Share

KABANATA 11

Tirik ang araw at bilad na bilad kami ngayon dito. Paano ba naman ay unang bungad pa lang sa akin ni Zander pagkagising ko ng umaga ay hinatak na niya ako dito sa farm. Nandito kami ngayon sa kulungan ng baka at hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong gawin dito.

Nakasimangot akong sumunod kay Zander ng utusan niya akong magsuot ng isang pares ng bota. I'm also wearing a pants and longsleeves so I look like a cowgirl na mukhang hindi.

Mas lalo pang kinainis ko dahil ang buong magkakapatid ang narito so I am surrounded by five adonis. 

"Grab your gloves," utos sa akin ni Zander na kinataka ko.

Napatingin ako sa magkakapatid na nagsusuot din ng gloves kaya sumunod na lang ako kahit gulong-gulo ako sa gagawin ko.

"Hey beauty!" bati sa akin ni Matias at nagawa pa talagang dumikit sa akin. Mataray ko siyang inirapan at lumayo sa kanya.

"That's rude." Rinig ko pang sabi niya at hindi na ako nagtaka ng makitang sumusunod nanaman siya sa akin.

Mataray ko siyang tinignan. "Ano nanaman ba?"

"Alam mo kung anong gagawin natin?" tanong niya.

Umiling ako. "Ano bang trip ng kuya mo at sinama ako dito?"

Ngising tumingin siya sa akin. "Ayaw niya kasing mawala ka sa paningin niya."

Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Wala kang kwentang kausap," sabi ko sabay alis.

Muli nanaman siyang sumunod. "Ako Matias Jose ay huwag mong maloko-loko dahil wala ako sa mood."

"Chill, ito naman kaya ka nagkaka-wrinkles e."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad na napakapa sa aking noo. "Really?" Ayaw ko pa naman sa lahat ay malukot ang balat ko. Having wrinkles at my age is a big no-no.

Biglang naman itong natawa kaya natigilan ako. Pigil ang inis na inalis ko ang aking kamay sa noo ko.

"Look at your face," natatawa niyang sabi. "Nagbibiro lang ako naniwala ka naman."

I inhaled and exhaled bago ko buong pwersang inangat ang aking paa at buong pwersa sinipa siya sa tuhod.

Ang natatawa niyang reaksyon ay napalitan ng ngiwi at gulat na napahawak sa tuhod niya. Napangiwi siya sa sakit at napatalon-talon.

I smirked at him. "Bagay lang sa iyo yan. Buti nga hindi itlog mo ang binasag ko dahil naaawa pa ako sa kinabukasan mo pero kapag inulit mo pa ito ay hindi na ako magdadalawang isip na basagin yan, naiintindihan mo?" banta ko sa kanya.

Halos mapaluhod na ito sa sakit. Tumango-tango naman siya kaya napangiti ako at saka siya nilagpasan.

"K-kuya! She's a savage!" rinig ko pang sigaw niya na ikinalingon ng magkakapatid. 

Nauna kasi iyong apat at busy na nag-uusap kaya hindi nila alam ang nangyari. Nagkibit-balikat naman ako at tuluyan ng lumapit sa apat.

Kunot-noo naman na nakatingin sa akin si Zander at nagtatanong gamit ang kanyang mata.

Umiling ako. "Wala naman akong ginawa, it's his fault anyways." I smiled sweetly at saka lumapit kay Caleb.

Caleb is I think the kind one at masasabi kong matino sa magkakapatid. 

"Hi Caleb, pwedeng malaman kung anong gagawin dito?" I asked him. Mas okay na siya na lang tanungin kaysa sa Zander na iyon paniguradong hangin nanaman ang sasagot sa akin.

He smiled at me. "Zander didn't tell you?" takang tanong niya.

Napanguso ako at tumingin kay Zander na naabutan kong tumingin sa akin. Pasimple ko siyang inirapan at muling bumalik ang tingin kay Caleb sabay ngiti.

"Nope."

Nagtaka ako ng bigla akong inalalayan ni Caleb palapit sa isa sa mga baka. Halos mapatakip ako sa aking ilong ng makaamoy ako ng hindi kanais-nais. Hindi naman mabaho dahil mukhang maintained ang paglilinis dito pero hindi pa rin talaga ako sanay sa mga ganitong amoy. 

I cringe my nose and slightly scratch it. Natigilan ako ng maabutan ko si Caleb na nakatingin sa akin. Nahihiya namang binaba ko ang aking kamay, baka isipin pa niya ang arte ko.

