Share

CHAPTER 4: SAVIOR

THE MOST PAINFUL GOODBYE was definitely the unexpected death. Ilang mga araw nilamayan si Mama sa aming bahay at hindi ako umaalis sa tabi ng kaniyang kabaong na mayro’ng dalawang sisiw sa ibabaw. Nakakulong na ang adik na pumatay kay Mama ngunit para sa akin hindi pa iyon sapat na parusa para sa kaniya. Buhay pa siya pero pinapatay na siya puso at isipan ko. Gusto kong masunog ang kaluluwa niya sa impiyerno at pagdusahan niya ang kasalanang ginawa niya. Nagkaro’n ng misa bago kami pumunta sa sementeryo para ilibing si Mama sa kaniyang huling hantungan. 

Isa-isang umalis na ang mga nakiramay habang nakatulala ako sa puntod ni Mama. Naramdaman ko na mayro’ng humawak sa aking balikat. Hiniling ko na lang sana na si Mama iyon pero nang lumingon ako ay si Tiyang Poppie. “Kate, kailangan na nating umuwi. Makulimlim na at paniguradong uulan nang malakas dahil mayro’ng bagyo. At saka kailangan mo na rin kumain.”

Mas lalong piniga ang puso ko. Sina Tiyang Bibet at Tiyang Poppie ang tumulong sa akin na asikasuhin ang lamay pati na rin ang libingan ni Mama lalo na’t hindi ko kayang gawin iyon. Masakit para sa akin na ihanda ang gano’n para kay Mama. 

“Please, Kate. . .  Alam kong mahirap ito sa iyo pero hindi matutuwa si Kaye kung pababayaan mo ang iyong sarili,” pagpapatuloy ni Tiyang Poppie.

Pumatak ang luha mula sa aking mga mata. Naalala ko bigla si Mama na lagi akong pinagsasabihan na huwag akong magpapalipas ng gutom at lagi rin niya akong nilalagyan sa loob ng aking bag ng mga pagkain. Alagang-alaga niya talaga ako at hindi pinababayaan hanggang sa huli.

“M-Mama. . .” usal ko at hindi ko napigilang humagulgol. 

Agad naman akong niyakap ni Tiyang Poppie habang hinihimas ang aking likod. “Magpakatatag ka, Kate. Patuloy pa rin na lumaban sa buhay at huwag kang susuko.”

‘Paano ako magiging matatag kung wala na ang inspirasyon ko? Ano pa ba ang rason para magpatuloy ako lumaban sa buhay kung iniwan na ako ng nag-iisang tao na nand’yan lagi sa tabi ko?’

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-si-sink in sa isipan ko na patay na si Mama. Pakiramdam ko pa rin na nandito lang siya at kasama ko pero hindi na siya kagaya noon na lagi akong inaasikaso dahil nakahimlay na siya sa isang kabaong. 

“M-Mama. . . M-Mama ko. . . P-Please, bumalik ka po. H-Hindi ko po kaya na wala ka, Mama.” palahaw ko. Halos tumulo na ang aking sipon at laway sa sobra kong emosyon. Sobrang mahal na mahal ko si Mama at hindi ko nakikita ang aking sarili na hindi siya kasama. “A-Ang sakit-sakit pa rin po, Tiyang. . . B-Bakit po binawi agad sa akin si Mama? N-Ni-hindi ko pa po natutupad ang mga pangarap niya para sa akin. D-Dapat magkasama pa rin po kami ngayon pero sa gagong adik na iyon ay gano’n na lang niya tinapos ang buhay ni Mama. S-Sana siya na lang ang namatay at hindi si Mama dahil demonyo siya at wala siyang kuwentang tao.”

Biglang kumidlat nang malakas at umihip ang malamig na hangin. Humiwalay si Tiyang Poppie sa akin at pareho kaming napatingin sa langit na kulay gray na halatang mayro’ng nagbabadya ng matinding pag-ulan mamaya.

“Kate, kailangan na nating umuwi—” Ni-hindi na naipagpatuloy ni Tiyang Poppie ang kaniyang sasabihin nang umiling ako.

Huminga ako nang malalim at pinunasan ko ang aking mukha gamit ang handkerchief na hawak ko. “M-Mauna na po kayo ni Tiyang Bibet. S-Susunod na lang po ako sa inyo. G-Gusto ko lang pong mapag-isa,” umiiyak kong pakiusap. 

