"Catacutan, Florence. Cum Laude."
Nagkatinginan kami ni Mama at ngumiti sa isa't-isa. Ito na ang bunga ng lahat ng sakripisyo, lahat ng pagsisikap, lahat ng puyat at pagod sa pinagsasabay na pag-aaral at trabaho bilang kasambahay.
Buong pagmamalaki kong tinanggap ang diploma at medalyang isinabit sa leeg ko habang hawak ko ang kamay ni Mama. Siya ang inspirasyon ko para magawa ang lahat ng ito. Pangarap ko kasing maiahon na siya sa pagiging katulong na katulad ko. Gusto kong masabi sa kanya balang-araw na, "Ma, ako na ang bahala."
Konting kembot na lang iyon. Next week, magsisimula na ako sa bago kong trabaho. Bago pa kasi itong pagtatapos namin ay nag-a-apply-apply na rin ako, may mangilan-ngilan ding kumpanya na tumatawag sa akin na iniimbitahan akong mag-apply sa kanila. Iyong pinakaunang nag-hire sa akin, g-in-rab ko na. Hindi na ako namili ng posisyon o kumpanya. Kahit ano pa iyan basta makapaghanapbuhay na ako at kumita.
Pagkatapos ng seremonya ay nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko.
"Mga bakla!" Naiiyak-iyak na sabi ni Patti. "Ano na, mami-miss ko kayo. Chosko, welcome to the real world na talaga 'to!"
"Group hug, dali!" Ibinuka ni Luna ang mga braso niya. Sumugod kami lahat sa kanya at nagyakap kaming lima.
Masaya akong natagpuan ang mga tunay kong kaibigan sa unibersidad na ito. Magagandang alaala ang babunin ko sa pagharap sa bagong yugto ng buhay ko dahil sa kanila.
"May mga kanya-kanya tayong celebration sa bahay, malamang," ani Ellie nang magkalas kaming lahat sa pagkakayakap sa isa't isa. "Ke'lan na tayo magkikita nito?"
"PM-PM tayo mga bes. Basta, PM-PM pa rin," sabi ko sa kanila. "'Wag kayong makakalimot, ha. Kahit magiging busy na tayo."
"Ikaw pa lang." Hinampas ni Chanel ang balikat ko. "Kami, mga tambay pa lang. But you, you're gonna start working next week."
"Wala, Cum Laude, eh." Nagkibit-balikat si Patti. "Cum landi lang kasi ang kinaya ko."
Tawanan kaming lahat.
"Ay, ito na sila Mommy," biglang sabi ni Chanel. Papalapit nga sa amin ang parents niya kasama pa ang boyfriend niyang si Jake.
"Tita!" sabi ni Patti sa Mommy ni Chanel. "Graduate na kami! Wala na pong manggugulo sa bahay niyo."
Natawa tuloy kami pati iyong mga parents ni Chanel. Sa bahay kasi nila kami madalas gumawa ng projects at research dahil malaki iyong bahay nila at kasya kaming lahat kahit doon pa mag-overnight.
"Paano, guys, we have to go," paalam ni Chanel sa amin. "Message, call, whatever, just please communicate mga beh!"
Nakita na rin ni Luna at Ellie ang mga parents nila sa crowd kaya kami ni Patti ang naiwan.
"Nasaan si Mama mo?" tanong ni Patti sa akin.
"Siguro nasa gate 'yon, naghihintay," tugon ko. "Eh si Pudra mo?" Ganoon niya kasi tawagan iyong tatay niya kaya ganoon na rin ang tawag ko.
"Nandoon din siguro. Tara," aniya. "Walang CP 'yon, eh."
Naglalakad na kami nang magsalita siya ulit, "Baks, game ka ba rumaket? Pero bukas na 'to."
"Anong raket 'yan?" tanong ko.
"Natatandaan mo 'yong agent na kumukuha sa 'tin dati para mag-flyering?" wika niya. "Need niya daw kasi ng tao bukas para sa booth niya sa car show sa MOA."
"Talaga? Sige. Kailangan ko rin ng perang panimula, eh," pahayag ko. "Hindi naman ako susuweldo agad."
Minsan kasi ay suma-sideline kami ni Patti bilang tiga-abot ng flyers sa mga kalsada o sa mga malls kapag wala kaming pasok. May kilala siyang agent na galing naman sa isang advertising company na siyang kumukuha sa amin. Mula sa sabon, bagong bukas na restaurant, bagong labas na motor at kung anu-ano pang produkto na maaaring i-advertise sa pamamagitan ng flyers.
