"Kaunti na lang, makakaalis na din ako."
Maingat kong ibinalik sa aking shoulder bag ang deposit slip mula sa banko bago nagsimulang maglakad. Nakangiti kong tinahak ang Plaza Rizal kung saan maraming mga kabataan ang nakaupo sa mga benches na naroon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit.
Ano kaya ang pakiramdam nang gumala kasama ang barkada tuwing Sabado't Linggo?
Nang kasing edad nila ako ay pagtratrabaho sa palengke ang inaatupag ko tuwing walang klase. Hindi ko naranasan ang pribilehiyo na mayroon ang mga kabataang nasa paligid ko. Ang swerte nila dahil may magulang sila.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga upang iwaksi ang malungkot na ala-alang sumasagi sa isipan ko. Binilisan ko ang paglalakad hanggang makarating ako sa Masaysay street, ang lugar kung saan madalas magpunta ang mga sikat na personalidad.
Napatigil ako sa tapat ng isang shop kung saan makikita mula sa labas ang iba't ibang uri ng camera na naka-display sa loob.
"Good day ma'am! Mayroon po kaming promo sa iba't-ibang klase ng camera na gusto n'yo. Tara na po sa loob para makita n'yo. Pwede n'yo din po i-try," sabi sa'kin ng salesman na lumabas pa ng shop upang lapitan ako.
Umiling ako sa kan'ya. Sasayangin ko lamang ang oras niya, hindi naman ako bibili. Nakalaan na sa mas mahalagang bagay ang ipon ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Panay ang palinga-linga ko sa paligid, nagbabakasakaling makahanap ng mapagkakakitaan. Ipinagpasalamat kong taglamig na ang klima dito sa Pilipinas dahil kung hindi ay paniguradong mabubura ang makapal kong make-up dahil sa pawis.
Huminto ako sa tabi nang maramdaman ang pag-vibrate ng aking cellphone na nasa bulsa ng maluwag kong maong na pantalon. Bago ko iyon sagutin ay pinagana ko muna ang voice changer app na naroon.
"Hello? Manager! Oo nakuha ko na. Huwag ka mag-alala binura ko na 'yong video. Safe na ang alaga mo, pakisabi sa kan'ya mag-iingat kasi siya. Uso naman tumingin sa paligid bago gumawa ng milagro," sabi ko nang maalala ang nakakatawang ginawa ng huli kong biktima.
Boy next door pa naman ang imahe ng rising star na si Jester tapos may baho palang itinatago.
"Ay! Ang KJ." Napangiwi ako nang binagsak ng manager niya ang telepono.
Kaagad kong tinanggal ang simcard sa aking cellphone at itinapon sa basurahan na nadaanan ko. Mahirap na baka magkahulihan pa.
Maya-maya pa'y narating ko na ang isa sa mga sikat na restaurant na madalas kainan ng mga sikat, Green Paradise. Open area ang lugar at napapalibutan ito ng iba't-ibang uri ng halaman at landscape. Napagpasyahan kong umupo sa pandalawahang mesa sa gilid ng restaurant.
"'Di ba sabi ko 'wag ka dito. 'Pag ikaw talaga nahuli," nanggigigil na bulong sa'kin ni Fredo na waiter sa restaurant na ito.
Kinuha ko ang menu na iniabot niya sa'kin. Napangiwi ako nang makita ang presyo ng mga pagkain.
Hindi ako nagpunta dito para magwaldas ng pera kundi para kitain iyon.
"Tubig na lang," sabi ko kay Fredo na binigyan ako ng plastik na ngiti. Infairness, pasado siya sa customer service.
"Umorder ka gaga. Itong italian spaghetti pinakamura nila." Inilista niya na ang order ko kahit hindi pa man ako umo-oo.
Hinayaan ko na lang siya dahil baka inaakala niyang siya ang may-ari nitong restaurant, natatakot yatang malugi kung tubig lang ang o-order-in ko. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid. Bigo akong makakita ng artista. Mali yata ang lugar na pinuntahan ko.
Inabala ko ang sarili sa pagkain. Masarap naman ang spaghetti nila kaya lang bitin. Ito na ba 'yong 200 pesos? Naku naman. Ilang serving na ito ng spaghetti kina Aling Berna. Hindi nga lang kasing sarap nito.
Tumayo ako at napagpasyahan na pumunta sa likod na bahagi ng restaurant kung nasaan ang malawak na garden na pinagmamalaki nila.
