Share

'Di ba siya ang Mahal mo?
'Di ba siya ang Mahal mo?
Author: Lachikta

PROLOGUE

NAKANGITI habang kumakaway si Rosalia sa kanyang Ama't ina na nagtatanim ng mga palay sa kanilang bukirin. Simple lamang ang kanilang pamumuhay sa kanilang probinsiya sa Albay. Hindi niya akalain na may magmamahal sa kaniya na parang isa siyang tunay na anak ng mga ito.

"Inay! Itay! Kakain na po!" sigaw ni Rosalia habang inaayos ang mga plato at mga kakainin sa lamesa na nasa kubo. 

Ampon lamang si Rosalia nina Cerio at Lecia. Hindi niya alam kung sino ang totoo niyang mga magulang, tanging ang necklace na nakaukit ang mayon lamang ang iniwan sa kanya ng totoo niyang mga magulang, na may nakasulat na magayon sa likod nito at ang pangalan niya. Pero kahit na iniwan siya ng totoo niyang mga magulang, ay hindi siya nagsisisi dahil sa mag-asawa na umampon at nagmahal sa kanya ng lubos. 

Nang matapos si Rosalia sa paga-ayos ng mga plato sa hapag-kainan, tumayo siya at tumingin kung saan naroroon ang kanyang mga magulang. Kasikatan ng araw ngayon sa kanilang bukirin, sariwa ang hangin kung kaya't tamang-tama na sila ay nagtatanim. Kumaway siya ng magtama ang tingin nila ng kanyang Ina't Ama. 

"Rosalia," tawag sa kanya ni Annie na kasing edad niya lang. "May naghahanap sa 'yo sa labas." aniya ng babae at ngumiti. 

Napatigil si Rosalia sa pag kaway at takang humarap ng diretso kay Annie. "Bakit? Sino raw?" tanong niya. 

"Hindi nagpakilala," napakibit balikat naman si Annie at ngumisi sa kanya. "Pero alam mo, Rosalia... Mayaman at gwapo! Kaya sige na! Puntahan mo na." Itinulak niya si Rosalia paakyat ng kalsada para puntahan ang naghahanap sa kanya. 

"T-teka saglit," hindi nagpapigil si Annie na siya ay tulakin habang paulit-ulit niya itong sinasabihan. "Nakakahiya, teka-"

"Hi," pagpapakilala sa kanya ng lalaking matangkad at nakasuot ng tuxedo, pagkarating nila sa kalsada. "You're Rosalia?" tanong sa kanya ng lalaki at inabot sa kay Rosalia ang bulaklak na hawak nito. "I'm Vion. Flowers for you."

Umayos ng tayo si Rosalia at pilit ang ngiting kinuha sa kamay ng lalaki ang bulaklak na binibigay sa kaniya. "Salamat..." aniya at nginitian ang lalaki. "Oo. Ako si Rosalia," saad niya at inabot ang kamay sa lalaki para makipagkamay. "Anong kailangan mo? At ano nga pala ang iyong pangalan?" mahinahon niyang tanong. 

Hindi sinagot ni Vion ang tanong sa kaniya ni Rosalia, nang biglang may lumabas mula sa dala nitong sasakyan na isang lalaki na kapareho ng kaniyang suot, at inabot ang envelop sa kaniya. Muling pumasok sa loob ng sasakyan ang lalaki pagkabigay ng envelope kay Vion. Inilagay ni Vion ang kaliwang kamay niya sa bulsa at inilahad ang kamay na may hawak ng envelop sa harap ni Rosalia. 

"Here," aniya. Pilit na kinuha iyon ni Rosalia at pinahawak ang bulaklak kay Annie na katabi niya. Saka ito binuksan. "That's our contract marriage-"

"Contract marriage?!" sigaw ni Annie at hinigit palikod sa kanya si Rosalia na hindi makaimik at tila naguguluhan sa mga nangyayari. "Ang sabi mo sa kin ay liligawan mo lang ang kaibigan ko. Bakit napunta ka sa contract marriage na iyan, ha?!" inis niyang wika sa lalaki habang nakapamewang. 