Dito ako mas na-train sa patibayan ng loob. Nasanay na akong ma-deadma ng karamihan tuwing may iniaabot akong flyer, iyong tipong extend na extend na ang braso ko pero parang wala silang nakita. Pero mas malala iyong tatarayan pa ako na tipong titignan ako mula ulo hanggang paa na nakataas ang isang kilay, sabay sasabihin sa akin, "Do you seriously think I need that?"
Pero hindi ko na rin masyadong dinibdib ang mga ganoon. Ang importante sa akin, iyong kikitain ko. Pambaon din 'yon para hindi ko na mabawasan iyong pa-allowance nila Ma'am Carla sa akin. Pambili naman ng ibang pangangailangan sa school tulad ng mga libro at supplies para hindi ko na hingiin pa iyon kay Mama.
"Sige, game, kita tayo bukas sa office, baks," sabi ni Patti.
Sa site ko na lang nalaman na si Patti lang pala ang magpa-flyering sa MOA. In-assign ako ni Sir Tomas, iyong agent na kakilala ni Patti sa game booth na sponsored ng isang kilalang brand ng baterya ng kotse. Panay ang hatak ko pababa sa suot kong red body con dress - kung dress pa nga bang maituturing iyon. Pakiramdam ko, konting yuko ay sisilip na ang kuyukot ko sa kaprasong damit na iyon. Napansin ako ni Patti. "Bakla, okay lang 'yan, ang sexy mo kaya. Ang puti mo pala, chosko." "Nahihiya nga ako," conscious na sabi ko habang naglalakad kami papunta sa booth. "First time ko magsuot ng ganito. Sana man lang dalawa tayo." "Bastos ka. Eh 'di nagmukha akong shanghai roll sa damit na 'yan." Tawanan kaming dalawa. Nagkalat na ang mga tao sa venue, mostly mga kalalakihan. May nadaanan pa kaming pinagkakaguluhan ng crowd, iyon pala, seksing babae na naka-two piece na gumigiling-giling sa harap ng isang kotse habang kunwaring nagka-carwash. Culture shock. Ganito p
Five years later. "Congratulations, Florence!" Nagulat pa ako pagpasok ko ng pantry namin para mag-kape lang sana. Sabay-sabay na binati ako ng mga kasama ko sa opisina. Dahil na-sorpresa ako, ang tagal kong naka-titig lang sa kanila, bago nag-sink-in sa akin kung ano ang nangyayari. "Gulat si mamsh, o!" Tawa nang tawa si Ate IC na ka-opisina ko. "Galaw galaw, 'oy, baka pumanaw." "Sorry." Natawa na lang din ako. "Malay ko ba naman kasing may paandar pala kayo dito. Kaya pala parang mga aligaga kayo kanina pa." "Bitaw ka naman ng isang pang-malakasang speech diyan, Miss Florence." Pambubuyo sa akin ng isa
Isang lalaki ang dumating, matangkad, at siguro nasa mid-thirties ang edad. Mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, may bigote at balbas pero hindi naman kakapalan. Parang bida sa mga Mexican telenovela na sinusubaybayan ni Mama noong bata pa ako. Pero ang nakatawag ng pansin sa akin ay ang buhok niya - ash grey. Hindi ko alam kung uban ba iyon pero parang ang bata pa ni Sir para magka-uban na ganoon karami, saka lahat ng parte ng buhok niya, ganoon. Parang nagpa-kulay lang yata siya, pero in fairness, bagay naman sa kanya. Hindi siya nagmukhang matanda sa ganoong kulay ng buhok. "Good morning, Sir," sabay-sabay naming pagbati pero halata sa mga boses namin na nananatiya kami sa aming bagong boss. Ngumiti siya sa amin. "Chill. Ang stiff niyo masyado. Ganyan ba ka-terror si Dad?" Hindi namin alam kung tatawa ba kami sa biro niya. May isang nagla
Tara, Florence, were going out for lunch." Niyaya ako ni Kathryn. "Naku, sorry, may baon ako," tugon ko. "Lalabas kayong lahat?" "Yup. Wala na kasing nakakapag-baon sa 'min," si Nadine ang sumagot sa akin. "You know, in a hurry every morning." "Ah, sige, sa pantry na lang ako." Ngumiti ako para iparating sa kanila na okay lang naman ako. "Okay, see you later na lang," paalam ni Kathryn at lumabas na nga sila. Naiwan akong mag-isa sa office. Napatingin ako sa saradong pinto ni Sir Frank. Wala kayang balak mag-lunch 'yon? Katukin ko ba at yayain? Kaso baka naman nagpapahinga, mapagalitan pa ako.