Naguguluhan na turan ni Tiyang Poppie. “Ha? Pero. . .” 

“Hayaan na muna natin si Kate, Poppie. Bigyan natin siya ng oras na makapag-isa lalo na’t hindi pa rin niya natatanggap ang pagkamatay ni Kaye. Alam mo naman kung gaano katibay ang samahan nilang dalawa,” singit ni Tiyang Bibet.

Tumango naman ako at tipid silang nginitian. “Opo, didiretso po akong uuwi pagkatapos po nito. Hindi rin po ako magtatagal dito.”

Inabutan ako ni Tiyang Bibet ng extrang payong. “Kunin mo ito, Kate. Huwag kang magpapaulan at baka magkasakit ka. Diretso uwi, ha? Hihintayin ka namin sa bahay mo at ipaghahanda ka namin ng paborito mong Sinigang na Hipon.”

Nagpapasalamat talaga ako na mayro’ng tunay na kaibigan si Mama na hindi kami iniwan hanggang sa dulo na kagaya nina Tiyang Bibet at Tiyang Poppie. “Sige po, maraming salamat po.” 

Nang nakaalis na sila ay muli akong bumaling sa puntod ni Mama. Mas lumapit ako at dahan-dahan kong ipinaglandas ang aking mag daliri sa gintong mga letrang nakaukit sa marmol na lapida. “M-Mama. . . H-Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matangap na patay ka na po.”

Sobrang sakit ng aking dibdib at hindi ko napigilang lumuha. Hindi ako mauubusan ng luha para kay Mama. Hindi ko napigilang humagulgol. “P-Paano na po ako, Mama? H-Hindi ko po alam kung makakaya ko pang mabuhay lalo na’t ikaw lang po ang nag-iisang rason at inspirasyon ko. . .”

Unti-unting pumatak ang ulan hanggang sa lumakas ito. Napatingala ako habang humagulgol. Hindi ko napigilang sumigaw nang malakas sa sobrang galit at lungkot ko. 

‘Masama ba akong tao? Ginawa ko naman ang lahat pero bakit nangyayari sa akin ang ganito? Sobrang sakit. . .   Wasak na wasak na ako. . . Wala nang yayakap sa akin at ipaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Lahat iyon ay naglaho at gusto na rin na mawala na parang isang bula.’

Muli akong napalingon sa puntod ni Mama at mayro’ng biglang pumasok sa aking isipan na ikinangiti ko. Paniguradong oras na gawin ko iyon ay magiging magkasama na kaming dalawa ni Mama hanggang sa huli. 

“M-Mama. . . B-Babalik po ako at magiging magkasama na po tayo pagkatapos nito. H-Hintayin mo po ako, ha? H-Huwag ka pong mag-alala at susunod na po ako sa inyo para hindi na tayo maghihiwalay pa,” nakangiti kong turan at saka hinalikan ang lapida ni Mama.

I slowly headed outside the cemetery while the rain still pouring hard. I’m already wet from head to toe. My white dress and black doll shoes were already drenched and full of dirt which I didn’t mind. I felt lifeless while grieving for my mother’s death, and I wouldn’t easily move on with that. 

Hindi ko pinapansin ang mga taong nakatingin sa akin. Wala akong pakialam sa kanila kung ano man ang kanilang sabihin. Wala silang alam sa nararamdaman at pinagdadaanan ko.

‘Gan’yan naman ang inaatupag ng mga taong walang magawa sa buhay at iyon ang manghimasok at makialam sa buhay ng ibang tao.’ 

Muli kong naalala si Don Apollo at ang one hundred billion pesos. Nabawasan ang pera na iyon sa hospital bills at burol ni Mama. Hindi ganito ang gusto kong mangyari. Sa totoo lang, balewala ang lahat ng ginawa ko. Ngunit wala na, hindi na puwedeng ibalik pa ang nangyari na. 

Napakagat ako sa aking labi. Ito na siguro ang karma ko mula sa maling ginawa ko. Ni-hindi ko alam na nakipag-sex ako sa lalaking mayro’ng asawa. 

