Chapter 27
Dream CortesLUMABAS ako ng hatinggabi sa kwarto. Tulog na tulog sina Blaze at Blast sa sala. May bitbit akong dalawang kumot para sa dalawa. Agad kong kinumutan si Blast at isinunod si Blaze na namamaluktot sa sofa.
Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang asawa ko. Halatang hindi siya komportable na matulog sa sofa. Napalunok ako at akmang gigisingin siya para palipatin sa kwarto nang mahulog mula sa sofa ang wallet niya. Bumagsak 'yon sa sahig na nakabukas at natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang litrato.
Nagsimulang manginig ang mga kamay ko habang pinupulot ang wallet niya.
May picture siya ng babae sa wallet niya. Maiintindihan ko naman kung si Ales ang nasa litrato kaso hindi, si Grace 'yon, ang ex niya!
Masama ang loob na nilingon ko ang natutulog na si Blaze. Kinuha ko ulit ang kumot na inilagay ko sa katawan niya saka ako nagdadabog na bumalik sa kwarto. Pabagsak kong isinara ang pinto saka napaluha.<
Chapter 28Dream Cortes MAHIGPIT na yakap ang ibinigay sa akin ni Kit matapos niyang marinig ang kwento ko. Sinabi ko sa kaniya ang lahat. Lahat-lahat, wala kong itinirang ni katiting na impormasyon, nakatulong naman ang pag-iyak ko sa kaniya dahil talagang gumaan ang pakiramdam ko. “Akala ko ba, handa ka sa kahihinatnan? Sumusuko ka na ba sa kaniya?” Suminghot ako at humiwalay sa yakap ni Kit. Tiningnan ko siya. “Uuwi rin naman ako mamaya.” Nalukot ang kaniyang mukha. “Ano?! Bruha ka, may pa run away run away ka pang nalalaman e uuwi ka rin pala mamaya. Ano? Namimiss mo na agad ang hagod? Chaka nito, marupok!” Sinimangutan ko siya. “Tinatakot ko lang naman siya e. Kaonti lang naman, malay mo, marealize niyang mahal niya 'ko kapag inakala niyang iiwan ko na siya.” Hinampas ni Kit ang braso ko. “Gaga! Sa tingin mo tutubuan 'yon ng pagmamahal sa 'yo dahil lang tinakot mo? Wala bang nakapagsabi sa 'yo na ang pagmamahal ay nagkukusa at
Chapter 29Dream CortesNAGPRESINTA akong sumama kay Grace para sunduin sina Ales at Grae sa eskwelahan ng mga ito. Habang sakay kami ng kotseng minamaneho ni Grace ay inikukwento niya sa akin ang mga napagdaanan niya noong ipinagbubuntis niya ang mga anak niya. Nakakatuwa dahil hindi pala nahirapan si Architect Silvano noong naglilihi siya, hindi katulad ng ibang buntis.“Malapit ka nang maglihi sa kung anu-ano, Dream kaya ihanda mo na ang sarili mo.” natatawang pananakot niya sa akin.Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa eskwelahan ng dalawang bata. Agad kong namataan sina Ales at Grae na agad ring sumakay sa kotse, sa likuran namin ni Grace.“Tita Dream!” gulat na puna sa akin ni Ales.Nginitian ko siya. “Hi, baby girl.”Ngumiti siya ng malaki saka ako hinalikan sa pisngi. Napatingin naman ako sa batang lalaki na ngayon ay kausap ni Grace. Panay ang kwento nito tungkol sa pagddrawing daw nito k
Last ChapterDream Cortes-Villacorta“NURSE Dream, wala ka pa po bang boyfriend?” tanong ni Simon na kakatapos ko lang icheck ang bp. Natawa ako sa itinanong niya. Kung alam niya lang.“Wala akong boyfriend, Simon.”Nagningning ang mga mata ng payat na batang lalaki na nasa siyam na taon palang. “Talaga po? Pwede ba kitang ligawan pag laki ko?”Muli akong natawa. Lumapit naman sa amin ang doktor na kasama ko dito sa clinic. Narito ako sa maliit na baryo na tinatawag na Baryo Pag-asa. Halos walong buwan na akong nananatili rito matapos kong makarecover sa pagkawala ng anak namin ni Blaze.Masakit pa rin. Hanggang ngayon ay tinatanong ko ang Diyos kung bakit kailangang mawala ang anak namin ni Blaze. Kung bakit siya na deserve mabuhay at makita ang mundo.“Ikaw talaga, Simon. Hindi mo pwedeng ligawan 'yan si nurse Dream kasi may asawa na 'yan.”Suminghap si Simon. “Wala naman po