"Luh. Totoo?" Nagulat ako. "Paano mo nalaman?" "Eh kaya nga sila nagkagalit ni Sir Maui!" pag-iinsist niya. "Magkasama lang sa sasakyan, may relasyon na?" Pagtataka ko. "Malamang! Anong ginagawa nila at ba't sila magkasama, aber?" Sure na sure naman itong si Kimverly. "Ano, naki-hitch lang? Galing pa nga sila sa isang five-star hotel bago nangyari 'yon, 'no." "Nandoon ka?" tanong ko. "Gaga! Siyempre, wala!" Natawa siya nang malakas at hindi ko alam kung bakit, nagtanong lang naman ako. "Pero 'yan ang kumakalat na usap-usapan sa opisina noon pa." "Ah, akala ko nandoon ka mismo sa hotel na pinanggalingan nila," sabi ko naman. "Tange, hindi." Tumatawa-tawa pa rin siya bago siya sumeryoso. "Kaya nga 'di agad naka-upo 'yan si Sir Frank as VP ng External Affairs, kasi iniiwasan niya talaga si Sir Maui." "Hindi ba dahil nasa puwesto pa rin naman kasi 'yong tatay niya, si Sir Freddie?" tanong ko. "Ano ka ba, dapat nga matagal nang nag-retire 'yon. Eh, kaso nga wala
"May sakit? Nagkita pa kami noong isang araw at mukhang maayos naman ang pakiramdam niya." Halata ang pagtataka sa boses ni Mr. Chan nang tawagan ko siya para sabihin na postponed ang meeting nila ngayong araw ni Sir Frank. "A-ang totoo po Sir, bago po siya umuwi kahapon ay nabanggit niya po iyon sa akin." Gumawa na lang ako ng kuwento. Sana lang hindi halatado dahil dito talaga ako mahina - sa pagsisinungaling. "Sinabi niya rin po kahapon na susubukan niya pa rin daw pong pumasok ngayon," sabi ko pa. "Kaya lang po, nag-advice siya ngayong umaga na hindi na nga po siya makakarating." Ang ending, ni-reschedule ko na lang ang meeting sa ibang date. Ganoon din ang ginawa ko sa nauna kong naka-usap na si Mr. Cordero na dapat ay ka-meeting din ni Sir Frank ngayong araw na ito. Tinuruan ako ni Miss Celine kanina kung paano makipag-usap professionally sa mga ka-deal ni Sir Frank. Dapat daw assertive ako at confident, pero alam ko, paminsan-minsan ay bumabalik ako sa shy at tim
Nauna nang umuwi ang mga kasama ko sa opisina. Ako na lang ang naiwan dahil hindi pa lumalabas si Sir at iyong bisita niya. Sa paraan ng pag-uusap nila, para namang friends sila ni Sir. Sana nag-set na lang sila ng weekend, hindi iyong ganitong office hours. Pasado alas sais na ng hapon.Wala na rin naman akong ginagawa dahil natapos ko na lahat ng tasks ko for today. Nakaligpit na nga lahat ng gamit ko at uwing-uwi na rin ako talaga. "O, Florence, nandito ka pa?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Sir Frank. May inilagay kasi akong file sa ilalim ng table ko. "Hatid na kita pauwi," sabi ni Mr. Sanchez sa akin. Ito na naman 'yong ngisi niyang nakakaloko. Medyo nakakainis na. "Hindi. Sa akin siya sasabay." Napatitig ako kay Sir Frank nang sabihin niya iyon. *** Nag-commute ako pauwi. Mas okay na ito kaysa sumabay sa kahit sinuman kina Mr. Sanchez o Sir Frank. Hindi naman sa pagmamaganda pero hinding-hindi ako magpapahatid sa Mr. Sanchez na iyon. Sobrang pr
"Kunin mo na, bilis." Nagmadali tuloy ako sa pagkuha. Ang tagal na kasing naka-extend ng kamay niya na hawak iyong credit card. "Sige po," sabi ko. "Puwede naman po i-reimburse ito." "Bahala ka na rin diyan." Aniya na para bang balewala ang pera. Ibinaba niya na iyong screen ng laptop niya. "Wala naman na 'kong meeting 'di ba?" Umiling ako. "Wala na po." "Alright. I'm going." Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. "Bye, Florence." "Bye po." Lumabas na siya ng opisina. *** "Don't you have a nickname?" tanong sa akin ni Sir Frank pagkatapos ng lunch meeting with the Sales Department. Isa-isa nang nag-aalisan ang mga inimbitahan namin at katatapos ko lang din tumawag sa maintenance personnel para makapagligpit at linis na dito sa conference room. "Po?" Napalingon ako sa kanya at inulit ang sinabi niya, "Nickname?" "Oo. Ang haba kaya ng Florence." Petiks na petiks lang siyang naka-upo sa swivel chair. Ako, nag-iimis na ng mga kalat sa mahabang