INAAYOS na niya ang higaan niya ng mga sandaling iyon ng makarinig si Shaina ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto ng kinaroroonan niyang silid.
"Bukas iyan,"sabi niya matapos niyang maisuot ang roba.
Nginitian niya ito ng makita niyang may dala-dala itong isang baso ng mainit-init pang gatas.
"Drink this, naisip ko baka hindi ka makatulog kaya tinimplahan na kita,"sabi ni Novice.
"S-salamat pero huwag ka na sanang nag-abala pa,"mahina niyang saad. Tuluyan na ngang ininom iyon ni Shaina.
"Hayaan mo na patulog na rin naman ako,"sagot lang ni Novice.
Nakatitig lang naman ito sa kanya, kapag ganoon itong tumingin ay nakakaramdam ng dis-comfort si Shaina.
"M-may kailangan ka pa ba?"tanong niya.
Naglakad muna sa may bintana si Novice, kasalukuyan pumapatak ang mahinang ulan mula sa labas.
"Ma
MABIBILIS na hakbang ang madidinig sa hallway ng mansyon ng mga De Guzman. "Kuya Novice! Narito ka ba,"pagtawag ni Beatrice sa kapatid niya. Nagpunta siya sa Novisual shop nito ngunit ang sabi ng manager nito ay hindi pa ito raw nagpupunta roon. Hanggang sa makita ni Beatrice ang Daddy niya na nasa libriary. "Dad totoo ba ang naririnig ko." "Ang alin ija?"tanong nito. "Nagsasama na si Kuya at si Maxine iyon ang sabi ng mga katulong dito." "Oo tama ang nasagap mong balita,"pabalewang-sagot lang ng matandang lalaki. "No! way, akala ko okay siya at si ate Shaina. Bakit bigla-bigla nagkaganoon,"patuloy ni Beatrice na palakad-lakad lang sa harapan ng matandang lalaki. "Hayaan mo na kung si Maxine na ang piliin ni Novice dahil magkakaanak na sila." "Ganoon lang ba iyon Dad, wala
LALONG lumakas ang ulan at hangin sa labas, dulot na rin ng pag-tama sa kalupaan ng isang bagyo. Ayon sa inisyal na broadcast ng newscaster ng radio station na pinakinggan kanina ni Novice. Halos liparin siya ng hangin at ng ilibot niya ang buong pansin sa paligid ay animo'y gabi na pero alas-tres pa lang naman ng hapon.Napatakbo palabas si Novice pagkatigil na pagkatigil pa lamang ng kotseng kanyang kinalulunaan na basta na lamang niyang ipinarada sa ibaba ng bundok.Ginamit niyang pananggalan ang braso sa mukha dulot hagupit ng malakas na ulan at hangin. Para siyang nakikipag-patentiro sa kamatayan ng mga oras na iyon."Faster Novice, si Shaina baka kanina pa takot na takot sa loob!"mariin paalala niya sa sarili pagkaalala niya sa asawang iniwan ng nag-iisa. Dahil sa paninira ni Maxine ay hindi na namamalayan ni Novice na sobra na pala ang ginagawa niya kay Shaina.Ikinulong niya kasi
ONE YEAR AGO...BINILISAN na ni Rudny ang pagda-drive papunta sa bahay bakasyunan ni Novice. Napuna niya ang pagva-vibrate ng smart phone niya sa may dash board niya. Pinindot niya ang loudspeaker para marinig niya kung ano man ang sasabihin pa ng babae."Hello ano iyon sweetheart?"tanong ni Rudny na binagalan ang pagpapatakbo dahil pa-blind curve ang papasukan niya."Nasaan ka na?"tanong ni Beatrice mula sa kabilang linya. Dinig nito ang maingay na usapan sa background."Malapit na ako sweetheart, pasensiya na sobrang traffic sa Edsa kanina,"paghingi ng pasensiya ni Rudny."Ang sabihin mo nambabae ka na naman!"galit nitong akusa sa kanya."Sweetheart you know that is not true. Patay ako kay Novice kapag nangyari iyan!"sabi niya at kumudlit sa isipan niya ang nagbabalang titig dati sa kanya ng kaibigan oras na lokohin niya ang kapatid nito.Wala na siyang narinig na sagot mula rito dahil tuluyan na s
MARAHANhinahawakan ni Novice ang ilang hibla ng buhok ni Shaina na humahaplos sa pisngi niya.Habang tumatagal ay lalo gumaganda ito sa kanyang paningin." Masaya ka ba honey?"tanong ng binata rito. Nanatili naman itong nakatingin sa kaniya, tila kumislap pa nga ang mga mata nitong nakatunghay sa kaniya ng mga sandaling iyon.Kasalukuyan siyang nakaunan sa kandungan nito." Oo naman honey, mahal na mahal kita. . . "malambing na anas ni Shaina na nagpalukso ng tibok ng puso ni Novice.Maluwang siyang napangiti, agad na siyang tumayo. Nakatingin lang naman ang dalaga rito, wari'y nagtataka sa kakaibang ikinikilos niya.
