Sa site ko na lang nalaman na si Patti lang pala ang magpa-flyering sa MOA. In-assign ako ni Sir Tomas, iyong agent na kakilala ni Patti sa game booth na sponsored ng isang kilalang brand ng baterya ng kotse.
Panay ang hatak ko pababa sa suot kong red body con dress - kung dress pa nga bang maituturing iyon. Pakiramdam ko, konting yuko ay sisilip na ang kuyukot ko sa kaprasong damit na iyon.
Napansin ako ni Patti. "Bakla, okay lang 'yan, ang sexy mo kaya. Ang puti mo pala, chosko."
"Nahihiya nga ako," conscious na sabi ko habang naglalakad kami papunta sa booth. "First time ko magsuot ng ganito. Sana man lang dalawa tayo."
"Bastos ka. Eh 'di nagmukha akong shanghai roll sa damit na 'yan."
Tawanan kaming dalawa.
Nagkalat na ang mga tao sa venue, mostly mga kalalakihan. May nadaanan pa kaming pinagkakaguluhan ng crowd, iyon pala, seksing babae na naka-two piece na gumigiling-giling sa harap ng isang kotse habang kunwaring nagka-carwash.
Culture shock. Ganito pala sa car show.
Narating namin ni Patti ang booth namin. Kinuha niya doon ng flyers na ipamimigay niya sa entrance ng venue. Pagka-alis niya ay naiwan akong mag-isa. Inayos ko ang set-up ng wire loop game na siyang pakulo ng aming booth. Kung sinumang magtatagumpay na maitawid ang laro nang hindi naba-buzz ay siyang mananalo ng special prizes na tulad ng leather jacket, car decal stickers at iba pa.
Unti-unting lumapit ang mga tao sa game booth ko. Pasimple akong huminga ng malalim bago ko sila hinarap. Lalaki silang lahat. Nanalangin ako sa aking isipan na sana ay walang bumastos sa akin.
"Sir, try niyo po," alok ko sa kanila. Wala kasing nagtatangkang maglaro. Nakatingin lang sila at para bang inaaral kung paano itatawid ang rod sa loop.
"Anong premyo nito, number mo?" tanong ng isang matandang lalaki. Nagtawanan ang ibang mga naroroon.
Napalunok ako. Bumanat pa talaga ng ganoon si tatang.
Nag-isip ako ng pang-counter kahit nahihiya pa rin ako. "Sir, may mas maganda akong pa-premyo ke'sa sa number. Ito pong leather jacket namin. Bagay 'to sa 'yo. Nakikinita ko na kapag suot mo na 'to, kasing-guwapo niyo po si Jeric Raval, Sir."
"Ayos, Miss, ah." Ngumisi siya. "Pasubok nga."
Iniabot ko sa kanya iyong metal rod na ilulusot sa wire loop. Dapat ay hindi dumikit ang anumang parte ng wire sa rod. Pero 'di pa man nakaka-abante si Sir ay na-ground na siya agad.
"May remaining two tries ka pa po, Sir. Try lang po." Pang-eencourage ko sa kanya. Pero dahil may edad na nga, pasmado na rin siguro siya kaya na-dead din siya.
Pagkatapos niya ay sunud-sunod nang sumubok ang mga naroon, ngunit wala ni isa sa kanila ang nagtagumpay na makuha ang grand price. May mangilan-ngilang nakarating sa gitna ng loop ngunit hindi umabot sa dulo. May premyo din iyon pero maliit lang tulad ng key chain, car charger, o car stickers at decals.
Hanggang isang matangkad na lalaki ang lumapit sa booth. Agaw-atensiyon dahil guwapo siya, in fairness naman, bukod pa sa matangkad siya kumpara sa mga lalaking nagkukumpulan ngayon sa harap ng booth ko. May kasama siyang dalawang lalaki at may hitsura rin ang mga iyon.
Nang hindi magtagumpay iyong lalaking kasalukuyang naglalaro ay nagsalita iyong guwapo na bagong dating, "Miss, puwedeng pasubok?"
Nagtawanan iyong dalawang kasama niya at isa sa kanila ay nagsalita, "Dude, that's just leather jacket for a prize."
"Wala, trip ko lang," sumagot iyong guwapong lalaki. "Parang exciting, eh."
"Kunwari pa 'to. 'Yong model lang talaga puntirya mo, eh," biro noong isa pa niyang kasama. Ang tinutukoy niyang model ay ako.
"Puwede rin." Lumapit siya sa akin. "Three succeeding wins, Miss, date me."
Wow. Lakas.
"Sir, 'di po ako kasama sa prize," sabi ko na ikinatawa ng mga tao roon. "If you win three times, I'll give you three leather jackets. Sakto po, tatlo kayo, tag-iisa po kayo ng mga kasama mo. For sure, bagay sa inyo 'to."
