Share

Chapter 3

"Wuhooo!"

We shouted while hanging our hands on the air. The sound of music was too loud. Sumasabay ang katawan namin sa ingay at ang iba ay may tama na.

"Congratulations, Trinity!" sigaw ng mga katrabaho niya habang tinataas ang mga alak. I raised my glass too at ininom ang alak.

"Shit naman!" angil ni Xanthus dahil kanina niya pa hinihintay ang kaibigang isasama niya ngunit hindi dumating. Ngumisi ako at binuhusan ng alak ang kanyang ulo.

"Damn it, Hez! You're drunk!" he shouted and I burst into laughter. I am Hezikaia Braganza. Hindi ako basta-basta nalalasing.

Pumunta ako sa dance floor kahit inaawat ako ni Aina. Nakita ko na rin si Trina na sumasayaw sa kung sino-sinong lalaki. Napailing ako. I am a bitch, yes. But I am not like her. Hindi ako ganyang sumasayaw kung kaninong strangers. Masama lang ang ugali ko pero hindi ako kasing landi ng kaibigan ko.

"Go, Trina!" pagchi-cheer ko sa pagiging malandi niya.

She didn't notice me. Ngumisi ako at sumayaw habang umiinom ng alak. Puro babaeng staff at photographers ang nandito. Kahit si Sorrel ay wild na rin.

"Wuhoo!" tumili ako at itinaas ang dalawang kamay sa ere. Napadaing ako nang na-out of balance ako. Tutumba na sana ako ngunit may biglang humawak sa palapulsuhan at baywang ko.

Humarap ako sa humawak sa akin. "How dare you, perve—Pris?" My jaw dropped when I saw his face.

Oh, come on. Am I really drunk? Pati rito ay nakikita ko siya. Pumungay ang mata ko habang tinitingnan ang seryoso at malamig niyang mata. Binitawan na niya ako at ngayon magkaharap na kami. Ngumisi ako.

"Oh! My boyfriend is here! Don't you dare fucking flirt with me, boys!" Ininom ko ang alak na hawak.

Seryoso pa rin ang mukha niya. Lumapit ako sa mukha niya para siguraduhin kung siya ba talaga ito. "Is it really you?" hindi ko na makilala ang boses ko.

Damn. I'm drunk.

"Tss..." at sa isang iglap lang ay nawala na siya sa paningin ko.

Kumunot ang noo ko at hinanap siya. Nakita kong pumunta siya sa pwesto namin kaya agad akong tumakbo roon.

"Why took you so long? Ilang oras na kami rito, pare..." Tinapik ni Xanthus ang balikat ni Pris.

"I was busy..." mahinahong sabi niya at umupo sa sofa. Binigyan siya ni Xanthus ng alak.

"Is this Pris Del Fuego? Oh my God!" the girl said and I raised a brow at her kahit hindi niya iyon nakita.

"Omg, sobrang gwapo!" My jaw clenched. Ha! Hindi ba siya tatayo d'yan?

"Si Pris lang pala inaantay mo! Ka-batch ko 'yan dati." Ngumisi si Timo kay Xanthus. Kumilos ako at agad naglakad patungo sa tabi ni Pris. Naramdaman ko ang tingin sa akin ng mga babae.

"Please bear with her, Pris. She's drunk," Xanthus said kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm not drunk, Xan! Kilala namin ang isa't-isa..." ngumiti ako kay Pris ngunit hindi niya ako tinapunan ng tingin.

"I don't think so, Hez. Naiirita siya sa 'yo." Humalakhak si Timo kaya hinampas ko ang hita niya. Agad niya akong sinamaan ng tingin.

Tumikhim si Pris at tumingala kay Xanthus na nakatayo. "Why did you let this kid go to this bar?"

Naibuga ko ang alak na siyang iniinom ko kaya maraming babae ang nag react. Napailing si Pris na parang disappointed siya sa akin. Nagtiim bagang ako at tumingin sa kanya. "How many times do I have to tell you that I am not a kid anymore?" mariing tanong ko.

Hindi siya sumagot. Napapikit ako nang inilapit niya ang hinlalaking daliri at idinikit sa gilid ng labi ko at may pinunasan.

"May alak.... bata ka pa nga."

May kung ano akong naramdaman sa tiyan ko. Nakagat ko ang labi ko at hindi alam ang sasabihin.

"Boom! Stunned!" malakas na tumawa si Timo at winisikan ako ng alak sa mukha.

Hindi ako makagalaw. Yes, I'm kinda stunned. Pris' touch was so gentle. I felt a butterflies in my stomach. Hindi pamilyar ang pakiramdam na ito. Bago. Ngayon ko lang naramdaman.

Tumayo si Pris at pumasok sa cr. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. "I'm... I'm sick."

"Huh? Baka in love?" pang-aasar ni Saint kaya napatingin ako sa kanya. Umupo siya at uminom ng alak.

