Noong bata pa ako'y madalas akong mainggit sa mga kaklase kong inihahatid ng kanilang ama papasok ng eskwela. Minsan nga'y nagkaroon pa ako ng kaaway dahil nagselos ang aking kalaro nang gawan ako ng saranggola ng kan'yang ama.
"Wala ka kasing daddy, kaya gusto mong agawin ang daddy ko!" natatandaan ko pang bulyaw niya sa'kin.
Simula noo'y nagtanong na ako kay lola tungkol sa tunay kong ama subalit palagian niyang iniiba ang usapan. Hanggang sa dapuan siya ng malubhang karamdaman. Bago siya mamatay ay isiniwalat niya ang kan'yang nalalaman sa'king tunay na pagkatao.
Ngayon nga'y nasa harap ko na ang lalaking matagal ko nang inaasam na makita.
"Mr. Sena has requested me to do you a favor and give you even a few minutes of my time. So what is it?" tanong ni Mr. Davis.
Iniwan kami ni Zid sa pribadong parte ng restaurant. Maging ang sekretarya ni Mr. Davis ay lumipat din ng ibang upuan.
Pinagmasdan ko ang kapeng sinerve ng waitress s
"I'm sorry Mr. Sena but our hotel is fully booked," sabi ng receptionist ng hotel na tinutuluyan ni Zid.Nang magkita kami kanina sa Central Park ay hindi na ako nagsinungaling pa nang magtanong siya kung bakit bitbit ko ang aking mga gamit.Sinabi ko din sa kan'yang wala na akong sapat na pera. Hindi ko alam kung bakit nagpapakita akong kaawa-awa sa harap niya, marahil ay defense mechanism ko na iyon upang hindi niya ako makompronta tungkol sa nangyari kanina.Akala ko'y aalis na siya pagkatapos namin mag-usap ngunit sa aking pagkabigla ay nag-offer siya ng tulong.Gusto kong tumanggi dahil pakiramdam ko'y may hidden agenda siya. Subalit nang maalala kong nasa ibang bansa ako at sa kasawiang palad ay siya lamang ang kakilala ko ay pumayag na din ako."Okay lang Zid. Maghahanap na lang ako ng ibang matutuluyan," sabi ko sa kan'ya.Nakapamewang siyang tumingin sa'kin. Ako nama'y abalang punasan ang malagkit na sarsa na tumilapon sa dami
Naranasan mo na bang dumalo sa isang networking seminar? 'Yong tipong may isang gwapong nilalang ang nag-aya saiyo na magkape sa isang coffee shop, kinikilig ka na dahil akala mo ay date, iyon pala ay aalukin ka lang na mag-invest. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko ngayon habang kaharap si Zid. Nakaupo ako sa couch samantalang siya naman ay sa single sofa, dito sa kan'yang unit. Sa center table ay nandoon ang isang nakatuping d'yaryo na pamilyar ang itsura sa'kin. "This is The Veracity's tabloid, it exposes businessmen and politicians na gumagawa ng iligal na bagay, such as corruption, drugs, any illegal activities. Hangga't may larawang kuha bilang ebidensya ay mailalathala sa tabloid na ito. That will be your job. You will be an undercover photographer of our organization," panimula ni Zid. "Wait. Wait lang. Time first," hindi ko masundan ang mga sinasabi niya. "Ibig mo bang sabihin ay pa-sekreto kong kukuhanan ng larawan ang mga politiko o negosyante na
"Can I just train her instead?" tanong ni Zid kay Duke nang pinigilan siya nitong sumama sa akin patungo sa isang pinto. Matagal na tinitigan ni Duke si Zid, pakiramdam ko'y nag-uusap sila sa pamamagitan ng mga mata. Dumako sa akin ang tingin ni Duke bago ngumiti. "Okay. How can I say no to the most promising interrogator of our organization?" Hindi ko alam kung nanunuya ba ang tono ng pananalita ni Duke dahil nakangisi ito samantalang nanatiling seryoso si Zid. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nilang dalawa. Gusto ko nang matapos ang training na ito. Kami na lang ni Zid ang pumasok sa loob, bumungad sa amin ang may kalakihang gymnasium. Kaliwa't kanan ang nag-e-ehersisyo at nag-eensayo ng karate, boxing at self-defense. Iba't ibang kulay ng balat ang nakikita ko at pananalita ang naririnig ko. Ibig sabihin ay katulad ko din sila na bagong recruit para maging parte ng organisasyon sa kanilang bansa. Mayroon ng nakahandang pamalit ng