"Tama na please! Zid umalis ka na." Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang komosyon sa 'di kalayuan.
Natagpuan ko iyon sa tagong bahagi ng lugar. Maingat akong nagkubli sa isang sulok malapit doon. Katulad ng paulit-ulit kong ginagawa ay inilabas ko ang aking maliit na camera at kinuhanan ang nangyayari.
Pera na naman!
Mula sa kinakatayuan, ay kitang kita ko kung paano awatin ni Chloe Trinidad si Tristan na suntukin ang isang lalaki na hindi ko kilala. Gwapo ito at matipuno, artistahin ang itsura, katulad ng dalawa pero hindi ko naman siya nakikita sa telebisyon.
Medyo malapit ako sa kanila kaya kahit mahina ang boses nila ay malinaw ko itong napapakinggan. Wala din tao sa parteng iyon ng restaurant.
"Bitiwan mo nga ako Chloe! Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano kayo maghalikan ng lalaking ito. Niloloko mo ba ako?" Lihim akong napasinghap ng marinig ang sinabi ni Tristan.
Ang ganda ng linya niya, pakiramdam ko tuloy ay nanonood ako ng sine. Hindi naman bago sa'kin ang mga ganitong ganap ng mga artista pero sila na ang pinakasikat na artistang mabibiktima ko.
In demand na real life couple at loveteam ngayon sina Chloe at Tristan kaya alam kong malaki ang kikitain ko kapalit ng video na ito. Sino ba namang sikat na tao ang gugustuhin na masira ang imahe nila? Kasikatan ang puhunan nila upang kumita ng pera. Sayang nga lang at hindi ko nakuhanan ang kissing scene na sinasabi ni Tristan.
"Please love, don't make a scene here. Tara, sa condo na lang tayo, baka may makakita sa'tin," sabi ni Chloe na bakas ang takot sa mukha.
Pinagmasdan ko ang isa pang lalaki na mukhang natutuwa pa sa nangyayari. Parang proud pa na siya ang pinag-aawayan ng dalawa.
Naka-cross pa ang dalawang braso niya sa ibabaw ng dibdib at naiiling na pinagmamasdan ang naghuhuramentadong si Tristan.
"Dude, don't blame me. Ang girlfriend mo ang lumapit sa akin. Next time makes sure to tied your girl really tight. I have to go." Sumaludo pa siya sa dalawa.
Akmang aalis na siya nang makita ko mula sa screen ng camera na tumigil ang mga mata niya sa gawi ko, kaya mabilis kong itinago sa bag ang aking camera.
Alam kong kailangan ko nang ihakbang ang mga paa ko paalis ngunit tila naparalisa ito nang tumingin ako sa lalaki. Malayo siya upang malinaw kong mapagmasdan ang mga mata niya ngunit ramdam na ramdam ko ang intensidad ng mga titig niya sa'kin. Tila ba nahipnotismo ako lalo na nang may sumilay na munting ngisi sa kan'yang labi.
"I think you should settle that lady first. Bye," cool na pagkakasabi niya bago tumalikod at umalis.
Saka lamang ako natauhan. Napabaling sa akin ang tingin ng dalawa kaya dali-dali akong tumakbo patungo sa mataong bahagi ng restaurant. Nakasunod sila sa akin ngunit alam kong hindi sila gagawa ng anumang eksena sa harap ng ibang tao. Tama nga ako dahil nakalabas ako ng restaurant ng walang kahirap hirap.
Panay ang paglingon ko sa likod habang mabilis na naglalakad. Mahirap na baka may nakasunod sa akin. Pumasok ako sa pampublikong cr ng terminal ng jeep malapit sa Ayala Mall. Itinuro sa akin ni Tere, tagalinis ng banyo, ang bagpack sa loob ng isang cubicle.
Inilagay ko sa bag ang kumot na pinaikot ko sa aking tiyan upang magmukha akong mataba kanina. Pati ang dalawang foam na inilagay ko sa dibdib upang magmukha itong malaki ay itinapon ko na sa basurahan.
Nagpalit ako ng shorts at plain white shirt na inibabawan ko ng hoodie jacket. Naghugas din ako ng mukha upang matanggal ang makapal kong make-up.
Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin matapos tanggalin ang long blonde wig. Mukha akong tomboy sa gupit kong panlalaki pero babaeng lubos ako. Ganito lang talaga ang gupit ko para madaling makapag-disguise. Sinuot ko ang salamin ko bago lumabas ng banyo.
