Hindi ko alam kung ilang segundo pa ang dapat kong gugulin para kay Lucas. Para paniwalaan niya ako.Alam kong may puso siya. Alam kong may damdamin si Lucas. Alam kong may nararamdam siya sa akin.Hindi laro ang ilang taon na minahal niya ako. Mga oras na nilaan namin sa bawat isa. Mga sandaling niyakap ako ni Lucas. "Anong halaga nang pagpunta ko rito kung ganito lang ang mapapala ko? Kinaiinisan ng taong pinakamamahal ko! Hindi man lang ako magawang paniwalaan."Nakayuko lamang ako sa tabi ni Lucas. Hindi ko kayang maiangat ang mukha ko para tingnan siya. Nasasaktan ako! Nahihirapan!Gusto ko nang sumuko! Hindi ako nag-iinarte. Pero hindi ko na talaga kaya. Sobrang bigat na nang pakiramdam ko."Ayusin mo ang pananalita mo Iris. Hindi mo ako mahal. Dahil kung mahal mo ako? Ginawa mo ang tama. Hindi mo ako niloko. Kaya huwag mong sabihin na mahal mo ako. Isang pagpapanggap iyon Iris." Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para tingnan si Lucas. Malamig ang kaniyang pagkatao sa panin
"Lucas! Mahal kita!" sigaw ko para pigilan ang taong mahal ko sa pag-alis niya.Hindi man lang ako nagawang lingunin ni Lucas. Nagpatuloy siya sa kaniyang pag-alis.Umiiyak ako at nagmamakaawa para pigilan siya. Pero walang halaga ang pag-mamakaawa ko sa kaniya.Wala akong ibang hiling kundi mahalin niya ang isang tulad ko! Mahalin ako ng lalaking pinakamamahal ko! Pero hindi ko alam kung bakit iniwan niya ako sa ganitong paraan?Nakaya niya akong tiisin! Nagawa niyang makitang nagkakaganito ako! Tinigasan niya ang kaniyang puso!Lucas! Alam kong may pakiramdam ka! Alam kong may puso ka! Nararamdaman kong mahal mo ako!Pakinggan mo ang tinitibok ng puso mo Lucas! Huwag mong hayaan na kainin ka ng iyong galit!Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari? Umiiyak ako habang naka upo sa semento. Para akong baliw! Baliw na nga ako sa kaniya.Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Malinis ang puso ko. Hindi ko magagawang manloko ng tao.Kahit sabihin ko ang totoo. Hindi nila ako papani
Pinunas ko ang mga luhang lumalandas mula sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi dahil sa pangungutya nila sa akin.Hindi nila ako naintindihan. Iniinsulto ako ng mga taong nakakasalamuha ko. Wala silang magawa kundi sirain ang dignidad ko. "Oh best! Mabuti dumating ka na. Kanina pa napapanis ang laway ko rito sa opisina mo. Wala man lang kasi akong makausap."Naningkit ang mga mata ni Ann sa pag-iinarte niya. Nakanguso siya habang nakatingin sa akin.Tila gusto niyang umiyak dahil wala siyang makausap. Sa totoo lang. Boring talaga ang buhay niya kapag wala ako."Bakit ganiyan ang hitsura mo? Umiiyak ka ba?"Napansin ni Ann ang namumula kong mga mata na galing sa pag-iyak. Kaya napatanong siya kung bakit ganito ang hitsura ko?Siya si Annie. Ang nag-iisang matalik kong kaibigan. I called her Ann for short. Ngayon lang kami nagkita dahil pumunta ako rito sa opisina ko.Oo nga pala. Maliban sa kaibigan ko si Annie. Siya pa ang assistant ko. Siya ang encharge ko pagdat
"Lucas! Mag-usap tayo. Gusto kitang makausap kahit ilang segundo lang. Parang awa mo na! Nakikiusap ako sayo!"Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya pinuntahan ko na si Lucas. Gusto ko siyang kausapin para matapos na ang gulo.Gusto ko siyang makita at makausap. Wala akong pakialam kung kinamumuhian niya ako ngayon. Basta gusto ko siyang puntahan ngayon at kausapin.Tumingin ako sa mga mata ni Lucas. Umaapoy ang galit sa kaniyang mga mata. Halos tunawin ako ni Lucas sa kaniyang galit.Pinuntahan ko siya dito sa office niya para makausap. Pero parang hindi siya interesado na kausapin ako. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko.Tatalikuran niya sana ako para umalis pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan. Hindi niya pwedeng talikuran na lang ako na parang aso.Wala naman akong ibang hiling kundi kausapin ko ang taong mahal ko. Ayusin namin ang gusot na nasimulan namin.Alam kong kami lang dawala ang makakayos nito. Kung pakikinggan ni Lucas ang kaniyang puso. Naniniwala ako n
