Black Card
Mira's POV
"Want some?" Nate asked while holding some chips. Umiling ako dahilan para mabalik s'ya sa kaniyang pwesto.
Nahilot ko ang aking paa dahil sa sakit nito. Kanina pa kami naghihintay dito sa tapat ng isang bar. Ito ang bar na pinakamalapit sa hotel at ang pinakamalaking bar dito sa lugar na ito.
"Bakit ka kasi nag heels? saan ka ba sa tingin mo pupunta?" singit ni Nate dahilan para samaan ko s'ya ng tingin.
Hindi ko din alam kung bakit ko ba naisipan na mag heels. Ang alam ko kasi ay pupunta kami sa isang bar at ang akala ko ay sa loob mismo pero mali ako dahil hindi pala kami papasok! Ang sasakyan na gamit namin kanina ay umalis na din. Walang malapit na shops sa bar kaya heto kami ngayon at nakatayo habang nagtatago.
"It's been 3 hours, Nate! wala ka bang balak gawin?" inis kong sabi.
Tinapon n'ya ang balat ng chips na baon n'ya bago s'ya nag pagpag ng kamay. Really? This guy is insane! Bakit mukhang relax na rela s'ya sa nangyayari? Kung ako lang sana mag-isa ang nasa mission na ito ay hindi sana ako nag hintay ng ganito katagal.
Wala naman kakaiba sa labas ng bar. Wala din kung anong kahina-hinala which is weird. Ito ang naisipan namin hanapan ng mga posibleng tauhan ni Philip Montero na may a*i ng Black card na isang pass sa isang big time casino.
Alam ko na marami kaming makikitang clue at evidence doon about sa main target namin sa mission na ito. Hindi madali ang hulihin ang pinaka master mind kaya dito muna kami sa mga galamay n'ya. Kapag okay na ang lahat ay s'ya naman.
"Let's go" sabi n'ya dahilan para maging alerto at bumalik ang lakas ko.
Naglakad kami sa gilid ng katapat na building ng bar. Pumunta kami sa rooftop at doon tinignan ang buong paligid ng bar. Naniningkit ang mata ko habang nakatingin sa bar. Tinignan ko din si Nate na mukhang may tinitignang kung ano.
Pumunta ako sa isang sulok at tinaas ang aking isang paa. Narinig kong tumikhim si Nate sa likudan ko kaya tinignan ko s'ya at tinaasan ng kilay. Kinuha ko ang device na lagi kong dala-dala.
"What's that?" tanong n'ya.
Kinalikot ko ito at isa-isang chineck. Pumunta ulit ako sa gilid ng rooftop at tinignan ang paligid ng bar. May mali talaga eh. I can feel it. Marami na din akong na encounter na ganito sa iba kong mission kaya hindi ako pwedeng mag kamali.
Binigay ko kay nate ang dalawa sa apat na device. Tinignan n'ya ito bago takang tumingin saakin. Bumuntong hininga ako bago inikot ang aking relo dahilan para lumabas doon ang isang screen na may apat na view.
"That's a camera. It's not just a camera because it can detect devices that people don't want us to see. So go and put them somewhere in the back and parking then I'll put these two infront and in entrance. We'll meet here after" sabi ko.
Wala naman akong nakuhang sagot mula sakaniya. Tinignan n'ya lamang ako bago kumilos. Nag lakad na din ako at pumunta na sa pwesto na paglalagyan ko ng camera. Sinilip ko ang aking paligid. Nakita kong may dalawang guard ang papunta sa direksyon ko kaya agad kong nilagay ang camera bago nag tago.
Pumunta ako sa isa pang pwesto na paglalagyan ko malapit sa entrance. Nakayuko ako habang naglalakad. Nang madaanan ko ang pwesto ay pasimple kong kinabit ang maliit na camera doon bago simpleng naglakad palikod, hindi nagpapahalata.
Dali-dali akong bumalik sa pwesto na pagkikitaan namin ni Nate ngunit wala pa s'ya doon. Umupo ako at tinignan ang sugat sa aking paa. "Bakit ba kasi ako nag heels? Argh!" inis kong tinanggal ang heels ko at hinilot ang aking paa.
Where is he? Halos 10 minutes na s'yang wala. Should I check him?
