Share

Chapter One Part I

"Dr. Elli, 'yong pasyente po sa room 004 nagwawala."

I sighed as I immediately stood up from my seat. Agad na ako lumabas sa opisina kasunod ang nurse na tumawag sa akin. Kitang kita ko pa ang pawis na tumutulo sa bandang noo nito at paghingal niya. Mukhang tumulong din siya sa pag-awat sa pasyente at dagdag mo pa na halos itapon niya ang sarili papasok sa opisina ko dahil sa pagmamadali.

Nang malapit na kami sa kwarto ng nasabing pasyente, rinig na namin ang sigawan at kung anong kalambag sa loob nito. Nakikita ko ang ibang mga pasyente sa kalapit na kwarto nito na lumalabas sa kani-kanilang silid para sana sumilip at makita ang nangyayare. "Huwag kayo lalapit! Huwag kayo lalapit!"

Agad na bungad sa akin nang tuluyan ako makapasok sa kwarto ng nagwawalang pasyente.

"Doc Elli." Sambit ng isang nurse nang mapansin nila ako sa loob.

Tinignan ko naman ang pasyenteng pinoproblema ng mga kasama ko. Hawak nito ang IV stand habang nakatusok pa rin ang dextrose nito sa kamay. Winawagayway niya ang stand sa sinumang magtangkang lumapit sa kaniya na medyo ikinangiwi ko dahil ako mismo nahihirapan sa sitwasyon niya.

I looked at the nurse who called me earlier. "Pakitawag ang ibang mga nurse at asikasuhin kamo nila 'yong mga pasyente na malapit sa kwartong ito bago pa sila magtangkang lumapit dito." Tumango naman kaagad ang nurse tsaka ito mabilis na lumabas.

Napatingin muli ako sa pasyente. I can see the frantic look in his eyes. May kaedaran na ito at medyo matagal ko na rin siya naging pasyente. Ilang beses na rin nangyare ito kaya hindi na bago sa akin ang ganitong pangyayare.

"Please ready the dose for him." Utos ko sa isa sa mga nurse na agad niyang ikinatango tsaka ito lumabas. Dumaan naman ako sa pagitan ng dalawa pang nurse na pilit na pinapakalma ang pasyente. "Ano ba nangyare?"

"Biglaan po ulit doc. Papainumin lang ho sana siya ng gamot kaso bigla po ulit siya nagwawala ng ganito." Sagot ng isa.

I looked at the patient who seemed so restless which made my heart pity him. This is my everyday routine. Seeing people in a vulnerable state mentally. That's why I'm also eager to help them to be at ease and cure them if I can.

"Lolo Luppe." I said in the calmest tone I can manage.

Agad itong napatingin sa akin at kita ko ang pagluluha nito sa mga mata niya. He seemed scared.

"It's alright." Sabi ko muli. I inched forward so that he won't notice that I am taking my way closer to him. "It's me Elli."

"D-Dr. Elli?" Ani nito at pansin ko ang pagbaba niya ng kaunti sa IV stand.

I warmly smiled then nodded. "No need to be scared." As I slowly take a bigger step towards him. "I'm here. You remember me right? Alam mong hindi kita sasaktan diba?"

Dahan dahan akong napahinga nang malalim habang inoobserbahan ko ang panginginig niya. "A-Apo." Tawag niya sa akin. Although I'm not his grandson, gusto niya lang talaga na tawagin ako ng ganoon dahil malapit daw ang loob niya sa akin.

I hummed in response. "Pwede bang ibaba mo 'yang hawak mo? Para mas makalapit ako sa'yo at pag-usapan natin 'yang bumabagabag sa'yo."

I stopped walking then watched him. Napapalunok lamang siya at kitang kita ang purong galit, takot, at pagkalito sa mga mata niya. Ngunit unti-unti naman niyang binaba ang hawak niya at nanghihinang napaupo sa sahig.

"A-Ayaw ko na d-dito." Bulong niya nang paulit-ulit habang nakahawak siya sa ulo niya at nanlalaki pa ang mga mata na kung saan saan ito napapatingin.

I sighed at the man's situation. Lalapitan ko na sana muli ito nang dumating na ang nurse na pinakuha ko ng dose na pampakalma at pampatulog sa pasyente. Binulungan ko lamang ito na maghanda at tsaka tuluyang lumapit sa matanda.

Umupo ako sa harap nito. "Lolo, tara ho sa higaan niyo. Doon tayo mag-usap." I hummed for reassurance.

He looked at me. "A-Apo, t-tulungan mo akong makaalis dito."

This aches my heart. Pero sa araw araw na trabaho kong ito, nasasanay rin ako sa mga ganitong kalagayan ng pasyente.

I concernedly smile at him. "I will. I definitely will." Relief wash over me when I saw him relaxed. "Kaya tara na ho sa higaan niyo. Baka lalo kayo magkasakit niyan."

He nodded as he put his hand on my shoulder for support. Inalalayan ko naman itong tumayo at lalapitan na sana kami ng mga nurse nang humigpit ang hawak niya sa akin. Kaya agad kong sinenyasan ang mga kasama ko na maghintay pansamantala dahil sa natatakot na pasyente.

Nang maihiga ko na si Lolo Luppe sa higaan ay agad ko na inayos ang IV stand at dextrose niya. Marahan akong umupo sa tabi nito at hinawakan ang kamay niyang walang turok.

"Magpahinga muna po kayo Lo. Ako hong bahala sa inyo. Wala po kayo dapat ikatakot." Paalala ko sa matanda.

"Apo." Panimula niya. "S-Salamat."