"Annie," tawag ni Rosalia at humawak sa braso nito, pinipigilan. "Tama na 'yan." Panga-awat ni Rosalia kay Annie, pero hindi ito nakikinig sa kanya nang itaas pa nito ang manggas ng suot niyang t-shirt. 

"I don't understand you, Miss. Anyway, let me explain first..." ani ni Vion. "The contract marriage is an agreement signed by my wife, my Rosalia, before our marriage." Pagpapaliwanag nito. 

"Aram mo? Nagsayang ka lang ng laway." ani ni Annie. "Dadaan ka muna kay Mang Cerio, Kuya. Nako! May itak pa naman 'yon." Pananakot ni Annie kay Vion. Napaatras siya ng higitin ni Rosalia ang damit niya mula sa likuran. 

"Ako na ang kakausap, Annie," mahinahong wika ni Rosalia at ngumiti ito kay Annie. "Bumalik ka na sa kubo, naroon na sina Inay at Itay. Pakisabi na may kakausapin lang ako." Pagbibilin ni Rosalia. Nang makaalis si Annie ay muli siyang humarp sa lalaki ng nakangisi. 

Sa totoo lang ay hindi alam ni Rosalia ung ano ang sasabihin niya sa lalaki. Una, hindi siya marunong sa pakikipagkwentuhan ng sila lamang dalawa, pangalawa,  ay hindi siya marunong mag-english. At ang pangatlo, hindi niya gusto na may nag-a-alok sa kaniya ng biglaan, at 'yon ay ang makuha ang kanyang puso. 

"Sign it, Rosalia, so I can take that to our attorney," ani ni Vion sa kanya. Inaayos nito ang kaniyang suot na tuxedo. "Here's the pen-"

"Pasensiya ka na..." putol ni Rosalia. Kinuha niya ang kamay ni Vion at binalik nito ang envelope sa kamay niya. "Hindi ko magagawa ang gusto mo, Vion." aniya. Huminga siya ng malalim at nakangising tumingin sa lalaki. "Hindi minamadali ang lahat, lalo pa't hindi kita kilala. Sana naiintindihan mo 'ko." mahinahon niyang wika. 

Nanatiling nakatitig ng seryoso sa mga mata ni Rosalia si Vion. Hindi ginusto ni Rosalia na hindi niya tanggapin ang alak nito dahil sa magka-iba ang estado nila sa buhay. Simple lamang ang gusto niya sa isang lalaki, ang marespeto. 

"Ok," ani ni Vion. Inangat nito ang kamay niya na hawak ang envelope. "Just make sure na hindi mo pagsisisihan ang ginawa mong desisyon." saad niya. Ngumiti ito kay Rosalia at binuksan ang pintuan ng kotse, at pumasok. 

Huminga ng malalim si Rosalia bago ito bumalik sa kubo nila para kumain. Pagkabalik niya ay napatigil siya sa paglalakad ng makita niya na ang lahat ng mga tao na kasama nila sa bukid ay tinitignan ang bulaklak na hawak ni Annie. Rinig rin niya sa bawat kwento ni Annie ang lalaking kanina nilang nakausap. Napangisi na lang si Rosalia sa naging reaksyon nila. 

"Oh, Rosalia," tawag sa kaniya ng kanyang Ina kasabay ng paglingon ng mga tao sa kanya. Nilapitan siya ng kanyang Ina at pagkalapit nito ay nakangisi ito at parang may hinahanap. "Nasaan ang kausap mo, Lia?" tanong nito sa kaniya. 

"Wala po, Inay..." Inalalayan niya ang kanyang Ina papunta sa kanilang kubo. "May inalok po sa akin yung lalaki, saka mayaman po, Inay." pagpapaliwanag niya. 