Habang nasa byahe kami patungo sa hideout o bahay na pinagdalhan sa akin noon ni Zid nang kidnap-in niya ako, ay inisa-isa na nila sa akin ang trabaho ng bawat myembro ng grupo. Ang protektor ng grupo na madalas kong makakasama sa mga misyon ay sina Ivan o Hail at Sylvester o Sun. Si Blue naman na may codename na Rain ay ang I.T specialist. Siya ang nakatalaga sa pagproseso ng mga larawan at video na makukuhanan ko at higit sa lahat ang pag-hack ng ilang accounts ng mga politiko at negosyante upang makakuha ng ebidensya at impormasyon. "I am Cloud, your leader," maikling pagpapakilala ni Knight sa kan'yang sarili. Siya ang nagmamaneho ng sasakyan at sa kan'yang tabi ay si Zid. "I am the interrogator of the team," sabi naman ni Zid. Naalala ko bigla ang sinabi ni Duke na si Zid ang 'most promising interrogator' ng The Veracity. Hindi na nakakapagtaka kung bakit napakagaling niyang manghikayat ng tao. Pero bakit namin kailangan ng interrog
"Mr. Alejar, a Caelus Aviation stockholder, is believed of being the mastermind behind the human trafficking discovered by police in Manila two months ago." Hawak-hawak ang isang pulang marker ay binilugan ni Cloud ang litrato ni Mr. Alejar na nakadikit sa white board habang ipinapaliwanag sa amin ang susunod na misyon. "I ran a background check on him. He grew up in the province. Mayroon silang mga lupain doon na iligal raw na tinitirhan ng mga tao. Pilit na binawi ng kanilang pamilya ang mga lupain subalit nagmatigas ang mga taga-roon. Dahil dito, Mr. Alejar's father decided to use violence. May mga sibilyan na namatay. Ang mga kapamilya nito ay naudyok na maghiganti, causing his parent's death. He became an orphan at a very young age. Bukod pa doon, ang lupang pinag-aawayan ay napag-alaman na matagal nang nailipat sa pangalan ng mga mamamayan na nakatira doon," mahabang kwento ni Cloud. Mataman akong nakikinig sa kan'ya. Bigla ay naging interesado ako sa u
Isa sa magandang dahilan kung bakit masarap manirahan sa probinsya kaysa sa lungsod ay dahil sa sariwang hangin na mayroon dito. Tila ba bawat ihip ay kasabay na tinatangay ang anumang problemang dinadala mo.Ibinaba ako ng tricycle driver sa tapat ng basketball court malapit sa barangay hall ng Sta. Monica. Nilakad ko na lamang ang lubak-lubak na daan patungo sa munting kubo, na pilit ipina-memorize ang itsura sa akin ni Cloud kahapon.Sa aking likod ay ramdam na ramdam ko ang presensya ni Ice. Akala ko ba'y sina Hail at Sun ang magbabantay sa akin? Nasaan ba sila?Marahil ay magaling lang talaga silang magtago kaya hindi ko mahagilap ni hibla ng kanilang buhok sa paligid.Tinanggal ko ang aking blazer at sinubukang maglakad ng sexy katulad ng karakter ni Dona sa script na ibinigay sa akin.Hindi ako si Kai ngayon, ako si Dona at kailangan kong umakto bilang siya.Tumigil ako sa tapat ng isang kubo na napapaligiran ng kawayang-b
Ang kwintas na aking suot ay otomatikong kumokonekta sa cellphone na ipinadala sa akin ni Rain bago ako pumunta dito sa Sta. Monica. Mayroon siyang access sa cellphone na ito kung kaya’t sa oras na mailipat ang video ay nabubura na ito.Maliit na hakbang pa lamang ang aking naggagawa subalit pakiramdam ko’y mas lalong lumakas ang aking loob na matatapos ko ang misyon na ito sa malinis na paraan.Hindi pa sumisikat ang araw kinabukasan, bitbit ang isang maliit na bag laman ang aking mga damit, ay naglakad na ako patungong covered court. Dito ang sinabing meeting place namin ni Sir Jobet. Pagdating doon ay nagulat ako na makita ang ilang menor-de-edad na babae na naghihintay sa labas ng van. Sa bilang ko ay labing-lima kaming lahat.Naagaw ng aking pansin ang isang batang babae na palagi kong nakikitang nakikipaglaro sa ilang bata ng mga nakaraang araw. Halata ang pagiging inosente sa kan’yang mukha. Tila ba kinakabahan siya at panay ang lingon s
Si Dona ay liberated, kung siya ang manghihikayat kay Sir Jobet ay paniguradong lalandiin niya ito. Kung bilang si Kai naman ay magmamakaawa ako sa kan’ya. Ang sabi ni Ice ay huwag ko daw kakaligtaan si Fire. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Kukuhanan ko ng pictures si Sir Jobet sa bawat anggulo para mapapayag ko siya?“Hindi mo ba gusto ang pagkain?” tanong ng babae na nasa aking tabi nang padabog kong maibaba sa plato ang kutsara.Nasa pribadong kwarto kami ng gusali at kumakain ng pananghalian. Dumagdag pa sa aking pagkayamot ang kakaunting pagkain na inihanda para sa amin. Hindi man nila sabihin ay nakukuha ko ang gusto nilang mangyari, iyon ay ang mapanatili ang magandang hubog ng pangangatawan ng mga babaeng ito. Iyon ang dahilan kung bakit simula pa kaninang umaga ay halos ayaw na nila kaming pakainin ng maayos.“Gusto. Dumulas lang kasi,” pagpapalusot ko.Isang oras ang ibinigay na breaktime sa amin. Bawal lumaba