Share

Chapter 10: Puzzled

Pagkatapos kong kumain ay naisipan ko munang manood ng TV. Habang umupo naman si Cole sa pang-isahang sofa at nakinood rin.

Kahit na ang totoo ay gustong-gusto kong malaman ang lagay ni Stephen at gamutin ang sugat niya.

Pero pilit kong pinigilan ang sarili. Wala dapat akong pakielam sa kanya. Kung gusto niya magpakamatay, bahala siya sa buhay niya. Pabor pa nga sa ‘kin ‘yon kapag nagkataon.

“Gaano katagal ka ng nagtatrabaho kay Stephen?” tanong ko kay Cole, habang nakatuon ang mga mata ko sa TV.

Kung tutuusin ay wala naman akong maintindihan sa pinapanood ko dahil kung saan-saan naman lumilipad ang isip ko.

I saw he smiled from my peripheral view.

“Ang totoo po niyan ay bata pa lamang ako ng mapunta sa poder ng mga Anderson. Nakita lang nila akong pagala-gala sa kalsada noon. Tumakas kasi ako sa bahay ampunan na kinalakihan ko, dahil hindi ko kasundo ang ibang mga bata na nandoon.”

Narinig ko ang lalim ng kanyang paghinga.

“Kinupkop nila ako. Inalagaan, binihisan, pinag-aral at binig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status