Nagtinginan sa kanya ang mga nasa tabi ni Annie, ng nakangisi. Lumapit siya kay Annie at kinuha ang bulaklak na binigay sa kaniya at umupo sa tabi ni Aling Marvie, ang matalik na kaibigan ng kanyang Ina. Hindi ito ang unang beses na may nagtangka sa kaniya na pakasalan siya o kaya naman ligawan, dahil hindi niya pa gustong umibig lalo na't sa isang mayaman pa. Imposible. 

"Nadiyan lang pala kayong lahat," napalingon si Rosalia sa kanyang ama na kakarating lang at nagpupunas ng pawis. "Bakit kayo ganyan makatingin? Anong mayroon?" Napatingin siya sa hawak ni Rosalia na bulaklak at makahulugan itong tumingin kay Rosalia. 

"Kanino galing 'yan?" seryosong tanong nito. 

Tumayo si Rosalia at humawak sa braso ng kanyang ama. "Bigay ng lalaking pumunta rito, Itay." Gustohin man niyang h'wag nang sabihin, ngunit hindi siya makakampante na may tinatago siya sa kanyang mga magulang. Binigay niya ang bulaklak kay Annie at muling humarap sa kanyang ama nang nakangiti. "H'wag kayong mag-alala, Inay, Itay. Sasabihin ko sa inyo pag nagka-boyfriend na 'ko." pagpapaalala niya. 

Biglang napaubo ang kanyang ama dahil sa sinabi niya. Tumingin ito sa kaniya. "Sa akin unang dadaan ang mga manliligaw sayo o kaya mapapangasawa," pananakot nitong wika. "Kahit ako'y pumanaw ng maaga, hindi siya makakalusot sa akin." 

"Susmiyo, Cerio! H'wag kang magbibiro ng ganiyan," iritableng sabi ng ina ni Rosalia. "Mabuti pa, kumain na tayo. Marami pa tayong itatanim." kinuha niya ang plato at binigyan isa-isa sina Annie, Marvie at iba pa nilang mga kasama. "Umupo na, tabi kamo... Kung hindi kayo uupo ay magagalit si Rosalia. Siya ang nagluto ng ulam." galak nitong wika. 

"Marunong ka niyan?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Annie nang tumingin ito kay Rosalia. 

Kumuha siya ng plato at kumuha ng ulam na Bicol express na niluto ni Rosalia. 

Napatawa ang lahat ng mga kasamahan nila sa kaniya ng sunod-sunod ang kain nito sa ulam. 

"Kumain na rin po kayo," alok ni Rosalia sa mga kasama nila, at umupo sa tabi ng Ina niya. Kahit na simple lamang ang kanilang pamumuhay ay hindi nito matutumbasan ang pagmamahal ng mga tao na nasa paligid nila. 

"Itay, kumain po ng marami katulad ng kay Inay." nakangising sabi niya sa kan'yang ama na nagsasandok ng kanin. 

"Mang Cerio," napalingon si Rosalia at ang iba pa nilang kasamahan sa dumating na si Reon, isa sa nanliligaw kay Rosalia. Kaagad nitong hinanap si Rosalia. "Hi, Rosalia!" masigla nitong bati sa kanya saka kumaway.

Galing sa mayaman na pamilya si Reon, malapit rin sa mga magulang ni Rosalia at sa tuwing nagpapadala ang ama nito ng mga pasalubong galing sa ibang bansa, una niyang binibigyan ang magulang ni Rosalia.  

"Hoy!"

Gulantang na napaurong si Reon sa tabi ng ama ni Rosalia nang sigawan siya ni Annie sa tainga. "Kanina ka pa tinatanong ni Mang Cerio. Ano raw ba kailangan mo?" kita sa mukha nito ang mapang-asar habang nakatingin kay Raven. 

