Share

Kabanata 6

Nagtitimpla ako ng kape sa kusina ng apartment ko ng may kumatok sa pinto. Si Aling Tes ata, kinuha ko na ang wallet ko sa kwarto at binuksan na ang pinto, abala ako sa pagkuha ng pera sa wallet ko ng maamoy ko ang pamilyar na pabango.

"Ang bango ng bago niyong pabango Aling Tes a-"

Nag angat ako ng tingin habang nakangisi pero hindi ang mukhang bagong gising na mukha ni Aling Tes ang bumungad sakin. Nagtaas ng kilay si Sir Ismael at pinasadahan ng tingin ang suot kong white spaghetti sando at pink cotton shorts. Wtf.

Sinarado ko muli ang pinto at agarang pumasok sa kwarto ko para maghanap ng maayos na tshirt at maong shorts na abot tuhod. Ang aga aga naman kase nandito siya! Hindi pa nga ako nakakapagkape! Jusme naman!

Nagspray ako ng konting pabango at lumabas na ng kwarto para pagbuksan siya ng pinto.

Akala ko ay umalis na siya sa harap ng pinto pero halos mapasinghap ako sa lapit niya dahil nakasandal siya sa gilid at yamot na nakatingin sakin, muling bumaba ang tingin niya sa damit ko at napangisi ng konti.

"Ang aga niyo naman pong napapunta dito, may kailangan ba kayo sa opisina?"

"Wala, I'm here to check on you. Hindi mo ako papapasukin?" napakurap ako at agad na sinarado ang pinto. "W-Wait lang po!"

Halos mabaliw ako sa pagliligpit ng mga gamit sa sala ko, bakit ba naman kase wala siyang pasabi na pupunta siya?

Inayos ko ang sarili matapos ang limang minuto kong pagliligpit, muli, at sa pangatlong beses, pinagbuksan ko siya ng pinto.

Akala ko ay nakatitig pa rin ito sa pinto nung oras na buksan ko na ito pero nakapikit ito, hindi ba siya natulog? Hindi ko alam ang gagawin ko.

Napatitig ako sa kilay niyang perpekto ang hugis pababa sa mga mata niya na kung nakamulat ay parang lawin kung makatingin, ang pilikmata niyang hindi ko malaman kung paano siya nagkaroon,. mahaba ito, tiyak na mas mahaba sa pilikmata ko. Bumaba ang tingin ko sa ilong niyang parang sakanya lang talaga babagay dahil sa tangos nito, at..sa labi niyang parang laging nanghihikayat..

"Done checking?" napapitlag ako dahil nagsalita ito. Napatingin agad ako sa mata niya. Kanina pa pala siya nakamulat. Nakakahiya ka Ramina!

""Uh.." hindi na ako nakapagsalita dahil marahan niya ng tinulak ang pinto ng apartment ko para makapasok siya. Hinubad muna nito ang suot na sapatos at nilagay sa gilid ng pinto ko bago siya dumiretso sa maliit kong sala.

Nililibot niya ang paningin sa buong apartment. Napanguso ako. Feeling ko hinuhusgahan niya nanaman ang tinitirhan ko, ano bang pake niya? Porke mansyon ang bahay nila.

"I'm here to give you the contract Ramina." napatingin ako sakanya at dahan dahang umupo sa upuang nasa harap niya.

"The only thing that I want in this contract is a civil relationship. This is just work and nothing more. You can add some rules if you want." tinanggap ko ang folder na binigay niya. Maglalagay ako ng rules?

Kinuha ko ang folder at kinuha ang papel na nasa loob nito.

Nakita kong pirmado niya na ang kontrata.

"Uh..ang gusto ko lang naman po ay manatiling trabaho ang bagay na mamamagitan satin. Walang makakaalam sa mga kapatid ko at..tapusin sana natin agad ang kontratang ito pagkatapos na pagkatapos ng dalawang taon." tumango siya at inabutan na ako ng ballpen. "Sign it then."

Napatitig ako sa kontrata, kung pipirmahan ko to, wala ng magiging bawian.

Unti unti kong pinwesto ang kamay ko para mapirmahan na ang papel. Sana maging maayos ang takbo ng kontratang ito. Sana matapos ito ng maayos at malinis.

Inabot ko na pabalik kay Sir Ismael ang kontrata matapos ko itong pirmahan.

"Sir.."

"Stop calling me Sir. Sanayin mo na simula ngayon ang sarili mo na tawagin akong Ismael. I have to go now. May trabaho pa ako. Huwag ka ng pumasok, take this day as your rest."

Matapos niya yun sabihin ay nagpaalam na siyang aalis kaya wala na rin akong nagawa kundi ang hayaan siya. Tama ba talaga ang ginawa ko?

Pinilig ko ang ulo at bumuntong hininga, ano ba naman yan Ramina, napirmahan mo na hindi ba? Ano pang iniisip mo dyan?

Sinabi man niya na ipagpahinga ko nalang ang araw na ito ay natapos pa rin naman ang araw ko na iniisip pa rin ang kontrata. Hindi ako mapakali. Hindi ko ata kayang magpanggap na mahal ko siya at..mahal niya-okininam!

Napapikit ako ng mariin habang hinahalo ang tuna egg na pang ulam ko para sa hapunan, hinihilot ko ang sentido ko ng marinig kong nagriring ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakitang si Sir Ismael ito. Ano kayang kailangan niya?

Inabot ko ito at sinagot na. "Good evening po-"

"I will have my dinner at your place."

"Ano-"

Nanlaki ang mata ko ng patayin na niya ang tawag ng hindi man lang ako hinahayaang makasagot, dito siya kakain?! Napatingin ako sa ulam ko na hinahalo halo ko palang. Okininam!

Mabilis kong inopen ang food panda app ko para sana mag order sa fast food pero tinatanga ata ako ng tadhana dahil naghahanap palang ako ng pagkain, may nagdoorbell.

Binuksan ko ang pintuan at hinayaan na siyang pumasok. "Sir-I mean Ismael kase.." tinanggal niya muna ang suot niyang coat at tie bago siya umupo sa sofa. "I'll eat anything you have here Ramina. Stop being noisy."

Halos maiyak ako sa sinabi niya kaya dali dali akong pumasok ng kusina at inayos na ang pagkain at nagbihis na rin diretso sa banyo dahil alam kong amoy kusina na ako.

"Ismael.."

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng makita ko siyang nakasandal sa sofa at nakapikit, nilapitan ko siya at nakitang banayad ang paghinga niya.

Napalunok ako at umupo sa gilid niya, dahan dahan kong inayos ang kilay niyang nakakunot. Kinagat ko ng mariin ang labi ng muli kong mapagmasdan ang mukha niya..para siyang anghel kapag tulog. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang nakaawang ng konti..napakagwapo.

Natigil ang tahimik kong pagmamasid sakaniya ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Ahhhhh!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng tili at pinanlakihan ng mata ng makita ko kung sino ang tumili..

Okininam! Napakawrong timing!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lourdes Sadaya
up date po kng pide
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status