-FOUR MONTHS LATER-
Ilang buwan na ang limipas at anim na buwan narin ang anak ko sa aking tiyan, mabigat na sila.
Minsan nga nahihirapan akong tumayo. Ikaw ba naman dalawa ang batang nasa tiyan diko lang alam kung dika mahirapan doon.
“Wala kanang magagawa Bea, pupunta ako doon ngayon tapos,”
Nakauwi na 'rin sila Bea isang linggo matapos kong malaman na may kambal sa aking tiyan. Nung una hindi pa alam ni Dylan na buntis ako pero ng magsimula ng lumaki ang aking tiyan ay doon niya nalaman at nagulat din siya na kambal ang dinadala ko.
Hindi siya nagtanong kung sino ang ama, malamang ay nirerespeto niyang ayaw kong sabihin dahil wala naman akong nababanggit sa kaniya.
Nagtatalo kami ngayon ni Bea dahil gusto kong puntahan si Zekiel, matagal narin nang huli kong nakita si Zekiel ng personal.
Mas gusto ko siyang makita ng personal para akong mamamatay kapag hindi ko siya nakita.
“Claire nasisiraan ka nanaman nang bait! Paano kapag napahamak ka nanaman?! Paano kung makilala ka niya?! Claire naman!”
Malaki na ang tiyan ni Bea limang buwan na ito. Nauna lamang ako ng isang buwan sa kaniya.
“Bea wag kang mag over think jan, kaya ko ang sarili ko at isa pa hindi ko papabayaan ang babies ko noh! Sinong may gusto na mapabayaan ang anak nila diba?”
Natahimik naman si Bea dahil sa sinabi ko, nagsuot lang ako nang isang black dress yung lagpas tuhod at dahil malaki ang tiyan ko ay naging hanggang tuhod ito. Isinoot ko narin ang flat shoes ko.
“Tsk ang kulit mo talagang buntis ka, sige na nga basta tumawag ka agad kapag may problema ah! Alam mong hindi kita masasamahan hindi ako pwede,”
Tumango ako sa sinabi ni Bea at niyakap ito, hindi pwedeng umalis si Bea nang wala ang asawa niya, yan ang usapan nila. Hinatid lang siya ni Dylan kanina dito sa bahay dahil may trabaho ito ngayon.
“Sige na, tatawag ako agad wag kanang mag-alala malaki na ako,” bumaba na kaming dalawa at nagpaalam na ako kila mama at nanay.
Hindi nila alam kung saan ako totoong pupunta pero ang sabi ko sa mall lang dahil bored na ako sa bahay.
“Sige mag-iingat ka Claire dalawa yang nasa tiyan mo,” bilin nila saakin na ikinatango ko lamang. Nag taxi lang ako dahil 'di naman ako marunong mag drive.
Sa Gray Company ako nagpaderetsyo. Sigurado ako na andoon ito. Nang makarating ay agad akong bumaba at dumeretsyo sa loob.
Sana andito lang siya sa baba. Nililibot ko ang aking paningin sa paligid at sobrang laki nito.
Andito palang ako sa pinakang lobby paano pa kaya sa taas diba?
Sa pagtingin ko sa paligid ay may nakita akong pababa ng escalator mula sa second floor. Mayroon kasing escalator sa gitna at meron din namang elevator.
Open space siya sa gitna kung saan nakalagay ang escalator, napangiti ako sa aking nakita, maraming naka suit na lalaki it means andoon si Zekiel!
Pumunta ako papunta sa gawi nila, hindi naman ako magpapakita pero gusto ko lang siya makita nang malapitan.
Ngunit habang papalapit ay parang natigilan ako ng makita kong may kasama siyang babae na hapit na hapit ang soot na damit. Napahinto ako sa paglalakad at nanggigilid ang luha ko, bakit nga ba hindi ko na realize na baka may girlfriend ito?
Hindi ako gumagalaw sa aking kinatatayuan, hindi naman ako pinaalis ng body gaurd ni Zekiel dahil nakita nilang buntis ako at isa pa sa gilid lang naman ako ng mga ito eh. Nasa gawi ko ang babae nakakapit sa braso nito habang si Zekiel ay parang walang pakialam na ewan sa mundo.
