Kanina pa tapos si Ellaine na maligo at nakapagpalit narin siya ng damit. Dahil sa pagmamadali ay maong shorts at statement shirt lang ang sinuot niya.Dapat kanina pa siya bumaba at pumunta sa mga tao na nasa dining room pero natigilan siya. Halos isang oras na ata siyang nandito sa kwarto niya. Nakaupo lang siya may kama niya at malalim ang iniisip. "Akala ko nalunod ka na eh." Liningon niya kung sino ang nagsalita at doon nakita niya si Mico na nakasungaw sa may pinto niya. Hindi niya ito nginitian, hindi niya rin ito sinungitan. Tinignan niya lang ito. Pumasok si Mico at lumapit sakanya. Tumabi ito sa tabi niya. "Baba ka na. Matutunaw na ang kandila mo oh." Yumuko lang siya sa sinabi nito at pinaglaruan ang mga daliri niya. "Ellaine? Ano'ng problema?" Hinawakan ni Mico ang kamay niya ng mahigpit. Tinignan niya ito ng walang ekspresyon. "Bakit ka nandito? Death anniversary ni Ate.""It's also your birthday." Sabi nito na tila ba binalewala lang ang sinabi niya. "Matagal na
"Ellaine.." "Oh?""Huy!" Ilang ulit na niyang tinawag si Ellaine pero sagot lang ito ng sagot pero hindi naman siya tinitignan at pinapansin. "Tignan mo kaya ako." Naiinis na sabi niya. Kanina pa kasi niya ito kinakausap pero tila wala itong naririnig. Kanina nang ibigay niya ang regalo ni Ellaine ay akala niya siya ang yayakapin nito. Pero imbes na siya ang bigyan ng yakap nito ay ang regalo niya ang niyakap ni Ellaine ng mahigpit. Tinignan naman siya ni Ellaine nang siguro'y maulingan nito ang bahid ng inis sa boses niya. "Naiinis ka ba?" Nakangiting tanong sakanya ni Ellaine. "Tingin mo?" "Ang sungit mo naman." Natatawang sabi ni Ellaine. "Hindi ka pa nga nagte-thank you sa'kin eh." Nakangusong sabi niya rito. Pinalo naman siya ni Ellaine tapos ay sumiksik sa tabi niya. Laking gulat niya nang bigla siyang yakapin ni Ellaine. Sa wakas."Thank you, Mico! Nagustuhan ko talaga iyong gift mo."Niyakap naman niya ito pabalik. Tinignan niya ito. "Basta ako una mong ipinta ah?"
Two months na si Ellaine sa rancho nila Mico. Five weeks ago ay umuwi siya sa metro dahil pinasundo siya ng Mommy niya for her Dad's birthday. Hindi na rin siya nagreklamo dahil aaminin naman niyang namiss niya ang kanyang buhay roon. Masaya siya nang hindi na puro bundok at puno ang nakikita niya. Feeling nga niya noon ay isa siyang probinsyana na ngayon lang nakakita ng nagtatayugang buildings. Two days lang siya namalagi sa mansion nila at tsaka ay pinabalik na siya sa rancho ng Daddy niya. Nagtaka nga siya dahil hindi sila nag-away ng parents niya sa pagbalik. Pabor sakanya iyon, less stress. Ewan ba niya, pero mas na-excite pa nga siyang bumalik sa rancho kesa sa manatili sa hacienda. Sa loob rin ng dalawang buwan ay pabalik-balik si Mico sa Metro at dito sa rancho. Ang sabi ni Mico ay dahil sa kaibigan niyang si Marco na may problema raw. Hindi narin siya nagtanong pa dahil hindi naman siya tsismosa. Tulad ngayon, wala nanaman ulit si Mico dahil ay may lakad daw sila ng barka
Nakita ni Ellaine kung paano paglulundagan ng apat na makikisig na lalaki si Mico. Sa may isang tabi ay naroon naman ang apat na mga babae. Ang isa ay tila modelo, matangkad at ang ganda. Ang isa naman ay isang medyo matangkad na babae, kulot ang buhok at may DSLR sa leeg, ang isa naman ay isang petite na babae na nakaangkla ang braso sa matangkad na babae habang ang isa ay halata ang baby bump nito pero kahit ganoon ay umaangat ang kagandahan at pagiging elegante nito. Nangunot ang noo niya, parang nakikilala niya ang babaeng buntis. Saan nga ba niya ito nakita?Nang mapagtanto niya ay biglang nanlaki ang mata niya at hindi niya napigilang lapitan ito para makipagkilala. "Colyn? Colyn Valdez, right?" Abot niya sa kamay ni Colyn.Tila nagulat ito pero sandali lang dahil natawa ito at kinamayan siya. "Yes. Ako nga." Nakangiting sabi nito. "But my surname is Santillan now." Natatawang sabi nito sakanya. "Oh my God! I can't believe I will see you in person! I love your designs! Suki