"I-in love?" Fuck! Nauutal ako.

"Wala 'yan! Wala lang kasing pumapatol sa ugali niya kaya gulat 'yan! In love my, foot, Saint," sambit ni Timo at tumabi sa akin.

"It must be love!" Pinitik ni Saint ang noo ko kaya mas lalo akong nagising sa pagkakatulala.

"Wuhoo!"

Naagaw ni Trina ang atensyon namin. Susuray-suray na siya at lasing na. Tumayo si Timo at inalalayang makaupo ang kapatid niya.

"You should help your friend, Hez. She's drunk," Xanthus said.

I shook my head to forget what happened a while ago. Tumango ako sa sinabi ni Xanthus at inilabas ang cellphone ko.

"What the hell, Hezikaia," napapailing na sabi ni Xanthus at Saint.

Umupo si Timo sa tabi ko at humalukipkip habang pinagmamasdan ang kapatid. Nagsimulang sumayaw-sayaw at kumanta si Trina. Omg. Nakakahiya. She is now the center of attention.

Nagpakawala ako ng demonyong tawa at kinuhanan siya ng video. "She'll kill you, Hez," sambit ni Timo. Tinanguan ko lang siya.

"Look at you, Trinity!" sigaw ni Aina na galing pa sa cr at kinalma si Trina. Pinaupo niya ito at tawa lang ako ng tawa habang tinatago ang cellphone ko.

"Hey, Trina! Come to your senses! Pinagtitripan ka na naman ni Hez." She let out a deep sigh.

"I should go. I'll take her home," sabi pa nito kaya tinulungan siya ni Saint na dalhin si Trina sa kotse ni Aina.

"Sumunod ka kaya sa kapatid mo?" nakataas ang isang kilay na tanong ko kay Timo.

"She's still a girl, Hez. Nirerespeto ko 'yun. Alam mo naman kung ano-ano ginagawa niya sa sarili kapag nalalasing. Baka mahambalos ko lang siya kung ako ang mag-aalaga," ngumisi siya.

"Whatever you say." Ininom ko ang alak na binitawan ko kanina.

Wala na si Xanthus. Siguro ay nasa dance floor at naghahanap ng babaeng mahuhuli. Si Timo naman ay nasa tabi ko lang at patuloy sa pang-aasar sa akin. Tsk. Kilala ko ba 'to.

"Ahh... my feet hurts." Pabagsak na umupo si Sorrel sa sofa. She removed her tacones altos and leaned on the sofa. "I'm sleepy..."

Naglabas ako ng cellphone at kinuhanan din siya ng video. I'll use this to blackmail them if I want something from them. Napangisi ako. Nasusuka na siya.

"Hez, dalhin mo sa cr si Sorrel!" Saint said and I just looked at him. Nakabalik na pala siya. I raised a brow and hid my phone.

Yeah. I feel like I'm the mother of these bitches kapag nalalasing sila. Naalala ko na naman ang ginagawa ni Trina sa akin kapag nalalasing siya. Bumuntong-hininga ako.

"Come on, bitch. Don't give me a hard time," sabi ko habang hinihinila si Sorrel patayo.

"Susuka na 'yan! Kadiri! Dalhin mo na sa cr!" pinagmadali ako ni Timo.

Masama ko siyang tiningnan at dinala na si Sorrel sa women's comfort room. Nasaan na kaya si Pris? For sure ay wala na siya sa men's comfort room. Ayaw niya ba talagang nalalapit sa akin?

Lumuhod si Sorrel at nag-umpisang sumuka. Lumabas ako ng cubicle at sumandal sa pintuan kung nasaan siya. Dinig na dinig ko ang pagsuka niya kaya napapailing ako.

Napatingin ako sa malaking salamin dito sa cr. Namumula na ang mukha ko. Hindi pa naman ako lasing, may tama lang.

Pero bakit noong nakita ko si Pris ay parang nalalasing ako sa mga titig niya? Bumuntong-hininga ako.

"Oh, come on! Bakit hindi nagfu-flush?" lasing ang boses ni Sorrel. Binuksan ko ang pinto at tiningnan siyang nakaluhod sa harap ng inidoro. Hindi niya hawak ang flush dahil ang tiles sa sahig ang pinipindot niya. Putangina.

I flushed her mess and looked at her. Her face became redder. Inalalayan ko siyang makatayo para makapaghilamos. Nagawa niya pang tumingin sa salamin at tumawa. "Oh... I'm blushing." Naghilamos na siya at tinulungan ko pa.

Napapikit ako nang winisikan niya ako ng tubig sa mukha at sa damit. Malutong akong napamura at sinarado ang tubig. Inalalayan ko siyang makabalik sa sofa.

"Sa condo 'to matutulog," sabi ko nang nakaupo na siya sa sofa, natutulog.