"Tere, sayo na 'to. Salamat." Pasimple kong iniabot kay Tere ang isang libo. Nakangiti niya naman itong tinanggap.
Nang makarating ako sa maliit na kwartong inuupahan ko ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag.
Nakakapagod ang araw na ito. Akala ko katapusan ko na.
Ito ang unang beses na nahuli akong kumukuha ng video ng isang sikat na artista. Napakapakialamero naman kasi ng lalaki na 'yon. Sino ba siya? Mukhang kabit lang naman siya ni Chloe. Hindi na nahiya. Baka gusto din sumikat sa maling paraan.
Binuksan ko ang aking laptop at inilipat doon ang video at pinanood.
Zid pala ang pangalan ng lalaki na 'yon. Ang gwapo niya pero pumapatol sa may boyfriend na. Nagkakaubusan na ba ng babae?
Napailing na lang ako sa isipin na iyon.
In-edit ko ang video at pinutol ang bahagi kung saan tinuro niya ako.
Ang gwapo talaga. Mas gwapo pa siya sa Tristan na 'yon. Kaya siguro pinagpalit ni Chloe.
Huminga ako ng malalim at winaksi ang nasa isipan. Ang mahalaga hindi ako nahuli 'nong dalawa. Ibig sabihin sa susunod na mga araw ay may pera na ako. Pwede na akong makaalis ng bansa.
Kinuha ko ang aking cellphone at gumawa ng bagong IG dummy account. Hinanap ko ang account ni Tristan at Chloe na madaling makita dahil may blue check ito. Ipinadala ko ang video sa kanila. Alam kong sa oras na makita nila iyon ay simula na ng negosasyon.
Kung sa palengke ay may tawaran, sa mga kompanya may bidding, sa akin naman ay ransom. Sabihin na natin na ito ang pinakamabait na version ng salitang ransom dahil hindi naman tao ang hinohostage kundi video ng mga sikat na tao. Mga video na sa oras na lumabas sa madla ay ikakasira ng career nila. Kapalit ng pagbura ko ng video ay ng perang napagkasunduan namin.
Ito ang pinagkakakitaan ko.
Alam kong masama ang bagay na iyon ngunit barya lang naman sa kanila ang hinihingi ko kumpara sa milyong piso na kinikita nila.
Hindi ako nakapag-aral ng kolehiyo dahil wala naman susuporta sa akin. Ulila ako pero buhay pa ang mga magulang ko. Sadyang hindi lang talaga nila piniling makasama ako. At masakit ang ala-ala na iyon.
Muli kong tiningnan ang mensahe ko kay Chloe at Tristan subalit hindi pa nila iyon nakikita. Marahil ay natabunan na iyon sa dami ng nagpapadala ng mensahe sa kanila.
Dati-rati ay sa mga local showbiz writers ako nagbibigay ng mga showbiz insights pero kuripot sila magbigay at nakokonsyensya din ako tuwing ibinabalita nila iyon. Pakiramdam ko ay sobrang sama ko.
Hindi ako mahilig manood ng mga palabas sa telebisyon o pelikula, pero mas marami akong alam sa buhay ng mga sikat. Kung ano sila sa likod ng camera at kung ano ba ang mga isinasakripisyo nila para marating ang ganoong klaseng kasikatan.
Marami na akong video at pictures na nabura kapalit ng ilang libong pera. Minsan hinihiling ko na katulad ng mga iyon ay may halaga din ako.
Napasulyap ako sa isang folder sa desktop ng laptop ko. Binuksan ko iyon gamit ang isang password. Katulad ng iba ay video din ng isang sikat na artista ang nandoon. Pinindot ko ang play button at pinanood.
Nasa kalagitnaan pa lamang ay itinigil ko na iyon.
Kailan ko kaya ito maibibigay sa kan'ya?
Magkano kaya ang halaga nito kung sakali?
Sarkastiko akong napatawa. Pera na naman ba? Alam ko naman sa sarili ko na hindi 'yon ang gusto kong kapalit.
Pagmamahal, pwede kaya iyon? Papayag kaya siya na ang kapalit ng video na ito ay ang pagmamahal niya?