Nakita kong lihim na natawa iyong dalawang kasama niya na nakatayo sa likuran niya. Akala naman nito ni Sir o-oo ako agad dahil guwapo siya.
Hindi ako easy. Loko 'to.
"Give me that," ma-awtoridad na sabi niya sa akin. Iniabot ko sa kanya iyong rod. Kumindat pa siya sa akin bago simulang maglaro.
Sa unang subok ay mabilis na naitawid ni Sir ang rod sa wire loop. Ang galing. Matapos noon ay mayabang na nagkibit-balikat pa siya.
Sa pangalawa at pangatlong subok ay matagumpay niya ring nailusot ang rod nang hindi naga-ground. Nanlaki ang mga mata ko. Seryosong na-bilib ako sa ginawa niya. Bukod kasi sa mahaba iyong wire ay komplikado pa iyong mga twists. Dinisenyo talaga iyon para hindi basta-basta makuha iyong grand prize.
"Congratulations, Sir! Ang galing niyo po! Pasok na pasok! Walang mintis."
Nasabi ko iyon sa tuwa ko dahil sa wakas ay may nanalo na. Pero hindi ko alam kung bakit nagtawanan ang mga tao sa paligid ko.
Kumukuha na ako ng stocks ko ng leather jacket nang magsalita siya, "I don't need those. Thank you."
"Huh?" Nagtaka ako. Nagpakahirap siya pero hindi kukunin ang premyo?
"Puwede bang sa 'yo naman ako pumasok?" Umangat ang isang sulok ng labi niya.
Kumunot ang noo ko habang tumatawa pa rin nang nakakaloko ang mga tao. Hindi ko gets. “Pumasok? Sa akin?” Itinuro ko pa ang sarili ko.
"Pumasok sa buhay mo." Sabay bawi niya nang makita niya sigurong hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Ang suwabe no'n, dude." Tawanan iyong dalawang kasama niya.
May kinuha siya sa bulsa niya, parang maliit na card. Nagulat ako ng isuksok niya iyon sa maliit na bulsa ng damit na suot ko. "You still owe me a date. Give me a ring if you're ready to give me my prize."
Pagkasabi noon ay tumalikod na siya at lumakad palayo. Sumunod ang dalawang kasama niya. Naiwan akong tulala.
"Miss, ako naman." Kung hindi pa may nagsalita sa harap ko ay baka tulala na ako habambuhay.
"Sige po, Sir, sige po," sabi ko. Iniabot ko sa kanya iyong metal rod.
Kaso, napansin ko bigla iyong cellphone na nakapatong sa bandang dulo ng wire loop. "Ay, naiwan."
"Doon sa lalaki kanina 'yan, eh," sabi ng isa sa mga naroon.
Dinampot ko iyon. "Teka, sandali lang po, hahabulin ko lang. Pause game lang po."
Mabilis akong umalis mula sa booth at hinabol iyong grupo noong Sir na guwapo. Nagpalinga-linga ako. Ang bilis naman nilang nawala.
Hanggang sa nakita ko sila sa kaliwang bahagi ko na naglalakad patungo sa isang car showroom. Sinundan ko sila. "Sir, Sir! Wait po Sir!"
Iyong isang kasama niya ang lumingon sa akin. Nakita kong siniko niya iyong taong pakay ko at saka lang sila lumingon lahat sa akin. Huminto sila sa paglalakad.
"O, ang bilis mo namang mag-desisyon." Ngumiti siya nang pilyo pagkalapit ko sa kanila. "Shall we? Paunahin ko na bang umuwi 'tong dalawa?"
Natawa ang mga kasama niya.
"Supportive kami, dude, so go," biro pa ng isa sa kanila.
"Hindi Sir, naiwan niyo po ito." Ipinakita ko ang cellphone na dala ko.
"Dude, phone mo 'yan!" Tila nagulat pa iyong isang chinitong lalaki na kasama niya.
"Oo nga." Kinuha niya iyong CP mula sa kamay ko. "How should I be able to receive your call for our date if I lose this."
Natigilan naman ako.
Ano ba namang lalaki ito. Muntik na ngang mawalan ng phone, kalandian pa iniisip.
"But seriously, thank you." Nawala ang mapanuksong ngiti sa labi niya, napalitan iyon ng sinserong ngiti na may kalakip na pasasalamat. "You're an angel. I hope you find a better job where guys won't be trolling around you that much. You don't seem to belong here."
Gusto ko sana siyang sagutin na hindi naman talaga ito ang trabaho ko, pero sa kung anumang dahilan ay para akong nababato-balani sa pagkakatingin sa kanya.
"Nice meeting you, baby girl." Ginusot niya ang buhok sa ituktok ng ulo ko na para akong bata. "Thank you."