Mukhang nahalata naman niya ang reaksiyon ko at bahagya siyang natawa. 

"Hindi ka siguro sanay sa ganito," sabi niya kaya mabilis akong napailing.

"No! Sanay ako, nangati lang ilong ko," palusot ko.

Iniwas ko ang aking tingin at binaling ito sa mga baka. "So ano nga ang gagawin?"

"Gagatasan ang mga baka," sabi niya.

Napakurap-kurap ako at nagtatanong na tumingin kay Caleb. 

"Wait--ano ulit ang gagawin?" paglilinaw ko baka kasi mali lang iyong nadinig ko.

"It's time to milk the cows. Gagatasan ang mga baka," so I heard it right. Nahalata niyang wala akong alam. "So hindi niya sinabi?"

Itinago ko ang aking pagtitimpi at ngumiti lang sa kanya. "Saglit lang ah," sabi ko sabay punta kay Zander na naghahanda na ngang maggatas ng baka.

"Zander," tawag ko. I don't really care anymore even I've only called his name.

Tumingin naman siya sa akin at bakas sa mata nito ang pagtatanong. Bibig ba ang mata niya?

"Ano ba talaga ang gagawin ko dito?"

"I'm sure Caleb told you."

I sighed. "Are you expecting me to milk the cows o gatasan ang mga baka? I'm a maid here, not a farmer so anong alam ko doon?"

Tinasaan niya ako ng kilay. "Even a celebrity artist do it."

"At paano mo naman nasabi iyan? Did you really see them milk it?"

Tumango siya. "I've watched it on tv. Madali lang naman gawin."

I can't believe this. "Pero bakit nga ako? Bakit hindi ang mga tauhan niyo bakit kailangan kayo pa ang gumawa? You have the workers do that, para saan pa ang binabayad niyo kung kayo rin naman ang gagawa?" I just don't get them.

When I was in Manila and running my own business. All I can do is to manage the business, I mean just run then and let the manager do the others. Even my grandfather, he just sit there and let her employees do the work. 

"Just because we are the boss-the owner doesn't mean that we just sit still while watching them do the work. Tinuruan kami ng magulang namin na maging responsable sa mga ginagawa namin and our workers are also our responsibility. I don't want sit in the corner relaxing habang ang mga ang trabahador ay halos magkanda kuba-kuba na sa trabahao. This is our business so we share the same burden."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa haba ng sinabi niya o dapat ba akong mainis dahil parang pinapatamaan niya ako o sadyang sapul talaga ako sa sinabi niya.

"Well, congrats ang haba ng speech mo pero sa hinaba ng sinabi mo ay wala namang nasagot sa tanong ko."

Lumapit siya sa akin at mataman akong tinignan. Bigla pa akong napaatras ng halos ilapit na niya ang mukha niya sa mukha ko.

"If you cannot do it, just leave. Ano nga naman ang aasahan ko sa iyo," sabi lang niya sabay talikod na sa akin.

Napaamang ako sa sinabi niya. What the hell? Anong gusto niyang iparating? Na walang kapaki-pakinabang sa akin?

Kung alam niya kung ano ang kaya kong gawin sa kanya kapag nakabalik ako sa amin ay baka mahiya pa siya sa akin. I can do anything, he just don't appreciate it.

Inis na nagmartsa ako palayo at bumalik kay Caleb. Akmang magsasalita ng inunahan ko na siya.

I raised my hand. "Huwag mo na akong tanungin kung anong nangyari dahil naiisip ko pa lang ang lalaking iyon ay para na akong sasabog sa galit. Biro mo I just simply asked kung anong ginagawa ko dito, but I felt like he just insulted me dahil sa dami niyang sinabi. He even said kung hindi ko kaya ay umuwi na lang ako, just what the hell? Ang aga-aga niya akong ginising tapos sasabihin niyang umuwi na lang ako? Anong tingin niya sakin?" I bursted out, hindi ko rin napigilan.

"Hmm... so that's what happened," tango-tango niyang sabi na parang naintindihan ang sinabi ko.

"Yeah," I slightly calm downed.

"So shall we start?" tanong niya na medyo nagpangiti sa akin. Atleast he just let me talked and I feel like I just calm down because of him.

"Buti na lang may matino sa inyong magkakapatid," hindi ko napigilang sabihin.

He laughed. "Well, sabi kasi ni nanay sa akin lang daw siya hindi naglihi so naisip niya na iyon ang dahilan kaya ganito ako."