Maingay ang kabuuan ng dining area dahil sa mga kaibigan ni Mico. Gaya ng sinabi ni Ellaine kanina, ay sinabihan nga nito si Manang Ising na ipaghanda ang mga bagong dating ng pagkain. Kanina pa ni Mico hinahanap si Ellaine, pero hindi niya ito makita. Sakto namang lumapit sakanya si Manang Ising para ilagay ang isa pang plato ng ulam. "Manang, si Ellaine ho?" Tanong niya sa matanda. "Nasa kwarto niya. Doon nalang rin daw siya kakain." Sagot nito sakanya. Kumunot naman ang noo niya. Bakit kailangan pa ni Ellaine na sa kwarto pa nito ito kumain? Now, he really knows that something's going on with Ellaine. Hindi niya lang mapinpoint kung ano iyon. Dati rati, mabilis niyang mapagtanto kung ano ba ang iniisip ni Ellaine. Pero ngayon, hindi na. Malaki na talaga ang ipinagbago nito. Minsan gusto niyang buksan ang utak nito para lang alamin kung ano ang nasa isip nito. Katulad nalang ngayon. "Mico, si Ellaine?" Tanong sakanya ni Mitch. "Nasa kwarto niya. Nahihiya siguro sainyo." Iyon
Papikit-pikit pa si Ellaine habang bumababa sa hagdan. Napaaga ata ang gising niya ngayon. Dapat mamayang eight pa ang balak niyang gising pero it's only five am but she's up. Siguro nasanay na talaga ang katawan niya na maaga ang gising. Kasi naman sa dalawang buwan na niyang narito ay ganoon nalang lagi ang routine niya. Pumasok siya sa dining area. Nagulat siya dahil naroon ang mga babaeng kaibigan ni Mico."Ellaine, good morning!" Bati sakanya ng isa. Hindi na niya matandaan ang mga ito pwera nalang kay Colyn na sikat na designer at buntis nga ngayon. Nginitian nalang niya ang bumati sakanya. "Halika, join us." Sabi nung katabi ng bumati sakanya kanina. Hindi na siya nakatanggi ng hilahin siya nung petite girl paupo. "Ano gusto mo? Kumakain ka ba nh heavy breakfast?" Tanong nung humila sakanya. Nginitian niya ito ng alanganin. "Uhm.. I'm sorry ah. Pero ano nga ulit ang mga pangalan niyo? Si Colyn lang kasi iyong kilala ko." Akala niya ay magagalit ang mga ito pero tumawa la
Papasok na sana si Ellaine sa kanyang kwarto nang tawagin siya ni Erin. "Do you need anything?" Tanong niya kay Erin. Nakayuko ito sa harap niya at pinaglalaruan ang mga daliri."Ellaine, about sa nangyari kanina--""It's okay, Erin." Nakangiting sabi niya."Sorry talaga. Hindi ko naman alam." Hinging-paumanhin ulit nito. Tinapik niya ito ng mahina sa balikat. "Ano ka ba! I said it's okay. Sige ah, if you'll excuse me, it's my siesta time."Tumango naman ito at hinayaan siyang pumasok sa loob ng kwarto niya. Kaninang lunch nila, sobrang awkward siguro ng atmosphere kung hindi nagdadadaldal ang mga lalaki. Kasi siya, si Erin at si Mico ay tahimik lang. Inisip niya ang nangyari kanina, ang biglang pananahimik ni Mico matapos mabanggit ang mga patungkol sa ate niya. Sinubukan siya nitong kausapin kanina ng palihim pero hindi niya ito hinayaan. Kung may mga pagkakataong makakaiwas siya, iyon ang ginagawa niya. Ayaw niya marinig kung ano man ang sasabihin nito. Tama na muna, masyado
Napapitlag si Ellaine nang biglang bumukas ang pinto niya at iniluwa noon si Mico. "Ano'ng kailangan mo?" Tanong niya rito habang inaayos niya ang kanyang gamit. "I just want to say sorry sa nangyari kanina." Sabi ni Mico habang palapit sakanya. "Forget it." Simpleng sagot niya. "Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong ni Mico sakanya. Tinignan niya ito saglit at ibinalik ang atensyon sa pag-aayos ng mga damit niya. "Hindi nga sabi eh. Huwag ka nang makulit." Naiinis nanaman niyang sabi. Binuka ni Mico ang kanyang bibig na animo'y may gusto pa sanang sabihin ngunit mabilis rin nitong isinara ang bibig. Sa huli'y bumuntong-hininga nalang ito at iniwan siya sa kanyang kwarto. Nang marinig niya ang pagsara sa pintuan niya, mabilis niyang binitawan ang hinahawakang damit at miski siya ay napabuntong-hininga nalang rin. Napapikit siya ng mariin. Masyado na ba siyang malupit kay Mico? Pero sa tingin niya dapat lang iyon. Iba na siya ngayon, hindi na siya tulad ng dati na mahina at madal