Pinindot ko ang aking relo dahilan para lumabas nanaman ang screen doon. Inayos ko ang system at ilang segundo lamang ay kita ko na ang nangyayari sa bawat area na pinaglalagyan ng camera.
Huh? Bakit ganon? wala akong makita sa huling camera! ni hindi ko marinig ang mayroon doon. Nahuli kaya s'ya? Oh, no! This is bad.
Agad kong sinuot ang aking heels at naglakad pababa sa hagdanan. Ilang palapag ang gusali kung nasaan ako. 4 floors bago ang roof top kaya masyadong masakit na sa paa. Pero hindi iyon ang kailangan kong isipin ngayon.
Where the hell is he? that guy is giving me headache, seriously! I'll punch him when he get back! tss.
Nasa second floor na ako ng building at ramdam ko na ang sobrang sakit ng paa ko. Lesson learned na! wag mag heels kapag may mission! hay naku, Mira!
Napaupo ako sa hagdanan mula sa exit sa second floor dahil sa sakit ng paa ko. Tinanggal ko ang heels ko doon at hinilot ito. Tinry ko ulit hanapin sa relo ko ang view sa huling camera at na bunutan ako ng tinik nang makita na mayroon na doon.
Umiiling ako sa sakit ng paa ko nang biglang bumukas ang pinto sa gilid ko dahilan para maging alerto ako at mapatayo. Nag tago ako sa likod ng pinto at tinignan ang taong pumasok. Inipit ko agad ang ulo n'ya sa braso ko dahilan para mag pumiglas s'ya.
Nagulat ako nang bigla n'yang patidin ang kanan kong binti dahilan para mawalan ako ng balanse at matulak papunta sa hagdan. Sobra ang kaba ko nang makita na babagsak ako ngunit may isang kamay na pumigil saakin.
"What the hell!" mahina kong sigaw.
Hinarap ko ang taong iyon at gusto ko s'yang patayin dito mismo dahil sa inis. "Where have you been? What took you so long, Agent?" inis kong turan.
Nakatingin lang s'ya saakin habang hinihimas ang kanyang leeg. Iniinda din n'ya ang benda n'ya sa braso na hindi pa rin magaling. "I'm sorry. Nahirapan akong maglagay ng camera sa last part dahil madami ang bantay malapit sa likod" paliwanag n'ya.
"Tsk!" iika-ika akong lumakad papunta sa hagdan upang kunin ang heels ko na tumilapon kanina. Kinuha ko iyon at inayos ang suot ko bago humarap ulit kay Nate. IIka ika parin akong lumakad at nilagpasan s'ya, pero bago 'yun ay dinanggi ko ang benda n'ya dahilan para mapahawak s'ya sa pader at mapamura.
"What was that for? Really, Agent Carper? How many times?" he said pertaining to his wounded arm.
"'Di ko sadya" sabi ko bago naglakad paalis.
Umangat ng bahagya ang labi ko dahil sa tawa na aking pinipigilan. Dumiretso ako sa baba at sinuot ang heels ko kahit masakit na ang paa ko. Nandoon na ang sasakyan ng hotel na binayaran namin.
Sumakay ako doon at hinintay si Nate na ngayon ay malamig akong tinignan. S'ya pa ang galit, Huh? S'ya itong matagal gumawa sa mission! kung ako ang isa sa official a minus points na s'ya sa time and cooperation!
Tahimik kaming dalawa hanggang sa makadating sa hotel. Pumunta kami sa sarili naming kwarto at napagpasyahan na mag pahinga. Agad kong tinanggal ang aking heels at damit pag pasok sa room ko. Dumiretso ako sa bathroom at naligo.
"Really, Mira? Bakit mo naisipan mag heels sa mission mo? are you nuts?" natatawang sabi ni Kia sa telepono.
Nakababad ako sa bathtub habang kausap si Kia. Nakaka relax ang pag babad dahil sa pagod na nangyari sa araw na ito. Masyadong naubos ang energy ko sa nangyari. "I don't know, Kia. Alam ko kasi na pupunta kami sa bar kaya ang akala ko ay kahit paano ay mag sasaya kami. You know? party?" sabi ko.
Lalong natawa si Kia saakin dahilan para maging uncomfortable ako. Bakit ba s'ya tumatawa?
"You think ganon si Agent Velasquez? magsasaya sa kasagsagan ng mission? I doubt that. He's ranked 1 after all. He's focus on work than his personal wants and needs." si Kia.