Papalapit na sila nang papalapit.
“Honey pansinin mo naman ako!” narinig ko ang salita nung babae kaya nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko.
Sino bang mag-aakala na imbis na sumaya ako at nakita ko si Zekiel ay masasaktan pa ako. Hanggang sa makakatapat ko na sila mga kalahating metro ang layo ko sa kanila, hindi ko sila nilingon dahil masasaktan kang ako.
Deretsyo lang ang tingin ni Zekiel kaya ganoon din ako.
Ngunit nagulat ako ng mayroong tumama mula sa aking likod na siyang sanhi nang pagkatumba ko sa sahig.
Agad akong nakaramdam nang sakit sa aking tiyan at napahawak doon.
“You're so mean Kiel! Tinulak mo ako sa maruming babaeng to!” napatingin ako sa nagsalita at iyon pala yung babae na nakakapit kay Zekiel.
Nakita ko na nakatingin na saamin si Zekiel.
“You two deserve it, wag kayong papansin nang papansin. Wh(o)re,” napahinga ako nang malalim dahil sa sinabi niya.
Pero mas masakit ang tiyan ko. Tama ang tiyan ko!
Nagsimula ng tumulo ang luha ko, umalis narin si Zekiel at naglakad na habang yung babae naman ay tinignan ako nang masama bago tumayo.
“This is your fault! Papansin ka kasing nakaharang sa daan!”
Agad itong umalis ngunit hindi ko na ito pinansin at napahawak sa aking tiyan. Mas naging double ang sakit na nararamdaman ko.
“T-tulong, tulungan niyo po ako," naiiyak kong sabi sa kanila. At agad naman silang nagsilapitan saakin.
“Naku Ms! Buntis ka! Dinudugo ka!”
Nagsimula nang magsituluan ng mabilis ang aking luha, hindi ko alam ang gagawin parang wala na akong naririnig at puro sakit lamang ang aking nararamdaman.
“Where is Kiel? Wait what is happening here?”
“Sir Dylan! Yung babae po buntis!”
Dylan... Si Dylan andito si Dylan!
“Claire? Sh*t Claire! Dinudugo ka! Ang kambal!”
Hindi ko na alam ang susunod na nangyari dahil ng buhatin ako ni Dylan ay tuluyan na akong nawalan ng ulirat.
DYLANNANDITO ako ngayon sa office ni Kiel dahil kailangan naming mag meeting about sa babae matagal na niyang hinahanap.Ako ang pinagkatiwalaan niya na hanapin ang babaeng yun. Nang araw ng kasal namin ay mayroon siyang isang babaeng naka one-night stand and according to him, mag kakaanak sila. Yan ang sabi niya, pero hindi ako naniniwala kasi kung magkakaanak sila pupunta dapat ang babae dito para panagutin siya sa pagbuntis nito pero ilang buwan na ang lumilipas ay wala parin ito. “Why you can't all find her?! It's just a simple task!”Napangiwi ako sa pagwawala ni Kiel, ganiyan yan sa tuwing hindi namin nakikita ang babae.Simula ng mawala ito ay mas lalong uminit ang ulo niya, mas naging cold, mas naging harsh sa mga nakakasalamuha niya. Kahit saakin na kaibigan niya. “We need to find her! Kailangan natin siyang makita!” Frustrated na sabi nito at napasabunot pa sa kaniyang buhok. Ito ang unang pagkakataon na makita ko siya sa ganiyang sitwasyon, ang mabaliw sa kakahanap sa t
“Hello?” “Love ayos ka lang ba?! May nangyari ba sa inyo ng anak ko?!” agad kong tanong dito na ikinatawa naman ng nasa kabilang linya. “Ano kaba love we're okay masyado kang overthinker. By the way bakit ka napatawag?” Para akong nabunutan nang tinik dahil sa narinig, ngunit bakit nasa labas si Claire at anong ginagawa niya sa Gray's Company? Huminga ako nang malalim bago ko sabihin sa kaniya ang totoo, hanggat maaari ayoko sanang ipaalam sa kaniya ito dahil baka mapaano sila nang anak ko pero alam kong mahalaga si Claire sa kaniya. Nakita ko ang saya sa muka ni Bea ng malaman niyang buntis si Claire dahil nung araw ng kasal namin ay iyak ito ng iyak dahil sa sinabi ng kaibigan. “Love please wag kang mabibigla baka mapaano kayo nang anak ko,” “Okay sure sige ano ba yun?” “Pero bago iyon bakit nasa labas si Claire at anong ginagawa niya sa Gray's Company?” Natahimik sa kabilang linya dahil sa tanong ko. “Love?” “H-ha? Ah ano kasi—teka paano mo nalaman na andoon si Claire?