Minu-minuto ko na sigurong tinitingnan ang dummy account ko sa IG para makita kung nag-reply na ba sina Chloe at Tristan, ngunit hanggang ngayon ay wala pa din."Huy bruha ka!" tili ni Fredo na bigla na lamang sumulpot mula sa likod ko at mahinang hinila ang buhok ko na kaagad din namang dumulas sa kanyang daliri dahil sa ikli nito.Andito ako ngayon sa karinderia ni Aling Berna at kumakain ng pananghalian.Sinamaan ko siya ng tingin at bahagyang inayos ang aking buhok. Umupo siya harap ko at mataray akong pinasadahan ng tingin."Gaga ka talaga! Alam mo bang ikakaltas sa sweldo ko ang kinain mo kahapon. Kaloka! Sana man lang binayaran mo 'yong kinain mo bago ka tumakas," litanya niya.Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil natulala ako sa labi niyang ubod ng pula. Ilang patong kaya ng lipstick ang ginawa niya?Dumukot ako ng pera sa aking bulsa at iniabot sa kan'ya."Para sa'yo pambili mo ng pink na lipstick. Hindi
"Huh? Ano ba'ng sinasabi mo? Anong video? Saka sino ka ba?" Pinilit kong huwag mautal at tinapangan ang boses upang hindi niya makitang natatakot ako.Nakakakilabot ang kan'yang presensya. Dumagdag pa na hindi maalis sa isip ko ang nakakatakot na eksena na nababasa ko sa mga nobela, baka ganoon din ang sapitin ko."Really? Then what is this?" Ipinakita niya sa akin ang cellphone ko kung nasaan ang usapan namin ni Chloe. Hindi pa ako nakakapag-reply doon nang kumatok sila.Kaagad akong lumapit sa kan'ya at hinablot ang aking cellphone.Bakit ba kasi parang nahihipnotismo ako sa paraan ng pagtitig niya? Hindi ko tuloy namalayan na nakuha niya na ang cellphone ko."Bakit ba nakikialam ka? Lumabas ka na nga! Kung hindi ay tatawag ako ng pulis. Sasabihin kong trespassing ka tapos hina-harass mo ako," buong tapang na sabi ko.Napangisi lamang si Zid at prenteng umupo sa aking kama. Itinukod pa niya ang dalawang kamay sa likod.Bakit b
Kinuha ko kaagad ang perang ipinadala ng kampo ni Chloe. Bukas ay sisimulan ko nang asikasuhin ang pagkuha ng flight patungong New York. Hindi ko pa sigurado kung magtatagal ako doon pero bahala na.Tumayo ako at iniharang ang mesa at upuan sa pinto ng aking kwarto. Tinabingan ko din ng makapal na kumot ang bintana. Mahirap na baka bigla na lamang akong pasukin ng Zid na iyon.Sabi pa naman niya kanina bago umalis, he will keep an eye on me. Hindi ba't iyon ang ginagamit na linya ng mga kontrabidang lalaki sa pelikula? Kaya't kailangan kong magdoble ingat.Binuksan ko ang aking laptop at binura ang video ng ChloTan. Binura ko na din ang dummy account ko sa IG. Ni-reformat ko din ang aking cellphone at tinapon ang ilang wigs at bagay na ginagamit ko sa pag-disguise. Mahirap na baka kinabukasan paggising ko ay marami nang parak sa labas ng kwarto ko. Mas mabuti nang wala silang ebidensya na makukuha laban sa akin.Nagsimula na din akong ma
Dahan-dahan kong tinungo ang pinto at nagdarasal na sana'y hindi iyon nakakandado sa labas.Nagsisimula na namang lamunin ng mga karumaldumal na eksena ang isipan ko.Paano kung na-kidnap ako? Tapos tinurukan nila ako ng drugs kaya wala akong maalala.Baka 'yong puting van na nangunguha ng bata at mga magagandang dalaga ang nagdala sa'kin dito. Ibig sabihin, kukunin nila ang ilang internal organs ko pagkatapos ay ibebenta. O 'di kaya'y puputulan nila ako ng paa o kamay at araw-araw na ihahatid sa mga kalsada upang mamalimos.Nakahinga ako ng maluwag nang mabuksan ko ang pinto ngunit andoon pa din ang malakas na kabog ng dibdib ko.Sumilip ako at nang mapagtantong walang tao ay nakatingkayad akong lumabas.Isang katapat na kwarto ang bumungad sa'kin.Kung nakidnap ako, dapat si Tere ay nandito din dahil magkasama kaming natulog kagabi sa waiting shed. Baka nasa loob siya ng kwartong ito.Lumapit ako at inilapat ang tainga
Si Zid ay parang terror na guro sa paaralan. 'Yong tipong isang sabi at tingin niya lang ay hindi na makakapalag ang mga estudyante at susundin na siya, katulad ngayon.Hindi dapat ang isasagot ko nang inaya niya akong mag-usap, pero andito ako ngayon sa kan'yang harapan sa likod ng bahay. Mataman siyang nakatitig sa aking mukha at nakakunot pa ang noo. Pakiramdam ko tuloy ay may one-on-one recitation kami. Hindi pa naman ako nakapag-review. Ano ba ang coverage?Umiwas ako ng tingin sa kan'ya bago pa man ako matulala sa pungay ng kan'yang mga mata."Gusto mo na ba'ng umuwi?" mahinahon niyang tanong.Nagulat ako kaya napatingin ako sa mukha niya upang makita kung pinagtritripan niya ba ulit ako.Tumango ako kahit nagdadalawang isip kung totoong seryoso ba talaga siya.Baka naman nakonsyensya siya sa ginawa niya sa'kin kanina kaya papauwiin niya na lang ako."Okay. I'll send you to your place," nakangiti niyang sabi.
