"Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."
Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.
Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.
Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.
Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.
Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.
Hi
I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas
Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na
"Kaunti na lang, makakaalis na din ako."Maingat kong ibinalik sa aking shoulder bag ang deposit slip mula sa banko bago nagsimulang maglakad. Nakangiti kong tinahak ang Plaza Rizal kung saan maraming mga kabataan ang nakaupo sa mga benches na naroon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit.Ano kaya ang pakiramdam nang gumala kasama ang barkada tuwing Sabado't Linggo?Nang kasing edad nila ako ay pagtratrabaho sa palengke ang inaatupag ko tuwing walang klase. Hindi ko naranasan ang pribilehiyo na mayroon ang mga kabataang nasa paligid ko. Ang swerte nila dahil may magulang sila.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga upang iwaksi ang malungkot na ala-alang sumasagi sa isipan ko. Binilisan ko ang paglalakad hanggang makarating ako sa Masaysay street, ang lugar kung saan madalas magpunta ang mga sikat na personalidad.Napatigil ako sa tapat ng isang shop kung saan makikita mula sa labas ang iba't ibang uri ng camera na naka-displa
Minu-minuto ko na sigurong tinitingnan ang dummy account ko sa IG para makita kung nag-reply na ba sina Chloe at Tristan, ngunit hanggang ngayon ay wala pa din."Huy bruha ka!" tili ni Fredo na bigla na lamang sumulpot mula sa likod ko at mahinang hinila ang buhok ko na kaagad din namang dumulas sa kanyang daliri dahil sa ikli nito.Andito ako ngayon sa karinderia ni Aling Berna at kumakain ng pananghalian.Sinamaan ko siya ng tingin at bahagyang inayos ang aking buhok. Umupo siya harap ko at mataray akong pinasadahan ng tingin."Gaga ka talaga! Alam mo bang ikakaltas sa sweldo ko ang kinain mo kahapon. Kaloka! Sana man lang binayaran mo 'yong kinain mo bago ka tumakas," litanya niya.Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil natulala ako sa labi niyang ubod ng pula. Ilang patong kaya ng lipstick ang ginawa niya?Dumukot ako ng pera sa aking bulsa at iniabot sa kan'ya."Para sa'yo pambili mo ng pink na lipstick. Hindi
"Huh? Ano ba'ng sinasabi mo? Anong video? Saka sino ka ba?" Pinilit kong huwag mautal at tinapangan ang boses upang hindi niya makitang natatakot ako.Nakakakilabot ang kan'yang presensya. Dumagdag pa na hindi maalis sa isip ko ang nakakatakot na eksena na nababasa ko sa mga nobela, baka ganoon din ang sapitin ko."Really? Then what is this?" Ipinakita niya sa akin ang cellphone ko kung nasaan ang usapan namin ni Chloe. Hindi pa ako nakakapag-reply doon nang kumatok sila.Kaagad akong lumapit sa kan'ya at hinablot ang aking cellphone.Bakit ba kasi parang nahihipnotismo ako sa paraan ng pagtitig niya? Hindi ko tuloy namalayan na nakuha niya na ang cellphone ko."Bakit ba nakikialam ka? Lumabas ka na nga! Kung hindi ay tatawag ako ng pulis. Sasabihin kong trespassing ka tapos hina-harass mo ako," buong tapang na sabi ko.Napangisi lamang si Zid at prenteng umupo sa aking kama. Itinukod pa niya ang dalawang kamay sa likod.Bakit b
Kinuha ko kaagad ang perang ipinadala ng kampo ni Chloe. Bukas ay sisimulan ko nang asikasuhin ang pagkuha ng flight patungong New York. Hindi ko pa sigurado kung magtatagal ako doon pero bahala na.Tumayo ako at iniharang ang mesa at upuan sa pinto ng aking kwarto. Tinabingan ko din ng makapal na kumot ang bintana. Mahirap na baka bigla na lamang akong pasukin ng Zid na iyon.Sabi pa naman niya kanina bago umalis, he will keep an eye on me. Hindi ba't iyon ang ginagamit na linya ng mga kontrabidang lalaki sa pelikula? Kaya't kailangan kong magdoble ingat.Binuksan ko ang aking laptop at binura ang video ng ChloTan. Binura ko na din ang dummy account ko sa IG. Ni-reformat ko din ang aking cellphone at tinapon ang ilang wigs at bagay na ginagamit ko sa pag-disguise. Mahirap na baka kinabukasan paggising ko ay marami nang parak sa labas ng kwarto ko. Mas mabuti nang wala silang ebidensya na makukuha laban sa akin.Nagsimula na din akong ma
Dahan-dahan kong tinungo ang pinto at nagdarasal na sana'y hindi iyon nakakandado sa labas.Nagsisimula na namang lamunin ng mga karumaldumal na eksena ang isipan ko.Paano kung na-kidnap ako? Tapos tinurukan nila ako ng drugs kaya wala akong maalala.Baka 'yong puting van na nangunguha ng bata at mga magagandang dalaga ang nagdala sa'kin dito. Ibig sabihin, kukunin nila ang ilang internal organs ko pagkatapos ay ibebenta. O 'di kaya'y puputulan nila ako ng paa o kamay at araw-araw na ihahatid sa mga kalsada upang mamalimos.Nakahinga ako ng maluwag nang mabuksan ko ang pinto ngunit andoon pa din ang malakas na kabog ng dibdib ko.Sumilip ako at nang mapagtantong walang tao ay nakatingkayad akong lumabas.Isang katapat na kwarto ang bumungad sa'kin.Kung nakidnap ako, dapat si Tere ay nandito din dahil magkasama kaming natulog kagabi sa waiting shed. Baka nasa loob siya ng kwartong ito.Lumapit ako at inilapat ang tainga
Si Zid ay parang terror na guro sa paaralan. 'Yong tipong isang sabi at tingin niya lang ay hindi na makakapalag ang mga estudyante at susundin na siya, katulad ngayon.Hindi dapat ang isasagot ko nang inaya niya akong mag-usap, pero andito ako ngayon sa kan'yang harapan sa likod ng bahay. Mataman siyang nakatitig sa aking mukha at nakakunot pa ang noo. Pakiramdam ko tuloy ay may one-on-one recitation kami. Hindi pa naman ako nakapag-review. Ano ba ang coverage?Umiwas ako ng tingin sa kan'ya bago pa man ako matulala sa pungay ng kan'yang mga mata."Gusto mo na ba'ng umuwi?" mahinahon niyang tanong.Nagulat ako kaya napatingin ako sa mukha niya upang makita kung pinagtritripan niya ba ulit ako.Tumango ako kahit nagdadalawang isip kung totoong seryoso ba talaga siya.Baka naman nakonsyensya siya sa ginawa niya sa'kin kanina kaya papauwiin niya na lang ako."Okay. I'll send you to your place," nakangiti niyang sabi.