JAEL'S POINT OF VIEWInaantay namin si Elkayne bago kami pumasok ng building dahil may kausap s'ya sa telepono. Hindi naman namin pwedeng iwan 'to dito. Hindi rin naman nag tagal ay bumalik din sya. "Sorry. Tumawag lang si Mommy," aniya at saka pinasok ang cellphone sa kanyang bulsa. "Hinahanap ka na ni Tita Elayne?" Tanong ko sakanya. Agad namang umiling si Elkayne. "Hindi naman. Tinatanong lang kung ano akong oras uuwi kase nag prepare s'ya ng dinner." "Hala! Oo nga pala 'no? Miss ko na yung luto ni Tita Elayne." Nalasahan ko tuloy sa bibig ko yung pork curry na niluto ni Tita nung nakaraang nag dala si Elkayne nang baon. Sa tuwing kumakain tuloy ako ng pork curry laging luto ni Tita Elayne ang naaalala ko."Sabihan ko si Mommy na ipag luto tayo ulit." Masaya akong tumango sa sinabi ni Elkayne pero hindi mawawala yung dakilang basher ni Elkayne na kanina pa bulong nang bulong na parang pikon na pikon sa mga sinasabi ni Elkayne. Kulang na nga lang sementuhan n'ya yung bibig ni Elka
JAEL'S POINT OF VIEWNaalimpungatan ako sa mahimbing kong pag kakatulog nang may maramdaman akong mabigat na naka dagan sa bandang tiyan. Kumunot ang noo ko at una kong tiningnan ang oras. Alas tres na ng madaling araw hanggang sa dumapo iyon sa banda kong tiyan. Nagulantang pa ako nang makita kong may kamay na naka pulupot sa bewang ko at naka hawak sa mga kamay ko. Napa-upo ako sa gulat at kahit papikit-pikit pa ang mata ko kitang kita ng dalawang mga mata ko kung sino ang taong 'yon.Gumalaw din s'ya at tiningnan ako. Napuno nang pag aalaa ang mukha ko nang makita ko ang kabuohan ng kanyang mukha. Sobrang daming galos ng mukha n'ya tapos may band aid pa sa kanang pisngi. Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang naka hawak saakin. May naka pulupot doon na bandage."Did... I wake you up?" Marahan n'yang sabi habang naka tingin saakin. Yung boses n'ya pang bagong gising. Nangingilid ang mga luha ko habang naka tingin sakanya. Dahan dahan syang tumayo at upo sa kama na agad ko namang sinun
JAEL'S POINT OF VIEW"J-jael... can you cook sopas for me?" Iyon ang una kong narinig pag dilat ng mga mata ko kaninang umaga. Nang marinig ko iyon agad akong bumangon para mag toothbrush at mag hilamos. Sinong mag aakala na mag rerequest ng pagkain si Rio saakin?Kaya kahit sobrang aga pa agad akong bumangon para mag luto. Heto ako ngayon, nag hihiwa ng mga sangkap para sa sopas habang pinapanood ni Rio. Na c-concious tuloy ako dahil titig na titig s'ya sa mga pinag gagawa ko.Nandito naman si Manang Beth para mag luto ng sopas pero ayaw nya raw dahil iba ang lasa ng luto ko. Mas masarap para sakanya. Simula kasi nung nag luto ako ng sopas nung nakaraang araw hindi na sya tumigil kakakain 'non. Almusal, merienda, at hapunan, sopas ang nilalantakan. Si Rio lang ata ang kumakain 'non o di kaya sila Elmore pag nandito sila dahil hindi naman paborito nila Levi at Rhys ang sopas. "I can also cook champorado, you know what champorado is?" I ask him. Umiling si Rio. "No. It sounds bad."
