Agad na nilapitan ni Nahara si Rain. Saka lang niya napagtantong pawis na pawis ang noo nito at inaapoy pa ng lagnat ang lalaki. Pinunasan niya ang noo nito gamit ang kanyang kamay bago luminga sa paligid subalit halos wala na siyang makita dahil sa sobrang dilim. Tanging ang liwanag na nagmumula sa apoy na lang ang makikita sa buong gubat.Napatingin siya kay Rain na may mga katagang ibinubulong subalit hindi naman niya maintindihan kung ano. Hinaplos niya ang pisngi nito. Kahit sa sitwasyon nila ngayon, hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong kagwapuhan. Partida, ang dungis na nilang dalawa. Siya siguro mukhang aswang na pero ito, animo mukhang artista parin.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "Sana lang makalabas na tayo dito ng ligtas… O kahit ikaw na lang. May buhay kang maiiwan kapag hindi ka nakauwi…hindi gaya ko na wala namang babalikan pa sa syudad," malungkot niyang usal.Muli itong umungol at nangunot pa ang noo. Ilang sandali pa niyang pinagmasdan
Nasa ospital na ng magising si Nahara. Inilibot niya ang tingin sa buong silid at namataan ang lalaki na kumarga sa kanya sa gubat na mukhang siyang nagbabantay sa kanya. Sinubukan niyang gumalaw subalit agad din siyang napangiwi nang maramdaman ang labis na pananakit ng buo niyang katawan."T—tubig…" Namamaos niyang bigkas.Mabilis namang tumayo si Isaac at agad siyang nilapitan na may dalang isang basong tubig na may straw. Marahan siya nitong tinulungang makabangon."How do you feel?" Maya maya'y tanong nito.Tipid siyang ngumiti sa lalaki. "M—medyo ayos na po," mahina niyang tugon bago muling sinuyod ng tingin ang paligid. "Si Sir Rain po?"Huminga ng malalim ang lalaking kaharap niya bago sumandal sa upuan nito. "He's luckily fine now after his surgery."Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Naalala niyang nawalan na talaga ito ng malay habang lulan sila ng helicopter kanina. Siguro dahil sa dami ng dugong nawala dito kaya tuluyan itong nanghina. "P—pwede ko ba siyang makita?" A
Rain woke up and was greeted by an all white ceiling. He blinked a couple of times para sanayin ang kanyang mga mata sa liwanag. Fúck! He's so fúcking sure that he's in the hospital alive dahil sigurado naman siyang hindi siya tatanggapin sa langit. Tangína! Papatayin niya talaga si Mattias kapag nahuli niya ito! He tried to move his body but a hand forbade him to do so."Stop moving Rain. Baka bumuka ang tahi ng mga sugat mo," Ani ng isang pamilyar na boses.Nang lumingon siya sa kanyang gilid, he saw Julie with a teary eyed reaction. Tinanguan niya ito at muling ibinaling ang tingin sa kisame. He was so damn frustrated upon realizing he got five gunshot wounds and he's going to rest for a while. Fúck! So fúcking damn annoying situation!"I'm gonna call Raven to check on you, okay? Just wait for me here…" paalam ng babae.Narinig niya ang pagsara ng pinto at maya maya lang ay muli na itong pumasok kasama si Raven at ilan pang nurses."Hey bud! Glad you're finally awake!" Masaya niton
Hindi nakagalaw ang tatlong lalaking nakapaligid sa kanya habang ang estranghero ay naglalakad palapit sa kinaroroonan nila. The guy had a bluish gray eyes. Napakurap kurap siya. Parang lagi na lang yata siyang nakakita ng banyaga simula ng mapalapit siya kay Rain."Diba sinabi ko na sa inyo na magbagong buhay na kayo?" Anito pagkarating sa harapan niya.Napalingon siya sa tatlo at nakitang ilang beses na napalunok ang mga ito at halata ang takot sa mga mata. Mas lalo tuloy siyang nacurious kung sino ang lalaking bagong dating."B—boss… P—pasensya na po—""Hmm…" The man cut them of at sinabayan pa ng ilang beses na pag-iling. "Maling tao yang pinagpaplanuhan ninyong galawin," kaswal nitong sambit bago dumako ang tingin sa likuran nila.Sinundan niya ng kanyang mga mata ang tinitingnan nito at bahagya pa siyang napasinghap nang mamataan ang pamilyar na mukha ng bodyguard ni Rain—si Calder. At hindi ito nag-iisa."Privet, Mr.Romanov…" bati ni Calder dito na tinanguan naman ng lalaki. (P
