Pumapatak lamang ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko kayang pigilan ang pagpatak nito.
Matagal kong pinaghandaan ang lahat para sa wedding namin ni Lucas. Pero hindi ko aakalain na sa isang iglap lamang ay naglaho ang lahat.Para itong bula na bigla na lang nawala sa aking paningin. I can't believed that in just a blinked everything was gone.Masakit! Sobrang sakit! Halos tumalon ako sa kasiyahan nang mga sandaling nagsisimula na ang wedding namin ni Lucas.Pero bigla na lamang naging magulo ang lahat. Bigla na lamang nawala ang saya sa aking puso.Kinuha ko ang gown sa tabi ko at niyakap ko ito. Napahikbi na lamang ako sa pag-iyak ko.Nakapalit na pala ako ng damit simula nang iwan ako rito ni mom sa silid. Umalis na rin siya para makapagbihis ng kaniyang gown.Matapos kong yakapin ang gown ko. Pinagmasdan ko ito. Ang ganda sana ng gown pero nasayang lang ang halaga nito.Bigla tuloy naalala ko ang mga sandaling kasama ko si Lucas. Mga panahong magkasama kami sa dress shop pa sukatin ang wedding gown na ito.Matapos kong pagmasdan ang gown ay itinabi ko na ito. Naghihinayang man ako pero kailangan kong itabi ang gown.I'm sorry to my precious gown sabay haplos ko rito.Hindi ko na maibabalik ang lahat. Hindi ko na kayang ibalik ang tiwala ng mga tao. Saksi sila kung gaano ako kasama. Kung gaano ako kinamuhian ng mom ni Lucas.Napatayo ako at napahilamos sa mukha ko. Mariin kong kinusot ang mga mata ko.Labis pa rin ang pag-aalala ko kay Lucas. Alam kong namamanhikan siya ngayon. Alam kong naguguluhan siya ngayon. Alam kong hindi siya mapakali.Dinampot ko ang phone ko sa gilid ng kama ko. Nang buksan ko ito. Bumungad sa mga mata ko ang picture namin ni Lucas.Nakawallpaper ito sa screen ng phone ko. Nakayakap sa akin si Lucas habang nakangiti kami sa isa't isa. Ang tamis ng ngiti ni Lucas habang nakatingin sa camera.Ang picture na ito ay noong pumunta kami ni Lucas sa beach. Niyaya kasi ako ni Lucas na pumunta kami ng beach. Para sa pictorial wedding namin ni Lucas.Bigla ko tuloy naalala ang mga sandaling hinahabol ako ni Lucas sa dalampasigan. Tuwang-tuwa lamang kami ng mga sandaling iyon.Masaya! Tumatawa na parang walang bukas. Walang problema. Sobrang saya ko ng mga sandaling iyon.Hiniling ko sa mga segundong iyon na sana hindi na matapos ang lahat. Sana lagi na lang kaming magkasama ni Lucas.Mga sandaling puno ng kasiyahan. Puno ng saya. Mga segundong ayaw ko nang lumipas. Ayaw ko nang huminto.Sa hindi ko namalayan. May ilang luhang pumatak sa screen ng phone ko. Matagal na pala akong nakatitig sa picture namin ni Lucas.Nagi tuloy akong emosyonal. Makiramdam ko may matulis na bagay na tumurok sa puso ko. Nasasaktan ako.Nanlumo tuloy ang puso ko na wala sa panahon. Walang katumbas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Impact ito nang hindi matuloy ang wedding namin ni Lucas.A message suddenly appeared on the screen of my phone. A message from Lucas. Agad ko naman tiningnan ang message.Pinapapunta ako ni Lucas sa Vontrell company. Mag-uusap raw kami. Hindi ko alam kung bakit hindi siya tumawag? Gusto ko pa naman siyang makausap.Nag-message lang talaga siya sa akin. Pero kahit papaano. Masaya na ako roon. At least nagparamdam siya sa akin.Nabawasan ang lungkot sa puso ko. Nakaramdam ako ng pagkagalak. Magkikita na kami ni Lucas. Makikita ko na siya at makakausap.Lumabas na ako ng silid para pumunta sa Vontrell company. Kailangan kong puntahan si Lucas. Kailangan ko siyang makausap."Anak! Iris! Saan ka pupunta?" palipas na sana ako ng sala nang tawagin ako ni mom. Kaya bahagya akong napahinto sa aking paglalakad."Lalabas