Share

Chapter Sixteen

Kanina pa tapos si Ellaine na maligo at nakapagpalit narin siya ng damit. Dahil sa pagmamadali ay maong shorts at statement shirt lang ang sinuot niya.

Dapat kanina pa siya bumaba at pumunta sa mga tao na nasa dining room pero natigilan siya. Halos isang oras na ata siyang nandito sa kwarto niya. Nakaupo lang siya may kama niya at malalim ang iniisip.

"Akala ko nalunod ka na eh."

Liningon niya kung sino ang nagsalita at doon nakita niya si Mico na nakasungaw sa may pinto niya. Hindi niya ito nginitian, hindi niya rin ito sinungitan. Tinignan niya lang ito.

Pumasok si Mico at lumapit sakanya. Tumabi ito sa tabi niya.

"Baba ka na. Matutunaw na ang kandila mo oh."

Yumuko lang siya sa sinabi nito at pinaglaruan ang mga daliri niya.

"Ellaine? Ano'ng problema?" Hinawakan ni Mico ang kamay niya ng mahigpit.

Tinignan niya ito ng walang ekspresyon. "Bakit ka nandito? Death anniversary ni Ate."

"It's also your birthday." Sabi nito na tila ba binalewala lang ang sinabi niya.

"Matagal na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status