“Anna, ayaw ko nga sumali riyan, eh. Mapapahiya lang ako!”
“Ano ka ba! Wala namang mawawala kung susubukan mong mag-audition, ‘di ba?” pamimilit sa akin ng kaibigan ko. Naiinis na ‘ko kasi kanina pa niya ‘ko pinipilit na mag-audition daw sa lintek na glee club na ‘yan!
“Nahihiya ako, okay?! Paano kong pumiyok ako? Mawala sa tono? Edi, pagtatawanan lang nila ako?”
Naibaba niya ang hawak na flyers. Nakasimangot din siya at halatang badtrip na badtrip na sa akin. Tsk! I already told her that I don’t want to join that club! I am afraid that what if I failed? Mababa na nga ang self-esteem ko, ipapahiya ko pa ‘yong sarili ko sa harap ng maraming tao? Huwag na uy!
“Alam mo ikaw, sobrang negative mo. Ikaw na nga itong tinutulongan ko para magkaroon ka ng kumpyansa sa sarili mo, ayaw mo pa. Gusto mong makagain ng self-confidence, ‘di ba? Why don’t you help yourself? Andito nga ‘ko para tulongan ka pero ikaw naman itong hindi gumagawa ng paraan para tulongan iyang sarili mo. Useless lang ang pag-e-encourage ko sa ‘yo kung ikaw di-ni-discourage mo naman ang sarili mo,” aniya at nakasimangot na umalis ng gazebo.
Natigilan ako at sandaling nakapag-isip. I heaved deep breath. I can’t deny the fact that she got a point. How can I gain self-confidence kung mismong sarili ko hindi ko tutulongan? Napapikit ako at napatampal sa aking noo. Should I audition then? Sabi nga ni Anna, wala namang mawawala kong susubukan ko, hindi ba? Pero kasi…
“Bahala na nga,” bulong ko at sinundan ang kaibigan. Ayaw ko pa man din ng may mga taong nagagalit sa akin. Ewan ko ba. Hindi talaga ‘ko natatahimik kapag may nakaalitan ako o nakasagutan ako. Mabuti na lang at hindi pa siya gano’ng nakakalayo kaya naabutan ko siya.
“Anna! Okay, fine! Mag au-audition na ‘ko.”
Napatigil siya sa paglalakd at agad niya akong nilingon na nanlalaki ang mga mata. “OMG! Totoo ba?”
“Oo nga. Basta samahan mo ‘ko, ah?”
Tumili siya at tumakbo papunta sa akin. “Oh my god! Yes! Ako ang pipili ng kakantahin mo!”
Kumunot ang noo ko. “Bakit ikaw? Ikaw ba ‘yong kakantaha?”
Inirapan niya ‘ko. Kita mo ‘tong babaeng ‘to! “Sige na nga! Oh, basta bukas na ‘yong pa-audition nila, ah. Galingan mo!”
Tumango na lang ako. Inakbayan niya ‘ko at naglakad na kami papunta sa building namin. Nang matapos ang klase ay sabay kaming umuwi pero dahil magkaiba kami ng dorm ay naghiwalay kami ng daanan. Habang naglalakad ako ay nagbo-browse ako ng mga kanta na pwede kong kantahin bukas. Napanguso ako. Paano kong Korean song na lang kaya ang kantahin ko? Ay! Huwag na lang pala baka sabihin nilang nagfe-feeling Korean ako.
“Miss, ilag!” sigaw ng isang lalaki.
Nilingon ko kung saan galing iyon pero huli na dahil natamaan na ‘ko ng bola sa ulo. Napamura ako sa aking isipan habang nakasalampak sa ground. Nabitawan ko ang cellphone ko habang hawak ko ang ulo na natamaan ng bola. Bwesit! Naalog ata ang utak ko dahil sa bolang iyon!
“M-miss… miss, ayos ka lang? Pasensya ka na. Hindi ko sinasadya ‘yon,” wika ng lalaking nakatama sa akin.
Gusto ko sana siyang sigawan pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumango na lang ako. “A-ayos lang naman.”
Kahit ang totoo ay masakit! I tried to stand up. Tinulongan naman ako noong lalaking unang lumapit sa akin. I noticed that he’s wearing a combination of white and green jersey shirt and shorts. Halata na isa siya sa mga myembro ng VSU Football team, at dahil sa tangkad niya ay kailangan ko pang tumingala.
Natigilan ako dahil sa kanyang itsura. He got the looks. Malinis ang pagkakagupit ng kanyang maitim na buhok, maganda ang malalim at kulay itim na mga mata, matangos na ilong at medyo pulang mga labi ay nakakahalina. Ang gwapo naman! Napalunok ako nang hawakan niya ang ulo ko.
“Are you hurt? Pasensya ka na, napalakas lang ‘yong sipa ko,” nag-aalala nitong tanong.
“Is she okay?” tanong naman ng isang matangkad at mestizo na lalaki. Pinulot niya ang bola saka ako tinitigan. Maamo ang kanyang mukha ngunit mapapansin mong medyo misteryoso siya dahil blanko lang ang tingin niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumikhim. Hell! I can’t stand his stares!
