“MAGANDANG UMAGA sa inyong mag-ina,” bati ni Lola Tinding sa mag-ina ni Thalia at baby Jacob. Ilang araw na rin sila dito sa Atimonan, Quezon. Ang kaibigan niyang si Gina ay dito din tumuloy noong panahong lumayas ito sa kanila. Mayroon kasi itong pinsan dito. Sakto naman na mayroong pinapaupahang bahay ang pinsan ni Gina na si Mariz. Si Gina ang tanging nakakaalam kung nasaan siya. Gulong-gulo na kasi siya at hindi malaman ang gagawin mula nang malaman niyang nabuntis ni Earl si Caroline. Pakiramdam niya ay tinraydor siya ni Earl.Noong sinabi ni Mr. Ronaldo na buntis si Caroline at si Earl ang ama ay tila may ialng libong punyal ang tumusok sa kanayng puso. Ganoon palay un no, ngayon intending-intindi na niya yung mga asawa na niloloko ng asawa nila. Grabe ang sakit.Oo nga at may amnesia si Earl pero hindi naman niya akalain na aabot ito sa pakikipagsiping kay Caroline, inaasahan niya na at least man lang ay maco-consider nito na may asawa siya at hindi maganda ang makipagsiping sa
MALALIM na ay hindi pa din makatulog si Thalia. Hindi maiwasang mapaiyak siya nang maalala niya na mula sa masayang pagsasama nil ani Earl ay nauwi sila sa ganitong sitwasyon. Natanggap niya noon ang kalagayan ni Earl nang makalimutan nito ang pagmamahalan nila at maalala lamang ang sa nakaraan nila noon ni Caroline. Inuunawa niya dahil nga alam din nila na nang magising ito ay sinamantala ni Ronaldo at siniraan siya nang husto. Tapos sakto pa ang naaalala nito ay si Caroline.Naaawa siya sarili, imagine yung mommy niya si mommy Carolina ay may amnesia din at hindi pa din siya lubos na nakikilala bilang anak ngunit ang mabuti naman ay nagnanais ito na makasama siya at ramdam niya ang pilit nito na ipinararamdam sa kanya ang pagiging ina.Ngayon ay ang asawa naman niya ang may amnesia. Ang suwerte ko naman. Napangiti siya nang mapait dahil sa naisip. Kailan ba siya magiging masaya nang walang katapusan.Naalala niya mula noong umuwi si Earl galing ospital mula sa pagkakaaksidente nito
SA MGA PANAHON na walang maalala si Earl ay nagdulot ito ng pasakit sa damdmin ni Thalia. Ang dami niyang mga pagkakataon na tiniis mula ng magkaroon ng amnesia si Earl, pinilit niyang kayanin lahat ng iyon. Laking tuwa at pasasalamat niya nang minsan ay umuwi si Earl na tila may malaking pagbabago sa sarili though hindi pa din nito naaalala ang lahat lahat.Ang laki ng kanyang pasasalamat dahil tila naliwanagan ang kanyang asawa noon at binigyan sila ng pagkakataon. Mula noon ay hindi na ito nakikipagkita kay Caroline. Madalas na din si Earl noon na nasa condo unit nila habang patuloy na nagrerecover at ang higit na nakapagbigay sa kanya ng kasiyahan ay ang pagbibigay atensiyon nito sa kanilang anak na si baby Jacob. Kung noon ay ayaw man lamang nito itong tingnan, ngayon ay inaalagaan ito ni Earl at madalas pa itong makipaglaro. Nakita niya ang kasiyahan sa mga mata ng asawa.Gayundin ay naramdaman niya ang pagiging gentle nito sa kanya, unlike noon na laging nakasigaw at nakasimang
MASAYANG-MASAYA si Thalia na ibinalita sa kanyang mga biyenan at ina na okay na sila ni Earl kahit na hindi pa ito nakakaalala nang lubusan. Nakabalik na din si Earl kompanya ngunit ito ay patuloy na ginabagayan pa din ng amang si Teddy. Kahit nasa opisina si Earl ay tinatawagan siya nito upang kumustahin silang mag-ina. Maayos na ang lahat ngunit ang halos isang buwan niyang kasiyahan ay napalitan ng tila sampong punyal na itinusok sa kanyang puso. Hindi niya inaasahan ang pagdating ng mag-ama na sina Ronaldo at Caroline. Halos parang sasabog ang ulo niya nang marinig ang sinabi ni Ronaldo na buntis ang anak nitong si Caroline at si Earl ang ama. Ginusto niyang kumpirmahin kay Caroline ang katotohanan dahil naniniwala siyang mahal nito ang pinsan niyang si Daniel ngunit siya ay nabigo. Sinabi nito na si Earl ang ama ng ipinagbubuntis nito. Maraming sinabi si Ronaldo na hindi kayang tanggapin ng kanyang damdamin, kulang ang salitang napakasakit para ilarawan ang kanyang nararamdama
