Agad niyang inalis ang pansin mula sa bintana.
Marahan siyang naglakad palapit, ngayon dama niya ang pagtama ng iniinom niyang alak.
Agad naningkit ang mga mata ng binata ng mapagsino ang bisita.
"Hello Kuya Novice, mabuti na lamang at nakauwi ka na galing Paris. Nasaan ang pasalubong ko!"magiliw nasalubong sa kaniya ni Beatrice ang nakababatang kapatid niya.
Benti-sengko anyos na ito, ngunit kung mag-isip at umakto ito'y parang disa-sais pa rin.
Magsasalita na sana si Novice ng muli ay naunahan na naman siya ni Bea. Ngali-ngali na niyang batukan ito.
"Hay naku Kuya! masiyado lang workaholic, paano mo aasikasuhin ang pag-aasawa kong hindi ka pipirmi sa isang lugar!" malakas nitong sabi.
"Pwedi ba Bea, kahit saglit. . . please, manahimik ka naman. Mind on your own life. Ikaw nga nasa tamang edad ka na para magsettle down, pero heto ka loveless."tuya niya sa kapatid na napaeye-roll saka nagpout.
Isip bata talaga!
"Hee! atleast wala pa sa katapusan ng kalendaryo ang edad ko. Eh ikaw? wake up big brother trenta anyos ka na. Kaya better na mauuna ka talagang mag-asawa. Saka hinihintay ko lang naman itong si Rudny na pikutin ako. . ." patungkol ng dalaga sa lalaking kasabay niyang dumating.
kasalukuyan itong tumutungga ng alak na nasa table ng pribadong opisina ni Novice.
" Hoy! Bek-Bek kahit kailan hindi kita papatulan! si Elisse nga hindi ko pinatos pakasalan. Ikaw pa kaya!" tukoy ni Rudny sa babaeng ipinagkasundo rito, one of the best buddy ni Novice ito . Galing din sa isang mayamang angkan.
Pares nilang magkapatid ay nagmula rin sa isang kilala at may masasabing angkan si Rudny Aragon.
Isang high class syndicate o mafia lord ang Daddy niya. Nagmamay-ari ang pamilya nila ng night club, hostel and casino. kung saan laging tumatambay ang dalawa.
Nag-umpisang lumapit si Beatrice at pinagsusuntok si Rudny.
" Your so rude, Rudny!!!"tili nito. Kaya upang lalong manakit ang ulo ni Novice. Wala sa sariling napaupo sa swivel ito, marahan na minamasahe nito ang sentido.
"Halika dito!"Habol ni Beatrice.
"Ayuko nga! nek! nek! mo!"pambubuska naman ni Rudny.
Patuloy lamang sa paghahabulan ang dalawa sa loob ng opisina ng binata.
Hanggang isang katok mula sa pinto ang umagaw ng kanilang pansin. Dahil sa ingay ng dalawa ay hindi na nila namalayan ang pagbukas niyon.
Nagtagis ang mga ngipin ni Novice sa tinitimping ngitngit. Hindi niya aakalain na ganoon siya kaagang pupuntahan ng ama.
"Can you go out first Bea and Rudny. . ."utos ng matandang lalaki na halos pinapalibutan ng mga body guard.
Agad naman tumango ang dalawa, kasunod niyon ang pagpapalabas sa mga alopores nito. Matapos makalabas ang mga ito ay tuluyang isinarado ni Don Vicenti ang pinto.
Marahan itong naglakad sa maluwang at magarang opisina ng binata. lumalagatok sa marmol na sahig ang tunog sa bawat paglalakad ng matandang lalaki sa gamit nitong baston.
Kahit nasa katandaan na ang edad ay kakikitaan pa rin ng tikas ang tindig nito. Malakas ang dating nitong taglay na tanging sa mayayamang tao lamang nakikita.
"I'm glad your home son,"wika ng matandang lalaki.
Ngunit mapakla lamang nangiti si Novice, wala siyang pakialam sa anuman sasabihin ng kaharap.
Para sa kaniya ang lalaking kaharap ay isang diyablo na nagbabalat tao!
"Pwedi ba, sabihin mo na ang ipinunta mo rito. . ." walang ganang sambit ng binata. Bigla niyang naikuyom ang kamao.
