Share

Chapter Seventeen: 1.1 The Confrontation

Malori

“Evan!” Gulat kong bati sa kan’ya.

Muli kong nilingon ang kinaroroonan ng mga bisita ng mall, pero wala na ang mga ito roon. Bahagya ko pang sinilip ang tagiliran ng shop, wala talaga.

Napalingon na rin tuloy si Evan. “May hinahanap ka ba?”

“Huh?”

“Sino ba hinahanap mo?” muli niyang tanong.

“Ah, wala. Akala ko kasi kakilala ko ‘yong nakita ko sa labas kanina, but… never mind,” pagsisinungaling ko. Kung sasabihin ko man ang totoo, siguradong magtatanong pa siya kaya iniba ko na lang ang usapan. “Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito? Akala ko nasa Africa ka?”

“Just arrived yesterday. Hindi na kita natawagan kasi, I’m about to surprise you tonight. Kaso, ito nakita kita rito.” Sabay ngiti niya.

Guwapo si Evan, mabait at may respeto sa mga babae. Pero minsan pakiramdam ko may iba sa kan’ya. Don’t get me wrong, normal naman siyang tao. Pero sa tuwing magkikita kami o pupunta siya ng studio ay mas lamang pa ang pakiramdam ko na binabantayan niya ako kesa nililigawan.

“Malori?” si Ate Misty.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
lisya
still waiting sa ud, huhu. i hope hindi sya e dro-drop ng author like kay dada gregory.
goodnovel comment avatar
Nette Pardillo
Atty. Elliot kumusta kana? miss na miss na kita
goodnovel comment avatar
Yvonne Marie Portmann
maganda ang kwento kso wla UD
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status