PATULOYlamang ang paglagok ni Novice sa tangan na baso. Naglalaman iyon ng isang mamahaling alak na galing Paris, pasado alas-siyete na ng gabi.Nanatili lamang siyang nakadungaw sa madilim na labas ng D.G Empire building. Tanaw niya ang mga mumunting ilaw na galing sa mga nagliliitang sasakiyan na paroo't parito, mula sa ibaba ng building. Pagmamay-ari nila ang naturang establishment, isa ito sa successful business na hinahawakan niya sa kasalukuyan.Nag-e-export sila sa iba't ibang panig ng Bansa ng mga mamahaling kalidad ng alahas, katulad ng emerald, gold, silver and diamond sa bangsang: France, Switzerland, London at Germany.High class jewerly store ang mga pinapatayo nila. kung saan, mga kilalang mayayaman na personalidad sa buong mundo ang tum
MALAKASna ipinukpok ni Novice ang palad na mariin ang pagkakakuyom.Masamang-masama ang loob niya sa katatapos na kaganapan ngayon-ngayon lang sa kaniyang opisina.Pinaikot nito ang kinauupuan na swivel chair, nanatili siyang nakamasid sa madilim na tanawin mula sa labas.Muli niyang narinig ang pagbukas ng nakasaradong pinto. Ang gagawin niyang pagmumura ay napigil nang makita niya sa replesiyon nagmumula sa salamin na kaharap.Agaran niyang pinaikot ang kinauupuan paharap. Isang ngiti ang isinukli niya sa bagong dating."K-Kumusta Lawrence, mabuti at nagkaroon ka ng oras para dalawin ako rito sa opisina?"Galak niyang salubong sa matalik niyang kaibig
PALAKAD-LAKADsi Shaina ng mga sandaling iyon. Na-te-tensiyon siya na hindi niya mawari.Sunod-sunod siyang napabuga ng hangin, agad niyang tinignan sa suot na relos ang oras. Halos kalahating oras na siya sa loob ng sarili niyang suite.Parang mas gusto na niyang magkulong na lamang doon at huwag nang pakiharapan ang walanghiya niyang ex!"Bakit ba kasi bumalik-balik ka pang demonyo ka!"Nanggigil na anas niya sa kawalan.Muntik pa siyang mapatalon sa pagkagulat ng makarinig ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto.Dali-dali niyang inayos ang sarili, ang secretary niya ang nasa labas ng pinto.
AGADna umuwi sa may Forbes si Shaina. Isang sikat na subdivision sa Ayala.Pinili niya roon dahil mahigpit ang security at hind basta-basta nagpapasok ng kung sino man. Saka ang mga nakatira roon ay tila walang pakialamanan.Mainam sa kaniya iyon, dahil ang totoo ay wala ng pinagkakatiwalaan na tao ang dalaga.Mag-iisang linggo na ang lumipas magmula ng maekuwentro niya ang ex niyang si Novice sa pagmamay-ari niyang resort.Hindi niya pa rin malubos maisip na halos sa labing-anim na taon ng nakalipas ay muli silang nagkatagpo. Sort of, sigurado siya na may plinaplano ito.Hindi pa rin niya tukoy kung anong binabalak nito. Ngunit nakakasiguro siya na isa l