Share

12.Love conquers all

VIOLET POV

Dalawang araw na mula nang ikulong ako rito, hindi ko malaman kung ano talaga ang binabalak ng Alpha sa akin. Laging may kausap sa cellphone ang mga lalaking nagbabantay sa akin. Naulinigan kong parating na ang isa sa mga founder ng grupo kaya kinakabahan ako, paano kung pati si Alex ay pinatay na rin nila? Siguradong hinahanap rin siya ng mga ito.

Hindi ako nagkamali, mamaya pa ay narinig ko ang mga ugong ng sasakyang palapit.

Bahagya akong sumiksik sa gilid. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay tinakasan na yata ako ng tapang, o sadyang wala lang akong lakas dahil halos dalawang beses pa lamang akong kumakain mula nang dalhin ako sa lugar na ito.

"Lucy!" malakas na bulyaw ng isa sa mga nagbabantay sa amin saka lumapit at pahablot akong itinayo. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod lang sa agos. Nanghihina ako at masakit na rin ang katawan ko dahil sa pagkakatali ng mga kamay at paa ko.

"Kakausapin ka ni boss!" aniyang kinaladkad ako palabas ng bodega. Nasilaw ako sa li
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status