Naging maayos naman ang dinner kahit may mga pagkakataon na hindi ako nakakasabay. Bago kami tuluyang nakauwi ay nag-usap pa sila kung kailan sila magkikita ulit. Nagbuntong hininga ako. Siguro sa susunod ay gagawa na lang ako ng excuse para hindi na 'ko makasama. Kahit na kinakausap naman ako ni Jen minsan hindi ko pa rin maiwasan na ma-out of place. "See you next time, Michelle and Aziel!" Sigaw ni Ashton. Kumaway naman ang iba niyang mga kasamahan. Tumango ako at kumaway at binigyan ng kaunting ngiti. Dumaan naman ang tingin ko kay Trisha na ngayon ay nasa cellphone ang atensyon bago sumunod sa boyfriend niya.Nauna akong pumasok sa loob ng sasakyan at humikab. Pasado alas diez y media na pala. Gusto ko na lang maglinis ng katawan at humiga sa kama. Sinandal ko ang aking ulo sa bintana at hinintay na matapos magpaalam si Aziel. Nang mapansin niyang nasa loob na 'ko ng sasakyan ay tumango siya kina Gab, Pete, at ang medyo inaantok na si Jen. Kaaalis lang din ni Jacob.Aziel jogged
Abot langit na ang kaba ko habang naglalakad papunta sa hallway. Kasama ko si Tine at Rian at medyo nauuna silang maglakad sa akin. Napalunok ako nang bigla silang huminto, lalo na si Rian at lumingon sa akin. Pagkatapos niyon ay may tinuro siya sa kanang bahagi. Napalunok ako ulit at tiningnan kung sino iyong tinuturo niya. Sa may hindi kalayuan, nakita ko ang kapatid niya. I blinked several times and my heart was pounding so bad. "Oh, my God," I whispered while staring at his sister. Yes, it was Rian's sister!"R-rina?"Rina waved her hand. "Ate Miona!"Parang napako ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw kasi hindi ako makapaniwala na magkikita kami ulit. Mabuti na lang talaga at si Rina ito, dahil kung hindi, baka tumakbo na 'ko palayo. Hindi ko kayang makita ulit si Rain. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, ang makita siya ang pinaka-ayaw kong mangyari. Rina ran toward my direction while spreading her arms widely. I wiped my tears and encircled my arms around her thin
Nakatitig ako sa singsing na kanyang binigay. Kumikinang ito at sobrang ganda kabaliktaran sa relasyon naming dalawa. Unti unti nang nawawala ang respeto at walang araw na hindi kami nag-aaway. Kahit dinudurog ang aking puso ay nagawa ko pa ring tanggalin ang singsing mula sa aking daliri. Pigil na pigil ko ang aking luha habang dahan-dahan ko itong nilalapag sa lamesa.“Ayoko na. . .” bulong ko.Nag-angat ako ng tingin sa kanya at kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Lumipat ang kanyang tingin sa akin at sa singsing. Ilang beses siyang umiling.“No, no, no! Love, please huwag naman ganito.” Aniya at tumayo sa pagkakaupo.I bit my lower lip to stop myself from crying. I need to do this. I’m tired. I am finally awake and I am not blind anymore to see the red flags. Eight years. I suffered for eight fucking years because I love him so much. I gave him so many chances because I thought that he will change. But he didn&r
“Anna, ayaw ko nga sumali riyan, eh. Mapapahiya lang ako!”“Ano ka ba! Wala namang mawawala kung susubukan mong mag-audition, ‘di ba?” pamimilit sa akin ng kaibigan ko. Naiinis na ‘ko kasi kanina pa niya ‘ko pinipilit na mag-audition daw sa lintek na glee club na ‘yan!“Nahihiya ako, okay?! Paano kong pumiyok ako? Mawala sa tono? Edi, pagtatawanan lang nila ako?”Naibaba niya ang hawak na flyers. Nakasimangot din siya at halatang badtrip na badtrip na sa akin. Tsk! I already told her that I don’t want to join that club! I am afraid that what if I failed? Mababa na nga ang self-esteem ko, ipapahiya ko pa ‘yong sarili ko sa harap ng maraming tao? Huwag na uy!“Alam mo ikaw, sobrang negative mo. Ikaw na nga itong tinutulongan ko para magkaroon ka ng kumpyansa sa sarili mo, ayaw mo pa. Gusto mong makagain ng self-confidence, ‘di ba? Why don’t you help yourself? Andito ng