I took my blazer off and put it on her body. Naka spaghetti strap dress kasi siya kaya dapat takpan dahil baka maghubad na siya mamaya. Mas lalong lumabas ang suot kong tube dress pero nagkibit na lang ako ng balikat at hinayaan ang blazer kay Sorrel.

Hindi na pinuna nila Saint, Timo at Xan ang suot ko dahil sanay na sila sa akin. Umupo ako sa sofa at pinasadahan ng tingin ang men's comfort room.

"You're a mess, Hez," ani Timo kaya napatango ako. Basa kasi ang mukha ko pati na ang buhok ko.

"It's oka-"

"Happy new year!" sigaw ni Timo kahit hindi naman bagong taon at binugahan ako ng alak sa mukha na nanggaling sa bibig niya. Ngayon ay basang-basa na talaga ang buong mukha ko.

Dahil wala na sa isip ko ang gumanti sa isip bata na 'to ay hinayaan ko na lang. Wala akong pamunas. Tumutulo ang alak sa mukha ko, kahit ang suot ko ay basa na. Tinaas ko ang kamay ko at tinali ang buhok.

"Where's Pris, Xan?" Binalingan ko si Xanthus na may katabi nang babae ngayon. Nakaakbay siya sa balikat ng babae.

"May pinuntahan lang saglit. Stop your feelings for him, Hez. He's older than you." Uminom siya ng alak.

"Oh, so... Should I stop my feelings for you as a friend because you are older than me?" I sarcastically said.

Binato ako ni Timo ng maliit na yelo kaya sinamaan ko siya ng tingin. "You jerk, I will kill you!"

I'm a big mess!

"Whatever, Hez. Tigilan mo nga ang pagpilit ng sarili mo sa mga taong ayaw naman sa 'yo. Hindi ka naman tanga pero katangahan na 'yang ginagawa mo." He then gave me a bars.

Kinagat ko ang labi ko sa inis. Napaka swerte ko dahil suportado ako ng mga kaibigan ko. Support na support talaga. Tss! Inis akong tumabi kay Sorrel na tulog na tulog na.

"What are your plans? When are you going home?" balin sa akin ni Saint. Kinuha ko ang shot glass at uminom ng alak. Nagkibit balikat ako.

"Cr lang ako," paalam ni Timo at tumayo.

"Zack probably misses you," dagdag pa ni Saint kaya natahimik ako.

I miss him.

Muli akong uminom ng alak. Hinahayaan lang ako nina Mommy at Daddy ngayon pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa susunod. I'm just sick of them. Dati naman ay binibigay nila ang gusto ko, ngayon ay hindi na. Ayoko na talagang umuwi dahil wala namang mangyayari sa bahay.

They're all useless... well except kay Zack.

"Hi!" Someone sat beside me. Tumaas ang isang kilay ko sa kanya.

Sino 'tong nilalang na 'to? Ang pangit, e...

"I'm Imran, Hez. Don't you remember me?" Ngumisi siya at inakbayan ako.

"Woah..." Pang-aasar ni Xanthus at Saint at pumalakpak pa habang nakatingin sa akin.

Ngumiwi ako. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga ni Imran. Hinaplos niya ang braso ko kaya nagpigil ako ng galit. Huminga ako ng malalim at tinanggal ang kamay niya. "Get your hand off me," malamig na sabi ko at bahagya siyang itinulak.

"Pustahan si Hez mananalo, five hundred ako," narinig kong sabi ni Xanthus.

"Lasing 'yung lalaki. Pustahan babastusin niya pa si Hez. Tangina suntukan talaga 'pag nangyari 'yon." Humalukipkip si Saint at tinitigan kami. "Pero deal. Five hundred,"

"Gago, syempre ipagtatanggol ko si Hez. Pero pusta pusta muna." Pinatong ni Xanthus ang paa sa lamesa.

Bumuntong-hininga ako sa harap nila at inirapan sila. Humarap ako kay Imran at seryoso siyang tiningnan. "Umalis ka na, Imran."

"Just one night, Hez," malambing na sabi niya at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na sabay tumayo si Xanthus at Saint. Natigil sila sa paglapit nang tinaas ko ang kanang kamay ko para pigilan sila.

"Umalis ka na..." ngumiti pa ako kaya tumango si Imran. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinipo ang hita ni Sorrel kaya lumanding ang kamao ko sa mukha niya.

"Hez!" sigaw ng dalawa.

Sasapakin sana ako ni Imran ngunit bumulagta na siya sa sahig. Natigilan ako nang makita ang taong nagpatulog sa kanya.

Pris walked towards me and took his coat off. Ipinatong niya 'yon sa dalawang balikat ko at tinitigan akong mabuti. Napalunok ako.

"Let's go home..." malumanay na sabi niya at tiningnan ang hitsura ko. "You are damn... wet." Umiwas siya ng tingin at sinabay ako sa paglalakad niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status