Naka upo ako sa bench sa may tabi ng puno habang papahangin. Well, lunch break namin ngayon pero 'di na ako nag lunch dahil tinitipid ko lang 'yong pera ko.
Ala una pa naman 'yong klase ko kaya nag hanap muna ako ng lugar kung saan pwede akong mag muni-muni. At heto ako ngayon, naka upo sa bench habang naka pikit ang mga mata at pinapakiramdaman ang paligid.
Naalala ko na naman 'yong nangyare no'ng isang gabi.
Curious ako kung may nag tulak nga ba sakin? At kung tama ako, sino naman 'yon?Ang alam ng lahat, nahilo lang ako kaya ako nahulog. Pero hindi eh, naramdaman ko talaga na may tumulak sakin.Minulat ko ang mga mata ko at napatitig sa kalawakan.
Ang ganda ng kulay ng langit. Kulay asul lang at walang masyadong clouds napaka kalmado tingnan. Hindi rin mainit sakto lang at isa pa may naka harang na malaking puno sa bandang inuupuan ko kaya lalong napaka kumportable sa pakiramdam.Napatingin ako sa field, may mga naglalakad, 'yong iba naka
Naka upo kami ngayon sa isang coffee shop. Hindi pa rin tumitila ang ulan, gano'n parin katulad kanina. Iniwan muna namin 'yong payong niya sa labas para patuyuin. Napatingin ako sa kabilang table, nakita kong caffe latte 'yong iniinom ng isang babae. Napa buntong hininga na lang ako saka napa sabi sa isip na 'sana 'yan na lang ang pinabili ko sakanya.'Well, kasalanan ko naman, tahimik lang ako kanina no'ng itinanong niya sakin kung anong kape ba gusto kong inumin. Kaya heto, Caffe latte 'yong binili sakin. Well, I should be thankful kasi bilang sa daliri pa lang ako naka inom ng mga ganitong mamahaling kape. Napatingin ako kay Wesley at napa iwas din agad no'ng tumama ang paningin namin pareho.Ayan na naman siya, nakatingin na naman sakin. Kanina pa siya nakatitig lang pero hindi kami nagkikibuan. Naiilang tuloy ako. At naabutan pa niya akong nagkaganon kanina. Para akong bata na umiyak dahil na dapa at nagka sugat. Kinuha k
Pinikit ko ang mga mata ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.Kung totoong mangyare man 'to, ito ang magiging unang halik ko. Matagal. Matagal akong naka pikit habang hinihintay ang gagawin niya.At talagang hinintay ko pa?! Ang kapal! Minulat ko ang mga mata ko at basta basta ko na lang siyang sinuntok siya tiyan no'ng makita kong naka ngiti siya habang tinititigan akong naka pikit. "Baliw!" sigaw ko kasabay ng pag suntok ko sa tiyan niya. Napahawak siya do'n at mukhang napa aray pa dahil sa lakas ng pagka suntok ko. Gusto kong magalit at mapikon dahil sa ginawa niya ngunit kinabahan ako no'ng napa upo ito habang napapahawak siya tiyan niya't napa aray dahil sa lakas ng pagka suntok ko. Agad ko naman siyang nilapitan dahil nag alala ako na baka napalakas nga 'yong pag suntok ko sakanya. Hinawakan ko siya sa balikat at lumuhod sa harap niya, "okay ka lang?" nag aalalang tanong ko ngunit patul
Wala siyang naging reaksyon sa ginawa kong pag yakap ng mahigpit sakanya. Para nga siyang nanigas no'ng mga oras na 'yon na hindi man lang magawang gumalaw. Hindi ko nga alam kung nagagawa pa ba niyang huminga habang yakap yakap ko siya ng sobrang higpit. Naka pikit lang ako dahil sa takot at isa lang ang napansin ko no'ng mga oras na 'yon... Ang pabango niya. Ang bango ng pabango niya. Hindi ko alam kung anong pangalan ng pabango na 'yon pero pamilyar 'yong amoy no'n sakin. Para bang naamoy ko na 'yon dati pero hindi ko alam kung saan. Biglang bumukas 'yong mga ilaw at napa bitaw na lamang ako sa pag yakap ko sakanya.Do'n ko lang din napansin na nakakahiya at nakakailang pala 'yong ginawa ko. Napakamot ako sa ulo ko at tila hindi alam ang gagawin.Napatingin ako sakanya pero umiwas agad siya ng tingin. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoong nakikita kong namumula ang mukha nito. Hindi pa ako nakakita ng lalakeng nag b-b