Kilalang-kilala niya ang ama, magmula pagkabata ay wala na itong ginawa kung 'di kontrolin ang buhay niya. Sa mukha pa lang nito ay tila may binabalak na naman ito para sa pansariling kapakanan at kayamanan nito. Isinusuka niyang may isa siyang klase ng ama na tanging sinasamba ay ang karanghiyaan mayroon ito!
"Ganiyan mo na ba kausapin ang ama mong nagpalaki sa 'yo?" gagad ng matandang lalaki.
"Please, stop this none sense topic! kung ang ipinunta mo rito para pangaralan ako. Umuwi ka na lang!" Marahas niyang ipinukpok ang kamao sa may lamesa. Halos mayanig at magsitumba ang mga baso ng alak at bote na naroon.
Tuluyan naman natahimik si Vicenti, nanatili itong nakatitig sa madilim na mukha ng binata.
Napabuntong-hininga muna ito bago muling magsalita pagkatapos.
"Novice, matanda na ako. . . kaya kinakailanganin mo na ng bagong hahalili sa 'yo rito sa kumpinya natin. Kaya kung maari'y magpakasal ka na at mag-asawa. . . bigiyan mo ako ng apo sa madaling panahon." Walang preno ang bibig na utos ng matandang lalaki.
Biglang nanlaki at halos hindi mapaniwalaan ni Novice ang sinabi ng kaharap.
Gusto niyang magtawa, ngunit nanaig ang kinikimkim niyang galit sa sariling ama! Masiyadong bilib sa sarili na akala mo'y napakadaling bagay ang pinapagawa nito.
"Sino ka para diktahan ako! wala kang karapatan!"bulyaw ng binata.
Hindi man lang nakakitaan ng kung ano man si Don Vicenti, tila lalo pa itong naaliw sa itsura niya.
"Wala kang magagawa kung hindi ang sumunod Novice, kung ayaw mong mawalan ng mana. . ."pagbabanta ng sariling ama sa binata na lalong nagpasuklam sa nararamdaman ngitngit ni Novice.
Agad ng tumalikod si Don Vicenti, nasa anyo nito ang pagwawagi ng tuluyang nawalan ng masasabi ang anak. hahawakan na sana nito ang seradura ng pinto ng muli itong humarap sa binatang napupuot sa kaniya.
"Huwag kang mag-alala, dahil nakakita na ako ng tamang babae para sa 'yo. . . maybe you'll remember her with the name, Shaina Monuz."deklara ng matandang lalaki na nagpatigalgal kay Novice sa mga sandaling lumipas. . .
MALAKASna ipinukpok ni Novice ang palad na mariin ang pagkakakuyom.Masamang-masama ang loob niya sa katatapos na kaganapan ngayon-ngayon lang sa kaniyang opisina.Pinaikot nito ang kinauupuan na swivel chair, nanatili siyang nakamasid sa madilim na tanawin mula sa labas.Muli niyang narinig ang pagbukas ng nakasaradong pinto. Ang gagawin niyang pagmumura ay napigil nang makita niya sa replesiyon nagmumula sa salamin na kaharap.Agaran niyang pinaikot ang kinauupuan paharap. Isang ngiti ang isinukli niya sa bagong dating."K-Kumusta Lawrence, mabuti at nagkaroon ka ng oras para dalawin ako rito sa opisina?"Galak niyang salubong sa matalik niyang kaibig
PALAKAD-LAKADsi Shaina ng mga sandaling iyon. Na-te-tensiyon siya na hindi niya mawari.Sunod-sunod siyang napabuga ng hangin, agad niyang tinignan sa suot na relos ang oras. Halos kalahating oras na siya sa loob ng sarili niyang suite.Parang mas gusto na niyang magkulong na lamang doon at huwag nang pakiharapan ang walanghiya niyang ex!"Bakit ba kasi bumalik-balik ka pang demonyo ka!"Nanggigil na anas niya sa kawalan.Muntik pa siyang mapatalon sa pagkagulat ng makarinig ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto.Dali-dali niyang inayos ang sarili, ang secretary niya ang nasa labas ng pinto.
