Share

Chapter Two Part II

"Good morning Dr. Elli."

Napatingin naman ako sa mga nurses nang makarating ako sa lobby ng hospital. I warmly smiled at them as I greeted back as I walk towards the nurse counter, kung saan nandoon din ang mga bumati sa akin.

"Break time niyo?" I softly asked them.

Kita ko naman ang giliw sa kanilang mga mata at sumagot naman sila sa akin na break time nga raw nila. Kung sabagay medyo magtatanghali na nang makarating ako sa hospital dahil iyon ang in-instruct sa akin ni Dr. Herman. Gusto niya na hindi ako masyadong biglain sa pagkikita namin ng bago kong pasyente at para paghandaan ko talaga ito.

"Pwede pakibigay sa akin mga daily schedules ni Cypher." Sabi ko sa isang nurse na nasa likod ng counter. Agad namang tumango ito at inasikaso ang pinapagawa ko.

"D-Doc Elli." Rinig kong tawag ng isang lalakeng nurse sa akin. Lumingon naman ako sa kaniya at sa mga kasama niya na parang ine-encourage siya sa kung saan man.

"Doc, ang ganda niyo po." Singit ng babaeng nurse nang hindi pa rin makapagsalita ang tumawag sa akin kanina na mukhang inaasar siya ng ilang mga kasama niya ngayon.

I smiled at her. "Thank you. You too as well."

Malaki naman siyang ngumiti. "Nako Doc walang wala naman ako sa beauty niyo."

Natawa lamang ako sa sinabi niya at sakto namang inabot na sa akin ng isang nurse ang hinihingi ko kanina. Nagpasalamat naman ako dito bago tinignan ang papel na hawak. "I-Ikaw po 'yong bagong hahawak kay Cypher diba?" Napaangat naman ang tingin ko sa lalaking nurse na tumawag sa akin kanina. Kita ko naman ang panunukso ng mga kasamahan niya sa kaniya.

Tumango naman ako sa kaniya. "Yep. Wish me luck." I chuckled.

Kita kong napatigil siya at namula.

"Nako Doc, ngayon alam ko na kung bakit andaming usapin tungkol sa napapaamo mo lahat ng mga nagiging pasyente mo sa hospital na pinanggalingan mo." Komento ng isa pang nurse.

"Nako kung hindi pa umamo ang isang 'yon sa isang anghel, ewan ko na lang talaga."

Kahit hiyang hiya na ako sa mga sinabi nila ay nanatili naman ang pakikisama ko sa kanila. Dagdag pa na naaaliw ako sa mga ito dahil sa kabibohan nila. Naalala ko tuloy 'yong mga nurse na katrabaho ko sa dating hospital.

"Kung kailangan niyo po ng tulong..." Panimula ng lalaking nurse na mukhang nahihiya talaga dahil din sa kantyaw ng mga kasama nito. "Tawagin niyo lang ho ako."

Lalo namang lumakas ang asaran nila na nakapagpatawa sa akin.

"Iba 'to. Hoy pare parehas tayo ng trabaho tas ikaw lang tatawagin ni Doc?" Hirit ng Isa sa kanila na lalong nagpatawa sa amin.

"Doc sigaw lang daw kayo ng Nesson, pupunta na yan agad sa inyo." Asar pa ng isa.

"Tumigil nga kayo. Papaepal nanaman kayo eh." Saway ng lalaking nurse, na si Nesson, sa mga kasamahan niya.

"Nako Doc, may boyfriend po ba kayo?" Biglang tanong ng babaeng nurse.

I chuckled. "Boyfriend talaga?"

She got taken aback. "Oh my--- sorry po akala ko po kasi..."

Ngumiti naman ako dito. "I don't have any relationship with someone. Yet."

"Speaking of boyfriend." Singit ng isa. "Kung hindi lang nambubugbog si Sir Cypher, jojowain ko talaga ang isang 'yon." Kilig na sabi nito.

"Huwag mo na pangarapin." Asar ng mga lalake.

"Hoy, 'di hamak na 100x better yun kesa sa inyo noh. Huwag lang natin isama 'yong kondisyon niya pero ang hot kaya niya."

"Kaya nga hindi na ako magtataka na nahumaling sa kaniya yong unang doktora na humawak sa kaniya eh."

"Kung may pagkakataon nga rin ako."

"Mandiri kayo."

"Aba aba!"

"Hindi kayo papatulan no'n!"

At naghiritan pa sila na naghiritan hanggang sa natatawa na lang ako sa mga pinaguusapan nila.

Tuloy lang ang pakikipag-usap namin hanggang sa may lumapit sa aming isang nurse at sinabing pinapatawag na raw ako nila Dr. Herman. Nagpaalam na ako sa kanila bago nagtungo sa opisina ng Doctor.

"If you need assistance, I can call the securities and nurses to---"

"Hindi na po kailangan." Putol ko sa sasabihin ni Dr. Herman. "Well, hindi pa po siguro." He raised an eyebrow and have a confused look. "Hindi mo na kailangan?" Tanong nito sa sinabi ko na parang naniniguro siya kung tama ba ang narinig niya.

I nodded. "Kaya ko na ho. May nakahanda po akong mga plano."