Sa pagkakaalam ko ay kay Zid lang ako may atraso pero bakit maging si Sylvester ay masamang tingin ang ipinupukol sa'kin?"Akala ko si Blue na ang pinakamagaling mong makakaribal kay Heaven, I didn't expect na maging sa isang babae ay magseselos ka ng ganito," sabi ni Ivan kay Sylvester. Si Blue naman ay abala sa kan'yang laptop.Nasa hapag kainan kami ngayon at hinihintay na maluto ang ulam.Abala sa kusina si Manang Delia at Heaven. Si Ivan, Sylvester at Blue ang kasama ko ngayon sa lamesa. Wala si Knight at umalis naman si Zid na siyang ipinagpasalamat ko."Valid ang jealousy mo kung tomboy talaga si Kai," patuloy na kantiyaw ni Ivan.Bumaling siya sa'kin at nagtanong. "No offense Kai, are you a bi? Type mo ba si Heaven?"Naramdaman kong napatigil si Blue sa pagtipa sa kan'yang laptop at si Sylvester naman ay mataman akong tinitigan. Tila nag-aabang ng isasagot ko."Tinatakot n'yo na naman ba si Kai?" Mabuti na lamang a
Posible ba na malagyan ka ng tracker sa loob ng katawan mo nang hindi mo nalalaman? O sa mga pelikula lang iyon nangyayari?Pilit kong inaalala kong may naramdaman ba akong masakit o may kakaiba ba sa katawan ko nang magising ako sa bahay ni Zid at ng mga kaibigan niya. Pero wala akong maalala.Pasimple kong kinapa ang aking tiyan, batok at likod pero wala naman akong napansin na tahi mula doon.Napasulyap sa'kin si Zid na abalang magmaneho ng sasakyan. Wala akong nagawa nang pilitin niya akong sumakay. Kung walang mga pulis na nasa paligid kanina ay nagsisisigaw na ako doon para kunin ang atensyon ng mga tao at makatakas ako sa lalaking ito. Natakot kasi akong baka isuplong niya ako sa pulis kung gagawin ko iyon.Pinagmasdan ko ang dinaraanan namin at napagtantong hindi iyon ang daan patungo sa bahay.Pinalo ko ang kan'yang braso kaya nabigla siya at saglit na gumewang ang sasakyan."Ano ba Kai! Maaaksidente tayo sa ginagawa mo," naii
'What is one big mistake you've made in your life and what did you do to make it right?'Paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ko ang tanong na iyan kay Venus Raj nang sumali siya sa Miss Universe. Dahil kung ako ang sasagot ay sasabihin kong, 'ang pagpapairal ng aking prinsipyo sa gitna ng nakakatakot na sitwasyon ang pinakapinagsisihan ko'.Kung tinanggap ko na noon pa ang offer niyang isang milyon, sana'y milyonaryo at malaya na ako ngayon. Hindi katulad nito na tila ako isang gamit kung bitbitin ni Zid kung saan niya gusto.Nang makatanggap siya ng tawag mula kay Blue ay basta-basta niya na lamang ako hinila palabas ng condo. Hindi ko man lang natapos ang kinakain ko at higit sa lahat ay hindi ko nagawa ang plano kong mag-eskandalo sa labas ng condo.Mabilis siyang nagmaneho kaya mahigpit ang kapit ko sa aking seatbelt.Nang makarating sa tapat ng bahay ay dali-dali siyang pumasok sa loob. Iniwanan niya ako sa labas, ako na kidnap niya. Hind