po ako at pupunta sa Vontrell building. Kailangan kong kausapin si Lucas. Pinapapunta niya ako roon." pagsagot ko kay mom. Nakatalikod lamang ako sa kaniya.I'm standing on the doorway. Hindi na ako lumingon kay mom. Gusto ko na lang hintayin kung ano ang sasabihin niya sa akin.Nananatili akong nakatayo. Naramdaman kong napabuntong hininga si mom sa likuran ko."Sinong nagpapapunta sayo roon?"Alam kong gustong malaman ni mom kung sino ang nagpapapunta sa akin doon. Kailangan kong sabihin sa kaniya ang totoo."Si L-Lucas po! Pinapapunta niya ako roon para mag-usap kami." malinis kong sagot."Ano raw ang pag-uusapan niyo?" tanong ni mom sa may bandang likuran ko. Alam kong nakatayo lamang mom sa likuran ko at pinagmamasdan niya ako."Hindi ko po alam! Hindi niya po sinabi sa akin." mahinang sagot ko.Namamayami lamang ang lungkot sa puso ko. Lungkot pa rin ang dumadaloy sa katawan ko. Wala ako sa good condition para matuwa."Hindi lang siya magkakamali na saktan ka niya. Ako ang susugod sa kanila kapag may nangyaring masama sayo roon. Hindi ko sila mapapatawag kapag sinaktan ka nila Iris."Alam kong gusto lamang akong protektahan ni mom. Kaya nasabi niya ang mga katagang iyon.Alam kong hanggang ngayon. Galit pa rin si mom sa mga Vontero dahil sa nangyari. Dahil sa nangyari marami tuloy ang nadamay.Ito na ang panahon para ayusin ko ang lahat. Ayusin namin ni Lucas ang gulo. Alam kong kami lang dalawa ang kailangan para maayos ito."Hayaan niyo mom. Walang mangyayaring masama sa akin. Huwag kayong mag-alala. Aayusin lang namin ni Lucas ang gulo."Naramdaman kong bumuga si mom ng hangin sa inis. Nananatiling nakatayo siya sa likuran ko. Hindi siya lumapit sa akin."Dapat lang anak! Dahil kapag may nangyaring masama sayo. Pupuntahan ko sila roon. Hindi ko sila makikilala bilang partner natin sa kompanya."Naiitindihan ko naman kung bakit nailalabas ni mom ang mga salitang iyon. Naiintindihan ko siya.Alam kong mahal na mahal ako ni mom. Kaya gagawin niya ang lahat para protektahan ang anak niya. Para ilayo ako sa gulo.Matapos kong magpaalam kay mom. Lumabas na ako ng mansion. Kailangan kong puntahan si Lucas. Sa Vontrell company.Alam kong hinihintay niya ako sa mga oras na ito. Alam kong nananabik siyang makausap ako.Alam kong mahal na mahal ako ni Lucas. Hindi niya ako kayang tiisin. Gusto niya pa rin akong makausap kahit kinaiinisan niya ako.Sana mapatawad ako ni Lucas. Sana maintindihan niya na wala akong alam sa nangyari.Sana sa pag-uusap namin magi nang malinaw ang lahat. Magi nang okay ang gulo.Miss ko na rin si Lucas makasala. Ang asarin niya ako. Gusto ko nang maramdaman ang marurupok na titig niya sa akin.Mga sandaling niyayakap niya ako. Hinahalikan at tinititigan. I miss all those moments with him.Agad kong pinuntahan si Lucas nang makarating ako sa kompanya. Kailangan niya akong makausap.Ngayon nandito kami sa rooftop ng building. Ang building na inaapakan namin ngayon ni Lucas. Ang Vontrell company.Ang Vontrell company ay isa sa nangungunang kompanya sa buong bansa. Isang eksklusibong kompanya sa Pilipinas.Vontrell ang titulo ng kompanya dahil binuo ito ng mga lolo namin ni Lucas. Kinuha ang pangalan ng kompanya sa apelyido namin.Vontrell Company. Mula sa apelyidong Vontero at Montrell. Pinag-isa ang apelyido namin ni Lucas. Kaya nabuo ang pangalan ng kompanya.Pero wala na ang mga lolo namin. Matagal na silang patay. Kami na ang nagpapatakbo nito.Nagtutulungan kami ni Lucas para sa kompanyang ito. Para ipagpatuloy ang Vontrell Company sa kasalukuyan.Nakatingin lamang si Lucas sa malayo habang nakapamulsa. Wala siyang balak na lingunin ako.Nasa may gawi niya lamang ako nakatayo. Pinagmamasdan ko siya. Hindi ako kumikibo. Sa halip nakatayo lamang ako sa may gawi niya na