Some of the players went to us. Nagtatanong kung ayos lang ba ‘ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa paglapit nila sa akin. Hindi pa naman ako komportable kapag maraming lalaki! Shit! I need to go!
“Ah, ayos lang po ako. E-excuse me.”
“Are you sure? Wala bang masakit sa—“
“Ouch!” daing ko nang mahawakan niya ang parteng sapol na sapol ng bola.
“Shit! M-masakit ba? Should I bring you to the hospital?”
“H-huwag na. Ayos lang po talaga ko, Kuya. I… I need to go”
Narinig ko ang halakhak ng iilan sa mga players. The hell! Gustong gusto ko na talagang tumakbo dahil hindi ako komportable kapag ganito karaming lalaki! Sa dorm ko na lang ito gagamutin.
“Tinawag kang Kuya, Rence, oh. Ang tanda mo na pala, eh!” kantyaw ng isang soccer player.
Uminit ang pisngi ko. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin! Tsaka sa tingin ko naman ay nasa senior na siya kaya pwede ko siyang tawaging Kuya.
“Shut up, Drake. Anyway, ayos ka lang ba talaga?”
“Y-yes. Sa dorm ko na lang po ito gagamutin, bye po!” wika ko atsaka nagmamadaling umalis.
“Hey, miss!”
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang hawak pa rin ang aking ulo. Napangiwi ako nang maramdaman kong may bukol ako! Anak ng!
“Babaeng natamaan ng soccer ball sa ulo!”
My forehead creased. Natigilan ako dahil sa sigaw na iyon. Ano raw? Babaeng natamaan ng soccer ball sa ulo? Ako ‘yon, ‘di ba? Nilingon ko iyong tumawag sa akin. It was the mestizo guy! May kung anong hawak siya sa kanyang kamay habang winawagayway niya ito.
Napansin ko na ang ilan sa mga kasamahan niya ay nakaalis na. Hindi ko alam kung bakit sila naglalaro roon eh may oval naman. Malaki pa at hindi sila makakatama ng tao. He jogged towards my direction. Tumigil siya sa harap ko at nilahad ang bagay na hawak niya.
“Naiwan mo,” aniya.
Umawang ang labi ko nang mapagtanto kuno ano ang hawak niya. Shit! Iyong cellphone ko! Mukhang nahulog o nabitawan ko ata noong natamaan ako.
“T-thank you po, Kuya,” sabi ko sabay kuha ng cellphone sa kanya.
Kumunot ang noo niya. Tila hindi nagustohan ang sinabi ko. “Tss… mukha ba ‘kong senior?”
Napalunok ako. “Ah, medyo po pero salamat po ulit. Alis na po ako!”
Bago ako makalayo ay narinig ko pa ang binulong niya. “Tinatawag na nga akong Kuya tapos may po pa? Hindi naman siguro ako mukhang senior citizen, ‘di ba?”
“I want you all to read and analyze the Prognosis by Paz Marquez Benitez because next meeting you will make a thematic analysis, okay? That’s all for this afternoon. Class dismiss,” ani Ma’am Weena.Huminga ako ng malalim bago ko inayos ang aking mga gamit. World Lit ang huli naming subject sa araw na ito at mamayang ng alas sinco ang audition sa glee club. Hindi ko na dinala ang gitara ko since uuwi pa naman ako sa dorm para magbihis.“Gwen, mag au-audition ka rin?” Nabaling ang aking atensyon sa kaibigan. Nasa labas na pala siya at kausap si Gwen. Isinukbit ko ang strap ng aking bag sa aking balikat atsaka lumabas.“Ah, oo.” Sagot ni Gwen, kaklase namin.“Hala! Si Michelle rin mag au-audition!” bulalas ni Anna.Pinanlakihan ko ng mata si Anna. Natatawa naman siyang inirapan ako. Kahit kailan talaga hindi matikom ang bibig nitong babaeng ‘to.Bumaling sa akin ang tingin ni Gw
Lahat kami’y hindi makapaniwala sa nangyaring sagutan nina Santri at Anna kani-kanina lang. Nakaawang ang labi ko at ramdam ko ang init ng aking pisngi dahil sa hiya. Kahit hindi ako ‘yong naroon ay nakakaramdam pa rin ako ng kahihiyan.I was the one who brought her here! Isa pa, hindi ko rin naman alam na si Santri pala ang nagpalit ng password niya sa cellphone. Nang makaalis ang kaibigan ay narinig ko ang ilang tawanan at kantyawan ng mga kabanda namin.“Galit na galit, brad!” wika ng lalaking may hawak na drum sticks.“Bakit kasi pinalitan mo ‘yong password?! Bobo!” dagdag ng isang lalaking nagse-set up ng keyboard.Huminga ng malalim si Santri at umiling. Nagtagpo ang dalawa kong kilay. So, ibig sabihin si Santri ‘yong dahilan kung bakit hindi mabuksan ni Ana ‘yong cellphone niya? Hmm. I smell something . . .fishy.“Bumalik ka na nga rito! Tsaka mo na suyuin ‘yon. Kailangan nati
Anna keep on insisting that I am crushing on Aziel Almazan. Naiirita na 'ko dahil habang tumatagal ay parang nag-iiba na rin ang aking nararamdaman sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ko tuluyang tinanggap sa sarili na nagkakagusto na nga 'ko sa kanya. May mga kaibigan talaga tayo na inaasar tayo sa isang tao tapos ikaw naman na marupok, mahuhulog! Ugh. Kairita.Ewan ko... basta isang araw nagising na lang ako na kapag lumalapit siya... bumibilis 'yong tibok ng puso ko. Kapag ngumingiti siya... napapangiti na rin ako. Kapag dumadapo ang tingin niya sa akin ay para akong nawawala sa sarili niyang mundo. Damn it! I know I should protect myself from this kind of feeling but I just can't help it! Muli akong napailing nang maalala ang nangyari noong nagkapalit kami ng gitara."I'm sorry... I didn't know," nahihiya kong sabi sa kanya.
