Nathalia's POVHindi mawala-wala ang ngiti sa 'king mga labi, habang matamang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng malapad na salamin.Malalim akong napabuntong hininga. Panibagong yugto na naman ng buhay ko ang magtatapos sa araw na 'to.Pero kasabay no'n ay ang pagsisimula ng panibagong paglalakbay na kailangan kong tahakin at responsibilidad na kailangan kong pasanin."Are you ready?"Napaangat ang tingin ko kay Mama na kasalukuyang nakatayo sa likod ko at masuyong humawak sa magkabila kong balikat.Napatango naman ako at pilit na pinipigilan ang pangingilid ng luha ko. "I am, Ma. You know how much I have been waiting for this moment."Napangiti naman siya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Let's go."Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa huling pagkakataon, bago tumayo at sabay na kaming lumabas ng kuwarto.Pagkababa ay naabutan naming naghihintay sina Papa at Stephen sa sala. Hindi ko naiwasan ang mapailing nang mapansin na nandoon din sina Shantel at ang iba pa.Saba
After 5 years...I woke up with the feeling of someone caressing my bare shoulder. Slowly, I opened my eyes and the smiling face of my husband came into view.What a wonderful sight."Good morning, my wife," he greeted, then kissed my forehead.Agad naman akong napangiti at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi."Good morning, my hubby. What time is it?" Napatingin ako sa labas ng bintana na nasa kanyang likuran. Tila kasisikat pa lang ng araw."It's just six o'clock in the morning, and the last time I check, Nathan is still sleeping." He grinned.Napataas ako ng kilay. "So?"Napasinghap naman ako nang bigla na lang siyang umibabaw sa 'kin."It means, we can have a one round." He winked.Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. "What the—"Before I could even utter a protest, his lips locked into mine. Napapikit na lang ako at ninamnam ang lambot ng mga labi niyang nakalapat sa 'kin.Agad na lumapat naman ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib dahil wala siyang suot na p
“That’s all for today. Class dismissed.”Dali-daling tumayo ang mga kaklase ko at nag-unahang lumabas, pagkaalis na pagkaalis palang ng huling Professor namin para sa araw na ‘to. Ang ilan sa kanila ay nagtutulakan pa sa bandang pinto na akala mo ay mga hindi makakauwi. Hindi ko tuloy naiwasan ang matawa, habang inaayos ang mga gamit ko.Natigilan lang ako nang maramdamang may kumalabit sa kanang balikat ko. Nang lumingon ako para alamin kung sino ‘to ay ang nakangiting mukha ni Madeline ang bumungad sa ‘kin.“Malapit na nga pala ang debut mo, girl! Paniguradong paghahandaan na naman ‘yon nina Tito Edwin at Tita Marcel ng bongga! I’m so excited already!” tili pa niya.Napailing na lang ako sa kanya, habang nakangiti. “That’s not gonna happen.”Bigla naman siyang natigilan kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. “Huh?”Nagkibit-balikat ako. “I already talked to them about it. Just so you know, I want it to be simple and private. Kaya iilang bisita lang ang iimbitahan ko at hindi magkakaroo
Nathalia’s POVPinatay ko ang makina ng aking sasakyan, nang itigil ko ito sa tapat ng isang mataas na building. Nang masigurong wala na akong naiwan ay bumaba na ako at tiningala ang matayog na building sa ‘king harapan.Napailing na lang ako, bago nagsimulang maglakad at makisabay sa agos ng mga tao na papasok din sa loob.Nang makapasok ay agad na bumungad sa ‘kin ang lounge area, kung saan ay marami ang mga nakatambay at nagbabasa ng magazines. Nasisiguro ko na karamihan sa kanila ay guests nitong hotel.Mayroon ding mga naglalakihang chandelier na nakasabit sa kisame. Malamig ‘tong tingnan sa mga mata dahil gawa ito sa crystal. Carpeted naman ang hallway at sa bawat pillar na madaanan ko ay mayroong mga indoor plant na nakasabit dito.Napangiti na lang ako, bago tuluyang dumiretso sa reception area.“Good afternoon, Ma’am. How may I help you?” magalang na bati ng receptionist na mayroong ngiti sa kanyang mga labi.Inilibot ko ang paningin. It’s not my first time here. Pero kahit
