“No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.
Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.
“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.
“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum
“Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya
“T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag
"Badtrip talagang buhay to! Bwisit!" Naiinis kong sabi sa sarili ko habang walang tigil ang pag inom ng bloody mary. Nandito ako ngayon sa isang bar, actually hindi ito isang ordinaryong bar, gay bar.Sa sobrang sama ng loob ko kanina sa bahay, nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa makita ko ang bar na ito. Walang pagdadalawang isip, agad akong nagbayad ng entrance fee para makapasok. Mukhang duda pa ang receptionist sa edad ko kaya padabog ko pang ipinakita sa kanya ang aking driver’s license.Bago sa akin ang lugar na ito. Ako si Stacy Mendoza, isang mabait na anak, masunuring simula nang ipinanganak. ‘Ni minsan ay hindi ko sinuway si Dad, ‘ni minsan hindi ako humindi sa mga utos niya sa akin. Kahit ba hindi ko na iyon gusto, kahit ba hindi na bukal sa puso ko, sinunod ko siya. Pero mukhang hanggang doon na lang, pagod na akong parating maghintay sa atensyon ni dad. Simula noong mamatay si mommy last year, nawalan na ako ng kakampi. Lumayo
Bumalik si Tisoy na may bitbit na bote ng alak at kung anu-ano pa."Dahil sabi mo naman hindi ka na baby ‘di ba? So game ka sa bodyshots?" Nanghahamong tanong niya sa akin."Oo naman," sagot ko sa kanya. May idea naman ako kahit papaano kung ano ang bodyshots. Nauna akong umupo sa sahig na sinundan naman niya."Let’s put some twist," nakita kong naglabas siya ng papel at ballpen. "Isulat natin kung saan-saang part ng katawan tayo magbody shot then let’s spin a bottle to know who's turn would it be, pero kailangan nating magtanggal ng isang pirasong suot natin evetytime na matatapat sa atin ang bottle, so game?”"Game!" hindi papatalong sagot ko pero kinakabahan ako. Sa totoo lang ay naguluhan ako sa dami ng twist. Bakit hindi na lang kami humiga at magsex? Daming pasakalye eh doon din naman ang punta namin ‘di ba?Mayamaya nakita ko kung ano ang mga isinulat niya, ears, neck, lips, tongue, shoulder, back, n
Naalimpungatan ako sa tama ng liwanag na tumatagos sa bintanang hubad sa kurtina kung kaya naman dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko."Teka where the hell are my curtains?" Naguguluhan kong sabi sabay linga sa paligid ko para lang marealize na nasa ibang kwarto ako,Mayamaya naramdaman ko na lang bigla ang isang brasong yumakap sa akin mula sa likuran."It’s still early Babe" inaantok pang sabi ng katabi ko. Nang lingunin ko s’ya ay saka ko lang naalala ang mga nangyari nang nakaraang gabi, ang mga bagay na nagawa ko. Mga bagay na ginawa namin. Parang nagflash back sa isipan ko lahat ng maiinit na sandaling pinagsaluhan namin kagabi kaya naman mariin akong napapikit. Hindi makapaniwalang nagawa ko ang mga bagay an iyon."I need to go," hindi lumilingong sabi ko sa kanya, tumayo ako sabay dampot ng kumot at maingat na ibinalot sa hubad kong katawan. Iniiwasang mapatingin sa side niya dahil alam kong wala siyang suot na kahit ano tul
Pagdating ng bahay, nalungkot akong muli. Hindi ko na naman dinatnan si Dad. Mag isa na naman ako dahil nagpaalam umuwi ng probinsiya ang kasambahay namin.Dire-diretso ako sa banyo para maligo dahil male-late na nga ako sa klase, masungit pa naman ang prof namin.Habang naliligo ay hindi ko naiwasang balikan sa isipan ang mga nangyari simula kagabi, mula sa pagpunta ko sa gay bar hanggang sa paggising ko kaninang umaga sa ibang kama.Muling naalala ang dancer na nakasama ko magdamag, Malabo na sigurong magkita kaming muli dahil hinding hindi na ako babalik sa lugar na iyon. Bagama’t may panghihinayang na hindi ko man lang nalaman ang totoo niyang pangalan ay binalewala ko na. Alam ko sa sarili kong ibabaon ko na sa limot ang pagkakamaling iyon sa buhay ko. Yes, isa lamang iyong pagkakamali. Kahibangan dahil sa sama ng loob.Minadali ko na ang pagligo at pagbibihis saka sumakay muli sa kotse ko at nagdrive na papuntang university.Pagkapark n
“Arghh!” nagising akong masakit ang ulo. Dumagdag pa ang init ng araw na tumatagos mula sa blinds na nakatakip sa malaking bintana sa kuwarto ko. Naalala ko ang dahilan ng pagsakit ng ulo ko ngayon, medyo naparami yata ang nainom ko kagabi dagdag pa na wala pang laman ang sikmura mula kahapon. Dahil sa kaba ay hindi ko nagawang kumain, hindi ko alam kung paano ko mairaraos ang pagsayaw sa bar, hindi nga pala ordinaryong bar iyon kundi isang gay bar. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon at pagtanggap ng mga taong makakapanood sa gagawin ko kaya naman ay nakaisang boteng alak yata ako bago umakyat sa stage, nanghiram muna ako ng lakas ng loob sa espiritu ng alak. Noong sa tingin ko ay sapat na ang kapal ng mukha ko ay sinenyasan ko na ang manager na ready na akong magperform. Sa lakas ng liwanag na tumatama sa stage ay hindi ko alintana ang mga taong alam kong tila handang sumagpang sa akin anumang oras. Full of confidence akong humarap at nagsimu
“Good afternoon Rekdi.” Bati sa akin ni Racquel, ang production assistant namin. Rekdi ang tawag nila sa akin for an obvious reason, binaligtad na direk.Tinanguan ko lang siya saka inabot ang papel na ibinigay niya sa akin. Successful ang story conference na naganap last week kahit pa na-late ako ng dating noong araw na iyon. At ngayon nga ay unang araw ng Pre-production namin. Pagmi-meetingan ang mga dapat ihanda sa araw ng shoot.Next week ay start na ng shoot namin kaya naman aligaga na kami, kailangang plantsado na ang lahat bago pa man mag umpisa. Pinakaayaw ko sa lahat na mahahassle sa mismong araw ng trabaho.“Juls.” Baling ko sa assistant director ko, habang pinapasadahan ng tingin ang sequence breakdown na inibot sa akin ni Racquel. “Nainform na ba si Jonathan sa schedule ng taping natin? Baka mamaya ay late ang mga artista niya ha, lalo na yang si Jc. Balita ko ay napakahinhin niyang kumilos.” Tukoy ko sa isang acto