Share

KABANATA 51

Office

Nanatili ang kaibigan Mike sa office niya kaya ang ending wala na naman siyang nagawang trabaho.

"Hindi mo ba papakainin ng Lunch yang asawa mo Mike?" tanong ni Lee pagkatapos niyang tingnan ang kanyang relo. Tumingin rin si Mike sa kanyang relo at bumaling sa akin.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Mike sa akin.

"Dalhin mo yan sa baba, doon kayo kumain," sabi ni Everett.

"Kami o sasama kayo?" sabi naman ni Mike. Natawa ang dalawa.

"Bakit ba tinago mo yang asawa mo?" natatawang tanong ni Lee at lumingon sa akin. "Wag kang papayag," sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Dahil naman sa akin kaya ayaw niyang may maraming tao na makakita sa akin.

"Ayaw ko rin ng maraming tao," sabi ko sa kanila. Silang tatlo ang tumingin sa akin, si Mike alam na niya ang dahilan pero ang dalawa, wala pa atang idea.

"Bakit?" sabay nilang tanong sa akin. Nagkatinginan pa sila pero bumalik agad ang tingin sa akin.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status