“ Alice...” Napabangon ako ng mag ring ang cellphone ko. May naka-set na alarm sa cellphone ko para maaga naman akong magising.
Alice?
Nag-kuwento lang ako about that missing girl pumasok na name n'ya sa utak ko. Is she really a precious person? Pati pangalan n'ya binabanggit ng isip ko.
“ Happy birthday!” bungad ni Mama pagkalabas ko ng pinto. May hawak ng cake. Chocolate flavor. Nang mapadako ang tingin ko sa gilid muntikan na akong matawa. Well, Kuya Jake was holding a pink balloon. Para itong batang sumama sa parke at binilhan ng lobo ng mama n'ya.
“ Juliet, blow the candle na.” hihipihan ko na sana ang kandila—
“ Saglit!” Napataas naman ang kilay ko habang nakatingin kay Kuya.
“Nag toothbrush ka ba? Baka 'di lang kandila mamatay nyan sa baho ng hininga mo baka pati si Mama na may hawak ng cake.” Napa-kunot na lang ang noo ko.
" Jake, ano ka ba? Hayaan mo na kapatid mo. Birthday n'ya ngayon! " suway ni Mama.
" Nag bibiro lang naman, ‘di naman kayo mabiro. Happy birthday, bunso!" ‘Saka sya ngumiti. I smiled back at him. But I did smile in a plastic way though.
“ ‘Wag kang kakain Kuya, ah?"
ngiti kong sambit. Nakakapikon talaga ang taong ‘to.“Joke lang naman. Ayaw mo ba ng regalo? Mula sa guwapo mong kuya? ”
“ Saang banda? ” tanong ko.
“ Sa muka s’yempre, ” wika nya.
“ Hindi ko makita, ” wika ko sa kaniya.
“ Puno kase ng muta mata mo, ” Sa sinabi n'yang ‘yon ay napabuntong hininga ako, I lost. Sa asaran talaga talo ako pagdating sa kapatid ko.
“ Wait lang Ma’ palit lang ako ng damit. Maliligo na rin ako. ” Tumango naman ito. Sa asaran pinababayaan na lang kami ni Mama kase alam n’yang mga biro lang naman 'yon. Pagkatapos kong maligo at makapag palit ng damit ay nag simula kaming magsalo- salo.
“ Thank you pala dito sa sorpresa!” sabi ko.
“ Mukang ‘di ka naman na sorpresa,” bulong ni Kuya Jake pero tama lang na madinig ko. Hindi ko na lang pinansin ito baka mamaya masapak ko pa. Minsan kase nakakapikon. And I'm a short tempered person.
“ Walang ano man 'yon anak. Sige kain ka pa.” Naka-ngiti naman akong tumango.
Pagkatapos ng salo salo ay niyaya ako ni kuyang lumabas at mamasyal. At bilhin ang gusto ko. Hindi sana ako papayag ngunit pinilit lang ako ni Mama. Nasa likod lang ako ni Kuya nang bigla-biglaan na lang itong huminto kaya nabangga ko ang likod nito.
" Kuya? Bakit ang lalim yata ng iniisip mo? " tanong ko. Ininda ko na lang ang sakit ng ulo ko.
" Oh? May problema ba? May bumastos ba sayo sa daan? Sino sasapakin ko," sabi nito. Gusto ko talagang batukan ang taong ito.
" Wala! Tinatanong kita kung bakit kako ang lalim ng iniisip mo!" anya ko.
" Bakit? Nahukay mo ba? Ga'no kalalim?" Nang gigigil ako. Jusko! Magtimpi ka lang Juliet.
" Hoy, Tara na! Nag bibiro lang ako. Iniisip ko lang kung anong gusto mong regalo!" sabi nito. Kaya napatingin ako sa kaniya habang pinag-patuloy ang pag lalakad. Anong gusto kong regalo?
