update days. MWF IF i'm busy. TTHS :)
PAGKAGISING KO ay kaagad akong nag-ayos ng aking higaan. Namataan ko rin ang limang paper bag na nakalagay mismo sa may bandang paanan ng aking higaan. Ito na siguro ang sinasabi ni Roger sa akin kagabi bago ito lumabas. Kaagad kung chineck isa-isa ang laman ng mga paper bag. Tatlo sa mga paper bags ay naglalaman ng mga personal na gamit ko sa pang araw -araw. Nilakipan niya rin ito ng isang pares ng sapatos, dalawang t-shirt at isang pantalon. Ang laman naman ng dalawang natitira na paper bags ay mga damit ng aking alaga at laruan. Pagkatapos kung suriin ang laman ng mga paper bags ay maingat ko na itong sinalansan sa lagayan. Natuwa akong makita na may bago akong mga gamit. At baka madagdagan pa sa mga sumusunod na mga araw. Muli kung nilingon ang aking alaga. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kabilin-bilinan pa naman sa akin ni Analie kahapon na hangga't hindi pa gumigising ang aking alaga ay hindi ako allowed na lumabas ng silid. Kaya habang naghihintay na magising ito ay n
"WELCOME to Kusina ni Crising!" Masiglang bati ng isang magandang babae na nakatayo sa may pintuang kahoy. Ang bubungan ng labas ng restaurant ay gawa sa nipa. Malikhain ang pagkaukit ng pangalang ng restaurant sa isang banig. Ang haligi naman ay gawa sa traditional na kawayan, o tinatawag na 'amakan o sawali.' Nakalambitin naman sa itaas ang dalawang malaking lampara. "Do you have any reservation, sir?" Magalang na tanong ng magandang babae sa asawa ni ma'am Rochelle habang dahan dahang binuksan ang kawayan na pintuan. "Yes, Rochelle Bernardino. 11 adults and 3 kids." Narinig kong sagot ni ma'am Rochelle. Hindi ko na masyadong naintindihan ang iba pa nilang pinag-usapan dahil abala na ang aking mga mata sa pagmamasid sa aming dinadaanan. Bumungad sa akin ang daanan na puno ng peebles at isang masining na paarkong mga kawayan na may mga dahon pa sa bandang itaas. Sa dulong bahagi naman nito nakatayo ang isang puno na may apat na nakalambitin na bamboo lights. "This w
MAGTAKIPSILIM na nang makarating kami. 'Sa wakas! Makapag-unat na rin.' Medyo namamanhid na rin kasi ang aking mga hita. Akala ko pa naman ay alas dos talaga kami makarating rito pero mukhang mali ata ng estimate ng oras si ate Melleza. "Daddy, I want to pee," aniya ng aking alaga kay Roger. Eksakto lang talaga na magbubukas si Roger sa pintuan ng kaniyang sasakyan. Mabuti nalang talaga at sinigurado ko na umihi muna kami d'on sa restaurant bago umalis. Kaagad na binuhat ni Roger ang aking alaga upang samahan sana ito papunta sa comfort room. Nagmamadali naman akong lumabas ng sasakyan upang tumulong sana kay ate Melleza. Ngunit pagkatapak ng aking paa sa semento ay bigla nalang na bumigay ang aking mga binti. "Aray ko po!" Napadaing ako sa pagkabigla. Napaupo ako ng wala sa oras sa semento. Napahiyaw pa ako lalo ng inalalayan ako ni kuya Oming na makatayo pero hindi ko man lang magawa na maigalaw ang aking mga paa. "Yaya Mel, pasuyo naman kay Reema," nabiglang wi
KANINA ko pa gustong lapitan ang ma'am Sol na may-ari ng resort na kasalukuyan na tinutuluyan namin ngayon. Ngunit, nagdalawang- isip rin ako na baka kahawig niya lamang si tiya Leda. Si tiya Leda ay ang matalik na kaibigan ni tiya Judith, katulad ng pagkakaibigan nila ate Sandy at ninang Marites. Natapos nalang kaming kumain ay hindi ko pa rin maiaalis ang tingin dito. "Yaya Sab, are you okay now? Can you able to carry me in the pool? I really wanted to swim but ate Mel is still busy," nagmamakaawa pa nitong pakiusap sa akin," please...""Sure baby. No problem. "Hinawakan ko ang maliit nitong kamay at inakay papalapit sa swimming pool na nakap'westo lamang sa harapan ng malawak na garden. Nakita ko na masayang naglalaro ang mga batang sina Bea at Roxanne. Parehong nakasakay ang mga ito sa salbabidang may mga cartoon characters pa na hugis. Nakaalalay kay Bea ang nanay nitong si ate Angie at sa tabi naman ni Roxanne si Maia. Sa kabilang bahagi naman ng pool nakalutang ang sa