Natawa ako sa kwento niya. "Really? then alam ko na kung saan pinaglihi si Zander."

"Saan?"

"Sa sama ng loob."

"You got it right."  Parehas kaming nagkatinginan at sabay na natawa.

"Mukhang may nabubuong something dito ah." Sabay kami napatingin sa biglang nagsalita.

Nawala ang ngiti sa aking labi at tinarayan si Agosto.

"Huwag mo din akong simulan Agosto dahil baka ikaw naman ang sumunod sa kapatid mo at kinabukasan mo na diretso itong mga paa ko." Inunahan ko na siya.

Nagtaas naman ng kamay si Agosto na parang sumusuko at umatras. "Okay, miss tigress. Ang hot mo kasi masyado, kailangan mo talaga ng cold para maging warm," sabi niya sabay alis.

Naguguluhan akong tumingin kay Caleb. "Sigurado kang kapatid mo itong mga ito?"

Nagkibit-balikat siya at natawa. Napailing na lang ako at nagsimula ng magtrabaho.

Mabuti na lamang at nandyan si Caleb para alalayan ako. Takot na lumapit ako sa baka at tumapat sa may breast part nito.

"Are you really sure hindi ito maninipa kapag pinisil ko ang breast niya? Hindi ba siya masasaktan?" tanong ko.

"No, parang baby lang na nagbre-breast feed so you don't have to worry. Actually may machine na ginagamit to suck the milk."

"So bakit hindi iyon ang gamitin?"

"Unfortunately, nasira ito kaya need naming imano-mano kaya wala ang ibang tauhan dito because this is actually runned by a machine. There's only five workers here to operate the machine and three of them ay nasa kabilang planta kaya kami ang nandito," paliwanag niya na sumagot sa aking mga katanungan.

Napatango-tango na lang ako.

Caleb helped me how to milk the cows. Sa una ay napapaatras ako sa tuwing umuunga ang baka. Nahihirapan din akong pigain ang breast niya dahil halos wala namang lumalabas dito or sadyang mahina lang ang kamay ko. Natuwa pa nga ako ng si Caleb ang gumawa at halos ang daming gatas ang lumabas. Ang dali niya lang itong ginawa kaya hindi ko mapigilang humanga. Natatawa na lang siya sa reaksyon ko dahil para daw akong bata.

Well, this is actually my first time kaya hindi ko talaga maiwasan ang humanga. Kaya nga lang ay napuputol iyon sa tuwing naririnig ko ang pag-'tsk' ni Zander. Hindi ko alam kung kailan siya nakalapit sa amin samantalang nandoon siya sa kabila kanina. Iniismiran ko lang siya at hindi na pinansin pa.

Nang makaya ko na ay natuwa ako ng mas marami na ang lumabas kaysa kanina. Tuwang-tuwa akong tumingin kay Caleb at nag-thumbs up lang siya sa akin. Nang tumagal ay naenjoy ko din ang paggatas sa mga baka. Nakakatuwa lang na marami silang nailalabas na gatas.

Nang matapos kami sa ginagawa ay naglakad kami sa kalapit na planta kung saan or ini-steralize ang gatas. Actually pwede nga daw iyong inumin iyong mga nakuha namin, pero no-I think its unhygenic. They have finished product so I tasted it and it was good. Natural na galing sa baka at ibang-iba sa formulated na gatas na nabibili sa market.

Tanghali na ng matapos kami at saktong lahat kami ay gutom na kaya napagdesisyonan na sa opisina na lang kakain.

Mas malapit iyon kaysa sa bahay ngunit kailangan pa rin maglakad patungo doon at dahil may dala silang sasakyan na van ay doon na lang kami sumakay. Si Ryder ang nagmaneho ng sasakyan samantalang sa gitna kami ni Zander. Hindi ko nga alam kung anong problema ng lalaking ito samantalang kanina naman ay sa may tabi ito ni Ryder naupo kanina at si Caleb ang katabi ko.

Hindi na rin ako nakapagkomento pa at tumingin na lang kay Caleb na kumibit balikat lang sa akin. Nakasimangot na lang tuloy akong lumayo sa kanya. Dumagdag pa ang dalawang asungot sa likod namin na animong bubuyog na nagbubulungan. Pasalamat sila at gutom ako kaya wala akong lakas para patulan sila.

Nang makarating kami ng opisina nila ay nagpahinga muna kami saglit bago kumain. Mabuti na lamang ay saktong kararating lang ng mga pagkain na hinanda para sa amin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status