“I want you all to read and analyze the Prognosis by Paz Marquez Benitez because next meeting you will make a thematic analysis, okay? That’s all for this afternoon. Class dismiss,” ani Ma’am Weena.Huminga ako ng malalim bago ko inayos ang aking mga gamit. World Lit ang huli naming subject sa araw na ito at mamayang ng alas sinco ang audition sa glee club. Hindi ko na dinala ang gitara ko since uuwi pa naman ako sa dorm para magbihis.“Gwen, mag au-audition ka rin?” Nabaling ang aking atensyon sa kaibigan. Nasa labas na pala siya at kausap si Gwen. Isinukbit ko ang strap ng aking bag sa aking balikat atsaka lumabas.“Ah, oo.” Sagot ni Gwen, kaklase namin.“Hala! Si Michelle rin mag au-audition!” bulalas ni Anna.Pinanlakihan ko ng mata si Anna. Natatawa naman siyang inirapan ako. Kahit kailan talaga hindi matikom ang bibig nitong babaeng ‘to.Bumaling sa akin ang tingin ni Gw
Lahat kami’y hindi makapaniwala sa nangyaring sagutan nina Santri at Anna kani-kanina lang. Nakaawang ang labi ko at ramdam ko ang init ng aking pisngi dahil sa hiya. Kahit hindi ako ‘yong naroon ay nakakaramdam pa rin ako ng kahihiyan.I was the one who brought her here! Isa pa, hindi ko rin naman alam na si Santri pala ang nagpalit ng password niya sa cellphone. Nang makaalis ang kaibigan ay narinig ko ang ilang tawanan at kantyawan ng mga kabanda namin.“Galit na galit, brad!” wika ng lalaking may hawak na drum sticks.“Bakit kasi pinalitan mo ‘yong password?! Bobo!” dagdag ng isang lalaking nagse-set up ng keyboard.Huminga ng malalim si Santri at umiling. Nagtagpo ang dalawa kong kilay. So, ibig sabihin si Santri ‘yong dahilan kung bakit hindi mabuksan ni Ana ‘yong cellphone niya? Hmm. I smell something . . .fishy.“Bumalik ka na nga rito! Tsaka mo na suyuin ‘yon. Kailangan nati
Anna keep on insisting that I am crushing on Aziel Almazan. Naiirita na 'ko dahil habang tumatagal ay parang nag-iiba na rin ang aking nararamdaman sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ko tuluyang tinanggap sa sarili na nagkakagusto na nga 'ko sa kanya. May mga kaibigan talaga tayo na inaasar tayo sa isang tao tapos ikaw naman na marupok, mahuhulog! Ugh. Kairita.Ewan ko... basta isang araw nagising na lang ako na kapag lumalapit siya... bumibilis 'yong tibok ng puso ko. Kapag ngumingiti siya... napapangiti na rin ako. Kapag dumadapo ang tingin niya sa akin ay para akong nawawala sa sarili niyang mundo. Damn it! I know I should protect myself from this kind of feeling but I just can't help it! Muli akong napailing nang maalala ang nangyari noong nagkapalit kami ng gitara."I'm sorry... I didn't know," nahihiya kong sabi sa kanya.
Kusa akong lumayo nang mapansin ko ang malamig na titig ni Rain sa akin. Kita ko rin sa hindi kalayuan si Ate Kim na magkatagpo ang kilay. Halatang hindi nagugustohan ang nakikita. Uminit ang pisngi ko at hindi ako makatingin sa kanya."Uhm, e-excuse me," mahina kong sabi atsaka tumakbo ako papunta sa gawi ni Rain. Kahit nakalayo na'y ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng aking puso. We were so damn close! Kung hindi lang siguro nila alam na natapilok ako ay iisipin nila na magkayakap kami!Oh, God! Doon ko lang naalala na nasa stage pala kami! I heaved a deep breath. Nanginginig ang kamay at tuhod ko dahil sa nangyari kanina. Nang nasa harap na 'ko ni Rain, I handed him the pickup.I can't look at Rain's eyes because it's very cold. Napalunok ako dahil hindi niya pa rin kinukuha