WALANG NAKUHANG sagot si Earl kay Caroline kundi ang bagay na ayaw niyang marinig mula dito. Umuwi siya sa kanilang mansiyon na tila ba talong-talo ang pakiramdam. Ang kanyang inang si Carmen ay nag-aalala na sa anak lalo na hindi pa ganoon ang kaayos ang kalagayan nito. Baka makasama kay Earl ang mga nararanasan nito. “Anak, jusko anong nangyari s aiyo?”nag-aalalang sabi ni Carmen nang makita si Earl na putok ang labi at medyo parang hindi maayos ang paglalakad. Sinundan niya ang anak sa silid nito.“I went to Caroline’s unit then nagpang-abot kami ni Daniel. Galit na galit siya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit,”disoriented na sabi ni Earl sa ina.“Buti na lang nakapag-drive ka pa. Anak please be careful,” hinaplos ng ina ang likod ng anak na si Earl. Hindi napigilang mapahagulhol sa pag-iyak si Earl. Actuallu he took a cab dahil hindi niya kayang mag-drive. Bukod sa hilo ang pakiramdam niya ay hindi din maayos ang pag-iisip niya dahil sa nangyari.“Mom, I don’t know wha
I love my Kuya Earl very much. He is kind and loving Kuya kaya naman all I want is the best for him. Selfish at manipulative mang matatawag pero masisisi niyo ba ako? Bilang isang kapatid gusto ko na sa mabuting babae mapupunta ang kapatid ko. Hindi niya deserve na kay Caroline maikasal. Plastic kaya ang babaeng yoon. Ang bait bait kapag andiyan si kuya Earl pero kapag wala na hay naku ubod ng maldita at sama ng ugali. Hindi ako judgemental ha! Paano ko nasabi yun? Kasi one time sinama siya ni Kuya Earl sa mansiyon upang mag-dinner kasama ang buong family namin tapos accidentally nabubuan siya ng tubig habang sinasalinan ni Manang Rosing yung baso niya. Agad na humingi ng pasensiya si Manang sa kanya, sinabi naman niya na okey lang kasi hindi naman daw nito sinasadya. Sa totoo lang natuwa ako sa kanya. Ngunit laking gulat ko ng marinig ko na pinapagalitan niya si Manang Rosing. Kitang-kita kung paano niya ito dinuro at minaliit. Mangiyak-ngiyak
“Thalia! Apo ay gumising ka na at alas otso na ay hindi ka pa nag-aalmusal,” dinig kong sabi ni Lola Ana. Nag-inat ako at bumangon na din. Napangiti ako ng marinig ko ulit si Lola. Napaka-maalalahanin niya talaga. Kaya naman kahit wala na akong mga magulang ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal ng isang magulang. Sampung taon pa lang ako noong mawala ang mga magulang ko. Namatay sila sa aksidente kaya naman sina Lola Ana at Lolo Gibo na ang nagpalaki sa akin. Lagi nilang pinararamdam sa akin na kahit wala na sina mama at papa ay mahal na mahal naman nila ako. Medyo tanghali akong nagising ngayon, Sabado naman kasi at walang pasok. Ganito kasi ako kapag walang pasok medyo late na talaga ako bumabangon. Well, di pa naman masyadong late ang alas otso di bah? Balak kongpumunta sa mall ngayon, may sale kasi sa SM MOA ngayon hanggang bukas lang yun, eh ayaw ko naman bukas pumunta kasi magsisimba kami nina lola at lolo. Hindi naman masyadong malayo ang
Nakatulala ako sa lalaking papalapit sa amin. Hanggang sa tumigil ito sa aming harapan. Mas lalo itong guwapo sa malapitan. Moreno ang kutis nito, makapal ang kilay at malantik ang pilik-mata. Parang magnet ang kanyang kulay brown na mga mata, kapag napatingin ka dito wala ka nang magagawa kundi tumitig na lang. “Ehem, Thalia – “ agaw atensiyon sa akin ni Claire. Para naman akong gusto nang lumubog sa kinauupuan ko. Baka kanina pa nila ako kinakausap pero masyado akong natulala sa lalaki. Shuta oh! Ang guwapo kasi. “He’s my brother, si Kuya Earl,” pakilala niya sa akin. Ipinakilala ako ni Claire sa kapatid niya. Nginitian naman ako nito ay naglahad ng kamay. Ang init ng palad nito tamang tama sa malamig kong lovelife. Nang magdaop ang mga palad naming parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa akin. Sakop na sakop ng kamay niya ang maliit kong kamay. Nang tumingin ako sa kanya ay parang may mga kabayong naghahabulan sa dibdib ko. Napangiti si