“Ano palang ginagawa mo sa hotel kahapon? Saka bakit bigla ka na lang tumakbo? You told me that you’ll talk to us later that day. But what happened? You’re not even answering our calls!” sunod-sunod na tanong ni Harold sa ‘kin, bago sumimsim ng frappe na hawak niya.I was about to speak when Albert interfered.“Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sa ‘yo! Nagulat na lang kami nang sabihin ni Harold sa ‘min na nakita ka niya sa lobby ng hotel at nagmamadaling umalis. Akala tuloy namin ay kung saang gulo ka na sumuong.” Napailing siya, bago sumubo ng maliit na piraso ng blueberry cheesecake niya na nasa isang platito.Sasagot na sana ako ng si Damon naman ang biglang sumabat. Sinamaan ko siya ng tingin, pero parang hindi niya nakuha ang gusto kong iparating.“Knowing you and your heroine act. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o magsisi na tinuruan ka namin ng self-defense at kung anu-ano pang safety precaution’s technique.”Malalim akong napahugot ng hininga, nang makita
Halos isang oras na ang lumipas magmula ng maging abala ako sa harap ng laptop ko. Napagdesisyunan ko kasi na mangalap ng mahahalagang impormasyon tungkol kay Stephen Anderson.Kung dati ay iniignora ko lamang ang mga balita na naririnig at nababasa ko tungkol sa kanya, ngayon ay kailangan ko ng magkaroon ng pakielam. I need to know every single detail about him.I should be aware of who he really is and what is he capable of doing.Aside from killing and manipulating people.Napailing na lang ako at halos malukot ang aking mukha, dahil karamihan sa artikulong nababasa ko tungkol sa kanya ay puro negatibo. Marami na pala talagang issue ang naikabit sa pangalan niya. Though there are some recognition as well.But still, it wouldn’t change the fact that he’s indeed a bad person, and it won’t cover his bad deeds.Just this recently, he’s been accused as the one who killed the well-known businessman, Mr. Choi. Bali-balita na isa raw ito sa matinding karibal niya sa negosyo at kamakailan l
Inilapag ko ang dalang dalawang basket ng puting rosas sa harap ng magkatabing lapida, bago dahan-dahang umupo sa damuhan. Marahan kong hinaplos ang nakaukit na pangalan doon at malungkot na ngumiti.“Birthday ko na po ngayon. Dalaga na po ang anak n‘yo.” Pilit kong pinasaya ang aking boses pero pumiyok pa rin ito.Napapikit ako nang mariin kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha sa ‘king kanang mata. Pero agad kong pinalis ‘yon at hinamig ang sarili, bago muling dumilat. This was supposed to be a happy day.“Sana nandito pa po kayo. Siguro masaya tayong nagdiriwang ngayon.” Kinagat ko ang ibabang labi.“Naaalala ko pa rati na kahit bata palang ako ay ang dami n’yo ng plano na agad nabuo para sa ‘kin. Magmula sa pagtatapos ko ng high school, sa magiging debut ko, sa pagtatapos ko ng kolehiyo at hanggang sa dumating ang panahon na ipagkakatiwala n’yo na sa ‘kin ang pamamalakad sa kumpanya. Dahil ako lang ang nag-iisang tagapagmana n’yo. Maging sa kung sino ang mapapangasawa ko...”Ba
Nakatulala lang ako hanggang sa huminto ang van na sinasakyan namin. Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagod nang dahil sa walang tigil kong pag-iyak kanina. Namaga na lang ang mga mata ko at namaos na rin ang boses ko sa pagmamakaawa, pero wala pa rin itong naging silbi. Tila naging bingi sila sa ‘king mga hinaing at bulag sa takot na bumabalot sa ‘kin.Hindi ako umimik nang hilahin ako palabas ng sa tingin ko ay kanang kamay ni Stephen. Mahigpit ang naging pagkakahawak niya sa braso ko. Na para bang magagawa ko pa silang takasan sa lugar na ‘to.Nasisiguro ko naman na hindi lang isang simpleng tauhan ni Stephen ang lalaking ‘to, dahil narinig kong tinawag siyang boss ng isa sa mga kasamahan niya kanina.Nahigit ko naman ang hininga nang makita ang mga lalaking nakasuot ng kulay itim na suit, na nagbabantay sa paligid at may mga nakasukbit na baril sa kanilang beywang. Nang dahil doon ay masasabi kong mahigpit ang seguridad nila rito.Sa pag-angat ko naman ng tingin ay bumungad sa ‘kin