Kusa akong lumayo nang mapansin ko ang malamig na titig ni Rain sa akin. Kita ko rin sa hindi kalayuan si Ate Kim na magkatagpo ang kilay. Halatang hindi nagugustohan ang nakikita. Uminit ang pisngi ko at hindi ako makatingin sa kanya."Uhm, e-excuse me," mahina kong sabi atsaka tumakbo ako papunta sa gawi ni Rain. Kahit nakalayo na'y ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng aking puso. We were so damn close! Kung hindi lang siguro nila alam na natapilok ako ay iisipin nila na magkayakap kami!Oh, God! Doon ko lang naalala na nasa stage pala kami! I heaved a deep breath. Nanginginig ang kamay at tuhod ko dahil sa nangyari kanina. Nang nasa harap na 'ko ni Rain, I handed him the pickup.I can't look at Rain's eyes because it's very cold. Napalunok ako dahil hindi niya pa rin kinukuha
Nagising ako kinabukasan nang bandang alas diez na. Wala si Ate Kim sa kwarto namin nang magising ako pero may iniwan siyang sticky note na nakadikit pa sa noo ko. I groaned. Ano ba 'yan, Ate! Mukha bang pader itong noo ko at dito mo pa talaga dinikit? Tamad akong binasa ang sulat niya.Mich,Parehas tayong pagod kagabi. Tinatamad din akong magluto kaya sa canteen ka na lang kumain.Ps. Wala akong nakita kagabi. Hindi ko nakita 'yong paghatid sa 'yo ni Aziel. Hihi!Ate Kim <3My eyes widened. What the hell! Akala ko ba ay tulog na siya?! Kinuha ko ang unan at tinakpan ang aking mukha. I rolled myself on my bed and scream. Tangina! Naalala ko na
Sandali akong natulala bago nagtipa ng reply sa mensahe niya. Nagsorry na naman siya kanina pero mukhang guilty talaga siya kasi nagchat pa siya sa akin para mag-sorry ulit.Michelle Castañares:Ayos lang 'yon. Alam ko namang hindi mo sinasadya, eh.Akala ko'y hindi na siya magre-reply pa pero nakita ko ang tatlong tuldok na paalon-alon. Ilang segundo lang ay nagreply na siya.Maven Keith Morin:I'm really guilty. I'm sorry.Michelle Castañares:Ayos na nga. Hindi ako galit, okay?Maven Keith Morin:
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Wala ako sa sariling naglalakad papunta sa kung saan. Alam kong wala akong karapatang masaktan pero naiiyak ako. I was hoping for him to call me that night. Tangina, naghintay ako hanggang alas dose kasi sinabi niyang tatawagan niya 'ko ulit pero hindi. Nag-alas tres na lang ng madaling araw ay wala pa rin, at oo ang tanga ko sa part na hanggang madaling araw ay hinintay ko ang tawag niya."Mich," gising sa akin ni Ate Kim.I groaned. Nagtalukbong ako ng kumot at nagpalit ng posisyon pero patuloy pa rin si Ate sa paggising sa akin."Ano ba 'yon?" tanong ko habang nakapikit at nakatalukbong pa rin. Inaantok pa."Andito siya."
Hindi ko na siya naabutan pa. I didn't get the chance to talk to him because he just disappeared. I send him a message asking if he's just okay pero nakarating na 'ko sa dorm wala pa rin akong natatanggap na reply sa kanya. Isa pa, nagtataka pa 'ko kung sino ang babae na naging dahilan ng pagsuntok ni Aziel kay Rain.Was it because of me? Ew, ang feeling ko naman. . .Natigilan ako at nanlaki ang mga mata. "Oh, shit! I should check Rain's condition too! Ayos lang kaya siya?" bulong ko atsaka kinuha ang cellphone para i-chat siya pero naalala ko na hindi ko pa pala na-a-accept ang friend request niya.I opened my Facebook account and accepted his friend request. Agad akong nagtipa ng mensahe para sa kanya, pero binura ko rin dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Nakakaram