" Ayos lang kahit pagkain." Sabi ko. Hinarap naman n'ya ako at nakita ko ang muka nito na nakangiwi. Napataas din ang kilay nito. Wow!
" S- Sigurado kang pagkain lang ang gusto mo? " Tsk! Alam Kong nasa isip nito *( ka- kakain lang nitong babaeng 'to kanina ah?)*
Napangiwi na lang rin ako. Oo nga, kakakain ko lang.
Minsan lang 'to mangyari sa buhay ko at minsan rin lang mabait ang Kuya ko kaya susulitin ko. " A-Ah, gusto ko ng... kahit ano! " sabi ko.
" Sure ka? Puwede mong sabihin sa akin ang gusto mo. Matagal ko rin itong pinag- ipunan," sabi nito. Pinag ipunan nya birthday ko? Nakaka- touch naman. Napangiti naman ako. Curious lang ako kung may girlfriend na ito. Kung sino ka man na babae ka, na magiging soon to be wife ni Kuya ang swerte mo.
Napahinto kami sa isang boutique. Walang ano- ano ay bigla s'yang pumasok do'n at sumunod agad ako. Nakasunod lang ako sa likod n'ya. Habang nag titingin s'ya ng damit. Ako naman ay nag inililibot ang mata sa paligid. Hindi ko alam na merong ganito dito. Ang ga-ganda ng dress. Halatang mamahalin laha— wait! Mamahalin! S-Si Kuya! Nasan na ‘yon?
Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nagtatanong ito sa sale's lady. Pupunta pa lang ako do'n ng may nakabanggaan ako. Kaya napatungo ako sa kahihiyan.
" Are you blind, Miss?" This voice seems familiar. Iniangat ko ang paningin ko. At hindi nga ako nag kamali. S'ya 'yung lalaki sa store .
Nabigla ang muka nito at nakita ko sa mata na may halo itong saya.
" A- Alice?? " Ang seryoso nitong boses kanina ay agad na naglaho .
Napataas ang kilay ko sa reaksyon nito. Bipolar ba ‘tong taong ‘to?
Sasabihin ko sana uli sa kaniya na hindi ako yung Alice na sinasabi n'ya ngunit tinawag na ako ni Kuya kaya nilampsan ko na lang ito at hindi pinansin.
" S-Sorry, Kuya. Inilibot ko kase ang paningin ko nagandahan lang ako. By the way—" Napahinto ako sa pag- sasalita ng may iniabot s'ya sa akin. Bubuksan ko sana ang paper bag kaso pinigilan n'ya ako.
" Sa bahay mo na buksan 'yan. Tara na! " sabi nito at hinila ako. Napansin ko ang pagka-taranta nito.
" W- Wait lang—" may sasabihin sana ako sa kaniya tungkol do'n sa lalaki kaso pinutol na naman n'ya ako.
" Wag kang makikipag- usap sa hindi mo kilala, Juliet. " biglang seryosong sabi nito kaya napatahimik ako. Hindi ko makita ang reaksyon nito para masabi ko kung galit ba ito, o ano.
Habang hawak na ang kamay ko ay napalingon ako sa lalaki nasa labas na ito ng boutique at nakatingin ng seryoso. Sinundan ko pa rin ang paglakad nito hanggang papunta sa kotse nito na halatang mamahalin. Napansin kong hindi lang s’ya nag iisa dahil binati pa nito ang isang lalaki na ngayon ko lang napansin. Siguro ay kaibigan n'ya ito na hinihintay lang s’ya. Nakasandal ito sa kotse n’yang pula. Naka- itim ito na damit. Napatingin ito sa akin at nakita ko ang gulat sa mata n’ya. Kaya iniwas ko ang paningin ko. Napahinto ako ng binitawan ni Kuya Jake ang kamay ko. Humarap ito sa akin, hindi ko alam pero may halong lungkot at pangamba ang nakikita ko sa mata n'ya.
K-Kuya...
