Share

Chapter V

"REALLY?" Malokong ngumisi si Vivian at tumayo. "Even if you die right here?"

Tamad akong tumango. "Try me."

Mabilis siyang naglabas ng baril at tinutok sa akin. Kunwari pa akong umatras at tinaas ang kamay.

"Now you're afraid, Tatiana." Humakbang siya palapit sa akin. "Hanggang salita ka lang pala."

"Vivian." Dad stood up. "Put it down."

"No, Kuya. Hindi magtatanda ang babaeng 'to kapag hindi naturuan ng leksyon."

Barbara laughed. "That's why I like you, Vivian. Lagi mo akong pinapahanga."

"What, Tatiana?" ngisi niya. "Aalis ka sa mansyong 'to o ipuputok ko sa'yo 'to?"

"Eh, 'di iputok mo. Tapos anong gagawin niyo sa bangkay ko? Hahayaan niyo lang, 'di ba?" Malamig akong tumitig sa kanila. "Hahayaan niyo lang gaya nang ginawa niyo kay Mommy Talitha. Pinalabas niyo pang siya ang gumawa no'n sa sarili niya."

Nasaksihan ko kung paano siyang naestatwa. Sina Dad at Barbara naman ay parang natakasan ng dugo.

"Sino nga bang totoong pumatay sa kaniya?" Binaba ko ang kamay at huminto sa hallway. "Isa ba sa inyong tatlo?"

Kinasa ni Vivian ang baril at maliksing lumapit sa akin. "Sumosobra ka na!"

Bago pa niya makalabit ang gatilyo ay agad ko nang dinakma ang isa niyang braso at pinilipit 'yon. Akma pa siyang papalag pero tinuhuran ko ang sikmura niya at mabilis na inagaw ang baril. Hinigit ko ang kwelyo niya at sinandal siya sa pader.

"I told you, Vivian." Dinikit ko ang dulo ng baril sa sentido niya. "Magkamatayan man."

"L-Let me go, Tatiana!" angil niya. "Naging matapang ka nga pero hindi mo pa rin magagawang pumatay."

"Oh, wench. You have no idea what I went through for the first five years in France." Maloko akong ngumisi at mas lalo pa siyang diniin. "At baka kapag nalaman niyo, kusang yuyuko sa akin ang hawak mong intelligence security."

"Tatiana," Dad uttered calmly. "Ibaba mo 'yan."

"What can you say, Barbara?" I mused. "Hindi ba't paborito mo si Vivian dahil malakas siya? Eh, bakit ang dali ko lang natalo sa close combat?"

"You think high of yourself, Tatiana." She chuckled. "I can't believe this."

"S-Sinuwerte ka lang," pilit na tawa ni Vivian, sumasagap ng hangin. "Pero kapag natyempuhan kita..."

"Sure. Aabangan ko 'yan."

Akma pa siyang magsasalita nang makarinig kami nang pagbagsak ng isang bagay. Sabay kaming napalingon sa dulo ng hallway. Naroon si Elias, namimilog ang mata sa gulat at 'yong hawak na mop ang siyang nalaglag. Lumayo ako at doon na humupa ang tensyon.

"You're using a cheap gun." Pinasak ko ang baril sa lumuluwa niyang dibdib. "Hindi na rin dapat ako magtaka dahil cheap din ang bumili."

Vivian glared at me. "We're not yet done."

"Hangga't hindi ko kayo nakikita sa loob ng kulungan, hindi tayo matatapos."

"Tatiana!" hiyaw ni Dad. "Come back here!"

Ngunit hindi na ko lumingon pa. Hinigit ko ang braso ni Elias at sinama siya sa pagsakay ng elevator.

"Kanina ka pa ba ro'n?" tanong ko.

Sunod-sunod ang paglunok niya. "H-Hindi naman."

"You must be startled." Bumuntong-hininga ako. "Masanay ka na. Gano'n kami mag-away."

"S-Sige, pero saan ba tayo pupunta? Naiwan ko 'yong mop. Baka mapagalitan ako ni Ma'am Barbara."

"Nakaka-trauma 'yong nasaksihan mo kaya umuwi ka na. Ako na ang bahala sa mop at sweldo mo."

"Pero..."

Hindi ko na siya kinausap pa at bumaba ng elevator hanggang makalabas ng mansion saka nagmaneho paalis.

Pagdating ko sa hospital ay dumeretso ako sa VIP room kung saan namamalagi si Lolo Rowan. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang pamilyar na pigura ng isang babae.

"Tatiana Rae," nagugulat na sambit ni yaya Fely. Ang yaya ko na hindi na ako kinausap at kinamusta magmula nang ipatapon ako sa France. "Salamat naman at dumalaw ka."

Walang emosyon ko siyang tinignan. "Leave me alone." Akma pa siyang magsasalita pero tinaas ko na ang kamay bilang pagpapatigil. "The moment you cut ties with me twelve years ago, naputol na rin ang pagiging close natin. Alam kong kumampi ka kina Barbara at Vivian."

"T-Tatiana..."

"Leave. I want to have a moment with my grandpa."