JAEL'S POINT OF VIEWAyan na, exam day na. Nanlalamig na naman ako at para na namang pag papawisan ako kahit ang lamig lamig na rito sa room. Nakapag review naman ako, hindi ko lang maiwasan na kabahan. "Patay na talaga ako nito, 'di na naman ako naka review," lugmok na sabi ni Ivy. Her eyes were sunken and you could clearly see her eye bags. Sigurado akong nag binge watch na naman 'to ng k-drama nung weekend imbes na mag review. Si Cypress at Clarence naman nag rereview together, ano 'yan? Ganyan ba requirement para maka-pasa? May study buddy? Wews! Ang sakit sa mata. Yung iba kong kaklase may sarili na namang mundo, may nag m-make up lang tapos natutulog. Iba talaga pag natural nang matalino, hindi na kailangan mag last minute review. Naramdaman ko na may naka tingin sakin kaya agad kong hinanap. Namatahan kong naka titig saakin si Quintanna, she had a mischievous smile on her lips as if she was teasing me. Ang creepy ah! Ano kayang trip ng babaeng 'to?Nitong mga nakaraang araw k
JAEL'S POINT OF VIEWDahil sa nangyari kahapon pinakansela ang exam at pasok ngayong linggo para imbestigahan ang nangyari. Talamak na raw ang ganoong pangyayari pero hindi nakaka labas sa publiko dahil pinapanatiling tikom ng eskwelahan na iyon ang bawat estudyante na naka ranas at naka kita nang pangyayari. Pero hindi na ngayon.Pinag hahanap na si Apollo dahil nag tatago na raw ito. Napag alaman din namin na isang linggo na rin na nag mamatyag iyon saamin dahil nakita sa cctv ng school. Ilang beses na rin n'ya ako muntik pag tangkaan lalo na't nung unang beses beses akong lumabas ng classroom para mag hatid ng activity namin sa faculty, may hawak s'yang hand knife nung araw na 'yon. Mabuti na lamang ay naka salubong ko si Elmore 'non at sinamahan ako papuntang faculty at pabalik ng classroom.Sa dumaang linggo kasi lagi nang naka buntod saakin silang dalawa ni Bishop maliban kahapon kaya 'yon siguro ang kinuha nyang pag kakataon para atakihin ako dahil wala sila Elmore at Bishop.
JAEL'S POINT OF VIEWKamot ulo akong nag pa alalay kay Ross pabalik nang silid tulugan ko habang sya naman ay nag pipigil nang mga ngiti. "Wag mo kasi ako ginugulat!" reklamo ko. Tuluyan nang lumabas ang mga ngiti na kanina nya pa tinatago. "I'm sorry, you're spacing out po kasi." aniya. Pabiro ko syang sinamaan nang tingin pero lalo lang syang tumawa. Kanina pa 'to masaya eh."Have you ever had a girlfriend?" I blurted out unexpectedly. Nahinto kami saglit sa pag akyat ng hagdan. Ross looked at me with a grin. "No...""Weh? Eh bakit sabi ni Apollo ikaw din daw dahilan kung bakit nag hiwalay sila ng girlfriend nya?" Bakas sa tono ko ang pag ka tampo. Hindi ko mapigilan!Ross chuckled. "If you only knew, Jael...""Huh?" I didn't catch that. He shook his head, and we continued going upstairs. He seemed to notice I was waiting for his answer, so he playfully messed up my hair. "So, you think Apollo's ex and I had a thing?"I hesitated for a moment. Sinabi ko ba yon? "So, hindi?" Ross
Para akong binubuhusan nang napaka lamig na tubig habang naka tingin kay Ross na patuloy pa rin sa pag iyak. Naka luhod na ito habang hawak ang mga kamay ko. As if he was begging for his life. "Am... I so hard to love?" he murmured. I shook my head immediately. "No! Hindi ka mahirap mahalin..."And it was true. Hindi mahirap mahalin si Ross. He was the kindest person I'd ever meet. Oo, minsan masungit s'ya pero hinding hindi sya mahirap mahalin. Kaya nga mahal ko s'ya...Ngumiti nang malapad si Ross habang naka tingala saakin. "Ever since we were kids, all I ever wanted was to protect you..." hinawi nito ang buhok ko. "I love you so much, Jael. I want you to know that this man loves you deeply." " He looked very pale and scared, and a little...hopeful.I sniffled. "I love you too, Ross..." I whispered back. "Mahal din kita."Bakas ang pag ka gulat nito dahil sa kanyang ekspresyon. Nag hahalo ang gulat at takot pero nag uumapaw ang bakas nang saya. I cupped both of his cheeks. "...
JAEL'S POINT OF VIEWHindi ko mapigilan mapa-tingin sa lalaking katabi ko. Grabe, sobrang lakas ng loob. Paano nya kaya nakakayang matulog ng mahimbing sa kalagitnaan nang discussion. Matatapos nalang yung oras na nakalaan para sa Oral Communication hindi pa rin sya nagigising. "Matutunaw si Ross n'yan," ngising ani ng katabi kong si Ivy. "Anong matutunaw, mukha ba s'yang ice cream?" Binigyan nya lang ako ng nakaka lokong tingin at ngiti bago ibinaling ang atensyon sa guro na nasa harapan. Muling napa baling ang tingin ko kay Ross. Naka tagilid ang ulo nya papunta sa gawi ko kaya kitang-kita ko ang ka-gandahan ng kanyang mukha. Mukha naman palang anghel 'to habang natutulog. Huwag nga lang magising. "Okay class, dismissed. You may take your break." Umiwas na ko ng tingin kay Ross nang makita kong palapit na sakanya yung mga barkada nyang nag hihintay sa labas ng room. Pinasok ko lahat yung mga gamit kong naka labas sa bag habang tinitingnan sa peripheral vision ko ang pag gisin