Share

CHAPTER 5

Deal

"Hoy! Saan mo ba ako dadalhin!?" sigaw ko kay Blake habang hila-hila ako.

"Sa rooftop," sagot niya.

Umakyat kami sa rooftop ng lumang building katabi ng grade 10 building. Binuksan niya ang pintuan ng rooftop at bumungad sa akin ang tanawin ng buong St. Willford.

"Ang sabi ko hintayin mo ako rito," saad niya. "hindi ka dumating."

Humarap ako sa kanya at sumimangot ang mukha. "Wala kang sinabi na sa lumang building magkita," tugon ko sa kanya. "where's my phone?" dugtong ko.

"One condition though, Ava." malamig na sambit niya.

"Ano na naman 'yan, Blake?" napakamot ako sa batok dahil sa inis.

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "You call me babe early," He said. "Why?"

"That was just a dare. Sa sobrang inis ko sa'yo dahil wala ka kanina sa rooftop at kanila Jyra at Alyssa kaya pinatulan ko." palinawag ko.

Ngumisi siya. "Then, let's continue doing that."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Continue what?" I asked.

"Let's make them believe that we are actually a couple," tugon niya. "kunwari mag-couple talaga tayo. Pagselosin natin si Alison tapos once na effective at nakipagbalikan siya sa'kin then let's ended it."

Natawa ako sa sinabi niya. Ang lakas din ng isang 'to! "That will never gonna happened, so please bring back my phone so I can go back to cafeteria and eat my lunch."

"Nope," umiling siya. "hindi ko bibigay sa'yo ang cellphone mo hangga't hindi ka pumapayag." malamig na sambit niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag niyo nga 'kong idamay sa issue niyo ni Alison! Wala akong pakialam sa inyo o sa kung anong meron sa inyo!"

"I just need your help, Ava." naging malambot ang ekspresyon ng mukha niya. "once na malaman ko why she broke up with me then I'll let you go. Dito lang naman tayo sa school magpapanggap na magkarelasyon."

Tumabi ako sa kanya bago tinanaw ang tanawin sa akong harapan. "Ang hirap ang pinagagawa mo, Blake," kumento ko. "strict ang parents ko at pagnalaman nila 'to, I am sure they'll get mad at me."

"Then I will promise to them that I can take care of you once they know," He answered. "so please help me."

Bumaling ako ng tingin sa kanya. His face is so serious. Nakatingala pa ako sa kanya dahil sa liit ko ay hanggang dibdib niya lang ako. Ang gwapo naman ng mukhang 'to! Wala siyang bakas ng pimple or dumi sa mukha. No doubt, Blake is really a good looking.

Bumuntong hininga ako. "Blake, nagugutom na ako kaya ibalik mo na ang cellphone ko." pag-iiba ko ng topic.

"I'll cook something for you." ngumiti siya bago na naman ako hinawakan sa kamay.

"Saan mo na naman ako daldalhin?" takang tanong ko.

"Sa secret place ko," sagot niya.

At hinila na naman niya ako kung saan. Bumaba kami sa rooftop at huminto sa third floor ng lumang building.

"Bakit tayo narito sa storage room?" tanong ko ulit sa kanya.

Pumasok kami sa loob at bumungad sa'kin ang mga gamit. Para siyang kitchen na malaki dahil may mga gamit pangkusina at may lutuan din.

May mga lumang armchair na nakalagay sa gilid malapit sa bintana na may sira ang iba.

"Sabi mo nagugutom ka na. Ipagluluto kita." nakangiting saad niya.

Pumwesto siya sa malaking pahaba na counter at kumuha ng unsalted butter, cream cheese, vanilla extract, salt and powdered sugar. Nilagay niya ang mga iyon sa ibabaw ng counter.

"Magbe-bake ka?" tanong ko at umupo sa umupo sa harapan ng counter.

"Wala naman kayong teachers for the next two hours, right?" tumingin siya sa 'kin.

Tumango ako. "Oo," sagot ko. "last subject lang ang meron kami ngayon."

"Good! after nitong ma-bake, we can eat this on the rooftop."

Nakatingin lang ako sa ginagawa niya nang may mag-ring na cellphone. Kinuha niya iyon sa bulsa niya at binigay sa'kin.

It's a call from Mom. I grabbed my phone to his hand and clicked the answer button.

"Ava, where are you?" bungad na tanong sa'kin ni Mommy.

"I'm still at school, Mom." I answered. "why?"

"Pakisabi kay Ate Emerald mo na sumunod dito sa Maynila. We just need to fix some things here before we get back there. Are you okay with that? Kasama mo naman ang Lola mo." ani Mom.

"Okay lang naman, Mom. Don't worry about me, I can handle myself." nakangiting sagot ko.

"I miss you, Ava! Promise after this we'll bonding together." ramdam ko ang pagka-miss sa amin ni Mommy.

"I miss you too, Mom! I'll tell Ate Emerald about that. Take care of yourself Mom and tell Dad I miss him too."

"Okay. Baba ko na ang phone, busy dito sa hotel natin."

Pinatay ko ang tawag at tinext si Ate Emerald na pumunta ng Maynila. Nilagay ko ang cellphone ko sa pocket ko, saka nagbuntong hininga.

"What was that for?" tanong ni Blake.

"I just miss my family," I said, pouting my lips. "lagi kasi silang busy sa hotels namin sa Maynila tapos ngayon nagbabalak sila na dagdagan ang hotel dito sa Isle Esme. Na bo-boring lang ako rito."