Wala na siyang nagawa kundi sumunod at tahimik na lumabas.

Bawat hakbang ko palapit kay Lolo Rowan ay siya ring pagbigat ng aking kalooban, tila may sumasakal din sa puso ko. Magmula nang makaalis ako ng Pilipinas labindalawang taon na ang nakalilipas hanggang ngayong nakabalik na ako, nakaratay pa rin siya sa kamang ito. Comatose pa rin siya.

"G-Gumising ka na, Lolo," bulong ko kasabay nang pagpatak ng luha sa aking mga mata. "Alam mo namang ikaw na lang ang natitirang kakampi ko sa mundong 'to. Kahit gaano man ako naging matapang ngayon, kailangan ko pa rin ng suporta mo. Kailangan pa rin kita bilang pamilya ko. Miss na miss na kita."

"Sino pong may gawa sa inyo nito?" Pinalis ko ang luha at kinuyom ang kamao. "Sinong nagmamaneho ng truck na bumangga sa'yo? Nasa pamilya ba natin? Kailangan kong malaman, Lolo. Para maipaghiganti po kita. Hindi mo deserve mahiga sa kamang 'to."

Kung tutuusin, mas naging ama ko pa si Lolo Rowan kaysa kay Daddy Rafael. Sa tuwing paglabas ko sa school, sinusundo niya ko at kumakain kami sa labas. Napalapit ako sa kaniya dahil sobrang bait niya at kahit hindi ako humingi ay halos ibigay na niya sa akin ang lahat ng mga bagay na kailangan ko man o hindi.

"Sabi mo maglalaro pa tayo ng chess," hikbi ko. "Tatalunin pa po kita. Bumangon ka na r'yan. Tara na po."

Para akong batang hinigit ang kamay niya pero nanatili iyong malamig at hindi gumagalaw.

Napayuko ako at hinayaang bumagsak ang natitirang luha. Nang mahimasmasan ay inayos ko ang sarili at humalik sa noo niya.

"I'll visit you again, Lolo."

Pagbukas ko ng pinto ay naroon sa gilid si yaya Fely. Napaayos siya ng tayo nang makita ako. Hindi ko siya pinansin at akma nang aalis pero humawak siya sa braso ko.

"I don't think we have something left to talk about."

"Tatiana," nauutal pa niyang sambit. "Gusto ko lang ibigay sa'yo 'to."

Napatitig ako sa brown envelope. "What's that?"

"Gusto ni Chairman Rowan na ikaw ang humawak sa Gil Side."

"Gil Side? The real estate company?"

Darn, that was the second biggest company owned by our family.

Tumango siya. "Narito ang mga papeles kung paano 'yon patakbuhin, maging ang signed consent ng Chairman na pinapayagan ka niyang mamahala ro'n."

"Thanks."

Kinuha ko 'yon sa kaniya at tagumpay na naglakad paalis.

Kinabukasan, maaga akong nagising, naghanda at nagbihis. I wore my red corporate attire matched with white stilletos. Kinabit ko ang hairclip sa gilid saka kinuha ang pouch.

Nang madaan ako sa dining area ay nakita ko silang lahat na kumakain ng breakfast. As usual, fiesta na naman sa rami ang nakahandang pagkain. Nakabihis na rin sila, handa nang pumasok sa kani-kaniyang trabaho.

"Good morning, Tatiana!" Ayun na naman ang masigla at malokong tinig ni Blake. "Join us here."

Umiling ako. "I don't eat breakfast."

"Where are you going?" Dad asked. "Maaga pa for clubbing."

Natawa si Vivian. "Snap out, Tatiana. You're not in France. Sarado pa ang mga club dito sa Pilipinas."

"Palibhasa puro clubbing lang ang inaatupag mo," dagdag pa ni Barbara. "Baka naman waitress ka ro'n?"

"Bumalik lang ako, nawalan na kayo ng common sense? Can't you see my outfit? It's suitable for work." Lumapit ako kay Vivian. "Kunsabagay, parating expose ang dyoga mo sa tuwing papasok ka sa Gil Furnitures para makapang-akit ng male employees. The bad thing is, gurang ka na."

Natawa si Blake. "Bakit, ilan taon ka na ba, Tatiana?"

"29." Matamis akong ngumiti. "What about you, Vivian? I bet wala na sa kalendaryo. Like Barbara. Oldies flock together. Scratch that, kayong lahat pala wala na sa kalendaryo." Saka ako tumawa.

"Tatiana Rae," Ledger uttered in warning tone. "Enough."

"And did you just say work?" Dad slightly raised his eyebrow. "What work?"

"Did you apply to other company?" Vivian shrieked, mocking me. "May tumanggap pa pala sa tulad mong patapon?"

"Of course." Winagayway ko ang gold card na siyang magiging pass ko sa kompanya. "The Gil Side."

Napatayo si Barbara sa gulat. "What?!"

"Bumara yata ang tulok sa tainga mo. Maglinis ka nga."

"What the heck are you saying, Tatiana?" Vivian argued. "Nilaan ni Chairman Rowan ang kompanyang 'yon para kay Blake."