Hindi ko alam kung ilang segundo pa ang dapat kong gugulin para kay Lucas. Para paniwalaan niya ako.Alam kong may puso siya. Alam kong may damdamin si Lucas. Alam kong may nararamdam siya sa akin.Hindi laro ang ilang taon na minahal niya ako. Mga oras na nilaan namin sa bawat isa. Mga sandaling niyakap ako ni Lucas. "Anong halaga nang pagpunta ko rito kung ganito lang ang mapapala ko? Kinaiinisan ng taong pinakamamahal ko! Hindi man lang ako magawang paniwalaan."Nakayuko lamang ako sa tabi ni Lucas. Hindi ko kayang maiangat ang mukha ko para tingnan siya. Nasasaktan ako! Nahihirapan!Gusto ko nang sumuko! Hindi ako nag-iinarte. Pero hindi ko na talaga kaya. Sobrang bigat na nang pakiramdam ko."Ayusin mo ang pananalita mo Iris. Hindi mo ako mahal. Dahil kung mahal mo ako? Ginawa mo ang tama. Hindi mo ako niloko. Kaya huwag mong sabihin na mahal mo ako. Isang pagpapanggap iyon Iris." Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para tingnan si Lucas. Malamig ang kaniyang pagkatao sa panin
"Lucas! Mahal kita!" sigaw ko para pigilan ang taong mahal ko sa pag-alis niya.Hindi man lang ako nagawang lingunin ni Lucas. Nagpatuloy siya sa kaniyang pag-alis.Umiiyak ako at nagmamakaawa para pigilan siya. Pero walang halaga ang pag-mamakaawa ko sa kaniya.Wala akong ibang hiling kundi mahalin niya ang isang tulad ko! Mahalin ako ng lalaking pinakamamahal ko! Pero hindi ko alam kung bakit iniwan niya ako sa ganitong paraan?Nakaya niya akong tiisin! Nagawa niyang makitang nagkakaganito ako! Tinigasan niya ang kaniyang puso!Lucas! Alam kong may pakiramdam ka! Alam kong may puso ka! Nararamdaman kong mahal mo ako!Pakinggan mo ang tinitibok ng puso mo Lucas! Huwag mong hayaan na kainin ka ng iyong galit!Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari? Umiiyak ako habang naka upo sa semento. Para akong baliw! Baliw na nga ako sa kaniya.Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Malinis ang puso ko. Hindi ko magagawang manloko ng tao.Kahit sabihin ko ang totoo. Hindi nila ako papani
Pinunas ko ang mga luhang lumalandas mula sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi dahil sa pangungutya nila sa akin.Hindi nila ako naintindihan. Iniinsulto ako ng mga taong nakakasalamuha ko. Wala silang magawa kundi sirain ang dignidad ko. "Oh best! Mabuti dumating ka na. Kanina pa napapanis ang laway ko rito sa opisina mo. Wala man lang kasi akong makausap."Naningkit ang mga mata ni Ann sa pag-iinarte niya. Nakanguso siya habang nakatingin sa akin.Tila gusto niyang umiyak dahil wala siyang makausap. Sa totoo lang. Boring talaga ang buhay niya kapag wala ako."Bakit ganiyan ang hitsura mo? Umiiyak ka ba?"Napansin ni Ann ang namumula kong mga mata na galing sa pag-iyak. Kaya napatanong siya kung bakit ganito ang hitsura ko?Siya si Annie. Ang nag-iisang matalik kong kaibigan. I called her Ann for short. Ngayon lang kami nagkita dahil pumunta ako rito sa opisina ko.Oo nga pala. Maliban sa kaibigan ko si Annie. Siya pa ang assistant ko. Siya ang encharge ko pagdat