CLAIRENagising ako ng umiiyak at agad na hinawakan ang aking tiyan. “Anak ko! Anak ko!”“Claire! Shh... Claire tahan na ayos na ang kambal! Ayos na sila!”Napatingin ako kay Bea dahil sa sinabi niya at napahawak sa braso nito.“Bea ang mga anak ko! Ang mga anak ko!”Niyakap ako ni Bea dahil doon at pinakalma ako. “Shh ayos na ang kambal Claire wag kanang mag-alala pa,”Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako dito at naninigurado.“Yes they are fine now, yan ang sabi ng doctor mo. Sabi niya matapang ang mga anak mo at lumaban sila,” muli akong napaiyak dahil sa sinabi niya at hinawakan ang malaki kong tyan.“Patawarin niyo si Mommy sa ginawa ko mga anak, hindi na mauulit! Hindi na ulit tayo magpapakita sa ama niyo muntik na niya kayong patay!n!”“What? Anong patay!n?”Napatingin ako kay Bea dahil sa tanong niya, kitang kita ko ang pagkalito sa kaniyang mga mata.“S-si Zekiel Bea, si Zekiel ang may gawa saakin nito. Itinulak niya saakin ang isang babae kaya ako napatama sa sahig at nat
“BAKIT kaba kasi nasa Gray Company Claire? At sa dami-dami pa nang hihintuan mo eh sa harapan pa ni Kiel ako na nagsasabi sayo mainitin talaga ang ulo ng isang yun mas lumala nga ngayon eh,” Hindi ako nakaimik dahil sa tanong ni Dylan saakin, andito na sila mama at nanay. Nag-alala daw sila ng sobra saakin at kaya wala sila ng magising ako dahil kumuha sila ng mga damit ko sa bahay. Napatingin ako kay Bea at nabahala din ito sa tanong ni Dylan. Nag isip ako ng dahilan upang makalusot ako kay Dylan, maaaring mag hinala ito saakin dahil kung anong ginagawa ko doon. “Ahh ano kasi kikitain ko sana yung friend namin ni Bea, doon siya nagtatrabaho sa kumpanya nila Zekiel kaso biglang sumakit ng kaunti yung tyan ko kaya napatigil ako sa harapan ni Zekiel tapos ayun nangyari na nga yun,” Napatango naman si Dylan dahil sa sinabi ko, pero I doubt na naniniwala to. Alam kong nakita niya ang CCTV and I'm not look like in pain that time. Ibang pain ang nararamdaman ko. “Sabi nga pala ni Kiel
-THREE MONTHS LATER- “Sige pa hija i-ire mo pa!” Feeling ko hindi ko na kakayanin ang sakit na nararamdaman ko, parang hindi ko na kaya pang umire. “Ahhh!!!” Sinubukan ko pa hanggang sa tuluyan ng lumabas ang unang anak ko. Pumalibot sa loob nang kwarto ang iyak ng aking unang anak. Samantalang ako naman ay pabagsak na napahiga sa higaan ko at hingal na hingal. “It's a boy! Lalaki ang una mong anak Claire!” Masayang sabi saakin ni Dr.Anderson siya ang mama ni Dylan. Noong araw na muntik ng mapahamak ang kambal ay nalaman ko na dinala ako ni Dylan sa doctor ko which is ang mama niya pala. Nagulat kami nung una dahil pagkakataon nga naman, hindi ko kasi kilala ang mama niya. “Claire! Claire hey wake up! May isa pang bata sa sinapupunan mo,” Parang nag-eeco yan sa aking pandinig ngunit hindi ko pa kayang idilat ang aking mga mata. “Claire you have to wake up! Kung hindi ang anak mo ang mamamatavy!” muli kong narinig. Sinusubukan kong dumilat, gusto kong iligtas ang anak ko n