AGADna umuwi sa may Forbes si Shaina. Isang sikat na subdivision sa Ayala.Pinili niya roon dahil mahigpit ang security at hind basta-basta nagpapasok ng kung sino man. Saka ang mga nakatira roon ay tila walang pakialamanan.Mainam sa kaniya iyon, dahil ang totoo ay wala ng pinagkakatiwalaan na tao ang dalaga.Mag-iisang linggo na ang lumipas magmula ng maekuwentro niya ang ex niyang si Novice sa pagmamay-ari niyang resort.Hindi niya pa rin malubos maisip na halos sa labing-anim na taon ng nakalipas ay muli silang nagkatagpo. Sort of, sigurado siya na may plinaplano ito.Hindi pa rin niya tukoy kung anong binabalak nito. Ngunit nakakasiguro siya na isa l
NAGISINGna lang si Novice dahil sa isang kaluskos na kaniyang narinig mula sa gilid ng kama na kaniyang kinahihigaan."Nasaan ba ako at anong. . ."pilit na bigkas ni Novice habang sinasapo ang bandage na nakapulupot sa kaniyang noo."Kumusta ka na, pare? Meron bang masakit sa 'yo?"tanong ni Rudny kay Novice."Ano bang nangyari at ganiyan ang inabot mo?"tanong naman ni Lawrence kapagdaka.Mataman lang tumitig si Novice sa kanila at mabilis na iniwas ang kaniyang kasagutan."Pre, mga kaibigan mo kami. Kung ano ang isa ay ganoon din ang lahat. One for all, all for one, right? We're here as one of your closenes
MARAHANiginalaw ni Novice ang ulo, unti-unti niyang iminulat ang mga mata.Tuluyan niyang iginala ang tingin, bago sa kanya ang lugar. Muli niyang ipinikit ang mga mata.Nang magmulat siya ay naalala na niya kung bakit siya naroroon. Doon pala siya iniwan ni Simon, ang drayber nila.Iinot-inot siyang bumangon, nakita niya ang kumot na nakapatong sa kanya. Nakita niya rin na may isang tabletang aspirin ang naroon.Agad na itong tumayo at naglakad, ang huling natandaan niya'y naglasing siya at nagkaroon sila ng malaking pagtatalo ng kaniyang ama na si Don Vicenti. Dahilan upang ipinagtabuyan at itakwil siya nito sa kanilang mansyon.Naihilamos niya ang mga kamay
SABAYna itinungga nina Novice at Rudny ang hawak nilang beer.Kasalukuyan silang nasa bagong bukas na night club nina Rudny ang"Heavens Peek".Imported ang mga alak na isine-served roon, maski ang mga babaeng nagsasayaw sa entablado ay iba't iba ang presyo. Ang pinakamababa ay nasa sampung libo. Habang ang pinakamahal na babayaring babae ay bumibilang lang naman ng half Million o mas higit pa dependi sa magiging usapan ng manager nina Rudny at magiging client ng babae.Dahil purong mayayaman at may masasabing tao sa lipunan na ginagalawan nila ang mga nagpupunta roon ay hindi naman kinuwe-kwestyon kung bakit ganoon kamamahal ang mga babae roon."Ikaw Novice, pumili ka na ng ita-take out
NANATILIpa rin nakahiga si Novice sa malambot nitong kama sa kaniyang silid. Nang makarinig siya ng sunod-sunod na pagkatakok.Pasado ala-una na ng madaling araw siya inihatid ng isa sa mga tao ni Rudny sa kanilang mansyon. Magkagayunman ay tuluyan ng bumangon ang binata. May mahalaga siyang aasikasuhin ngayon. Magiging abala siya sa mga susunod na araw."Hello brother! Goodmorning! kumusta? mabuti naman at pinayagan ka na ni Daddy na bumalik dito. Huwag mong sabihin Oh my God! papakasalan mo na talaga si Ate Shaina for good?"sunod-sunod na sabi ni Bea.Napakunot-noo man at puno ng pagtataka si Novice kung bakit at saan nalaman nito ang tungkol sa bagay na iyon."At saan mo iyan nalaman?"
AGADna pinagbuksan ni Novice ng pinto ng kaniyang kotse si Shaina."I hope you enjoy my surprise engagement party for you hon. . . "nasabi ng binata matapos nitong halikan sa likod ng palad niya si Shaina."Oo naman I appreciate it really, t-thank you sa effort,"nangingiting bigkas ng mga salita nito.Bakas sa anyo nito ang labis na kaligayahan ng mga sandaling iyon. Masuyo naman na hinawakan ni Novice sa mukha ito. Muli, isang malalim na halik ang pinagsaluhan nila.Habang magkahugpong ang mga labi nila ay naramdaman ni Shaina ang kamay ng binata sa dibdib niya. Nakaramdam man ng pag-iinit ito ay minabuti na nitong pigilan ang lalaki."Ah