Ngayon ko lang s’yang nakitang ganito.
Juliet Point of ViewNang makarating kami sa bahay ay agad ko s’yang tinanong.“ Kuya Jak—”“ Kilala mo ba Juliet 'yung lalaking nabangga mo kanina?” wala sa sarili nitong tanong. Why he's suddenly curious about that guy?“ H-Hindi, bakit?” sagot ko.“ W-Wala, sige buksan mo na 'yan. ” Saka ito muling ngumiti. Nagtaka naman ako sa pag babago ng asal nito. Ang ginawa ko na lang ay binuksan ko ang paper bag at inalis ang pag ka-kadikit nito. Nakita ko naman ang laman ng loob. Nahiya tuloy ako sa mahal nito. Nakaka- guilty. Nag-aasaran kami tas re-regaluhan ako nito. “ A-Ang mahal naman nito,” sambit ko.“ Tinanong ko ‘yan sa sale's lady kanina. Malay ko ba sa gusto mo. Oh, ano? Ayos ba? ” Sabay t
Aedis Point of View"So, your precious sister is alive, huh? Alex Ethan Castiello, " 'saka ako ngumiti. I was shocked when I saw her at the boutique. Hindi ako naniwala kay Alex nung una na buhay nga ang nag- iisa n'yang kapatid na babae. Sinabi n'ya din ito Kay Tito Max. Which is gumagawa na ng paraan. " Pero, curious lang ako kung sino yung kasama nya kanina. Is that her boyfriend or what? " Saka ito muling nag- salita." Nope. It's her fake brother." " Halata ang inis sa muka ni Alex. Castiello nga naman talaga, curious din ako kung babawiin na nila si Alice sa pamilyang 'yon. Mag sasalita pa sana ako ng bumukas at bumungad ang ikatlo sa mag- kakapatid." Brother! Look! I accidentally found her Facebook account and she did seen my chat! After several years, we already found sister! " Kita sa muka nito ang saya." Can I take a look? " Hingi ko ng permiso. Sa
Juliet's Point of View Hindi ko mapigilan na mapataas ang kilay ko sa sinabi n'ya. It's completely a nonsense for me. Nagpalasalamat din ako sa kaniya dahil timulungan ako pero I don't trust him. The way he speak in front of me is kind of flirting. “ Sir. Alis na ako, sorry ulet sa kanina and thank you for helping me,”paalam ko. “ Please, drop the formalities. Just call me... ” Saka ito huminto at tinitigan ako ngumiti at nagpatuloy. “ Aedis. ” “ Ahh, okay. Aedis, sorry talaga sa kanina at thank you ulit,” wika ko . “ Wala ‘yon,” “ Ah, sige alis na ako Aedis, thanks for the help!” Saka ako humakbang patalikod syempre nilakihan ko hakbang ko. Baka mamaya kausapin o kulitin ako. I don't but I think I know his personality. Meron sa loob na ko
Juliet Point of View " Juliet, anak? Bangon na! Hindi ka pa nag-hahapunan!" Napabangon ako sa sigaw na 'yon. " Saglit lang po." wika ko at 'saka na ako tuluyang tumayo sa pagkakahiga at pumunta sa upang kumain. " Oh, ngayon lang kitang nakitang pagod sa trabaho ah? Okay ka lang ba?" Bungad na tanong ni Mama. Tumango lang ako at 'saka sumagot. " Hindi naman masyado Mama. May tumulong sa'kin na lalaki kanina. Natabig n'ya kasi 'yung timba na pinag- pipigaan ko ng mop." Napalingon naman sa'kin si kuya. " Sinong lalaki ‘yan?" tanong nito. 'Di manlang ako inintay bago magsimula. “ Aedis, 'yan 'yung pangalan n'ya,” ‘Saka ako umupo at sumandok. " Apelyido?" Hindi ko alam, pero pakiramdam ko isang reporter si kuya ngayon. I know that he's caring for me since I'm his sister. ‘‘ ‘Wa