"Hindi ka mabo-boring dito sa Isla dahil maraming magagandang lugar dito. Hindi mo pa nga lang napupuntahan, pero I am sure you'll like it here." pahayag niya.

"Paano nga makakagala kung ang daming school activities." nakasimangot na saad ko. Hindi ko pa na lilibot ang Isla dahil nag-start ang school tapos tambak pa ng gawain.

"Pag wala nang gagawin sa school, samahan kita." ngumiti siya habang hinahalo ang gagawin niyang cream cheese frosting. Alam ko lang na 'yon ang gagawin niya dahil favorite ko 'yan.

"Totoo? Sabi kasi nila Kath at April, igagala nila ako sa Isla." tugon ko.

"Oo naman, 'no! Masaya rito sa Isla. Tahimik at payapa ang mga lugar."

Hindi na ako nagsalita pa. Hinintay ko siyang matapos ang cream cheese na ginagawa. After niyang matapos ay umakyat kami ulit ng rooftop.

May bench doon kaya do'n namin nilagay ang dalang cream cheese frosting sa gitna bago umupo. Kumuha ako ng isa at kinain 'yon agad. Napangiti ako ng matiknam na masarap ang binake niyang cream cheese frosting.

"Masarap 'to kung may cheese pa." kumento ko. Nang maubos ko ang isa ay kumuha pa ako.

"Hinay-hinay lang naman." natatawa na sambit niya.

Inirapan ko lang siya. "Tse! Ubusin ko 'to dahil ginutom mo 'ko papunta rito!"

"Now I know why your cheeks are chubby." saad niya.

"Cute at maganda naman ako kahit mataba ang pisngi ko. Healthy pa!"

"So, payag ka na sa alok ko?"

Napatingin ako sa kanya. "Ayokong madamay sa issue niyo ni Alison," simpleng sabi ko. "tapos sila Jyra at Alyssa pa. Kung anu-anong sinasabi sa'kin, baka sa sumunod bigwasan ko na sila sa inis."

"Don't worry about them. Ako ang bahala sa kanila at sa mga magkakalat ng maling issue sa 'yo." sagot niya.

Unimon ako ng tubig bago humarap sa kanya.

"Okay," I sighed. "here's the rules. Number one, don't tell my parents about this. Strict ang Mommy at Daddy ko at siguradong magagalit sila. Second, no clingy things. Dito lang tayo sa school mag a-act as a couple, but in public we're just friends. And lastly, you have to promise that you won't fall in love with me. Wala pa akong balak magka-boyfriend at study first muna ako. Gets?" mahabang pahayag ko.

Hindi siya nagsalita kaya akala ko okay na. Kaso maya-maya ay tumawa siya. Malakas siyang tumatawa kaya malakas ko siyang sinuntok sa biceps niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "May nakakatawa sa sinabi ko?" malakas na bulaslas ko.

"Wala," natatawa na sambit niya. "I am okay with your first and second rules, but the third one? I don't think so. Baka ikaw ang ma-fall sa'kin."

Inirapan ko siya. "Ang kapal talaga ng mukha mo, Blake! Ako? Ma-i-in love sa 'yo? Asa ka! Hindi ikaw ang ideal man ko!"

"That's the deal, then?" naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman 'yon.

"That's the deal, Blake." ulit ko.

"Ang cute mo!" aniya bago kinurot ang kaliwang pisngi ko.

Hinampas ko siya sa kamay. "Alam ko na cute ako!"

Inubos lang namin ang tirang cream cheese frosting bago bumaba ng building.

"Hatid na kita." sambit niya nang makababa kami sa lumang building.

"Huwag na," sagot ko kaso naalala ko yung deal namin. "fine."

Naglakad kami sa ABM building kaya pinagtinginan na naman kami. Hindi sila pinansin ni Blake kaya gano'n din ang ginawa ko. Umakyat kami sa third floor ng building. Nang nasa dapat na kami ng room ay humarap ako sa kanya.

"Salamat sa pagkain. Nabusog ako." nakangiting saad ko sa kanya.

Kinurot niya ulit ang pisngi ko pero mahina lang.

"Wala 'yon!"

"Nasasanay ka sa pisngi ko. Ingit ka lang." I rolled my eyes at him.

Mahina siyang natawa. "Sige na. Pasok na."

Ngumiti lang ako bago pumasok ng room. Nakatingin ang mga classmates ko sa'kin. Iba't-ibang ang uri ng tingin ang binigay nila. May nagtatakang, may nagulat at sila Jyra at Alyssa ay galit na tumingin sa 'kin.

Si Alison ay tahimik lang. Hindi ko mabasa ang tingin sa mga mata niya. Sila Kath at April ay nakangiti ng maluwag. Napailing na lang ako bago pumunta ng desk ko.

"Ava, you have a lot of things to tell us." bungad sa'kin ni April. Nakangisi siya habang nagtaas-baba ang kilay.

"Later," sagot ko.

"B*cth!"

Napatingin ako kay Alyssa. Nakataas ang kilay niya sa'kin.

Mataray ko siyang nginitian. "Kung inggit ka, maghanap ka rin ng boyfriend mo." pagtataray ko rin sa kanya.

She greeted her teeth before she sat down on her chair. Kung mataray sila, mas mataray ako!

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Dimple
para-paraan ka Blake
goodnovel comment avatar
Gina
Ngpauto nmn tong s ava
goodnovel comment avatar
Blakey Fuentes
Blake wrong move ka pare
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status