Ganon nga ba s'ya? kaya siguro ako nag expect dahil gawain ko din ion paminsan minsan. Ang magsaya sa mission. Hindi naman siguro iyon maiiwasan kung ang mission mo ay nasa bar o party diba? Ano naman kung magsaya kahit konti?
Natapos ang pag-uusap namin ni Kia sa phone. Naisipan ko na din umahon dahil sobrang tagal ko na sa bathroom at medyo nilalamig na din ako. Sinuot ko ang bathrobe ko at lumabas na sa bathroom.
Pumunata ako sa bags ko at kumuha ng damit. Namimili ako ng damit nang makarinig ako ng katok. Pumunta ako sa pinto at sinilip kung sino ang tao doon. Nakita ko na si Nate iyon at nakapamulsang naghihintay.
Binuksan ko ng bahagya ang pinto kaya napatingin s'ya doon. Nanlalaki ang mata n'ya nang makita ng bahagya na nakasuot lang ako ng roba. "What? nagbibihis pa ako." inis kong sabi.
Nakita ko kung paano s'ya maalerto dahil sa nangyayari. Tinuro n'ya ang hallway kung nasaan ang elevator. "I'll wait you in the restaurant" sabi n'ya bago mabilis na umalis.
Sinara ko ang pinto a nagpatuloy sa pag aayos sa sarili. Nang matapos ako ay tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Napangiti ako ng makita kung gaano ako kaganda ngayon. Nang makuntento sa ayos at mag sawa sa pag tingin ay agad akong lumabas para pumunta sa restaurant sa baba.
Naabutan ko doon si Nate na nagsisimula ng kumain. Umupo ako sa harap n'ya ngunit hindi n'ya manlang ako binalingan ng tingin. Umorder ako ng pagkain ko at tumingin sakaniya. Patuloy lang s'ya sa pagkain na tila wala ako sa kanyang harap.
"We'll view the footage after this" sabi ko.
Inangat n'ya ang tingin saakin ago tumango. Hindi ko na din s'ya pinansin at kumain nalang nang dumating ang order ko. Natahimik kaming kumain dalawa. Walang pansinan which is good for me dahil naiinis lang ako kapag nagsasalita s'ya at nang aasar.
Nauna s'yang matapos. Nag patuloy ako sa pagkain at tinitignan ng palihim ang kanyang galaw. Hindi s'ya makatingin ng diretso saakin dahilan para tumaas ang kilay ko.
"Is this your first time seeing a woman in a robe? It's not like you see me totally naked. What's the matter, Agent Velasquez?" bigla kong sabi dahilan para mapalunok s'ya.
Uminom ako ng tubig at nag punas ng labi bago s'ya bored na tinignan. Nakatingin lamang s'ya sa plato n'ya at tinitiyak na hindi mabaling saakin ang paningin. "Let's just meet in your room, Agent Carper" sabi n'ya.
Tumayo na s'ya at nag lakad paalis dahilan para mailabas ko ang ngiti na kanina ko pa tinatago. Madali talaga s'yang inisin.
Nang matapos ako sa pagkain ay dumiretso na ako sa taas. Tumambay ako sa restaurant kaya alam kong nainip na si Nate sa taas. Habang nasa elevator ay naisip ko na daanan nalang s'ya sa kwarto n'ya para alam n'ya na naka akyat na ako.
Huminto ako at kumatok ng tatlong beses. Walang sumasagot kaya kumatok ulit ako ng isa pang beses. Nagulat ako nang biglang bumukas ng bahagya ang pinto. Nahinto ako sa pag katok nang makita naka tapis lang si Natea ng towel sa bewang.
Napakurap ako at bahagyang nag-sisi sa naisipan kong pag daan dito. Hinarap ko s'ya at kita ko ang pagtaas baba ng adams apple n'ya at ang bahagyang pag awang ng labi. Natahimik ako at hindi alam ang sasabihin. Inipon ko ang aking wisyo bago s'ya tinignan ng diretso sa mukha ngunit sinalubong n'ya ako gamit ang mapang asar n'yang mga tingin.
Tinaasan n'ya ako ng kilay at bahagyang humilig sa pinto. "What? Is this your first time seeing a man like this infront of you?" sabi n'ya.