I warmly smiled as I looked at the nurse then gestured her to give the dose to the patient. Hindi naman na nag-panic si Lolo Luppe nang lumapit ang nurse pero nanatili akong nakahawak sa kamay niya hanggang sa maturukan na siya at nakatulog nang mahimbing.

Lahat kami ay napahinga nang matiwasay nang kumalma na rin ang paligid. Dahan dahan akong tumayo sa inuupuan at lumakad palayo sa pasyente.

"Ako na magpapainom ng gamot sa kaniya mamaya paggising niya." Sabi ko sa isa sa mga nurse habang papalabas sa kwarto ni Lolo Luppe.

May mga naiwan pa doon para ayusin ang kwarto. Ang iba ay nakasunod lamang sa akin.

"Bilib talaga ako sa inyo Doc. Biruin niyo napakalma niyo si Lolo Luppe." Turan ng isang nurse.

"Oo nga ho Doc. Iba talaga karisma niyo. Kahit pasyenteng ganoon katindi ang pagwawala napapaamo niyo." Puri pa ng isa.

Tinawanan ko lamang ang mga sinabi nila. "Tamang paga-adopt lang 'yan ng sitwasyon." Panimula ko sa kanila. "Tsaka ilang taon na rin nating pasyente si Lolo Luppe, kaya gamay ko na ang gagawin kapag nagkakaganiyan siya."

Napatango naman sila hanggang sa makarating kami sa lobby ng hospital. "Pero Doc..." Panimula ng isa. "Mabuti po at nananatiling naniniwala sa'yo si Lolo Luppe tungkol sa pagalis niya rito."

I stopped for a moment before gently smile at the nurses. "Nananatili rin naman akong naniniwala na gagaling din siya at makakaalis nga rito."

They somehow sighed dreamily to me as they slowly nodded which made me chuckled a little. I pat their shoulders before turning my back to them and head to my office again.

If you haven't guessed it yet, I am a psychiatrist. And my life is currently just cycle with my work, which I had no problem with that to be honest. Mahal ko ang trabaho ko, mahirap man para sa karamihan ay nagugustuhan ko ang pagtulong sa mga nagiging pasyente ko. And mental illness is no joke, so I'd really give my best to my work.

I exhaustedly sat down on my office chair. Pabuntong hininga naman akong napatingin sa mga papeles na nakakalat sa mesa ko. Aayusin ko na sana ito nang mag-ring ang cellphone ko na nasa bulsa. Agad ko itong kinuha tsaka sinagot sabay lagay sa kanang tenga ko nang hindi man lang tinitignan kung sino ang tumawag.

"Hello?" I called while still fixing the papers on my table.

"Dr. Elliott."

I pause for a moment to look at my phone. When I confirmed who's the caller, I immediately took the phone back on my ear. "Dr. Orene." Tawag ko sa kabilang linya. "Napatawag ho kayo?"

Tumigil naman ako sa pagkakalikot ng mga papel sa mesa at tinuon ang buong atensyon sa katawagan. Dr. Orene is an old friend of mine. And when I say old friend, I literally mean that. Kaibigan siya ng mga magulang kong namayapa na. Good thing I was in legal age that time and starting to be a psychiatrist in a little hospital. Si Dr. Orene naman ang tumulong sa akin hanggang sa makarating ako sa hospital na pinagtratrabahuan ko ngayon. Siya rin ang naging gabay ko dahil nag-iisa lang akong anak at wala naman akong kinikilala pang ibang pamilya bukod sa mga magulang ko.

And it's odd that he called today. Matagal tagal na rin kami hindi nakapag-usap dahil naging busy sa kaniya-kaniyang trabaho. At dagdag mo pa na sa ibang hospital ito nagtratrabaho.

"Yes, are you busy or something? I just need to discuss something to you."

I shrugged. "Well, I can always find time if it's really important."

He sighed. "It is. Are you free tonight? Magkita tayo sa restaurant malapit diyan sa hospital niyo."

Napakunot naman ako ng noo. "Wait, you're here? Kailan pa?" Tanong ko.

Nasa syudad lang ang mental hospital na pinagtratrabahuan ko. At kung ikukumpara ito sa hospital na pinagtratrabahuan ni Dr. Orene, napakalayo talaga nito. Medyo may kalayuan din iyon sa mga taong naninirahan sa lugar doon at napakapribado talaga ang lugar na iyon. Isa iyon sa mga pinakasikat na mental hospital sa bansa. Minsan na rin ako nakapunta doon at masasabi mong may millliones ang mga nagpapagaling sa hospital na iyon.

"Just a few days ago." He replied which made me frowned even more. "Sorry for not telling you. I'm here for work as well Elli. And you young man is involved in this work, so I need to see you later okay? I'll be there at 7, see you."

Magsasalita pa sana ako nang bigla na ako nitong babaan ng telepono. I looked at my phone and sighed. Napasandal na lang ako sa inuupuan.

Napatingin muli ako sa mga papeles. "So much work." I muttered.

"Dr. Elli!" Napatingin naman ako sa nurse na biglang pumasok muli sa opisina ko. "'Yong pasyente po sa room 102 nagkakaroon po ng panic attack."

Bahagya akong napahilamos ng mukha at agad na tumayo sa kinauupuan. Mabilis kaming lumabas sa opisina at tsaka nag-utos ng mga nurses sa dapat gawin. Nadaanan ko naman ang ilang doctor na nakakatrabaho ko na abala rin sa kani-kanilang mga pasyente.

I know I've said that I love my work.

But I honestly hate it sometimes. Especially when it becomes dramatically exhausting.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status