Sa pagkakaalam ko ay kay Zid lang ako may atraso pero bakit maging si Sylvester ay masamang tingin ang ipinupukol sa'kin?
"Akala ko si Blue na ang pinakamagaling mong makakaribal kay Heaven, I didn't expect na maging sa isang babae ay magseselos ka ng ganito," sabi ni Ivan kay Sylvester. Si Blue naman ay abala sa kan'yang laptop.
Nasa hapag kainan kami ngayon at hinihintay na maluto ang ulam.
Abala sa kusina si Manang Delia at Heaven. Si Ivan, Sylvester at Blue ang kasama ko ngayon sa lamesa. Wala si Knight at umalis naman si Zid na siyang ipinagpasalamat ko.
"Valid ang jealousy mo kung tomboy talaga si Kai," patuloy na kantiyaw ni Ivan.
Bumaling siya sa'kin at nagtanong. "No offense Kai, are you a bi? Type mo ba si Heaven?"
Naramdaman kong napatigil si Blue sa pagtipa sa kan'yang laptop at si Sylvester naman ay mataman akong tinitigan. Tila nag-aabang ng isasagot ko.
"Tinatakot n'yo na naman ba si Kai?" Mabuti na lamang a
Posible ba na malagyan ka ng tracker sa loob ng katawan mo nang hindi mo nalalaman? O sa mga pelikula lang iyon nangyayari?Pilit kong inaalala kong may naramdaman ba akong masakit o may kakaiba ba sa katawan ko nang magising ako sa bahay ni Zid at ng mga kaibigan niya. Pero wala akong maalala.Pasimple kong kinapa ang aking tiyan, batok at likod pero wala naman akong napansin na tahi mula doon.Napasulyap sa'kin si Zid na abalang magmaneho ng sasakyan. Wala akong nagawa nang pilitin niya akong sumakay. Kung walang mga pulis na nasa paligid kanina ay nagsisisigaw na ako doon para kunin ang atensyon ng mga tao at makatakas ako sa lalaking ito. Natakot kasi akong baka isuplong niya ako sa pulis kung gagawin ko iyon.Pinagmasdan ko ang dinaraanan namin at napagtantong hindi iyon ang daan patungo sa bahay.Pinalo ko ang kan'yang braso kaya nabigla siya at saglit na gumewang ang sasakyan."Ano ba Kai! Maaaksidente tayo sa ginagawa mo," naii
'What is one big mistake you've made in your life and what did you do to make it right?'Paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ko ang tanong na iyan kay Venus Raj nang sumali siya sa Miss Universe. Dahil kung ako ang sasagot ay sasabihin kong, 'ang pagpapairal ng aking prinsipyo sa gitna ng nakakatakot na sitwasyon ang pinakapinagsisihan ko'.Kung tinanggap ko na noon pa ang offer niyang isang milyon, sana'y milyonaryo at malaya na ako ngayon. Hindi katulad nito na tila ako isang gamit kung bitbitin ni Zid kung saan niya gusto.Nang makatanggap siya ng tawag mula kay Blue ay basta-basta niya na lamang ako hinila palabas ng condo. Hindi ko man lang natapos ang kinakain ko at higit sa lahat ay hindi ko nagawa ang plano kong mag-eskandalo sa labas ng condo.Mabilis siyang nagmaneho kaya mahigpit ang kapit ko sa aking seatbelt.Nang makarating sa tapat ng bahay ay dali-dali siyang pumasok sa loob. Iniwanan niya ako sa labas, ako na kidnap niya. Hind
Pakiramdam ko'y nasa isang mystery crime movie ako. 'Yong tipong naghahanap ako ng ebidensya sa isang madilim na kwarto na tanging liwanag ng aking cellphone ang nagsisilbing ilaw. Idagdag pang nasa labas lamang ang kontrabida sa pelikulang ito, si Zid.Napatigil ako sa pag-i-imagine nang makita ang isang whiteboard kung saan nandoon ang larawan ng ilang kilalang politiko. Ang ilan sa kanila ay hindi na makilala dahil mayroong guhit na kulay pulang ekis ang mukha.Bakit mayroon silang ganito?Kahit na kinukutuban ako ng masama ay inilibot ko pa din ang aking paningin hanggang sa mapahinto ako sa tapat ng isang lamesa kung nasaan ang isang malaking dyaryo. 'The Veracity. We bring your shady dealings to light.'Iyon ang nakasulat sa pinakaunang pahina. Kulay pula ang mga letra at itim naman ang background. Para itong isang cover ng libro na ang tema ay horror o mystery.Hindi ako mahilig magbasa ng mga balita dahil wala nama
Kailanman ay hindi ako nagbigay ng buong tiwala sa isang lalaki maliban kay Fredo, na lalaki pa din kahit isa siyang binabae. Subalit andito ako ngayon sa isang sitwasyon na tanging si Blue na lamang ang makakatulong sa'kin. Mabilis siyang pumayag sa pabor na hiningi ko. Akala ko'y mahihirapan kaming makalabas ng bahay ngunit hindi ko inaasahang magaling mag-isip ng paraan si Blue. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa shotgun seat ng kan'yang magarang sasakyan. Papalubog na ang sikat ng araw nang tinahak namin ang daan patungong airport. Nakapahinga sa bintana ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa manibela. Napaka-relax niyang magmaneho samantalang ako ay hindi pa lubos na napapanatag ang kalooban hanggang hindi nakakarating ng airport. "You know what, I'm surprised that Zid didn't able to get what she wants from you. Zid was good in persuading people. Kaya nga siya ang pinapaharap ko minsan sa mga investors ng company ko because