‘Nakakasuka. . . Nakakadiri. . . Isa akong babaeng walang delikadesa at ibinenta ko ang aking katawan at virginity para lang sa pera. . . Wala na akong mukhang maiiharap oras na ilabas ng asawa ni Don Apollo sa lahat ang pagkatao ko. Kumapit ako sa patalim at pagdurusa ang naging kapalit para sa akin. Tama lang na mawala ako sa mundong ito para matahimik ang lahat. Wala namang makakapansin kung mawawala ako dahil hindi naman ako kawalan sa buhay nila.’

Mayro’n akong nakasalubong na mga batang masayang nagtatakbuhan habang naliligo sa ulan. Napahinto ako sa paglalakad at pinanood silang magsawa. Sobrang inosente sa mundo at pagsasaya lamang ang kanilang inaatupag. Parang gusto ko na lang na bumalik mula sa pagkabata dahil sa mga panahong iyon ay lagi kong kasama si Mama.

“Ate Ganda, sali ka po sa amin! Langoy po tayo sa baha!” sigaw ng batang lalaki na bungi at kitang-kita na ang gitara niya sa dibdib dahil sa sobrang payat pero kahit gano’n ay masayahin pa rin siya.

“Ang ganda-ganda mo naman pong naliligo sa ulan, Ate! Para ka pong diwata! Sana po kapag malaki na ako ay maging kagaya ko po ikaw!” papuring sigaw ng batang babae na mayro’ng tabo sa ulo.

“Hoy! Asa ka naman, Petra! Ang layo-layo ng mukha mo kay Ate Ganda, ‘no! At saka hindi ka naman mukhang diwata dahil mukha kang puwet ng kabayo!” pang-aasar ng batang lalaki na nangungulangot. Sa kaniyang mga siko ay nakasuot ang kaniyang upod na tsinelas.

“Ang kapal naman ng mukha mo, Rambo. Epal ka talaga kahit kailan! Nanlait ka pa pero mabaho ka pa kaysa sa tae ko!” ganti ng batang babae na mayro’ng tabo sa ulo.

“Huwag mo ngang asarin si Petra, Rambo! Sinungaling ka talagang dugyot ka! Kapag hindi ka tumigil ay sasapakin kita hanggang sa umiyak ka!” pagtatanggol ng batang lalaki na nakasuot lamang ng brief at mayro’ng telang nakasabit sa kaniyang leeg na parang isang kapa.

Umismid naman ang batang lalaki na nangungulangot kanina na mayro’ng suot na tsinelas sa kaniyang mga siko. “Ang yabang mo, Domeng! Mamaya kapag sinapak ko ang mukha mo ay magsumbong ka sa iyong ina at magtago ka sa ilalim ng kaniyang saya.”

“Away na iyan, oh! Away na!” malakas na pambubuyo ng mga batang kasama nila habang nagtitinginan ang dalawang batang lalaki at binabangga-bangga pa ang sarili.

“Magsiuwi na nga kayong mga tiyanak! Ang ingay-ingay ninyo! Kapag hindi kayo umuwi ay bubuhusan ko kayo ng ihi mula sa arinola ko!” sigaw ng isang matandang babae na mayro’ng suot na rollers sa buhok.

Nagsitakbuhan na ang mga bata palayo. Muli akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa napadaan ako sa tulay. Wala masyadong dumaraan na mga sasakyan do’n dahil iniilagan talaga ng mga nagmamaneho na dumaan dito. Marami kasing naaaksidente at namamatay dito sa tulay. 

Hindi ko napigilang huminto ro’n at pinanood ang mabilis na agos ng tubig sa ibaba. Biglang kumidlat nang malakas at hindi ko ininda iyon. Masyadong okupado ang isipan ko dahil medyo naaaliw ako sa mabilis na agos ng tubig sa ilalim ng tulay. 

‘Masaya siguro anurin ng tubig sa ilalim ng tulay? Parang gusto ko tuloy subukan. . .’

I slowly got rid of my drenched black shoes that were filled with dirt. The cold wind gushed in me which made me smile.

Nakayapak na lang ako sa basang sementado at humawak ako sa railings ng tulay. Dahan-dahan kong inangat ang aking sarili at isinampa ang aking binti para tumuntong ako sa siwang palabas ng railings ng tulay. Medyo nahihirapan ako dahil madulas pero nakaya ko naman.

‘No more pain. . . No more agony to be feel. . . Magiging maayos na ang lahat para sa akin pagkatapos ang lahat ng ito. Makakasama ko na rin si Mama at hindi na kami maghihiwalay pa. . .’