Hindi ako umimik dahil gusto kong matawa. Bumabawi, Huh?
Nangiti s'ya ng bahagya dahil sa pananahimik ko. Tila iniisip n'ya na nanalo s'ya sa ginagawa n'yang ito. Ngumisi ako sakaniya bago pinag krus ang aking kamay.
"Nope kaya mag bihis kana dahil hindi naman ganon kaganda ang katawan mo compared sa nakita ko! Tse!" sabi ko bago isara ang pinto n'ya leaving him speachless.
Nice one Mira!
Papasok na dapat ako sa room ko nang marinig ko pa ang pag kalabog ng pinto n'ya sa inis.
Cover up Mira's POV We're now watching the footages from the four cameras we left around the bar. Nakaupo si Nate sa higaan ko habang pinapanood sa laptop ang nangyayari, habang ako ay nakaupo sa isang upuan at nahigop ng kape. Kanina pa kami nanonood sa nangyayari sa Bar ngunit wala talaga kaming mahanap na kakaiba. Naibaba ko ang mug ko nang mangunot ang noo ni Nate habang nanonood. Tumayo ako at pumunta sa tabi n'ya para tignan ang nangyayari sa Bar. Pag silip ko ay nakita ko ang isang Gray na sasakyan na huminto sa entrance ng parking lot. Napatingin ako kay Nate na tutok na tutok sa panonood nang nangyayari. Tinitigan ko ang kuha ng Camera hanggang sa may mapansin kaming kakaiba. "I knew it!" usal ni Nate. Tinignan ko s'ya ng seryoso dahilan para tignan n'ya din ako. Ilang segundo kaming nagtitigan ha
Mr. and Mrs. Mira's POV "Hurry up!" I shouted infront of his room. Kanina ko pa s'ya hinihintay. Bihis na bihis na ako habang nag hihintay sakaniya. Seriously? S'ya pa ang hihintayin ko, ah. Nakakahiya naman talaga, Nate! Nag-hihintay na ang sasakyan namin sa lobby. It's almost 6 pm! Tumataas talaga ang dugo ko sakaniya. Nang sa wakas ay bumukas ang pinto ay agad ko s'yang binatukan. Napa-lakas iyon dahilan para makuha namin ang atensyon ng dumaan na tao. Ngumiti ako sakanila at hinimas kunwari si Nate sa braso. "Bakit ba ang tagal mo? It's almost 6!" pagrereklamo ko sakaniya. Napa kamot s'ya sa kaniyang leeg dahil doon. Inayos ko ang damit ko bago nauna sa paglalakad. Pumasok ako sa elevator at sumunod naman s'ya. Inayos ko ang mga gamit ko na dala ko. Bukod sa purse ay may mga gami
Memory Mira's POV Tinanggal ko ang suot kong heels. Hinilot ko ang paa ko bago tumalon sa kama.Nakakapagod! Kakauwi lang namin ni Nate galing sa Bar na iyon. Grabe ang pagod ko at tinatamad na akong tumayo! Kinuha ko ang Laptop ko at sinaksak doon ang flashdrive na naglalaman ng mga kuha kanina sa Bar. Pinasa ko ito sa Laptop para ma review ko bukas. Tinatamad na talaga ako ngayon kaya bukas nalang. Pagkatapos kong ipasa lahat ng kuha ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo para mag linis ng sarili. Inabot ako ng ilang oras dahil naka-idlip na pala ako sa tub, buti at nagising ako dahil nilalamig na ang katawan ko. Nag-bihis ako ng aking damit at lumabas na nang bathroom. Pagkalabas ay naabutan ko si Nate na nasa kama ko at may kinakalikot saaking Laptop. "Why are you here, Agent Velasquez?" I said with irr
Great Night Mira's POV Sinuot ko ang aking jacket dahil sa lamig. Lumabas ako ng kwarto ko at nag-lakad na papunta sa elevator. It's 9:00 pm. Maaga pa kaya lalabas muna ako. Mayroong malapit na store sa labas ng hotel. It's a 24/7 convinience store. Tinignan ako ng guard nang makita na lalabas ako. Ngumiti s'ya saakin at tumango bago ako pagbuksan ng pintuan. Nagpasalamat ako bago tumuloy sa pag-lalakad. Wala na gaanong tao sa labas. Gabi na din kasi. Ang tao nalang na nakikita ko ay ang mga taong galing sa trabaho at nag-titinda na pauwi na. Tumawid ako sa kalsada. Kaunti nalang din ang sasakyan kaya hindi ako ganon kahirap na nakatawid. Naglakad ako papasok sa store. Pagpasok ay wala gaanong tao. Ang cashier at dalawang lalaki lamang ang nandoon. Sinimulan ko ang paghahanap nang ma