Matapos noon ay tinalikuran niya na ako.
***
Nagliligpit na ako sa booth dahil tapos na ang event. Nagtataka nga ako kung bakit wala pa si Patti, samantalang ang usapan namin ay dito siya pupunta at sabay kaming uuwi.
May nakapa ako sa bulsa ko na parang card. Ay, ito iyong inilagay noong guwapong lalaki na ang lakas ng trip. Kinuha ko, calling card pala iyon.
Binasa ko, "FlipPage Media. Ledesma.."
"'Oy, baks, sorry, pina-puwesto pa kasi ako ni Sir Tomas sa ibang entry points kaya 'di ako agad nakabalik," nagsalita si Patti sa likod ko kaya naputol ang pagbabasa ko.
Pasimple kong ibinalik sa bulsa ko ang calling card bago humarap sa kanya. "Okay lang, nagliligpit pa lang din ako."
"Game, tulungan na kita." Nag-volunteer na siya. "Para maka-uwi na tayo."
"Sige, bes."
Five years later. "Congratulations, Florence!" Nagulat pa ako pagpasok ko ng pantry namin para mag-kape lang sana. Sabay-sabay na binati ako ng mga kasama ko sa opisina. Dahil na-sorpresa ako, ang tagal kong naka-titig lang sa kanila, bago nag-sink-in sa akin kung ano ang nangyayari. "Gulat si mamsh, o!" Tawa nang tawa si Ate IC na ka-opisina ko. "Galaw galaw, 'oy, baka pumanaw." "Sorry." Natawa na lang din ako. "Malay ko ba naman kasing may paandar pala kayo dito. Kaya pala parang mga aligaga kayo kanina pa." "Bitaw ka naman ng isang pang-malakasang speech diyan, Miss Florence." Pambubuyo sa akin ng isa
Isang lalaki ang dumating, matangkad, at siguro nasa mid-thirties ang edad. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, may bigote at balbas pero hindi naman kakapalan. Parang bida sa mga Mexican telenovela na sinusubaybayan ni Mama noong bata pa ako. Pero ang nakatawag ng pansin sa akin ay ang buhok niya - ash grey. Hindi ko alam kung uban ba iyon pero parang ang bata pa ni Sir para magka-uban na ganoon karami, saka lahat ng parte ng buhok niya, ganoon. Parang nagpa-kulay lang yata siya, pero in fairness, bagay naman sa kanya. Hindi siya nagmukhang matanda sa ganoong kulay ng buhok. "Good morning, Sir," sabay-sabay naming pagbati pero halata sa mga boses namin na nananatiya kami sa aming bagong boss. Ngumiti siya sa amin. "Chill. Ang stiff niyo masyado. Ganyan ba ka-terror si Dad?" Hindi namin alam kung tatawa ba kami sa biro niya. May isang nagla
Tara, Florence, were going out for lunch." Niyaya ako ni Kathryn. "Naku, sorry, may baon ako," tugon ko. "Lalabas kayong lahat?" "Yup. Wala na kasing nakakapag-baon sa 'min," si Nadine ang sumagot sa akin. "You know, in a hurry every morning." "Ah, sige, sa pantry na lang ako." Ngumiti ako para iparating sa kanila na okay lang naman ako. "Okay, see you later na lang," paalam ni Kathryn at lumabas na nga sila. Naiwan akong mag-isa sa office. Napatingin ako sa saradong pinto ni Sir Frank. Wala kayang balak mag-lunch 'yon? Katukin ko ba at yayain? Kaso baka naman nagpapahinga, mapagalitan pa ako.