"It's you, once again! Mr. Davis does not accept visitors who do not have an appointment with him, how many times do I have to tell you that?" pagtataray ng may edad ng babae na nasa front desk ng building kung nasaan ang opisina ng aking ama.Pang-apat na araw ko na itong nagbabakasaling makakausap siya, subalit hindi nila ako pinapayagan na makapasok sa loob."Please, tell me how can I book an appointment with him?" Makailang ulit ko na din na kinukulit ang babae sa kung paano ko makakausap si Theodore Davis, ngunit paulit ulit din niyang sinasabi na mga importanteng tao lang ang pinapapasok sa loob.Hindi ba importanteng tao ang anak? Kung malalaman lang sana ng babaeng ito na anak ako ng boss niya ay baka bigyan niya pa ako ng special treatment.Hindi niya ako sinagot at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa sa tapat ng kan'yang laptop."Mrs. Anderson, I really need to see him, I need to discuss an important matter to him."Mabuti na l
Kahit nasa ibang bansa ay malakas pa din ang dating ni Zid. Hindi ko maikakailang mas lalo siyang naging gwapo sa kan'yang winter attire. Kung sana'y maganda din ang kan'yang pag-uugali ay baka siya ang unang lalaking magiging crush ko kaso lang ay nasa listahan na siya ng mga lalaking kinamumuhian ko. Hindi ko na sinagot ang kan'yang tanong bagkus ay bigla kong hinablot ang aking wallet na nasa kan'yang kamay subalit mabilis niya itong naiilag sa akin. Hindi ako tumigil at pilit na inagaw ang wallet ko hanggang sa itinaas niya na iyon at hindi ko na maabot. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kan'ya samantalang parang nag-eenjoy pa siya sa ginagawa. Isip bata! Siguro'y bully siya 'nong bata pa at palaging napapatawag sa guidance office ang kan'yang mga magulang. Kawawa naman sila dahil nadagdagan lang ang edad ni Zid pero nananatiling immature ang pag-uugali niya. "Akin na sabi 'yan!" bulyaw ko. Wala akong pakialam kung pagtinginan kam
Nakakatawang isipin na sa mga nagdaang linggo ay si Zid ang naghahabol sa'kin ngayo'y ako naman. Kung paano ko siya talikuran at iwasan noon ay ganoon din ang ginagawa niya sa akin ngayon. Sinundan ko si Zid hanggang lobby ng hotel na kan'yang tinutuluyan. Ilang ulit ko siyang tinawag ngunit hindi man lang siya lumingon at dire-diretsong sumakay ng elevator. Hinarang ako ng mga guards bago pa man ako makapasok doon marahil ay nahalata nilang hindi ako isa sa mga guests. "Miss, can you please call Mr. Zid Sena?" tanong ko sa receptionist. Pasimple akong tinitigan ng babae mula ulo hanggang paa. "What's your name?" tanong niya. "Tell him that his friend Kai is waiting for him at the lobby," sabi ko. Bakas sa mukha niya ang pagdadalawang-isip kung pagbibigyan ako o hindi. "If he's your friend I suggest to personally message him about it," sabi niya. "My phone is... lost. Yes I don't have my phone with me," pagsisinun
Noong bata pa ako'y madalas akong mainggit sa mga kaklase kong inihahatid ng kanilang ama papasok ng eskwela. Minsan nga'y nagkaroon pa ako ng kaaway dahil nagselos ang aking kalaro nang gawan ako ng saranggola ng kan'yang ama."Wala ka kasing daddy, kaya gusto mong agawin ang daddy ko!" natatandaan ko pang bulyaw niya sa'kin.Simula noo'y nagtanong na ako kay lola tungkol sa tunay kong ama subalit palagian niyang iniiba ang usapan. Hanggang sa dapuan siya ng malubhang karamdaman. Bago siya mamatay ay isiniwalat niya ang kan'yang nalalaman sa'king tunay na pagkatao.Ngayon nga'y nasa harap ko na ang lalaking matagal ko nang inaasam na makita."Mr. Sena has requested me to do you a favor and give you even a few minutes of my time. So what is it?" tanong ni Mr. Davis.Iniwan kami ni Zid sa pribadong parte ng restaurant. Maging ang sekretarya ni Mr. Davis ay lumipat din ng ibang upuan.Pinagmasdan ko ang kapeng sinerve ng waitress s