"Nauuhaw ako."Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa at mabilis na kinuha ang baso na may lamang tubig sa mesa na nasa tabi ni Rain at iniabot iyon sa lalaki."Straw…"Inilinga niya ang tingin sa paligid para hanapin ang straw. Mabuti na lang at agad niya iyong nakita sa tabi lang din ng baso. Mataman niyang tiningnan si Rain na uminom ng tubig subalit maya-maya lang ay napangiwi ito at napailing."Gusto ko ng malamig," masungit nitong sambit at padaskol na inabot sa kanya ang baso."S—sorry po," aniya bago nagpunta sa dispenser para kumuha ng malamig na tubig.Mabilis siyang naglakad pabalik sa kinahihigaan ni Rain kahit na paika-ika siya dahil sa sugat niya sa paa. Tinanggap nitong muli ang baso at sumipsip doon pero hindi rin nagtagal ay nakasimangot nitong ibinalik ang baso sa kanya."This is too cold…"Napakamot siya ng noo bago tinanggap ang baso at bumalik sa dispenser. Sinigurado niyang tama lang ang temperatura ng tubig bago bumalik sa kama ni Rain. Hindi nakaligtas s
"May hindi ka ba sinasabi sakin?" Natigil si Nahara sa pag-aayos ng kumot ni Rain at dahan-dahang nag-angat ng tingin. Matamang nakatitig sa kanya ang lalaki na may bahid ng pagdududa sa mga mata nito habang parang pinag-aaralan ang mga kilos niya. Tipid siyang ngumiti bago umiling. Nangako siya kay Damian na hindi siya magsasalita kaya tutuparin niya iyon kahit na parte lamang ito ng katauhan ni Rain."Wala po Sir. M—may problema po ba?" Kinakabahan niyang tanong.Ilang segundong nanatiling nakatitig sa kanya si Rain bago umiling. "Nothing, I just felt like I did something or something happened without me knowing," tila naguguluhan nitong ani. "I felt like you're lying to me.""Baka nananaginip po kayo, Sir. Nakatulog pa kayo kanina, diba?"Rain stared at her again bago tumingin sa kawalan. Lihim siyang napakagat labi habang nakamasid sa reaksyon nito. Matapos nitong makatulog kanina, bumalik na ang lalaki sa dati nang magising ito. Mukhang si Rain nga ang totoo sa kanilang lahat."
Bumuka ang kanyang bibig para magsalita subalit nabitin siya sa ere nang biglang lumitaw si Calder sa dining room."Sorry for the interruption, Sire but Miss Julie Casimero is here and she's looking for you," anunsyo ng lalaki.Muli niyang ibinalik ang tingin kay Rain na nakatitig pa rin pala sa kanya. Umangat ang sulok ng labi nito na ikinaasiwa niya. "Saved by the bell," mapaglaro nitong sambit bago ibinaling ang atensyon kay Calder. "Bring her here."Tumango si Calder at lumabas na ng dining area. Naiwan naman silang dalawa ni Rain sa mesa habang nasa kanya parin ang mga mata nito. Nakakailang ang titig nitong parang tumatagos sa kaluluwa niya."We'll talk again nextime Nahara. And give me an interesting answer to entertain me…" Nakangiti nitong ani.Marahan siyang tumango bilang tugon. Ilang segundo lang ang lumipas, nakarinig na siya ng tunog ng takong ng sapatos at hindi nagtagal, lumitaw na sa harapan nila ang isang pamilyar at magandang babae—si Julie. Hindi nakaligtas sa pani
Julie stood up when Rain didn't answer her. She throw him one last look bago niya dinampot ang kanyang bag at lumabas ng dining room. She stops and turns her back. Rain stayed on his seat without moving. Maybe he's reminiscing about his past with that fool Eris. Napailing siya at nagtuloy na sa labas.She roamed her eyes around Rain's mansion. Aside from the guards around, she saw a familiar woman staring at her direction from up above. Humigpit ang kapit niya sa kanyang key fob na dala. Inirapan niya ito bago nagtuloy sa loob ng kanyang sasakyan.Hinugot niya ang kanyang cellphone at idinial ang numero ng taong alam niyang makakatulong sa kanya para paalisin si Nahara sa buhay ni Rain. Seconds later, the other line answered. "Give me all the information you can dig up about Nahara Ramirez. I want everything, even the tiniest thing, do you understand?" Maawtoridad niyang wika."Yes, Ma'am."Nakangiti niyang ibinaba ang kanyang cellphone at nagpakawala ng hangin. One of these days, sh