Blaze Raven Villacorta“SIGURADO ka bang tatanggapin mo siya?” ilang ulit na akong tinanong ni Blast tungkol sa desisyon ko. Alam ko namang nag-aalala siya pero sigurado na ako sa gagawin ko. Natutunan ko noong mahalin si Grace kaya sigurado akong matututunan ko ring mahalin ang babaeng pinili ni dad para sa akin.Sa totoo lang, ayokong dinidiktahan ako pero sa pagkakataong ito, hahayaan ko si dad na simulan ang magiging tulay sa kaligayahan ko.Moving on is not easy at hanggang ngayon ay aaminin kong mahal ko pa rin si Grace pero hindi naman ako ganoon kagago para gamitin ang mapapangasawa ko. Pakakasalan ko siya at ituturing na tama, hindi gagawing panakip butas dahil alam ko kung gaano kasakit maranasan 'yon.“Maganda siya, bro. Nakakatawa rin kaya siguradong mawiwili kang kasama siya.”Pinaningkitan ko ng mga mata si Blast. Parang noong isang linggo lang ay nag-aalangan siyang suportahan ako sa desisyon ko pero het
Dream Cortes never wanted a luxurious life, she believed that it will only ruin her freedom and perfect plans, and she's right. Her father, the Director of Cortes Medical Hospital, had her engaged with the CEO of S&G Corporation—Blaze Villacorta, the ex-playboy who's never over with his first love.Their engagement happened, but they had a deal not to engage with their personal lives.Comfortable with their set-up, they became best friends and best buddies.Will their friendship last, or they'll fall in love?***Fourteen months in another country is not enough for him to move on, so he decided to stick to another plan—to date another woman. Unable to move on and forget his first heartbreak, Blaze Villacorta accepted his engagement with Dream Cortes. A 26 years old nurse.He pretended to be okay around other people, but unfortunately, Dream can see through him.With the only woman who can see his pain, will he be
“Dream Adelone Cortes.” nakangiti kong pagpapakilala sa isang nurse na kasamahan ko. First day ko ngayon sa Cortes Medical Hospital at ayoko talaga ng special treatment kaya naman dito ako napunta sa emergency room since dito may bakanteng posisyon.Ever since i was a kid, gusto ko na talagang maging nurse, not doctor dahil siguradong gagraduate ako na gurang na kaya nag nurse nalang ako. I'm Dream Adelone Cortes, by the way. I'm 26 years old at two years na rin akong nurse. Lumipat lang ako ngayon dito dahil blinackmail ako ng daddy ko na kung hindi ako lilipat sa hospital nya ay ipapakasal nya ako kay Derrick Ignacio, ang geek na anak ng isa sa kumpare nya. Yikes! I don't like that man, hindi dahil sa baduy nyang pananamit kundi dahil ang hirap nyang pakisamahan.I once dated that guy and i swear hindi ko kaya. He keeps on talking about sensual topics. Naturingang geek tapos manyak. Nakakainis.“Cortes? Ikaw ba ang anak ni director?” pa
Chapter 1Dream Adelone Cortes 14 MONTHS later... Sumiksik ako sa kumpulan ng mga tao sa gitna ng Emergency Room. Napalunok ako nang tumambad sa akin ang nagwawalang pasyente na may sugat ang braso. May hawak syang scalpel at syringe sa magkabilang kamay. Galit na iwinawasiwas nya ang mga braso nya habang panay ang hiyaw. “MAMAMATAY NA RIN LANG AKO, UUNAHIN KO NA KAYO! MAGSASAMA-SAMA TAYO SA IMPYERNO!” Napakamot ako ng leeg saka napalunok. Bakit ba may mga pasyente na OA magreact at may mga pasyente na ang hirap ispelingin? Alam kong mahirap ang pinagdadaanan nya, syempre isa sya sa pasyente ko kanina na kadarating lang at napag-alaman naming mayroon syang stomach cancer. Mahirap talagang magkacancer pero tinutulungan naman namin sya kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagwawala pa sya. “ILABAS NYO ANG PINAKAMAGALING NA DOKTOR! PAGALINGIN NYO AKO!” muli nya pang sigaw. “Nakakaimbyerna naman 'yang pasyente mo, Dream, nahawa na yata sa kabaliwan mo.” bulong sakin ni Kit na dumati
Chapter 2Dream Adelone CortesISANG BAGSAK para sa kahihiyan ng nurse na palihim ang pagharot. Oh my gosh! Nakakahiya talaga! Sa sobrang kahihiyan ay nilaklak ko ang alak na isinalin ni dad sa isang basong nasa harapan nya saka ako tumayo at dire-diretsong lumabas ng bahay.Sumakay ako sa kotse ko at iniuntog sa manibela ang ulo ko.Nakakahiya ka, Dream! Nakakahiya ka!Tok tok tok“Ay butiki!” napaigtad ako nang may kumatok sa bintana sa gilid ko.Suminghap ako at sunod-sunod na lumunok nang makitang si Blast Villacorta 'yon.Mariin akong napapikit. Bakit nya pa ako sinundan? Pahiyang-pahiya na nga ako kanina e. Ano ba! Aasarin ba ako ng lalaking 'to?Diretso ang tingin na binuksan ko ang bintana ng kotse. “B-Bakit?”“Can we talk?” napapikit ako dahil sa boses nyang lalaki