"Ngayon nagmamakaawa ka para tulungan kita dahil sa ginawa mo Iris. Hindi mo man lang pinag-isipan bago mo ginawa ang bagay na iyon Iris?"Nananatili lamang na nakatalikod si Lucas sa akin. Narinig kong bumuga siya ng hangin pagkatapos niya akong sumbatan. Kahit nasasaktan ako ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. Handa akong tanggapin iyon. Basta mapatunayan ko sa kaniya na hindi ko ninakaw ang yaman ng kompanya."Alam mo bang dahil sa ginawa mo? Nasira ang pagkatao ko. Nasira ang good image ko sa buong Vontrell Company?" bulyaw niya sa akin.Mariin kong pinunas ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko. Dahil sa marupok ako kaya hindi ko kayang pigilan ang pagpatak ng mga luha ko."Hanggang ngayon. Dala ko pa rin ang kahihiyan dahil sa ginawa mo Iris. Malaki ang impact sa akin nang pagnakaw mo sa yaman ng kompanya."Kahit paulit-ulit kong ipaunawa sa kanila na hindi ko ninakaw ang yaman ng kompanya. Hindi pa rin nila ako papaniwalaan.Nasa bank account ko nakapasok ang malaking hala
Hindi maiwasan lumandas ang mga luhang pumapatak sa aking mukha. Nakaharap lamang ako sa salamin at umiiyak. Hindi ko inaasahan na tutulungan pa rin ako ng taong mahal ko. Tutulungan pa rin ako ni Lucas kahit kinaiinisan niya ako. Hindi ako makapaniwala na gagawin niya iyon sa akin. Sa kabila ng lahat. May natitira pa rin siyang awa para sa akin. May puso pa rin siya.Matapos kong punasin ang mga luha sa pisngi ko. Maingat kong inayos ang sarili ko.Alam kong sa ngayon. Naroon na ang lahat sa meeting place. Alam kong inihanda na ni Lucas ang lahat para sa meeting ng Vontrell company.Kinuha ko na ang handbag ko nakapatong sa lababo. Pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo.Kailangn ko nang pumunta sa meeting room. Alam kong hinihintay na nila ako roon. Alam kong hinihintay na ako ngayon ni Lucas. Pagpasok ko ng meeting room. Agad tuloy hinanap ng mga mata ko si Lucas. Gusto ko pa rin siyang makita kahit galit siya sa akin.Nandito na siya at nakasuot na siya ng pang business attire. A
Handa akong maging tanga paulit-ulit. Hanggang sa matutunan akong mahalin ni Lucas. Ang lalaking kinamumuhian ako nang lubos.Alam kong naging mahalaga sa kaniya ang masasayang kahapon namin. Alam kong naging importante akong babae sa buhay niya.Hindi ako naniniwala na itinapon niya ang lahat na pinagsamahan namin. Hindi iyon magagawa ni Lucas. Kilala ko siya. Alam kong tinitigasan niya lang ang kaniyang puso. Pero alam kong may pakiramdam pa rin siya."Alam kong galit ka sa akin Lucas. Alam kong kinaiinisan mo ako. Pero mahal kita Lucas. Hindi ko kayang mawala ka. Sana maintindihan mo ako."Naningkit ang mga mata ni Lucas dahil sa inis. Namumula rin ang kaniyang mga labi dahil sa galit.Namumungay ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Napabuntong hininga siya nang malalim.Alam kong ang pagbuga niya ng hangin. Iyon ay dahil sa galit na nasa dibdib niya."Alam mo Iris! Itigil mo na ang nararamdaman mo sa akin. Dahil kahit kailan. Hindi na kita mamahalin pa. Kinamumuhian ki
Namamayami pa rin ang sakit sa dibdib ko. Hindi ko mapigilan ang maging malungkot dahil sa mga nangyari.Kahit mahal na mahal ko si Lucas. Nasasaktan pa rin ako dahil sa mga pinagagawa niya. Masakit pa rin sa akin ang lahat."Look! Ngumiti ka naman kahit minsan! Hindi bagay sayo ang laging nakasimangot."Namumungay ang mga mata kong tumingin sa mga mata ni Ann. Ang ganda niya ngayon.Bihis na bihis siya. Ang ganda ng dress niyang suot. She looks such a sophisticated woman. Oo nga pala. Kahit ako nakabihis din. Kailangan ko kasing isama si Annie sa party. Since assistant ko siya. Kailangan namin mag-attend sa event ng Vontrell company. Kagaya ng sinabi ni Mr. Lim. The Director of the Vontrell company. Kailangan magkaroon kami ng isang event para sa pagkakaisa ng Vontrell company. Para ipagpatuloy ang samahan namin.Kaya heto kami ni Ann. Dadalo sa party. Alam kong sa ngayon nakahanda na rin ang lahat na members ng kompanya para sa event."Tayo na Ann. Kailangan na nating umalis. Alam