2 hours later. Habang naglalakad ako patungo sa unit ko ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa pinaghalong saya at kilig na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang umamin din siya na may gusto siya sakin. Grabe! Hanggang ngayon tandang tanda ko pa ang mga sinabi niya kanina. Tanda ko pa kung papano niya banggitin ang salitang 'GUSTO DIN KITA' hindi talaga ako makapaniwalang sinabi niya 'yon kanina. Akala ko kanina nag ha-hallucinate lang ako, hindi pala. Totoong umamin siya sakin at pareho kami ng nararamdaman. Hindi ako makapaniwalang mangyayare 'to. Buong buhay ko, akala ko hindi ko na mararamdaman ang ganitong klase ng saya. Sabi na nga ba, Impossible things can be possible. Lahat ng bagay ay may kabaliktaran. There's no permanent things in this world. Kaya ang isang impossible ay pwede rin maging possible. No'ng nasa harap na ako ng unit ko ay biglang bumukas 'yong pinto ng unit ni Wesley at
Napatingin ako sa loob ng kotse para hanapin si Wesley pero mukhang wala naman siya sa loob kaya naman iginala ko ang paningin ko sa buong paligid dahil nagbabakasakali akong nandito lang siya. Hindi naman niya ako ite-text kung wala siya rito. Muli akong napatingin sa text message niya. Pinapasakay niya ako sa kotseng 'to? Ibig ba niyang sabihin mag papanggap ako na kotse ko 'to? Napatingin ako kay Manong driver na kanina pa ako hinihintay na sumakay. Lumabas na rin siya para pag buksan ako kaya naman napatingin ako kay Zaiden. Ayoko sanang gawin 'to pero wala na kasi akong maisip na dahilan. "Uhm. Kailangan ko na mauna, nandito na kasi ang sundo ko." pagsisinungaling ko. Tiningnan ni Zaiden 'yong driver ng maigi. Kinabahan ako dahil baka kilala pala niya 'tong driver ni Wesley at baka mabisto pa niya ako.Muli siyang napatingin sakin at nawala 'yong kaba ko no'ng ngumiti siya. "Okay sige. Mag ingat ka." sabi niya.
Kung pwede lang sanang i delete ang pangyayareng 'to ngayon, I'm sure kanina ko pa ginawa. Parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa. Hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag kay Zaiden mamaya 'tong mga sinasabi ng Russell na 'to. Eh kung bakit ba kasi nagkita kita pa kaming lahat dito sa cafeteria? Ugh! Ang malas ko talaga palagi. Although, wala naman talaga akong dapat ika-bahala, pero kasi baka iba 'yong iisipin nila sa sinabi ni Russell.What if ma miss-interpret nila? Anong gagawin ko? Napatingin ako kay Wesley. Kahit siya hindi rin makagalaw sa kinatatayuan niya. Siguro kasi nagulat din siya dahil hindi rin niya inasahan 'to ngayon. "What do you mean?" tanong ni Sarah kay Russell. "Will you please say it again?" Gusto kong takpan na lang ang bibig ni Russell para hindi na niya masagot 'yong tanong ni Sarah kaya lang hindi ko naman 'yon pwedeng gawin. Wala naman akong karapatang gawin 'yon dahil nakakahiya.
Minsan may mga bagay talaga na kung kelan ine-expect mo nang mangyare, saka pa hindi matutuloy. Pero minsan, may mga bagay din na hindi mo inaasahang mangyare, pero mangyayare at mangyayare talaga. Katulad ngayon, Hindi ko inexpect na ngayong oras, araw at taon ay magkakaroon ako ng first kiss. Tama. Siya nga ang first kiss ko. At hindi ko inexpect 'yon. Ilang segundong magkadikit ang mga labi namin, ramdam ko ang init ng mga labi ni Wesley habang nakapikit ako at pinapakiramdaman 'yong waiter at si Zaiden na dumaan sa likod namin. Na feel ko 'yong hangin sa likod ko no'ng dinaanan nila kami. At no'ng tuluyan na silang maka akyat para maghanap ng table ay saka ko na tinanggal 'yong mga labi ko papalayo sa mga labi niya. "S-sorry." nahihiyang sabi ko at inayos ang sarili. Hindi agad nakagalaw si Wesley matapos kong alisin ang mga labi ko. Halatang nagulat talaga siya sa ginawa ko at hindi niya inasahang gagawin ko 'yon.
Ano daw? Nahihibang na ba siya?! Titira ako sa bahay niya?"Nasisiraan ka na ba ng bait?!" Sigaw ko at mas lalo niyang hinigpitan 'yong pag hawak niya sa kamay ko."Seryoso ako, kaya sumama ka sakin." sabi niya at pa bigla bigla na lang akong hinila patungo sa kung nasaan ang kotse niya.Sa sobrang lakas niya ay wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sakanya. No'ng nasa harap na kami ng kotse niya, binuksan niya 'yong pinto ng kotse sa likod at nilagay 'yong mga bag ko saka naman ako pinag buksan ako ng pinto sa driver seat.Pero hindi ako pumasok, tanging nakatayo lang ako at nakatingin sakanya na tipong nakukulitan na ako sakanya.Sino ba naman ako para pumayag sa gusto niya hindi ba?"Pumasok ka na." utos niya."Wesley, sinabi ko na sayong wag mo'kong tulungan hindi ba?""Alam ko." sagot niya."Pero bakit mo ginagawa 'to? Dahil ba naaawa ka sakin? 'yon ba ang dahilan?!" Kalmadong sabi ko