Huminga ako nang malalim at pumatak ang aking luha. Hindi ko pa oras pero tatapusin ko na ang paghihirap at kalungkutang nararamdaman ko. 

‘Mama, magiging magkasama na po tayo. . .’

Unti-unti ipinikit ang aking mga mata at kinalas ang aking mga kamay mula sa pagkakahawak sa railings at tatalon na sana ako nang biglang mayro’ng marahas na mga kamay na buong puwersa na humablot sa akin mula sa aking likod paalis do’n. Natumba kaming dalawa sa basang semento. Napaigik ako dahil ang sakit ng aking pagkakabagsak at paniguradong mayro’n akong sugat mula ro’n.

Hindi ako makapaniwala na mayro’ng nakialam sa akin at pinigilan ako mula sa gagawin kong pagtalon mula sa tulay. Ngunit nanlaki ang mga mata at malakas akong napasinghap nang nakita ko ang lalaking tumulong sa akin no’ng pinalayas ako ng asawa ni Don Apollo na makarating muli sa Goddess of Pleasure. “I-Ikaw?” 

Napabaling naman siya sa akin ngunit nakita kong medyo problemado siya sa pagsuot ng kaniyang salamin sa mata dahil natanggal ang isang frame at mayro’ng basag ang isang lense. “Ayos ka lang ba? Mayro’n ka bang nararamdamang masakit?”

Kumirot naman ang aking dibdib. Hindi ko inakalang makikita ko ulit siya pagkatapos niya akong tulungan. 

‘Namumukhaan niya ba ako?’

“Please, suicide was a sin, and not an answer to save you from agony and pain. Paniguradong magiging malungkot ang mga taong nagmamahal sa iyo kapag ginawa mo iyon,” pagpapatuloy niya.

Hindi ko naman napigilang lumuha. “W-Wala na akong rason para mabuhay pa dahil namatay na ang nag-iisang pamilya ko at nagmamahal sa akin. P-Pinatay siya at hindi ko matanggap iyon. G-Gusto ko na ring mawala sa mundong ito lalo na’t nagsisisi rin ako sa ginawa kong kasalanan. P-Pagod na pagod na ako at gusto na ring bumitaw. . . P-Please, hayaan mo na lang akong tumalon mula sa tulay para matapos na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. . .”

Huminga siya nang malalim. “You were suffering from depression and anxiety, Miss. You need help to recover from this from a professional psychiatrist. If you need home then I’m willing to help you.”

Umiling ako. “H-Hindi. . . H-Huwag mo na akong tulungan. M-Magdadala lang ako ng kahihiyan. W-Wala akong ibang kailangan kung hindi ang Mama ko at hayaan mo na akong makita siya makasama siya hanggang sa huli. . .”

“Sa tingin mo ba matutuwa ang Mama mo kung mag-su-suicide ka? Hindi mo pa oras at hindi pa tapos ang purpose o mission mo sa mundong ito. Marami pang puwedeng mangyari at hindi pa ito ang katapusan para sa iyo,” aniya.

Parang nagising ako sa katotohanan nang dahil do’n. Muling pumatak ang luha mula sa aking mga mata habang kumikirot ang aking dibdib.

‘Tama siya, indi matutuwa si Mama kung magpapakamatay ako. . . Hindi ko pa oras na mawala sa mundong ito. Paniguradong mayro’n pa akong purpose o mission sa mundong ito.’

Nakita kong inilahad niya sa harapan ko ang kaniyang kamay. “Please, let me help you to recover from the agony and pain you were suffered right now. Don’t worry, I’m TJ Montealegre, a professional psychiatrist at hindi kita gagawan ng masama dahil tutulungan kitang maka-recover at malagpasan ang pinagdaraanan mo.”

Out of nowhere, I slowly accepted his hand which made him smile warmly. I couldn’t believe that there would be someone who would help me to recover from the agony and pain that I’m facing right now. He saved me two times, and I’m grateful that I met an angel and savior like him. 

Mga Comments (151)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
yes hindi solusyon ang pagpapakamatay ng dahil sa mga problena
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
mabuti na lang atay tumulong sa iyo
goodnovel comment avatar
Anjzel Ica
Thank you po sa love and support ninyo sa Carrying The Mafia Lord's Babies. Abangan at suportahan po ninyo ang mga susunod na stories sa Goodnovel.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status