"Lucas! Mag-usap tayo. Gusto kitang makausap kahit ilang segundo lang. Parang awa mo na! Nakikiusap ako sayo!"Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya pinuntahan ko na si Lucas. Gusto ko siyang kausapin para matapos na ang gulo.Gusto ko siyang makita at makausap. Wala akong pakialam kung kinamumuhian niya ako ngayon. Basta gusto ko siyang puntahan ngayon at kausapin.Tumingin ako sa mga mata ni Lucas. Umaapoy ang galit sa kaniyang mga mata. Halos tunawin ako ni Lucas sa kaniyang galit.Pinuntahan ko siya dito sa office niya para makausap. Pero parang hindi siya interesado na kausapin ako. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko.Tatalikuran niya sana ako para umalis pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan. Hindi niya pwedeng talikuran na lang ako na parang aso.Wala naman akong ibang hiling kundi kausapin ko ang taong mahal ko. Ayusin namin ang gusot na nasimulan namin.Alam kong kami lang dawala ang makakayos nito. Kung pakikinggan ni Lucas ang kaniyang puso. Naniniwala ako n
"Ngayon nagmamakaawa ka para tulungan kita dahil sa ginawa mo Iris. Hindi mo man lang pinag-isipan bago mo ginawa ang bagay na iyon Iris?"Nananatili lamang na nakatalikod si Lucas sa akin. Narinig kong bumuga siya ng hangin pagkatapos niya akong sumbatan. Kahit nasasaktan ako ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. Handa akong tanggapin iyon. Basta mapatunayan ko sa kaniya na hindi ko ninakaw ang yaman ng kompanya."Alam mo bang dahil sa ginawa mo? Nasira ang pagkatao ko. Nasira ang good image ko sa buong Vontrell Company?" bulyaw niya sa akin.Mariin kong pinunas ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko. Dahil sa marupok ako kaya hindi ko kayang pigilan ang pagpatak ng mga luha ko."Hanggang ngayon. Dala ko pa rin ang kahihiyan dahil sa ginawa mo Iris. Malaki ang impact sa akin nang pagnakaw mo sa yaman ng kompanya."Kahit paulit-ulit kong ipaunawa sa kanila na hindi ko ninakaw ang yaman ng kompanya. Hindi pa rin nila ako papaniwalaan.Nasa bank account ko nakapasok ang malaking hala
Hindi maiwasan lumandas ang mga luhang pumapatak sa aking mukha. Nakaharap lamang ako sa salamin at umiiyak. Hindi ko inaasahan na tutulungan pa rin ako ng taong mahal ko. Tutulungan pa rin ako ni Lucas kahit kinaiinisan niya ako. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon sa akin. Sa kabila ng lahat. May natitira pa rin siyang awa para sa akin. May puso pa rin siya.Matapos kong punasin ang mga luha sa pisngi ko. Maingat kong inayos ang sarili ko.Alam kong sa ngayon. Naroon na ang lahat sa meeting place. Alam kong inihanda na ni Lucas ang lahat para sa meeting ng Vontrell company.Kinuha ko na ang handbag ko nakapatong sa lababo. Pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo.Kailangn ko nang pumunta sa meeting room. Alam kong hinihintay na nila ako roon. Alam kong hinihintay na ako ngayon ni Lucas. Pagpasok ko ng meeting room. Agad tuloy hinanap ng mga mata ko si Lucas. Gusto ko pa rin siyang makita kahit galit siya sa akin.Nandito na siya at nakasuot na siya ng pang business attire. A
Handa akong maging tanga paulit-ulit. Hanggang sa matutunan akong mahalin ni Lucas. Ang lalaking kinamumuhian ako nang lubos.Alam kong naging mahalaga sa kaniya ang masasayang kahapon namin. Alam kong naging importante akong babae sa buhay niya.Hindi ako naniniwala na itinapon niya ang lahat na pinagsamahan namin. Hindi iyon magagawa ni Lucas. Kilala ko siya. Alam kong tinitigasan niya lang ang kaniyang puso. Pero alam kong may pakiramdam pa rin siya."Alam kong galit ka sa akin Lucas. Alam kong kinaiinisan mo ako. Pero mahal kita Lucas. Hindi ko kayang mawala ka. Sana maintindihan mo ako."Naningkit ang mga mata ni Lucas dahil sa inis. Namumula rin ang kaniyang mga labi dahil sa galit.Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga siya nang malalim.Alam kong ang pagbuga niya ng hangin. Iyon ay dahil sa galit na nasa dibdib niya."Alam mo Iris! Itigil mo na ang nararamdaman mo sa akin. Dahil kahit kailan. Hindi na kita mamahalin pa. Kinamumuhian ki