He seemed to be shocked and amuse at my answer and confidence. "Are you sure? We don't want to risk your safety here at the hospital." With worriness in his tone.

I smiled. "I will be fine and get back in one piece." I assured him.

He sighed. "If you said so Dr. Elli. Pero ipapabantay ko ang CCTV banda sa kwarto niya."

Tumango lamang ako at tinanong kung saan ba ang kwarto ni Cypher. Agad naman niyang sinabi sa akin ang direksyon, binigyan pa ako nito ng listahan ng floor at room ng pasyente. Tsaka pa ako sinabihan ng 'good luck'.

Yeah, I strongly believe at lucks and I hope it works in this situation.

Sa mga unang kwarto na nadadaanan ko ay halos magkakasunod lang ang mga ito hanggang sa tanging mahabang hallway na lang  ang nakikita ko. Tinignan ko muli ang floor at room number na binigay sa akin ni Dr. Herman, nasa tamang palapag naman ako pero hindi ko pa nakikita ang kwartong papatunguan ko. Mga ilang minuto ng paglalakad ay nakarating na ako sa pinakadulo at doon ko na rin nakita ang kwarto.

Pinagmasdan ko naman 'yong pintuan at tinitigan ang numero nito. Napabuntong hininga ako nang tanggapin na ng isipan ko na nandito na nga talaga ako. Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang may kalakihang glass window doon. It's a bulletproof glass kaya kung balakin mang sirain iyon ng pasyente ay hindi siya magtatagumpay agad agad. Kagat labi akong lumapit doon para tignan ang magiging pasyente ko.

Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko dito. Marami na ako nahawakang mga pasyente, at oo alam kong bayolente rin ang iba pero hindi pa ako kinakabahan ng ganito. Siguro nga ay dahil sa maraming doctor ang humawak dito hanggang sa ako naman ang ipapalapa nila.

I squinted my eyes when I got in front of the glass window. Madilim ang loob ng kwarto nito at hindi ko masyado makita ang loob. Saktong paglapit ko pa ay bumukas ang ilaw nito at muntikan pa ako mapasigaw sa gulat nang may kaharap akong dibdib, I mean tao. Tinignan ko ang kamay nito sa gilid na may hawak na parang remote? Iyon siguro ang switch ng ilaw. Inangat ko ang tingin ko. And I saw a pair of stormy gray eyes, white hair, strong features, plump lips...

I held my breath and looked at the person in awe.

He's beautiful.

How can this be a beast?

I blinked as he smirked at me. He leaned down so that our faces will be in level. Tinitigan naman niya ako at ganoon din ang ginawa ko. Tumingin pa siya sa paligid ko para tignan siguro kung may kasama ako. Then he get his attention back at my face. He bit his lip which made me gasped. Damn it why do I find it... sexy? And when do I find other people sexy? Oo nagagandahan o nagwagwapuhan ako sa ibang mga tao pero never akong naattract sa mga 'yon...

Argh! No no no no, he's your patient, Elli. Calm your nerves down!

I gulped and breath slowly to calm down. Pinikit ko pa saglit ang mga mata ko para tuluyan talagang ikalma ang puso ko na lalong bumilis ang pagtibok. Nang sa tingin ko ay umayos na ang pakiramdam ko, dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at agad ding nabelawa ang pagpapakalma sa sarili nang makita ko na sobrang lapit na niya sa akin. Halos magkadikit na kami sa isa't isa kung wala lang salamin na nakaharang. He looked at me through his white locks. I saw how his eyes explore my whole face which made me conscious for a moment. Then he stopped at my lips. I felt my face turned red for some reason and unconsciously licked my lower lip. Even though I can't hear anything inside, I saw him growled which made me... turn on?

Lumayo na ako sa pwesto ko pero dahan dahang pag-atras lang iyon para hindi niya isipin na natatakot ako sa kaniya. He might conclude that I'm one of those submissive doctor. Kahit na ganiyan siya kagwapo, hindi ko siya aatrasan. Wait anong connect? Nevermind, basta 'yon.

Tumayo naman siya nang maayos at tinaasan ako ng kilay. He looked at me from head to toe. I gasped when he also licked his lower lip, but like a hungry beast. Nang makita niya ang reaction ko ay tumawa ito ng tumawa. It seems an evil laugh, pero bakit mas gumagwapo---

Okay I need to stop.

Napasimangot ako sa ayos nito. Naka-sweatshorts at white shirt lamang siya. Akala mo nga ay nasa bahay siya at hindi sa mental hospital.

Tinignan ko lang siya hanggang sa huminto na siya sa pagtawa. Then he looked straight at me again with a teasing smile on his lips. Marahan niya akong tinuro tsaka nito tinuro ang sarili. Kasabay no'n ay may sinabi siya ngunit hindi ko nga ito narinig.

I looked at him for a few seconds before turning my back at him. Nang medyo makalayo layo na ako ay lalo ko na binilisan ang paglakad at nanlalaki pa ang mga mata ko dahil kahit hindi ko narinig ang sinabi niya, nabasa ko naman iyon sa mga labi niya. Napapikit na lamang ako saglit at napailing.

Mon lapin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status