Juliet Point of ViewSa totoo lang. Pinag- iisipan ko kung papayag ako sa pabor nung Aedis na ‘yon. Napatingin tuloy ako sa dress na niregalo sa'kin ni Kuya. Naka- hanger ito. Mahigit tatlong araw na ako di- pumapasok sa trabaho kase binigyan ako ng day off at bukas na ang araw na sinasabi ni Aedis. Sa dami- dami ng babae sa mundo, bakit ako ang niyaya nung lalaking 'yon. Ano bang trip n'ya? Bigla na lang nag ring ang cellphone ko at nakalagay dito ang unknown number. Who's this? Agad kong sinagot ito marahil ay nagkamali lang ito ng number." Hello? Sino 'to?" pambungad ko."Hi! Ano? Nakapag desisyon ka na ba?" Napataas ang kilay ko sa pamilyar na boses." Aedis? At saan na lupalop mo naman nakuha ang number ko? " " 
Aedis Point of View"Freya. You know that person right?"" Yes, T- Tito. She's a former manager at the store that I'm working at, Alice is–" Hindi pa ako nakakatapos sa pag- sasalita ko ng ngumiti ito sa’kin, ‘saka nag-salita." I know that my daughter is working there. Since Freya is a reap– ah, nah. Just don't mind what I was saying. Aedis, please do guarantee her safety. I entrust my daughter's safety to you from now on. Sabihin mo lang sa'kin kapag may nangyaring problema, " Saka ito ngumiti at tumalikod patungong sala. Napangiti naman ako.Saka na ako tuluyang umalis. Agad naman akong pinag-buksan ng guard ng gate para lumabas.So, Tito Max already know where Alice working is. As expected to a Castiello. Sandalian kong pinahinto ang kotse ko. Reap? Tito Max accidentally said that while ago. What does reap means? R-Reaper?
Juliet Point of View" You're earlier than expected, Aedis.” That' voice seems familiar. Hindi na ako nag-abalang lingunin ito. Baka mamaya tawagin na naman ako nitong Alice." Dito na kayo Alex umupo,” wika ni Aedis." Sorry, Aedis. May puwesto na kami ni Alex," Turo ng babae sa katapat ng mesa namin. Ngumiti naman si Aedis, pero feel ko na na-disappoint ito." May problema ba, Juliet? ” tanong nito." You look disappointed,” wika ko. Mag-sasalita pa sana ito ng magsalita ang emcee sa stage. Agad naman do'n napunta ang atensyon ng lahat. May pumunta naman do'n na babae, ‘saka nag-salita ang emcee." Let's welcome first the beautiful person behind this wonderful party! Mrs. Lamia Rowaine Selestro!" Sabay-sabay naman tumayo at pumalakpak ang lahat. Napatingin ako sa katapat namin na table, which is na ik
Juliet Point of ViewPatungo kaming parking lot ni Aedis. Antok na antok na rin ako. Pinagbuksan naman n'ya ako ng pinto. Agad naman akong pumasok saka s'ya nagtungo sa driver's seat." Ina-antok ka na ba?" Tumango naman ako. Hindi lang tungkol sa kumpanya o relasyon ang pinag-usapan sa party na ‘yon. Pati rin ang pagtatayo ng charity." Ayos lang ba na gabihin ka sa pag-uwi? I mean, may da-daanan pa kase ako, " wika nito." Okay, lang. Sinabi ko naman sa kanila na gagabihin ako, " sabi ko. Tinignan naman n'ya ako ng seryoso bago umiwas. Saka ito nagmaneho." Umidlip ka muna,"wika nito. Ipinikit ko naman ang mata ko. Gantong oras dapat tulog na ako sa bahay.Nagising na lang ako dahil sa paghinto ng kotse." Nasan na tayo? " Tanong ko sa kanya habang pababa s’ya ng kotse. Ka