ANG LIKURANG bahagi ng private resort ni ma'am Sol ay isang beach. Kasalukuyan kaming nakaupo sa buhangin. Nakabuo kami ng pabilog na hugis na pag-upo. Napagitnaan ako nina ate Angie at Maia. Nasa tapat ko naman nakaupo si Roger na abala makipagkwentuhan kay kuya Fred. "Sisimulan ko na ang ating palaro, guys!" May kalakasan na pag-anunsyo ni sir Joel sa lahat. Tama lang upang tumigil ang lahat sa ginawang pakikipagdaldalan. Inilabas nito ang isang bote ng alak na wala ng laman. Ipin'westo ito sa gitna namin at sinimulan na paikutin. Seryosong nakatutok ang lahat sa bote na umiikot. Nang tumigil ang pag-ikot nito ay sinundan namin kung kanino nakatapat ang ulo ng bote. Unang tumigil ang bote sa tapat ni Maia. Pinapili siya kung truth or dare. Ang pinili niya ay truth. Tinanong kami ni sir Joel kung sino ang gusto na magtanong kay Maia. Kaagad na nagtaas ng kamay si Analie. "Ako ang unang magtatanong. Papaano mo naging tatay si kuya Oming? Eh hindi naman sila nagkaanak ng na
WHEN ROGER kissed me back hungrily. Muling nagdagsaan ang lahat ng mga ala-ala ko sa kahapon na pilit ko nang kinakalimutan. Hindi ko na naman ito naagapan, dahil tuluyan nang bumigay ang depensa ko sa katawan. Bumabalik na naman sa akin ang mga alaala kung papaano nito nakamit ang aking first kiss. Nanumbalik na naman ang lahat.Simula ng unang tagpo namin sa balon ay napapadalas na ang pagdalaw ni Roger sa lugar namin. At ang palaging rason nito tuwing dumadalaw ay inuutusan ito ni ninang. Sa bahay nila tiyo Samuel ito palaging nagpupunta si Roger at tuwing dumadalaw ito ay hindi ito pumapalya sa pagdadala ng kung ano-anong mga pasalubong.Isang beses na tinanong ako nito kung ano ang pangarap ko sa buhay. Matapos ko sagutin ito ay palagi na akong dinadalhan nito ng iba't ibang klase ng libro, at mga magasin. Natatandaan ko pa ang sinabi nito na," hindi ito bigay ni Tess. Binili ko talaga iyan para palagi mo akong maalala."Hanggang sa namalayan ko nalang ang aking sarili
MATAPOS mangyari ang gabing iyon ay tuluyan ko nang inilayo ang aking loob kay Roger. Kahit mahirap para sa akin ay kinakaya ko nalang para sa aking mga pangarap. At ayokong biguin si nanay. Mabuti na nga lang at bihira nalang kaming magkita rito. Maliban na lang talaga sa araw ng linggo dahil ito ang pahinga niya.Mukhang naiintindihan naman nito ang ginawa kong pag-iwas sa kan'ya. Hindi na ako nito kinukulit. Kung nag-uusap man kami ay saka ko pa ito kakausapin kapag kailangan na kailangan talaga. Pero bakit gan'on? Hindi ako masaya sa pambabalewala nito sa'kin? Nadidismaya pa nga ako kapag wala nang pahabol na tanong ito sa akin. Hindi na rin ako nito tinititigan katulad ng dati. Tila ba nawalan na ito ng spark para sa'kin. Kaya hindi ko maiwasan na mamimiss ang presensya nito. Lalo na ang pasimpleng paglalambing nito sa akin dati. At sa ikasampung pagkakataon, nasaktan na naman ako.Narealize ko na mabuti na siguro ito para hindi na ako umasa ng sobra. Panahon na talag
QUARTER to seven na ng gabi nang mapagpasiyahan namin ni Maia na magligpit na. Tatlo lamang ang bumili, nabibilang lang din sa daliri ang mga naging customer namin ni Maia. Hindi na rin masama sa maghapon na pagbabantay. Sa halaga ba naman ng mga items nila rito ay tiyak makakabawi na rin sila. "Tamang tama lang pala ang pagdating namin." Biglang salita ng isa sa mga lalaking pumasok sa boutique. Akmang magsasalita na sana ako upang sabihin na magsasara na kami ng makita ko na ang isa sa mga lalaking pumasok sa botique ay si kuya Fred. Ang lapad ng mga ngiti nito sa labi. Nilingon ko si Maia na nakatayo sa aking likuran. Mahahalata na kinikilig ito."Goodevening, Sabrina. Goodevening, mahal." Isang tango lamang ang naging tugon ko kay kuya Fred na nagniningning ang mga mata habang nakatitig kay Maia. Ganito rin ang mga tinginan sa akin ni Roger noon. And speaking of Roger, nandito rin siya ngayon sa botique. Seryoso itong nakatayo sa hilera ng mga lingeries. kinatatayuan.