Something's not right Mira's POV "I told you, Mira. We can go there tomorrow and not right now! May sugat ka pa." he calmly said. Tinignan ko s'ya nang masama. Nakabihis na ako kaya kailangan namin matuloy! And we only have 3 days to finish this mission bago bumalik sa manila kaya hindi na dapat kami nag-aaksaya ng oras. Inaayos ko ang damit ko sa salamin, medyo nasikipan ko ang sa bandang tagiliran ko kaya medyo napadaing ako sa sakit, Dinoble ko naman ang benda doon para hindi mahalata. "We need to go, Agent Velasquez! We don't have time to rest. Kailangan na natin malaman ang time and location ng deliveries para mapigilan natin sila bago tayo umuwi sa manila." Lumakad ako papunta sa higaan para mag-suot ng sapatos. Napasapo s'ya sa noo dahil sa katigasan ng ulo ko. Tinignan n'ya ang ng diretso bago ngumiwi at nag-lakad palaba
How? Mira's POV "Drop the gun!" I shouted while pointing my gun to them. Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa sinabi ko na para bang biro lamang iyon para sa kanila. Tumingin ako kay Nate na ngayon ay nakatingin na din saakin at sa baril na hawak ko. Umiling s'ya, sinasabi na ibaba ko ang baril. Nangunot ang noo ko at pinagtaasan s'ya ng kilay. What!? Bakit parang wala s'yang ginagawa? Hindi magaganda ang sinabi saamin ni Mr Zalua! Dinala n'ya kami sa bahay nila para pagtawanan? Sinusubukan pa nila alamin kung sino kami talaga! "You're not real Lopez, Am I right?" si Mr Zalua. Isang higop ang ginawa n'ya sa kaniyang inumin bago tinignan si Mrs Zalua na ngayon ay mataray na ang tingin saakin. Bakas sa mukha n'ya ang pagka-aliw saamin ni Nate. Nakapalibot ang guards nila saakn dahil sa
Transactions Mira's POV Naestatwa ako saaking kinatatayuan nang makita ang napakaraming kahon na drugs. Tama nga ang hinala namin. Tama kami ng napuntahan na lugar! Mahigpit ang hawak ko sa aking baril upang maging handa sa ano mang pwedeng mangyari. Tinignan ko si Nate na nasa kabilang dulo ng warehouse. Chine-check n'ya ang mga kahon na nakatambak dito. "They're here!" Pagbibigay alam ko kay Nate. Dali-dali s'yang tumakbo upang mag tago at ganon din ako. Binaba ko ang aking sarili upang hindi nila ako makita na mag-lakad papunta sa isang malaking kahon sa likod. Rinig ko ang mga yapak ng mga lalaki na may dalang malalaking baril. May kausap ang isa sa telepono at ang isa ay sinasabihan ang isa pang lalaki na kasama nila. "Hindi daw tayo tuloy ngayong gabi sa pakikipagkita sa bibili
Bosses Mira's POV Lahat ng mga nakuha na kahon ay ibinigay na sa puder ng mga pulis. Lahat kami ay nag papahinga na dahil sa naging laban. Sumakay na kami sa kotse ng mag-asawang Zalua. Sila ang maghahatid saamin papunta sa hotel. Walang nag tamo ng malalang sugat saamin. Lahat kami ay puro galos lamang at pagod na katawan ang iniinda. Alas tres na ng madaling-araw. Gano'n kayagal inabot ang laban namin. Mabuti na nga daw na hindi pa umaga nagkaroon ng gano'n dahil baka malaman pa ng mga tao. Nagpagkasunduan naming lahat, kasama ang mga pulis at iba pa na hindi gagawing public ang balita. Ngayon pa na nalaman namin na hindi lamang isa ang nagpapatakbo ng sindikato na ito. Hindi pa namin alam kung drugs lang ba ang ginagawa nilang illegal o may iba pa bukod doon. Hindi ko din alam kun