"It's okay, Tita," nakangiting sabat ni Blake. "Wala naman akong interes sa pagpapatakbo niyon."

"At wala ka ring karapatan dahil sa akin talaga pinapamahala 'yon ni Lolo. Wala ang pangalan mo ro'n."

"This can't be," iling ni Barbara. "No!"

"Go for it, Tatiana," muling ngiti ni Blake. "Pero bilang kapalit, mag-sponsor ka sa art exhibit ko, ha?"

"Tinuloy mo pala ang pagiging painter." Tumaas ang sulok ng aking labi. "Sure. Call me if you need it na."

"Thanks." Saka siya kumindat sa akin.

"Rafael," d***g ni Barbara. "Do something about it! She can't manage that!"

Pabuntong-hiningang umiling si Dad. "Hindi rin naman bagay kay Blake ang kompanyang 'yon."

"Eat well, fellas." Kumaway ako. "Gotta go."

Sinamaan pa ako ng tingin ni Vivian pero inirapan ko siya at umalis na.

Naisipan kong dumaan sa coffee shop. Pagpasok ko ay matyaga akong pumila at nag-scroll sa f******k. Lihim akong napangiwi nang makita ang litrato nina Ledger at Yara. Talagang sikat na sila.

At dahil hindi natuloy ang paghihiganti ko noong nakaraan, babawi ako ngayon. Gumamit ako ng dummy account at in-upload ang lahat ng pictures ni Ledger kasama ang ibang babae sa mall. Sigurado akong mayayamot si Yara hanggang mag-away sila ni Ledger.

"Next, please."

"Americano," I said and gave my credit card.

"Me or coffee?"

Kunot-noo akong nag-angat ng tingin. Sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Elias. Nakasumbrero pa siya na batid kong kasama sa uniporme ng shop.

"Obviously, coffee." I rolled my eyes. "Hindi ka naman nabibili."

"Pero amerikano ako."

"You're nuts."

Ibababa ko na sana ang tingin sa cellphone nang mapansin kong nakalingon ang lahat ng customer kay Elias. At ang house boy naman, feel na feel ang atensyong nakukuha sa mga babae. Well, coffee boy siya today.

"Here's your americano."

"Thanks."

Kinuha ko 'yon at lumabas na. Akma na akong hihigop nang mapansin ko ang naka-drawing na heart sa takip niyon. Sigurado akong si Elias ang naglagay niyon at gumamit pa ng red marker.

"Tss," ngiti ko. "He's cute, though."

Pagpasok ko sa Gil Side company building ay naagaw ko ang atensyon ng lahat. Hindi ko sila pinansin at taas-noong naglalakad. Maya pa ay tumabi sa akin ang isang babae at bahagyang nagpahuli sa paglakad.

"Good morning, Ma'am Tatiana," bati niya. "Here's your schedule for today."

"So, you knew about my arrival. How come?"

"Matagal na po kayong binilin sa akin ni Chairman Rowan. Ako po ang magiging secretary niyo."

Lihim akong ngumisi. "That's great."

Alam talaga ni Lolo na babae ang gusto kong maging katrabaho. Kahit na mas madaling kausap ang mga lalaki. Hindi lang talaga ako kumportable dahil maraming pagkakataon na mataas ang tingin nila sa sarili. Well, because of the money they have in the company. They think they're powerful than women. Which is ridiculous.

Exception na lang talaga ang mga lalaking katrabaho ko sa France. Tuloy ay bigla kong namiss ang unit ko ro'n. Ano na kayang mission ang ginagawa nila? Sino ang pansamantalang pumalit sa pwesto ko ro'n?

Malalim ang naging buntong-hininga kong winaksi 'yon sa isip at nilunod ang sarili sa pag-aaral ukol sa real estate.

"Sir! Hindi ka pwedeng pumasok." Nangunot ang noo ko nang marinig ang tinig ng secretary ko sa labas. "Sa akin mo na ibigay 'yan."

Sumulyap ako sa bintana at nakitang madilim na. Inabot na ko ng gabi. Tatayo na sana ako para silipin 'yon ngunit bumukas na ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na may suot na helmet.

"I'm sorry, Ma'am," nakayukong sambit ng secretary. "Ayaw pong papigil, eh."

"It's okay." Sinulyapan ko ang lalaki. "What?"

"Delivery for Tatiana Rae Gilbert." Saka niya binaba ang maliit na kahon sa table ko. "May I see your identification card?"

"As far as I know, signature lang ang kailangan."

"Kailangan ko talagang makita ang I.D."

Hinugot ko ang card sa wallet at pabagsak 'yong nilapag sa mesa. Kinuha naman niya 'yon upang suriin.

"Mas matanda ka pala sa akin."

I raised my eyebrow. "Who do you think you are?"

Inalis niya ang helmet at ginalaw ang ulo upang umayos ang buhok. "Elias Gentry at your service."

Ngumiwi ako. "You again."

"Ito ang resibo."

Inagaw ko 'yon sa kaniya at mabilis na pinirmahan. "Now get out of my face."

Ngumiti naman siya. "Have a good night and don't forget to pray before going to bed."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status