"Luh. Totoo?" Nagulat ako. "Paano mo nalaman?" "Eh kaya nga sila nagkagalit ni Sir Maui!" pag-iinsist niya. "Magkasama lang sa sasakyan, may relasyon na?" Pagtataka ko. "Malamang! Anong ginagawa nila at ba't sila magkasama, aber?" Sure na sure naman itong si Kimverly. "Ano, naki-hitch lang? Galing pa nga sila sa isang five-star hotel bago nangyari 'yon, 'no." "Nandoon ka?" tanong ko. "Gaga! Siyempre, wala!" Natawa siya nang malakas at hindi ko alam kung bakit, nagtanong lang naman ako. "Pero 'yan ang kumakalat na usap-usapan sa opisina noon pa." "Ah, akala ko nandoon ka mismo sa hotel na pinanggalingan nila," sabi ko naman. "Tange, hindi." Tumatawa-tawa pa rin siya bago siya sumeryoso. "Kaya nga 'di agad naka-upo 'yan si Sir Frank as VP ng External Affairs, kasi iniiwasan niya talaga si Sir Maui." "Hindi ba dahil nasa puwesto pa rin naman kasi 'yong tatay niya, si Sir Freddie?" tanong ko. "Ano ka ba, dapat nga matagal nang nag-retire 'yon. Eh, kaso nga wala
"May sakit? Nagkita pa kami noong isang araw at mukhang maayos naman ang pakiramdam niya." Halata ang pagtataka sa boses ni Mr. Chan nang tawagan ko siya para sabihin na postponed ang meeting nila ngayong araw ni Sir Frank. "A-ang totoo po Sir, bago po siya umuwi kahapon ay nabanggit niya po iyon sa akin." Gumawa na lang ako ng kuwento. Sana lang hindi halatado dahil dito talaga ako mahina - sa pagsisinungaling. "Sinabi niya rin po kahapon na susubukan niya pa rin daw pong pumasok ngayon," sabi ko pa. "Kaya lang po, nag-advice siya ngayong umaga na hindi na nga po siya makakarating." Ang ending, ni-reschedule ko na lang ang meeting sa ibang date. Ganoon din ang ginawa ko sa nauna kong naka-usap na si Mr. Cordero na dapat ay ka-meeting din ni Sir Frank ngayong araw na ito. Tinuruan ako ni Miss Celine kanina kung paano makipag-usap professionally sa mga ka-deal ni Sir Frank. Dapat daw assertive ako at confident, pero alam ko, paminsan-minsan ay bumabalik ako sa shy at tim
Nauna nang umuwi ang mga kasama ko sa opisina. Ako na lang ang naiwan dahil hindi pa lumalabas si Sir at iyong bisita niya. Sa paraan ng pag-uusap nila, para namang friends sila ni Sir. Sana nag-set na lang sila ng weekend, hindi iyong ganitong office hours. Pasado alas sais na ng hapon.Wala na rin naman akong ginagawa dahil natapos ko na lahat ng tasks ko for today. Nakaligpit na nga lahat ng gamit ko at uwing-uwi na rin ako talaga. "O, Florence, nandito ka pa?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Sir Frank. May inilagay kasi akong file sa ilalim ng table ko. "Hatid na kita pauwi," sabi ni Mr. Sanchez sa akin. Ito na naman 'yong ngisi niyang nakakaloko. Medyo nakakainis na. "Hindi. Sa akin siya sasabay." Napatitig ako kay Sir Frank nang sabihin niya iyon. *** Nag-commute ako pauwi. Mas okay na ito kaysa sumabay sa kahit sinuman kina Mr. Sanchez o Sir Frank. Hindi naman sa pagmamaganda pero hinding-hindi ako magpapahatid sa Mr. Sanchez na iyon. Sobrang pr
"Kunin mo na, bilis." Nagmadali tuloy ako sa pagkuha. Ang tagal na kasing naka-extend ng kamay niya na hawak iyong credit card. "Sige po," sabi ko. "Puwede naman po i-reimburse ito." "Bahala ka na rin diyan." Aniya na para bang balewala ang pera. Ibinaba niya na iyong screen ng laptop niya. "Wala naman na 'kong meeting 'di ba?" Umiling ako. "Wala na po." "Alright. I'm going." Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. "Bye, Florence." "Bye po." Lumabas na siya ng opisina. *** "Don't you have a nickname?" tanong sa akin ni Sir Frank pagkatapos ng lunch meeting with the Sales Department. Isa-isa nang nag-aalisan ang mga inimbitahan namin at katatapos ko lang din tumawag sa maintenance personnel para makapagligpit at linis na dito sa conference room. "Po?" Napalingon ako sa kanya at inulit ang sinabi niya, "Nickname?" "Oo. Ang haba kaya ng Florence." Petiks na petiks lang siyang naka-upo sa swivel chair. Ako, nag-iimis na ng mga kalat sa mahabang
Bumaling na sa kanya sila Luna at Patti, pero ako, parang nanigas sa kinauupuan ko. "Hi, Florence. I know it's you." Narinig ko ulit ang baritonong tinig na iyon. Nai-imagine ko iyong hitsura niya habang sinasabi iyon kaya lalong hindi ako makalingon. "Hi daw, baks!" Siniko ako ni Patti. Napilitan akong ipa-ikot ang kinauupuan kong high swivel chair para harapin siya. Wala na akong magagawa. At tama nga ako, isang pang-asar na ngiti ang nasa mga labi niya ng mga oras na iyon. "Sir Frank..." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Kung puwede lang akong kunin ng mga alien ngayon, sasama na talaga ako. Sobrang nakakahiya! Kailan pa kaya siya nakatayo sa likuran namin? Anu-ano pa kaya iyong mga narinig niya? Pakiramdam ko, ang init ng mga pisngi ko, at kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong namumula ang mga iyon. Napansin kong may dalang cup of coffee si Sir Frank, at ang suot niya ay iyong coat and slacks na suot niya rin kanina sa opisina. "Don't worry, I won'