"Bakit ka ba nasigaw?!" iritableng sigaw ni Reon at napakapit sa braso ni Mang Cerio, na muntikan ng mahulog ang plato na hawak. "Saka ubusin mo nga muna 'yang nasa bibig mo bago ka magsalita! Piggy." inagaw nito ang plato ni Annie at nilapag sa lamesa, kumuha siya ng baso na may lamang tubig at inabot iyon kay Annie. "Here, drink. Kailangan mo 'yang ubusin, para akin na 'yung pagkain mo." 

"Kayo talaga. Kumain na nga lang kayo." awat sa kanila ng ama ni Rosalia. Binatukan ni Annie si Reon ng magpatuloy ito sa pagtawa habang siya ay naimon ng tubig. Nang hindi sila tumigil ay pumagitna na ang ama ni Rosalia sa kanila. 

"Itay, tama na 'yan," ani ni Rosalia sa kanila habang nakain. "Hayaan niyo na sila at baka sila pa ang magkatuluyan sa huli." pagbibiro niya. Sabay na naitulak ng dalawa ang ama ni Rosalia nang magulat sila sa sinabi nito. Napatawa naman ang Ama niya saka kinuha ang plato at nagsimulang kumain ng nakatayo.

Habang ang lahat ay salo-salo na nakain ay biglang dumating ang kasamahan nila na nagtatrabaho sa bukid at may inabot sa kanyang Ama na pera at sa ibang kasamahan nila. 

Tanging ang yaman ng bukid na lang ang bumubuhay sa kanila, kahit na maliit ang kinikita ay sumasakto pa rin sa kanila 'yon sa isang buwan. 

"Kain, Iloy." alok ng ina ni Rosalia, pagkarating ni Mang Iloy. 

"Salamat..." saad niya. Tinapik niya ang balikat ni Reon at binati ang iba pa nilang kasama at muling tumingin kay Mang Cerio. "Malaki ang kinita natin ngayong buwan," aniya. "Siya nga pala baka gusto ninyong sumama bukas ng umaga sa Daraga, may magandang pasyalan doon." aya niya. 

Sabay na napatayo si Rosalia at Annie dahil sa kanilang narinig. Matagal na nilang planong pumuntang muli sa Daraga, pero hindi sila makaalis dahil sa kanilang trabaho sa bukid. 

Ang lahat ay nagsang-ayon sa sinabi ni Mang Iloy. Sa tuwing sila ay nasahod, ang lahat sa kanila ay nagababalak na mamasyal at ang mahilig na mag-aya sa kanila ay si Mang Iloy. 

"Sasama po kami!" galak na sigaw ni Rosalia. Nilapag nito ang pinagkainan niya sa lamesa at lumapit sa Ama niya. "Payag ka naman, 'di ba, Itay?" tanong niya sa kan'yang Ama. Nang hindi ito umimik ay nilapitan niya si Annie at hinigit si Reon sa tabi nila, at kumapit sa magkabilang braso ng dalawa. "Hindi kami magsasayang ng pera, Itay. Saka may ipon po kami para dyan." galak nitong wika. 

Sa lahat ng lugar na napuntahan niya, tanging ang Mayon ang nagustuhan niya. Lalo na't sa lapit nito sa tuwing sila ay pumupunta roon ay lagi niyang tinatanggal ang kanyang kwintas at tinatapat iyon sa Mayon para mahalin tulad ang hugis nito.

"Anong oras?" tanong ng kanyang ama kay Mang Iloy. Napangiti naman si Rosalia at tumingin kay Annie na abot tainga ang tuwa. "Puntahan na lang kita sa inyo."

Napabuntong-hininga na lang si Reon dahil sa naging reaksyon nila. Umalis ito sa pagkaka-akbay ni Rosalia at gumitna sa dalawa na siya na ngayon ang nakaakbay.