Hindi mapigilan ni Claire na mapaiyak sa oras na makita niya ang baby boy na unang ibinigay sa kaniya at sumunod naman ay ang babae. Sa magkabilaang braso niya inilagay ang mga ito at sa oras na makalong niya ito ay bigla silang tumahimik. “T-twins, ako ang mommy niyo,” Pagkasalita ni Claire ay agad na dumilat ang mata ng dalawa at nakita niya ang dalawang pares na kulay gray na mga mata na mas lalong ngpaiyak sa kaniya. “Nakuha niyo ang mga mata ko!” masayang sabi niya at agad na lumapit ang mga ito sa kaniya. “Kay ganda at pogi naman ng mga apo namin! Kaso mata lang nakuha sayo anak siguro ay ang ama nila ang kamuka,” sabi ni Lucing “Malamang na gwapo rin iyon dahil ang ganda at gwapo nila!” masayang sabi ni Erin dito na ikinatingin ni Claire sa kaniya na umiiyak. “Ma, ang saya ko po,” pinunasan naman nito ang luha niya. Samantalang napahinto si Dylan sa pag-alalay kay Bea papunta sa kambal nang malayo palang ay kita na niya ito. Agad na kinabahan si Bea at napatingin s
CLAIRE MAKALIPAS ang ilang araw ay bumalik sa ayos ang aming buhay ngunit ngayon ay mas masaya na dahil mayroon na kaming Zayne at Zoey. Noong manganak ako ay tuwang-tuwa sila mama at nanay at hanggang ngayon ay tuwang tuwa pa rin sila sa pag-aalaga sa dalawa. Kung minsan nga ay nakakatulog na sila sa higaan ko kaya hinahayaan ko na lamang ang mga ito at sa coach ako natutulog. Ako naman ay hindi mapagsiglan ang saya na nararamdaman ko simula ng makita ko ang kambal. Naalala ko na muntik nang malagay sa panganib ang buhay namin ni Zoey, hindi ko naman alam na mayroon akong sakit sa puso. Sa pagkakaalam ko ay namamana ang ganoong uri ng sakit ngunit paano? Meron ba noon sa lahi namin? Maaaring kay papa dahil hindi ko pa naman siya nakikita eh. Mabuti nalang at naagapan ako agad dahil kung hindi ay 'di ko kakayanin na mawala ang isa sa kambal. Dalawa sila at hanggat maaari ay gusto ko na magkasama sila parati. Si Bea ay sa pagkakaalam ko one of these days ay manganganak na siya
"Sabihin mo saakin nurse ayos lang si mama hindi ba?! Hindi ba ayos lang si mama?!" alog kong sabi sa kaniya na ikinabuntong hininga naman nito. "I'm sorry miss wala na ang mama mo, dead on arrival po siya kanina at nasa morgue na po siya ngayon,"Napaatras ako dahil sa sinabi nung babae at sunod-sunod na tumulo ang aking luha. Napakapit ako sa aking bibig at agad na tumakbo papunta sa morgue na sinasabi nito."Miss! Miss, sandali!"Patuloy lang ang luhang tumutulo sa aking mga mata habang tumatakbo, hindi ko matanggap ang katotohanan, hindi ko kaya!Nang makarating ako sa morgue ay agad akong sumilip sa pintuan at nakita ko mula sa labas ang nag-iisang nakahiga doon at mayroong takip na kumot sa buong katawan. Nanginginig na hinawakan ko ang doorknob at itoy binuksan. Nang makapasok ako ay dahan-dahan kong sinara ang pintuan. Humarap ako doon sa katawan at nananalangin na sana ay hindi ito si mama.Dahan-dahang kong tinanggal ang pagkakatakip ng puting kumot dito at tuluyang nanghin