"Kung sino ang huling magising bukas ng umaga, siya ang manlilibre, ha?" Sabay na napatingin sa kaniya sina Annie at Rosalia at maya-maya pa ay sabay na ang dalawang tumawa. 

"Ano ka ba naman, Reon," natatawang sambit ni Rosalia. "Alam naman natin kung sino ang huli sa 'ting tatlo magising..." hindi alam ni Rosalia kung titigil na siya sa pag tawa ng makita niya ang itsura ni Reon na naging seryoso. "Pero sige, kung sino ang mahuli bukas." 

Kinabukasan ay maagang nagising si Rosalia para maghain ng almusal. Pagkabangon niya ay nilagay niya sa kama ang bag na gagamitin niya at kumuha sa kanyang drawer ng susuotin nang sabihin sa kanila na magsu-swimming.

Sandong puti, balabal at paldang brown ang kinuha niya para hindi gaanong mainit na suotin. Saglit lamang na naligo si Rosalia at nagmamadaling lumabas ng CR para magluto. 

"Ang aga mo ata magising Rosalia," bati sa kanya ng kanyang Ina na kakagising lamang. Kumuha ito ng baso at nagtimpla ng kape. "Ano ba 'yang niluluto mo?" tanong ni Aling Celia at binuksan ang pintuan sa kanilang kusina at umupo sa upuan.

"Saglit na lang po ito, Inay," masigla niyang wika. Nang matapos ay nilagay niya na sa lamesa ang kanyang nilutong ulam. Kasabay ang paglabas ng kanyang Ama sa kwarto at umupo sa isa pang upuan. "Oh, aalis na agad kayo, Itay?" takang tanong niya ng makita niya na nakabihis na ito na pang-alis.

"Oo, Rosalia." saad ni Mang Lerio. "Susundin kayo rito ni Reon, ha? Paparating na rin 'yon." aniya.

Tumayo ito at nagtungo sa kanilang posohan sa labas at naghilamos, pagkatapos ay kumaway sa kanila at umalis. 

"Ingat kayo, Itay!" sigaw niya sa kan'yang ama habang kumakaway. Gulat naman siya napatitig sa kung sinong nakasalubong ng kanyang Ama palabas. "Ang aga ata nito." bulong niya sa sarili. 

"Sinong maaga, Rosalia?" Napatayo ang kanyang Ina habang hawak ang baso na may kape at dumungaw rin sa labas. "Oh, ang aga mo, Iho." aniya kay Raven ng hindi pa ito nakakalapit sa kanila. 

"Inay!" magsiglang bati ni Reon at nagmano sa kanyang ina. Tumingin naman ito kay Rosalia sabay kindat. "Kailangan na po nating umalis. May Celebration raw na magaganap sa Daraga, kaya kailangan maaga tayo makapunta." pagpapaliwanag nito. 

"Ay, saglit lang," dali-daling tumakbo si Rosalia papunta sa kanyang kwarto at kinuha ang mga dadalhin niya. "Inay! Nasaan po ang mga dadalhin ninyo?!" sigaw niya. 

"Kunin mo na lang sa loob ng kwarto namin ng Itay mo, anak!" sigaw ng kanyang Ina. Kaagad naman siyang nagtungo sa kabilang kwarto at kinuha ang bag na nakapatong sa higaan. 

"Ok na po!" masigla niyang sabi pagkakuha niya ng mga gamit. 

Ilang oras ang naging byahe nila hanggang sa makarating sila sa Daraga. Nang makarating, ay agad na inakyat ni Rosalia ang mga bato kung saan tanaw na tanaw ang Mayon. Nakangiting pinakatitigan ni Rosalia ang kabuoan ng Mayon kasabay ng sariwang hangin.

"Maganda ba?" 

"Sobra..." Lumanghap ng hangin si Rosalia. Alam niyang kay Reon ang boses na iyon na nanggagaling sa likod niya. 

"Mas maganda ka..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status